TAHIMIK na ginagamot ni Hector ang sugat ng kaniyang asawa. Maging si Pipay man ay tahimik lang din at kung minsan ay napapatitig din sa mukha ng kaniyang asawa habang abala ito sa ginagawa niya. "I'm sorry!" saad ni Hector na hindi manlang tinapunan ng tingin ang asawa. Nakatuon pa rin ang paningin nito sa kamay ni Pipay. "S-sorry para saan?" nauutal na tanong niya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito sa ere. "Sorry for hurting you. And I'm sorry for not trusting you." anito pagkuwa'y nag angat ng tingin pagkatapos nitong ibalot sa band aid ang daliri ng asawa. "I love you, wife! But again, I'm sorry for not trusting you. Alam ko naman na hindi ka gagawa ng bagay na ikagagalit ko, it's just that, I'm a jealous husband. Hindi kita pinagkakatiwalaan lalo na rin ang pagmamahal

