CHAPTER 10

2378 Words
Inayos ko ang shawl sa aking katawan bago man kami sumakay ni Marisa sa kotse. Nauna nang doc sa Ospital dahil sa makalawa pa ang effective ng kaniyang leave. Dahil ngayon din ang second cycle ng chemo ko, naghired siya ng on call driver para may maghahatid sa amin sa Ospital. Nakayakap ako sa aking sarili habang tahimik akong nakadungaw bintana ng kotse. Kahit na alam ko na kung anong pakiramdam ng chemo ay hindi ko pa rin maalis sa akin na kabahan at matakot. Pero isiniksik ko sa aking isipan na kailangan kong makasuvive kahit anumang mangyari para makita siya---si dad. Alam kong may natitira pa siyang galit at pagkadismaya niya sa akin kahit na ilang taon na ang nakalipas. Gayumpan, kahit balik-baliktarin man ang mundo, siya pa rin ang tatay ko. Ang lalaking minahal ni mama hanggang sa huling sandali. Ipinangako sa akin ni doc na makikita ko siya sa pagkatapos ng dalawa o tatlong araw pagkatap ng theraphy. Sumang-ayon naman ako sa suhesyon niya para magawa ko parin maging maayos sa oras na makaharap ko na siya. I still remember his intimidating and imperious face but his tender and love in his heart were always imprint in my memories. I never forget how he take care my mother in the middle of her sickness. I saw how he scared whenever my mother was attacked by her illness. How devastated he was when she passed away. He was hurt, I know. Pero nang isang beses ako lumapit sa kaniya, isang bagay lang daw ang maipapangako niya sa akin. Hinding hindi siya makakapayag na mawala ako tulad ni mama. He will give the best for me that I will never regret. But all his efforts and plans for me were went in vain. I admit I'm not a perfect daughter. I bring dismay and shame in his name I turn my back to him. Inalalayan ako ni Marisa na makalabas ng kotse. Bago man kami dumiretso sa Chemo Room ay dumaan muna kami sa Opisina ni doc. Nagbilin ako kay Marisa na hintayin niya nalang ako sa labas tutal ay sasaglit lang naman ako para batiin lang si doc. Bukod pa doon ay may lakas pa naman ako. Namataan ko na wala ang sekretarya niya. Humakbang ako palapit sa pinto saka kumatok. Wala akong narinig na boses ni doc, sa halip ay nagbukas 'yon. Siya ang bumungad sa akin. Sinalubong ko siya ng matamis na ngiti nang masilayan ko ang kaniyang mukha na ngayon na nakasuot siya ng antipara. "Doc," tawag ko sa kaniyang pangalan na hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. "Oh, you're here." sambit niya. "So, you're ready?" Tumango ako bilang sagot. "I'm with Marisa. Hinihintay lang niya ako..." umiwas ako ng tingin. "Sinabi kong dadaan muna ako dito para batiin ka." Wala akong narinig pa mula sa kaniya. Marahan niyang hinawakan ang aking buhok at magiliw niya ito pinaglalaruan pero napalitan ng kalungkutan sa mukha na parang may napagtanto siya. "May problema ba, doc?" nagtatakang tanong ko. "I just realized how pretty your hair is. But you're under the chemo..." "Ah, malulungkot ka dahil maglalagas na ang buhok ko?" "Y-yeah." Huminga ako nang malalim. "Don't be sad. This is not Dr. Zalanueva who I used to know. You make your patients feel better, right? That's what you should do today---for me." Mapait siyang ngumiti. "You're right." saka hinalikan niya ang aking noo. "Sasamahan na kita sa Chemo Room." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Sabay na kaming lumabas sa kaniyang Opisina. Sinabi ko sa kaniya. We made a small conversation while we were on the way to Chemo Room. Pero natigilan ako nang may nakakuha ng atensyon--sa isang babae na makakasalubong namin. Hindi ko mapigilang hindi tingnan ito. Napatigil ako sa paglalakad. Nanigas ako sa aking kinakatayuan nang makita ko kung sino ang harap namin. She's wearing a black turtle neck dress and white flat shoes. Tulad ko, natigilan siya nang makita niya ako. Bakas sa mukha niya ang takot, kaba, at alangan nang makita niya ako. Dumapo ang tingin ko sa isa niyang kamay. Isang brown envelope na may pangalan ng Ospital na ito. Humakbang siya paatras. Tila gusto niyang tumakas sa akin. "Sandra." saktong lakas ng boses ko nang sambitin ko ang pangalan niya. Tumigil siya. Nanatili siyang nakatalikod sa akin. Kita ko kung papaano nanginginig ang magkabilang balikat niya. Sa pagkakataon na ito, parang hiyang-hiya sa kaniyang sarili para harapin ako. Bumaling ako kay doc na binigyan naman ako ng pagtatakang tingin. Mapait akong ngumiti sa kaniya. "Doc, pwede po bang madelay po ako saglit? May kakausapin lang ako." "Oh... Okay. But please, don't stay outside too long. I will wait." saka lumayo siya nang kaunti at tumayo siya sa hindi kalayuan sa akin. Sa nakikita niya pa rin ako. Umiba ang ekspresyon sa aking mukha nang binalingan ko si Sandra na nanatiling nakatalikod sa akin. Kumawala ako ng hakbang palapit sa kaniya hanggang nasa harap na niya ako. Nakayuko siya. Pinagmasdan ko siya nang mabuti, saka buong-tapang ko siya tiningnan. "Let's talk. Follow me." malamig kong turan sa kaniya. Tinalikuran ko siya ako ang unang humakbang, samantalang siya naman ay sumunod sa akin hanggang sa narating na namin ang parking lot ng Ospital. Sandra Burgos is a timid but pretty girl. Mas matanda siya kaysa sa akin so I gave my respect to her. Especially, she is Edwin's friend since childhood. Nakilala ko siya nang mga panahon na bago palang kami ni Edwin bilang magkarelasyon. Though she's timid, she shows how sweet and thoughtful to me. Siya pa ang mismo ngsabi sa akin na sabihin ko lang daw sa kaniya sa oras na saktan ako ni Edwin dahil poprotektahan niya daw ako. But unfortunately, it doesn't happen. Instead, she's one of the people who hurt me. Who feel what miserable it is. "Kailan pa?" matigas kong tanong, nakatayo ako sa harap niya. Hinahanda ko ang sarili ko sa anumang mangyayari. Kinagat niya ang kaniyang labi. Pinipinigilan niya ang kaniyang sarili na magsalita. "Sagutin mo lang, Sandra." Tumingin siya sa akin na may pag-aalangan. "L-last year..." Yumuko naman ako nang maramdaman ko ang mga punyal na sabay-sabay isinaksak ang puso ko. "Bakit? Bakit mo ginawa 'yon? Kilala mo kung sino ako." pinipigilan kong maiyak hangga't maaari. "N-noong una, pinipigilan ko ang sarili ko... Nilabanan ko kung anong nararamdaman ko para sa kaniya, maniwala ka." Kinagat ko ang aking labi. Nanlilisik ang mga mata ko na ibinalik ko sa kaniya ang mga tingin ko. Kasabay na kinuyom ko ang mga kamao ko. "Kung hindi mo magawang pigilan ang sarili mo, sana nagpakalayo ka na nang tuluyan!" hindi ko mapigilang singhalan siya. "Hindi mo alam kung anong trato niya sa akin simula nagkaroon kayo ng relasyon! Itinuring kitang kaibigan, Sandra! Nagawa kong... M-magtiwala sa iyo..." nabasag na ang boses ko. Kumawala na ang mga butil ng luha at umagos na ang mga 'yon sa aking pisngi. "I... I'm sorry, Charlize..." humihikbi niyang sambit. "I'm sorry..." pumikit siya nang mariin. Halos malagutan na ng ako ng hininga. Hindi na ako makahinga. Naiinis ako sa sarili ko. Ang buong akala ko, kaya ko na harapin nang mag-isa ito. Na akala ko sapat na ang lakas ng loob na inipon ko sa pinakahinihintay na pagkakataon