CHAPTER TWO

3116 Words
-Lord Zen Levy- Nagmamadali akong pumasok ng hide out ko dahil sa nahuli na rin ang taong matagal ko ng pinahahanap, hindi ako papayag na hindi ko ito mapaparusahan dahil sisiguraduhin kong buhay ang magiging kapalit nito oras na mapatunayan kong isa itong trayor at kung bakit napahamak ang panganay kong anak na si Marco. Nakakita ko ang takot nito sa kanyang mata ng makita rin ako nitong pumasok at mabilis ko itong nilapitan ng sa ganoon ay makita nito ang malademonyo kong pagpaparusa. Kung tutuusin ay hindi ko inaasahan na ito pa ang magiging traydor dahil alam kong matalik na rin itong kaibigan ng aking anak, subalit ngayong nakikita ko itong nanginginig sa akin ay natitiyak kong may nagawa nga itong kasalanan sa aking pamilya. Hindi ko rin malaman kung paano nito nagawa ang ganoong bagay, dahil naging mabait dito ang aking anak. Sa katunayan ay kami ang tumutulong sa pamilya nito para mas lalo pa silang umasensyo sa kanilang mga negosyo at alam kong mabubuting tao ang mga magulang nito, kaya paano nito nagawa ang ganon kasamang bagay sa aking anak. “Isa kang inutil Diego, akala mo ba hanggang ngayon ay kaya mo pa rin akong paikutin? Sa tingin mo rin ba ganito akong kadaling magpapatalo sa isang tulad mo? Hindi ako magiging isang mafia lord kung ang isang tulad mo lang ang tatalo sa akin.” Galit kong salita dito, sakal-sakal ko ito gamit ang isang latigo na paborito kong gamitin sa tuwing magpaparusa ako ng mga traydor. Duguan na rin ito dahil sa ginawang pangbubugbog ng aking mga tauahn, basta ang bilin ko sa kanila ay huwag nilang papatayin dahil ako ang kukuha ng buhay nito ng sa ganoon makita n’yang hindi ako madaling mapabagsak kahit pa nagawa nilang saktan ang aking anak. “Lord boss, maniwala ka wala akong kasalanan. Hiindi ko alam kung bakit napunta sa akin ang lahat ng ibidensya sa tingin ko may taong gustong sirain ako sa inyo, alam nilang kaibigan ko si Marco kaya nila nagawang iset-up ako sa inyo ng sa ganoon mapagtakpan kung sino talaga ng nasa likod ng ito, pero totoo ang sinasabi ko hindi ko kayang saktan ang kaibigan ko.” Kinakabahan na rin nitong sagot sa akin kasabay ang panginginig nito dahil na rin sa takot na maaari na itong mawala sa mundo kahit anon goras ko gustuhin ngayon. Tinignan ko lang ito at pinag-aralan ang kanyang kilos, subalit wala akong makita o maramdam na nagsasabi ito ng totoo kaya naman napangisi lang ako dito na parang isang totoong demonyo. “Tama, kaibigan mo ang anak ko. Kaya naman nagtataka talaga ako kung sino ang nasa likod mo ay kaya mo s’yang paikutin ng ganoon kadali. Nagawa n’yong ipalabas sa lahat na inumbush ang kanyang sinasakyan, at nahulog pa sa bangil ng sa ganon ay wala kaming makitang ibidensya na magtuturo kung nasaan na ito ngayon.? Alam mo rin bang magaling ka sanang artista kung nasa isang palabas ka lang sana, ang kaso real life to at ako mismo ang bida. At alam mo ba kung ano ang ginagawa sa mga kontrabida kagaya mo hmm,,,?” Ngisi kong tanong dito na mas ikinatakot nito. Hinigpitan ko ang pagsakal dito hanggang sa mahirapan na rin itong huminga, kahit pa gusto ko itong patayin ngayon ay hindi ko ginawa dahil mas may maganda akong plano para dito. Madilim ang tingin ko sa mga tauhan ko ng binitiwan kong walang malay si Deigo. “Ikulong yan at huwag pakainin, siguraduhin n’yong hindi yan tatakas dahil kayong lahat ang tatanggalan ko ng hininga oras na malaman kong naging pabaya kayo. Ayusin n’yo