-Michael / Marco
"Nay, Tay andito na ako." Sambit ko habang papasok sa maliit na bahay namin. Halos dalawang taon na rin ang nakakaraan ng magising ako at walang maalala natakot pa ako noong una dahil ang buong akala ko ay masasamang tao ang nasa paligid ko, pero ng ipaliwanag ng mga ito sa akin ang totoo ay saka lang ako naliwanagan sa kung ano talaga ang nangyari sa akin, ganoon pa man ay sadyang wala akong maalala dahil sa nabagok daw ang aking ulo o baka humampas sa matigas na bagay kaya daw nawalan ako ng mga alala. Sila Nanay Osang at Tatay Samuel ang nag-alaga sakin wala silang anak kaya naman ang suwerte daw ang pagdating ko sa kanilang buhay, hindi ko na rin inalam pa kung bakit wala silang anak dahil baka ayaw din nilang ikuwento sa akin, ang mahalag ngayon ay ako na ang kanilang anak at masaya na rin naman ako sa ngayon kahit pa wala akong maalala. Wala din akong lakas ng loob na iwan sina Nanay Osang at Tatay Samuel dahil napamahal na sila sa akin, at alam kong maging ako ay ganoon din sa kanila.
Ang sabi nila ay nakita nila ako sa isang lumang bangka na lumulutang sa may dagat, habang nangingisda noon si Tatay Samuel ang akala daw niya ay patay na ako dahil sa wala akong malay tao, pero noong tignan niya ang aking pulso ay nalaman nitong buhay pa ako at agad daw akong inuwi at ginamot sa kanilang tahanan, mahirap ang kanilang pamumuhay kaya naiintindihan ko rin kung bakit hindi nila ako nadala sa isang hospital o napatingin sa totoong doctor. Kaya naman isang manggagamot sa kanilang lugar ang tumingin at nagpagaling sa akin maayos naman ako ngayon at ako na ngayon ang tumutulong kay Tatay Samuel sa pangingisda. Naging masaya namana ng pananatili ko dito kahit na kung minsan ay naiisip ko kung sino nga ba akong talaga? ni konting ala-ala ay wala talaga akong maalala kahit na anong isip ko sa tunay kong katauhan ay hindi ko talaga maisip hanggang sa itinigil ko na rin na isipin pa kung sino ako dahil sumasakit lang ang aking ulo, sabi pa ni Nanay Osang ay antayin ko na nalang daw na bumalik ang aking ala-ala ng sa ganoon ay hindi na rin muna sumakit ang aking ulo dahil sa nagiging pag-iisip ko at baka kung nao pa ang mangyari sa akin.
Kaya naman nakilala ako lugar na ito bilang Michael Torres dahil sa iyon na rin ang tawag ng karamihan sa akin, ang pangalan ko ay ang pangalan na gustong ipangalan ni Nanay Osang sana sa kanilang magiging anak kung sakaling binigyan sila ng sanggol, subalit nabigo daw sila kaya naman binigay muna nila pansamantala ang pangalan na Michael ng sa ganoon ay kahit na hindi nila ako anak ay maririnig pa rin nila ang pangalan na gusto nilang itawag sa kanilang anak. Hindi ko na rin naman nagawang tumutol dahil sa hindi ko rin naman alam ang totoo kong pagkatao o pangalan, naging masaya ang dalawa dahil sa nagawa kong pagpayag na tawagin nila akong Michael. Nais kong tanggapin na lang muna kung anong kapalaran meron ako ngayon dahil sa natitiyak kong babalik naman kung ano ang nawala.
"Oh! nariyan ka na pala Michael anak." Nakangiting sagot sa akin ni Nanay Osang, habang nasa loob ng kusina at naghuhugas ng mga gulay na pwde naming ulamin mamaya. Maraming tanim na gulay si Nanay Osang sa kanilang bakuran kaya naman kung minsan ay dinadala namin ito sa palengke para ibenta at ng maging pera, sa sobrang hirap ng buhay dito ay kailangan mo talagang mag doble kayod dahil siguradong gutom ang aabutin mo kung magiging tamad ka sa ganitong lugar. Hindi ko rin alam kung ilang taon na ako o nakapag-aral pa baa ko sa dati kong buhay, pero alam kong nakakaintindi ako ng English at iba pang mga salita o wika na hindi ko alam kung bakit alam ko ng mga iyon. Nagkibit balikat na lang ako minsan at iniisip na baka matalino lang ako kaya naman ganon.
"Dala ko na po ang isdang pinabili ninyo sa akin sa bayan Nay." Sagot ko at saka ipinakita dito ang malalaking tunang isda at inayos ko na rin ang pagbaba ko sa mesa ng sa ganoon ay makita nitong sariwa talaga ang kinuha kong isda, wala kasi kaming nahuli ni Tatay Samnuel kagabi dahil sa masama na rin ang panahon kaya umuwi na lang kami dahil mahirap kung aabutan kami bagyo sa laot, maliit lang aang bangkang de motor na gamit kaya naman hindi kami pwdeng makipagsabayan sa mga malalaking alon na makikita sa dagat sa tuwing may bagyo o malalakas ang hangin.
"Sige dalhin muna sa kusina at ng maiayos ko na yan para naman mailuto at dadalhin pa natin yan sa mansion ng mga Tan." Turan nito sa akin, mabilis naman akong sumunod at nakita kong naroon si Perla ang pamangkin ni Tatay Samuel at isa ring katulong sa mansion ng mga Tan. Kilala dito ang pamilyang Tan dahil sila ang pinakamayaman sa lugar, sa kanila rin nagtatrabaho ang halos lahat ng kababaihan dito bilang mga katulong sa malaking mansion ng mga ito. Ang sabi nila mababait daw ang Pamilya Tan, subalit hindi ko kilala ang mga ito kaya naman hindi ako sumasang-ayon sa mga naririnig ko mula sa kanilang pamilya. Kung minsan ay nagtataka ako sa aking sarili dahil sa malakas ang aking pakiramdam, isang tingin ko lang sa tao ay masasabi ko na agad na mabuti o masama. At kung minsan din ay nakakapagsalita ako ng hindi ko naman sinasadya, kaya ang ibang nakakakilala sa akin ay sinasabing baka ibang lahi daw ako at napunta lang sa kanilang bansa. Napapangiwi naman ako sa isiping hindi ako taga rito dahil sa ka ya kong mag salita ng tagalog, naisiip kong nasasabi lang nila iyon dahil na rin sa kung ano ang nakikita nila sa akin kung minsan.
"Hi, Michael kamusta kana?" Tanong nito sa akin habang inaayos ang mga gulay na mukhang pinamili rin nito, mabait ito sa akin at ang alam ko ay matanda ako dito ng ilang taon. Pero ayokong magpatawag ng Kuya dito dahil parang naiilang pa rin ako, may mga bagay talaga sa sarili ko na maging ako ay hindi ko maipaliwanag kung ano nga ba iyon. Hinahayaan ko na lang din minsan kung anon ga ba ang meron sa akin dahil baka kasama naman talaga iyon sa tunay kong pagkatao.
"Ayos naman ako, ikaw kamusta ang trabaho mo sa mansion?" Balik kong tanong dito, habang inaayos din ang dala kong isda sa lababo. Napatingin naman ito sa akin at ngumiti ng tipid. Alam kong ayaw nitong magtrabaho sa mansion ng mga Tan, subalit wala itong magagawa dahil malaki ang utang ng pamilya nito sa pamilya Tan, dahil noong nagkasakit ang kanilang ama ay ang mga Tan ang tumulong para mapagamot ang kanyang ama sa bayan at sinagot din ng pamilya Tan ang lahat ng kanilang gastos kaya naman ngayon ay halos magkanda-kuba na ito sa kakatrabaho sa mansion para lang makabayad ng utang na loob sa mga ito. Kaya naman natitiyak ko ring hindi ito nakapag-aral ng maayos dahil sa kahirapan.
"Maayos din naman ako, nakabalik na rin si Tatay sa pagsasaka kaya kahit papaano ay makakaraos na din kami sa mga utang naming sa pamilya Tan, subalit aaminin kong malaking tulong talaga sa amin ang pamilyang Tan dahil kung hindi dahil sa kanila ay baka wala na rin si Tatay sa amin. Nga pala alam mo bang darating na ang nag-iisa nilang anak na galing sa ibang bansa at ang sabi-sabi ay masungit daw at matapobre ang magiging senyorita namin. Kaya kailangan naming maging mag-ingat dahil mabilis daw uminit ang ulo noon at siguradong tanggal ka agad sa trabaho mo, alam mong hindi ako pwdeng mawalan ng trabaho kaya naman dapat kong galingan sa trabaho ko sa mansion." Mahabang pagkukuwento nito habang naghihiwa na ng sitaw at iba pang mga gulat na gagamitin para sa lulutuin na pakbet. Napatango na lang ako dito at hindi ko na lang muna pinansin ang mga sinasabi nito dahil parang nakakaramdam akong hindi ganon klaseng babae ang sinasabi nitong anak ng mga Tan, ewan ko pero iba ang naging kutob ko ng malamang kong may babaeng anak ang mga ito.
Hindi ko pa man ito nakikita o nakakasama ay nag-iiba na agad ang tingin ko sa babae, sa pakiramdam ay mabuti ito at hindi mataray tulad ng turan nito sa akin. Binaliwala ko ang nararamdaman ko para dito at nagpokus na lang sa kung anong dapat kong gawin, at natitiyak kong magmamadali naman si Nanay Osang sa kanyang pagluluto. Ang lahat kasi ng mga lulutuin ngayon ay dadalhin sa mansion ng mga Tan dahil sa magaganap na malaking pagdiriwang don mamayang gabi. Napatingin na lang ako kay Nanay Osang ng pumasok ito at nagpatuloy lang sa kanyang mga ginagawang pagluluto, lumabas na rin muna ako ng sa ganoon ay makapagpahinga ng konti dahil tiyak na mamaya lang ay tatawagin ako nito.
Hanggang sa sumapit ang gabi at inayos na nila Nanay at Tatay ang mga pagkain para dalhin sa mansion nakasakay sila ng tricycle ng umalis. Ako naman ay hindi na sumama dahil sa gusto kong maglakad-lakad sa dalampasigan, gusto ko rin makapag-isip-isip ng mga bagay-bagay kahit alam kong sasakit langa ng aking ulo. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil sa wala akong maalala, sana man lang ay kahit pangalan ay maalala ko ang kaso ay maging iyon ay wala sa isip ko. Ganito ako tuwing gabi at palaging sumasagi sa aking isipan ang maraming bagay na hindi ko naman makita at maalala ng maayos. Nakayapak lang ako sa malambot at mainit na buhangin habang hawak ko sa kaliwang kamay ang step-in kong suot kanina, manipis na sando lang ang suot ko na kulay itim at ramdam ko rin ang lamig ng hanging tumatama sa aking balat, subalit hindi ko iyon ininda dahil sa mukhang sanay naman ang aking katawan sa lamig, ang totoo ay naiinitan pa nga ko kung minsan lalo na sa gabi at mag-isa lang ako sa bahay dahil sa palaging nasa masion ng mg Tan ito. Maliwanag din ang buwan at wala kong makitang mga bituin sa kalangitan.
Naupo ako sa buhanginan at tinanaw ang madilim at malawak na karagatan, muli akong nag-isip kung paano ako napunta sa malawak na karagatan na ito, at kung sino o ang dahilan kung bakit ako narito ngayon. Naguguluhan akong baka may gustong pumatay sa akin, nakakaramdam naman ako ng bangamba na baka may kalaban lang akong nasa paligid at nakamasid sa bawat kilos ko at naghihintay ng tamang oras na mapatay ako ng mga ito. Subalit napapikit ako ng tumama sa mata ko ang malamig na hangin. Ang tahimik ng mga alon, at parang musika sa aking tenga ang naririnig kong mga ibon na nasa may mga puno. Sa lamig ng hangin ay dama ko ang kapayapaan at ramdam ko ang kapanatagan ng aking pag-iisip. Ang sarap ng ganitong buhay ung walang problema at nasa tama lang ang lahat ng gusto mong mangyari. Napapikit namam ako ng biglang sumakit ang ulo ko at nakakita naman ako ng mga pangitain na hindi naman malinaw. Pero maraming boses akong naririnig, may mga lalaki at babae ang naririnig ko pero hindi ko makita ang mga mukha ng mga ito. Napailing ba ako dahil sa sakit na dulot nito. Hanggang sa isang boses ng babae ang naririnig ko na umiiyak at sinisisi ang karagatan may sinasabi pa ito pero hindi ko na rin marinig pa.
