"SIR!" bungad ni Francis sa kaniyang amo nang buksan niya ang pinto ng opisina nito. Abala si Hector sa pag pirma nang mga dukomentong nasa ibabaw ng kaniyang lamesa. Nang marinig niya ang kaniyang sekretarya ay agad siyang nag angat ng mukha para tingnan ito. "Yes?" sagot niya rito. "Hi babe!" ang nakangiting si Erneth; walang paalam na itinulak nito ang pintuan upang bumukas iyon ng mas malawak at pakinding-kinding pa itong naglakad papalapit sa puwesto ni Hector. "I'm sorry po sir, pero nagwawala po siya sa ibaba kanina." pagpapaliwanag agad ni Francis sa kaniyang amo. "Kung hindi ko gagawin `yon malamang at hindi ako papapasukin nang mga guards mo. Hahayaan mo na lang ba na mapagod kami ng ANAK mo sa labas?" maarteng singit ng babae at prenteng umupo sa bakanting upuan na nasa gili