ang trabaho n’yong lahat kung ayaw n’yong ilagay ko kayo sa kahon at ipadala sa mga pamilya n’yo.” Madiin kong utos sa kanilang lahat at saka muling tinignan ang katawan ni Diego, alam kong buhay pa ito at hindi sa ganitong klaseng kamatayan ang nababagay sa kanya. Dapat n’yang pagdusahan ang lahat dahil habang lumuluha ang aking asawa dahil sa pagkawala ng aming anak, ay double ang ibibigay kong paghihirap dito. Saktong pagpasok ko sa aking office ng makita ko ang aking bunso anak na babae na si Bella, isa itong alagad ng batas at tapat rin ito sa kanyang tungkulin bilang isang pulis. Subalit kaylan man ay hindi nito nagawang isuplong ako sa mga ginagawa kong pagpaparusa sa aking mga kalaban kahit sabihing nilalabag ko ang batas ng lipunan. Batas ko ang palaging nasusunod at walang gustong kumalaban sa akin lalo na sa mundong ginagalawan ko, dahil kamatayan ang magiging katumbas ng kanilang pagsuway sa akin. “Why are you here, Bella?” Seryosong tanong ko dito pagkatapos nitong magmano sa akin at halikan ko naman ito sa kanyang noo, s’ya ang bunso guadruplets naming anak ng aking asawa. Pero masasabi ko rin na s’ya ang pinakamatapang sa lahat ng anak ko. Isa s’yang babae at kahit na minsan ay hindi ko nakita dito ang pagiging mahina o ang pag-aalinlangan na kumitil ng buhay o magparusa sa lahat ng nahuhuli nitong masasamang tao. Ang sabi pa nga sa akin ni Daddy ay ito daw talagang girl version ko, maging sa pakikipaglaban ay nangunguna ito lagi ayaw nitong maraming tauhan na palaging nakasunod dahil sa ayaw na ayaw nitong maraming madadamay oras na makipaglaban na s’ya. Subalit alam kong may kahinaan din ito tulad ko pero alam ko rin makakaya nito ang lahat, ano man ang dumating dito ay susuportahan ko ito dahil nakikita kong alam nito ang tamang gawin. “I know where’s Kuya Marco.” Darecho nitong sambit na ikinalingon ko lang dito at ipinagtaka ko. Ayon sa salita nito ay nakikita kong seryoso ito sa kung ano ang kanyang gustong iparating sa akin, dahil sa pagiging pulis nito ay mas marami na itong nagagawa ngayon kaya kung minsan ay iniilagan ito ng ibang tao lalo pa at malalaman nilang isa ito sa mga anak ko. “And I know na alam mo rin Dad?” Makahulugan nitong tanong sa akin. Matalas talagang isang ito, at aaminin kong nahihirapan akong maglihim lalo na kung ito ang makakausap ko. Tinignan ko lang ito bago ko ito sinagot. Dahil alam kong kailangan ko na rin magsabi dito ng totoo ng sa ganoon ay hindi ito gumawa ng mga bagay na ikakagulat ko. “Yes, alam ko kung nasaan ang kakambal mo. Pero hindi n’ya tayo makikilala kahit pa lapitan natin s’ya? Sa ngayon may mga tao akong nakabantay sa kanya ng sa ganoon ay matiyak ko pa rin ang kanyang kaligtasaan.” Paliwanag ko dito. Pero hindi ito sumagot at kahit ama ako nito ay nahihirapan akong basahin minsan ang galaw o maging ang pag-iisip nito. Napabuga na lang ako ng hangin dahil alam kong malabong susunod ito sa gusto ko kahit sabihin ako pa ang mafia lord ng aming pamilya. Anak ko ito at alam ko kung ano ang ugali nitong namana sa akin. “Ok, wala akong gagawin para maibalik sa Kuya sa mansion. Pero oras na malaman ito ni Mommy hindi ko maipapangakong maililim ko dito ang katotohanan, alam mong sobrang nahihirapan na si Mommy at ayokong nakikitang umiiyak ito sa gabi. Daddy, alam kong alam n’yo ang tama kaya hahayaan ko po kayo.” Salita nito at saka umalis sa aking harapan. Napasandal naman ako sa swivel chair ko at muling naglabas ng hangin dahil sa hindi ko alam kung ano na nga ba ang tamang gawin. Ayokong ilihim ang katotoohanan sa aking asawang buhay pa ang aming panganay, pero hindi rin makakabuti dito kung malalaman nitong hindi kami nakikilala ng aking aming anak at hindi nito gugustuhing sumama sa amin at kilalanin na mga magulang nito. Nalaman ko rin na may malaking taong nagtatago dito, at ayokong mapahamak si Marco oras na malaman ng mga taong nakapaligid dito na alam ko na rin naman ang katotohanan. Kailangan kong mag-ingat ng sa ganoon ay walang mga inosente ang madadamay oras na kumilos na ako para bawiin ang aming anak. Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang tauhan kong may dalang isang babae na mukhang probinsyana. “Who is she?” Takang tanong ko sa tauhan ko, at tinignan ko ang babaeng nakangiti sa akin ngayon. Makikita talaga ito na galing sa isang probinsya dahil sa suot nitong mahabang palda na kulay itom at damit nitong mahaba rin, may dala rin itong bayong at mukhan doon nakalagay ang damit nito. Yakap rin nito ang isang bag na nasira siguro dahil sa ginawang paghila dito ang aking tauhan. “Lord boss, nakita po namin sa sumisilip at ng tanungin ng guard sa labas ay hinahanap po si boss Enzo?” Nakayukong sagot ng aking tauhan. Napakuno’t noo ako dahil sa binanggit nitong hinahanap ng babae ang aking anak na si Enzo na pangalawang anak kong lalaki. “At bakit mo hinahanap si Enzo, babae?” Tanong ko dito, wala akong maramdaman na kalaban ito o may masamang balak sa aking anak. Subalit nagtataka ako kung paano ito nakarating dito gayong tagong lugar ang hide out ko at hindi madaling makita ng kahit na sino. Kahit pa gamitan itong tracking device ay hindi pa rin ito madaling makikita dahil naka secure ang buong paligid ng pinagawa kong hide out. “Buntis po ako at s’ya ang ama” Masaya pa nitong sambit sa akin. Kinikilig pa ito habang nagsasalita. Mas sumama naman ang aking aura ng marinig ko ang sinabi nito, napatingin ako sa tauhan ko para sabihin tawagin si Enzo at dalhin dito ngayon. Dahil dapat kong malaman ang totoo kung tama nga bang nabuntis n’ya ang ganitong klaseng babae. “Ang pogi po n’yo Kuya po kayo ni Sweety pie ko?” Salita ulit nito at parang hindi nito alam ang panganib na nasa kanyang paligid. Muli kong pinagmasdan ang kilos nito habang inaantay kong dumating si Enzo, malilintikan talaga ang lalaking yon kapag napatunayan kong totoo nga buntis ang babaeng nasa aking harapan ngayon ay panay ang ngiti nito sa akin. Hindi pa ako tapos sa kanyang Kuya Marco, ngayon naman ay malalaman kong naka buntis ito, napapailing talaga ako sa mga anak kong pasaway. Kung alam ko lang sasakit ang ulo ko ng ganito ay mabuti pang isa na lang ang naging anak ko, hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari oras na maglakihan na ang mga ito. “Sorry po kung pumunta ako dito ng walang paalam, gusto ko lang po talaga makita si sweety pie ng sa ganoon ay malaman n’yang buntis ako at magiging ama na s’ya.” Paliwanag nito ng makita masama na ang aking templa dahil sa mga nalaman ko ngayon. “Paano mo nalaman ang lugar na ito, nasa lib-lib na lugar to kaya paanong nakarating ka dito ng walang nagtuturo sayo.?” Tanong ko dito dahil hindi ko maintindihan kung paano ito nakarating dito ng ganon-ganon lang. “Minsan na po akong nakarating dito noon, sa katuhayan dito rin po nabuo ang magiging anak namin. Nakakahiya man magkuwento pero dito po talaga, Kuya!” Nahihiya pero masaya pa rin