Napatingin lang ako dito habang napapalubod na rin sa buhanginan, nakayuko din ito at makikita sa paggalaw ng balikat nito na umiiyak pa rin ito. Nahiga ito sa buhanginan at patuloy pa rin sa pag-iyak, nakatanaw lang ako dito. Hindi ko alam pero may nagtutulak sa akin na bantayan ko ang babae, at huwag itong hayaan na mapahamak. Bumibilis din ang t***k ng aking puso na para akong kinakabahan na hindi ko maintindihan, maganda ito at mukha rin itong mayaman dahil sa maganda nitong kutis na parang labanos sa kaputian. Hindi ko lang makita ng ayos ang mukha nito dahil sa nakatagilid ito malapit lang sa akin, subalit alam kong nasasaktan ito ngayon. Hanggang sa bigla na lang itong naghubad at nagtatakbo sa tubig, mukha lang itong maliligo pero naalarma ako ng makita ko itong lumalakad sa malalim na lugar. Hanggang sa nakita kong lumubog na ito at hindi agad lumutang. Napatayo naman ako at nagmamadaling tinakbo ang kinaroroon nito. Hanggang sa sumisid ako at nakita ko itong nakapikit at hinayaan na ilubog ang sarili sa ilalim ng dagat.
Pinilit ko itong iahon para na rin mailigtas sa tiyak na kapahamakan niyakap ko ito at inangat pataas sa ibabaw ng tubig para rin madala ko ito sa pangpang ng sa ganoon ay magkamalay ito. Nahihiya pa akong tumingin dito dahil sa naka panty at bra lang ito na kulay itim, subalit alam kong kailangan ko itong iligtas ngayon dahil mukhang nakainom na rin ito ng tubig, hindi ko na lang muna inintindi ang aking nakikitang maganda nitong katawan at nang dahil sa pagmamadali na bigyan ito ng hangin sa kanyang bibig at kasabay ang pagpupump ko sa dib-dib nito. Wala na akong pakialam kung nahahawakan ko ang malaki nitong dib-dib ang importante ay ibalik ko lang ang tamang paghinga nito, nagpatuloy lang ako sa pagbibigay dito ng hangin ng sa ganoon ay bumalik na ang malay nito. Hanggang sa magtagumpay akong muli itong magising napaubo na ito at napaupo ng ayos, maraming tubig ang inilabas nito at nakita kong nahihirapan na rin itong huminga. Nasa tabi lang ako nito at hindi ko magawang umalis kahit alam kong magagalit pa ito sa akin. Galit naman itong tumingin sa akin ng matauhan na ito.
Tumayo ito na hindi man lang nagpapasalamat sa akin, Hinabol ko ito para pigilan dahil gusto ko lang matiyak kung ok na nga ba ito, pero isang malakas na sampal ang natamo ko mula dito. Masama ang tingin nito na hindi ko maintindihan, wala itong sinabi na kahit na ano kaya naman talagang nagtataka ako sa kung bakit ito nagagalit, samantalang iniligtas ko pa nga ito sa tiyak nitong kamatayn. Napailing ako dahil sa lakas ng sampal nito, lumuluha na rin ito pero hindi ko makikita sa mata nito nagsisi ito dahil sa pagsambal sa akin, kung di sa galit na pinagdadanan nito.
"Sana hinayaan mo na lang akong mawala ng sa ganoon ay matigil na rin ang paghihirap ko, wala kang alam sa buhay o sa pinagdadaan ko kaya sana hindi ka na lang nakialam sa gustong mangyari.” Galit nitong sambit sa akin na ikinatahimik ko na lang din, umalis na ito sa aking harapan at hindi ko nagawang habulin pa. Napasabunot naman ako sa aking buhok dahil sa naiinis akong hindi nakasagot sa harapan nito, parang may nagtutulak sa akin na huwag kang magsasalita dahil tiyak na titindi lang ang galit nito sa akin. Tinignan ko na lang ang likod nitong papalayo, pero alam ko sa sarili ko na may kirot sa puso ko ng makita ko sa mata nito ang labis na kalungkutan. Gusto ko sa nang pawiin ang sugat na meron ito ng sa ganoon ay makita ko na lang ang maganda nitong ngiti, at hindi ang sakit na makikita sa mata nito. Kinabukasan ay si Perla ang nabungaran ko sa may kusina at nagkakape. Napatingin pa ako sa paligid dahil hindi ko nakikita sila Nanay at Tatay.
"Wala pa sila Tiya at Tiyo, na mansion pa at napuyat ang lahat ng tao dun dahil sa nawawala ang anak na babae ng mga Tan." Salita nito habang sumiinom at kumakain ng pandesal. Maging ito ay makikita rin ang antok dala ng pagpupuyat na sinasabi nito. Bigla naman ako na pakunot ng noo dahil sa narinig kong nawawala ang babaeng anak ng mga Tan. Tumango na lang ako dito dahil sa wala naman don ang pag-iisip ko, hindi rin ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa babaeng nakita ko kagabi. Hanggang sa nagpaalam na lang itong aalis at babalik ng mansion, at makikibalita kung nakabalik na daw ang kanilang senyorita. Lumabsa naman ako ay naupo sa may bangkong kahoy habang hawak ko ang kape, nag-iisip pa rin ako kung kamusta na kaya ang babaeng yon, at kung anong klaseng problema ang pinagdadaanan nito. Napahinga na lang ako dahil sa alam kong wala na rin naman ako magagawa ngayon kung di ang umasang muli ko itong makikita at kung papalarin na makikilala ko ito tulad ng aking nais. Nasa ganoon akong pag-iisip ng dumaan sa tapat ng aming bahay sina Buboy at Caloy mga naging kaibigan ko na rin dito, may dala silang malalaking isda at mukhang galing ang mga ito sa pangingisda sa dagat.
“Michael, hindi ba kayo nagpalot ni Mang Samuel?” Tanong sa akin ni Caloy ng makalapit na ang mga ito sa akin, at nasa balikat pa nito ang lambat na kanilang ginagamit
“Hindi eh, nasa mansion sila Tatay at Nanay kagabi dahil meron daw pagdiriwang doon.” Baliwalang sagot ko sa mga ito dahil aaminin kong akupado ng babaeng yon ang aking pag-iisip, kaya naman parang baliwala lang sa akin ngayon ang lahat ng nakikita at nakakausap ko.
“Ah ganoon ba! Sayang ang dami pa naman isda ngayon. Tignan mo malalaking isda ang nahuli namin at tiyak na malaki ang kikitain namin ngayon ni Buboy sa bayan, kapag naibenta na namin ito doon.” Masayang pahayag sa akin ni Caloy at ipinakita pa nito ang ilang pirasong malalaking isda at makikita ring sariwa ang mga ito kaya tiyak na maganda ang magiging kita ng dalawa.
“Mabuti naman kung ganoon, baka mamayang gabi magpapalaot kami ni Tatay ng sa ganoon ay kumita din kami.” Sambit ko lang sa mga ito ng sa ganoon ay hindi rin nila mapansin na wala ako sa mood makaipag-usap sa ngayon. Sa totoo lang ay mababait ang mga tao dito at wala pa akong nakakaaway kahit na mag-isa lang akong nagbebenta sa bayan ng mga isda o mga gulat na pananamin ni Nanay. Tahimik at maganda ang lugar na napuntahan ko at malayo din ang mga ito sa karahasan na naririnig ko sa ibang tao lalo na kung mapag-uusapan ang lugar ng Maynila.