na ito, pero nagkamamali pa yata ako. Sa labang ito, mukhang ako pa ang matatalo kahit na marami akong dahilan para lumaban. "I'll never forget you, Sandra..." patuloy pa rin ang paghikbi ko. "Sinira mo ang pangarap ko..." "I know..." tumingin siya ng diretso sa aking mga mata. "Pero may pangarap din ako, Charlize..." dumapo ang kaniyang palad sa kaniyang tyan. "Dahil buntis ako... Si Edwin ang ama..." At doon na bumigay ang aking mga binti. Bumagsak ako sa sahig. Hindi ko na mapigilang mapahagulhol sa aking narinig. Pakiramdam ko ay nabasag ako nang tuluyan. Parang tumigil ang ikot ng aking mundo. Ang buong akala ko, makakaya ko ito. Na magagawa kong pansanin ang lahat nang ito. Pero dahil sa mga huling sinabi niya, tuluyan nang nasira ang lahat ng pinaghirapan ko. Lahat ng pangarap ko. Lahat ng inaasahan ko ay naglaho na parang bula. "Charlize!" rinig ko ang malakas na tawag sa akin ni Dr. Zalanueva hanggang sa nasa tabi ko na siya. "You alright?" Hindi ko magawang sumagot dahil patuloy pa rin ako sa pag-iyak. At unti-unti ako nanghihina. Dahil d'yan ay binuhat niya ako. "You need to calm down first before we proceed to Chemo Room." "C-Chemo Room?" ulit ni Sandra, tila natauhan sa kaniyang narinig. Nanghihina akong tumingin kay Sandra. "Kung hinihiling mo ay si Edwin, I'm willing to give him to you... Sandra. Lalo na... May bunga na... Ang pagtataksil ninyo sa akin..." "Charlize..." Humigpit ang pagkahawak ko sa coat ni Dr. Zalanueva. Bumaba ang tingin niya sa akin. Mukhang naitindihan niya ang ibig ko iparating. Tinalikuran na namin si Sandra at iniwan na namin siya sa lugar na 'yon. Tahimik kaming nakarating ni Doc sa labas ng Chemo Room. Nanatili kami sa labas at buhat-buhat pa rin niya ako. Patuloy pa rin ang aking hikbi. Sa puntong ito, tahimik niyang pinapakinggan ang bawat daing at hinanakit ko. Mukhang unti-unti na niya nakukuha ang lahat. Lahat na nangyayari sa buhay ko. "Pagod na ako..." pahayag ko. "Pagod na akong masaktan... Pagod na akong magtiis... "Pero ako, hindi pa." Tumigil ang iyak ko. Tumingin ako sa kaniya. Nagtama ang mga tingin namin. Bakas sa mukha niya na may hinanakit at kalungkutan . "Kahit kailan, hinding hindi ako mapapagod. Hinding hindi ako mapapagod na magmahal. Lalo na kung ikaw ang mamahalin ko, Charlize." Nang banggitin niya ang mga katagang 'yon ay tumindig ang aking balahibo. Bumilis ang t***k ng aking puso. Ramdam ko ang sinseridad sa mga katagang binitawan niya. "D-doc..." Marahan niyang hinalikan ang aking buhok at ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "Ngayong binigyan ka na ng rason para tuluyan ka nang makawala sa taong hindi ka naman talaga mahal, pwede bang... Ako naman, Charlize?" "Doc..." "Pwede bang ako naman ang mahalin mo? Pwede bang malaya kong ipadama sa iyo kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa iyo?" idinikit niya ang ang kaniyang noo. "Kahit ilang beses mo ako saktan, walang problema sa akin. Babalewalain ko... Basta nasa tabi lang kita, Charlize... Na sa akin ka parin uuwi." "A-anong..." "You don't have idea how you made me this way and I can't hold back everytime I see you." hiniwalay niya ang mukha niya sa akin para matingna ko siya nang maigi. "Once we meet your father, you will eventually learn about me." ** Pinihit ni Edwin ang pinto ng condo unit niya. Pagod siyang pumasok at dumiretso siya sa Salas. Laylay ang mga balikat niya nang umupo siya sa sofa saka sumandal doon. Tumingala siya sa kisame ng silid. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Ilang saglit pa ay umalis siya mula sa kinauupuan niya. Napansin niya na hindi man lang siya sinalubong ni Charlize ngayon. Kumsabagay, hindi niya rin pala nabanggit sa dito na mapapaaga ang kaniyang pagbabalik sa Pilipinas mula sa ibang bansa. Sinadya niyang hindi niya muna ito makontak para masopresa niya ito sa kaniyang babalik. Nakahanda na din ang mga pasalubong na binili niya pa niya na tinitiyak niyang magugustuhan niya ito. Napangiti siya. "I think she's sleeping right now." kausap ang kaniyang sarili. Dinaluhan niya ang pinto ng Master's bedroom. Pinihit niya ang pinto saka dahan-dahan niya itong itinulak. Nilapitan niya ang kama, nagbabakasakali siyang makita doon si Charlize. He stopped and he draw a horrible face when he saw there's no one in that bed. He still not convinced, hinawi niya ang buong comforter sa buong kama. Wala doong ni isang bakas mula kay Charlize. Gumapang ang pagkataranta sa kaniyang sistema. Sinugod niya ang bath room, wala rin siya doon. Hinahanap niya ito sa kasuluk-sulukan ng unit pero wala pa rin. Hindi niya alam kung anong nag-udyok sa kaniya para lapitan ang cabinet. Binuksan niya ito. Halos malagutan siyanng hininga nang makita niya na halos wala na doon ang mga damit ng asawa, maski ang bagahe nito. Agad niyang nilingon ang bintana. Wala na doon ang halaman. He gritted his teeth. Agad niya dinukot ang cellphone mula sa kaniyang bulsa. Hinahanap niya ang numero nito at sinubukang kontakin. Halos tumigil ang t***k ng puso niya dahil hindi niya ito makontak, tanging operator lang ang naririnig niya. "Shit." malakas at matigas niyang mura. Lumabas siya sa unit. He try to find the cctv room of this building. Nagrequest siya sa management at agad naman siyang pinagbigyan. Sinabi niya ang buong detalye. Pagkatapos ay iniisa-isa nila ireview ang mga video simula sa araw na umalis siya at papunta palang siya ng Airport. Naningkit ang mga mata niya na makita ang isang lalaki na nasa harap ng pinto ng unit. Ilang beses nito pinindot ang buzzer hanggang sa pagbuksan siya ni Charlize. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya na nagawang pumasok ang lalaki sa bahay niya. Hinintay niya ang paglabas nito. Pero ang mas hindi niya inaasahan ay umalis nga ito---kasama ang kaniyang asawa, dala ang mga bagahe nito! Nabuhay ang dugo sa kaniyang sistema. Sinundan niya ang ibang monitor ng cctv. Sa isang monitor naman ay nakita niya na pumasok ang lalaki pati si Charlize sa isang mamahaling kotse. Pinahinto niya sa operator ang video na 'yon para kunin ang plate number ng naturang kotse. Nanlilisik ang mga niyang lumabas sa silid. Dinukot niya ang cellphone mula sa kaniyang bulsa. Ilang ring pa ang narinig niya hanggangbsa may sumagot sa kabilang linya. "May ipapagawa ako sa iyo. You need to find this person for me. I will send you a piece of information." siya na mismo ang nagpatay ng tawag. Humigpit ang pagkahawak niya sa cellphone. Umahon ang galit sa kaniya. Lalo na't makita niya ang mukha ng asawa niya na boluntaryong sumama sa sumundo sa kaniya! Muli tumunog ang cellphone niya. Sinulyapan. Tinapunan niya ng matalim na tingin nang makita niya kung sino ang natawag ngayon. Si Sandra... He gritted his teeth once again. Hindi niya mapigilang mairita lalo na't tinawagan oa siya nito sa ganitong pagkakataon pa. Kung kailan kailangan niyang hanapin si Charlize! Walang sabi na pinatay niya ang tawag saka ibinalik niya ito sa kaniyang bulsa. Nagpagpasyahan niyang bumalik sa unit na nandidilim ang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD