ISANG LINGGO na rin ang nakalilipas mula nang maging okay na ang lahat sa pagitan nilang mag-asawa. At least for now, they're both okay. At gaya rin ng napag-usapan nila ni Hector ay nagagawa na nga ni Pipay ang lumabas ng kanilang bahay ng hindi na nagpapaalam pa sa asawa. Madalas sa umaga tuwing aalis na ang kaniyang asawa papasok sa trabaho nito ay lagi siyang nagtutungo sa park na nasa loob mismo ng village na tinitirhan nila. Doon ay masaganang lumalanghap ng sariwang hangin. Isang linggo na rin kasi siyang nananamlay na hindi niya malaman ang dahilan. Though, hindi naman na siya gano'ng nahihilo, pero mas lumala pa ang pananamlay niya sa umaga kapag gigising siya. Napadalas na rin ang pag susuka niya. Nag-aalala na nga rin sa kaniya ang asawa at gusto na nitong ipa-ospital uli siya