nitong sambit sa akin. Hindi ko naman alam kung matatawa ako o kung magagalit dahil sa pagkukuwento nito at ang pagtawag nito sa akin ng Kuya. “Kung ganoon taga saan ka at kaninong angkan ka nabibilang?” Muling kong tanong dito ng seryoso. Subalit hindi na nito nasagot ang tanong ko dahil dumating na si Enzo at laking pagtataka nitong tinignan ang babaeng nasa aming harapan. Hanggang sa nagmamadaling lumapit dito ang babae at niyakap nito ng mahigpit si Enzo, wala namang naging reaksyon si Enzo kaya naman tinignan ko ito ng makahulugan. “Sweety pie, ang saya ko dahil nagkita ulit tayo. Alam mo bang masaya ako ngayon dahil sa malapit na tayong magka-anak.” Masayang sambit nito sa aking anak, subalit ikinalaki lang mata ni Enzo at napalayo pa sa babaeng nakayakap dito. “WHAT?????????” Malakas na sagot ng aking anak na ikinatulala naman ng babae. Hindi muna ako nagsalita dahil gusto kong ayusin ito ng mag-isa ng aking anak ng sa ganoon ay malaman n’ya kung ano ang mas tamang gawin, lalo na kung magkakaroon na nga sila ng anak ng babaeng ito, ni sa pangalan ay hindi ko rin alam. “Wait, are you pregnant?” Takang tanong pa dito ni Enzo. Tumango naman ang babae at saka napayuko na lang sa harapan nito, nakikita kong napahiya ang babae kaya naman napatingin ako sa aking anak para sabihing ayusin n’ya ang gulong meron ito ngayon. “Sure, ka bang akin yan? Almost two months na rin mula noong may nangyari sa ating dalawa at isa pa diba sa club ka ng tatrabaho malay ko ba kung pagkatapos ko ay may ibang lalaking tumabi sayo” Tanong nito sa babae, napataas naman ang tingin dito ng babae at malakas na sampal ang ibinigay nito sa aking anak. Napahawak pa si Enzo sa kanyang pisngi at masama ang naging tingin sa babae. “Kung ayaw mong akuin ang pagiging ama sa anak ko, ayos lang naman. Pero yung paratangan mo akong parang isang maruming babae ay yon ang hindi ko mapapayagan. Alam mong ikaw ang una sa akin, ikaw lang ang nagiging lalaki sa buhay ko. At alam mong ayaw kong may mangyari sa ating dalawa pero binigay ko pa rin ang sarili ko dahil sabi mo mahal mo ako, tapos ngayon tatanungin mo ako kung sayo itong dinadala ko?” Impit na galit nitong salita sa aking anak, nakamasid lang ako sa mga ito dahil gusto kong makita kung isa lamang ba itong patibong o talagang may kasalanan dito ang aking anak. Kinuha ng babae ang kanyang mga gamit at saka umalis ng walang paalam, tinignan ko lang si Enzo at mukhang naguguluhan na rin ito sa mga nangyayari. “Daddy, hindi ako sure kung ako nga ba ang ama ng pinagbubuntis n’ya.” Litong salita nito at saka naupo sa isang coach. “Bakit?” Isang salita lang pero maraming ibig sabihin. Napailing lang si Enzo at saka napabuga ng hangin. “Hindi ko po alam kung totoo ang sinasabi n’ya, pero aamin kong ako ang nakauna sa kanya pero sa tagal ng hindi na kami nagkikita hindi ko na masisiguradong sa akin pa rin ang batang kanyang pinagbubuntis.” Salita nito na parang hindi na rin alam kung ano ang tamang gawin. “Gawin mo kung ano ang tama sa babaeng yon, at kapag napatunayan mong sayo ang bata pakasalan mo. Matuto kang manindigan dahil lalaki ka at isa kang De Lana.” Seryoso kong sagot dito. Subalit nakita kong napailing lang ito sa akin na ipinagtaka ko naman dito. “Kapag napatunayan kong ako ang ama ng bata, susuportahan ko lang ang anak ko. Pero hindi ko kayang pakasalan ang kanyang ina dahil may mahal akong iba at hindi ko kayang mawala sa buhay ko ang girlfriend ko Daddy.” Sagot nito sa akin at nakikita ko sa mata nito na seryoso ito sa kanyang sinasabi. “Siraulo ka ba, mangbubuntis ka ng ibang babae tapos sasabihin mong mahal mo ang kasintahan mo? Enzo alam mong kapag nalaman ito ng Mommy mo ay maaaring masaktan mo s’ya, alam mong ayaw na ayaw n’yang may isang babaeng nahihirapan ng dahil sa mga kagaya mong lalaki na walang paninindigan.” Galit ko na rin sigaw dito dahil naiinis ko sa mga nagiging sagot nito sa akin. “Daddy, hindi ko kayang pakasalan ang babaeng hindi ko naman mahal. Ang tagal kong pinangarap na mapansin ni Melody tapos sasayangin ko lang ng dahil sa magkakaroon ako ng anak, na hindi ko naman sigurado kung akin ngang talaga.” Pigil na rin ang galit nito sa aking harapan, kaya naman mabilis ko itong nasuntok dahil sa nagagawa talaga nitong sumagot sa akin ng wala sa lugar. “Sige, kung ayaw mong panagutan ang babaeng yon patunayan mong hindi sayo ang batang kanyang dinadala. Dahil oras na malaman ko ang totoo ako mismo mo ang magpapakasal sa inyong dalawa wala akong pakialam kung masira ang relasyon mo sa girlfriend mo, ang importante dito ngayon ay ang anak mong dapat kang makilala.” Galit kong turan dito, hawak nito ang labi nitong may dugo dahil sa nagawa kong pagsuntok dito. “Papatunayan kong hindi sa akin ang batang yon.” Salita nito at saka umalis na rin ito sa aking harapan. Napaupo naman ako sa isang coach na malapit lang din sa akin, napahawak pa ako sa aking batok dahil sa sumasakit ang ulo ko ngayon, hindi pa natatapos ang isang problema meron naman isa pa. Kinapa ko ang aking phone ng marinig kong tumunog ito hudyat na may tumatawag. Nakita ko ang caller ay ang aking asawa kaya naman napabuga pa ako ng hangin bago ko sagutin ang tawag nito sa akin. “Yes, sweetheart!” Masaya kong sagot sa tawag nito. Hindi nito pwdeng malaman na may problem akong dinadala sa dalawa naming anak dahil ayokong makita labis itong nag-aalala dahil tiyak na malulungkot naman ito. “Anong oras ka uuwi? Gusto ko sa ng magpasama sayo para bumili ng pangregalo sa kasal ni Miguel at Fristcy ok lang ba?” Malambing nitong tanong sa akin, ngumiti na lang ako dito kahit alam kong hindi naman ako nito nakikita. “Sige uuwi na ako ngayon, antayin mo na lang ako ha. I love you!” Sagot ko dito at pinatay ko na rin ang tawag nito ng maraning nong nag I love you na rin ito sa akin. Inayos ko ang aking sarili at nagpalit na rin ako ng gamit, ng sa ganoon ay hindi mapansin ng aking mahal na asawa na may gulo akong inaayos. Nagpaalam ko sa mga tauhan ko ng sa ganoon ay maging maayos ang kanilang pagbabantay. Nasa loob na ako ng kotse at palabas na sa kagubatan ng makita kong naglalakad ang babae sa gilid ng daan. Pinahinto ko ang sasakyan ng sa ganoon ay maisabay ko na lang ito palabas dahil magiging mapanganib kung maliligaw ito ng daan. “Miss, sumakay na daw po kayo sabi ni Lord boss.” Magalang na salita ng tauhan ko sa babae, nakita kong galing sa iyak ang mata nito, sumilip ito sa bintana at nagulat pa ito ng makita ako. Tinignan ko lang ito at ito na rin ang unang bumawi ng tingin. “Sorry po sa nangyari Sir, ok lang po ako. Kaya ko pong malakad hindi rin po ako maliligaw dahil minsan ko na rin naman nalakad ang lugar na ito. Salamat po pero mas gusto ko pong makapag-isa na lang muna. Maraming salamat po ulit, Sir.” Magalang nitong salita at saka yumuko at tuluyan na itog umalis at nagpatuloy sa kanyang paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD