Medyo madilim ang paligid nang iminulat ko ang aking mga mata. Maingat akong bumangon. Natagapuan ko ulit ng aking sarili sa Opisina ni Dr. Zalanueva. Pinagpasyahan kong umalis na sa ibabaw ng patient's bed nang matapos kong pakiramdaman ang aking sarili. Mula tinurukan ako ng gamot ay muli na naman ako nakaramdam ng panghihina at pagkahilo. Malaki na din ang pasasalamat ko dahil nariyan sina doc at Marisa para alalayan ako. Medyo na-delay lang ako nang kaunti dahil pinapakalma pa nila ako dahil sa rebelasyon na nalaman ko sa pagitan nina Edwin at Sandra. Kahit ganoon ay tinanggap ko nalang ang katotohanan. Na mukhang hindi para sa akin si Edwin. Na maling mali ang aking naging desisyon, pero may parte sa akin ang panghihinayang. Dahil sinayang ko halos lahat ng buhay ko para lang sa lalaking pinakamamahal ko.
Nilapitan ko ang kurtina saka hinawi ko 'yon. Namataan ko si Dr. Zalanueva na seryosong nakaharap sa bintana habang nakapamulsa, tila malalim ang kaniyang iniisip. Gumuhit ang pagtataka sa aking mukha. Humakbang ako palapit sa kaniya. Bago man ko man siya tuluyang maabot ay tumingin siya sa akin. Siguro ay nakita niya ang repleksyon ko sa salamin.
"Charlize," marahan niyang tawag sa akin. Humarap siya at hinawakan ang aking kamay.
"May problema ba, doc?" tanong ko na may kasamang kuryusidad.
Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi bago man niya sagutin ang tanong ko. "Nothing, really. Naisipan ko lang na baka hindi muna tayo sa bahay ko tayo tutuloy ngayon."
Naningkit ang aking mga mata dahil sa pagtataka. "Ibig sabihin... Dito tayo?" mahinahon kong tanong ulit.
Agad siya umiling. "Nope, dadalhin kita sa ibang lugar." hinawi niya ang takas kong buhok saka isinabit niya 'yon sa aking tainga. "Sa lugar na paniguradong magugustuhan mo."
Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Hindi k maitago ang kuryusidad sa aking mukha. Ibinuka ko ang aking bibig para magsalita pero daig pang may nakabara sa aking lalamunan kaya hindi ko ito naituloy. Sa halip ay tinalikuran ko siya. Sinundan niya ako ng tingin. Nilapitan ko ang aking bag saka isinublit ko ito sa isa kong balikat. Ngumiti ako sa kaniya. "Curious ako sa lugar na sinasabi mo. Tara na?" pag-aaya ko na may halong matamis na ngiti.
Saglit siya natigilan, tila namangha siya sa aking ginawa pero sa bandang huli ay napangiti siya. Humarap siya sa aking direksyon. "I'm glad you're now okay." aniya.
Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga katagang 'yon. Lumapat sa sahig ang aking tingin. Mapait akong ngumiti. "Yes, they made me hurt and betray. Ipinaramdam nila sa akin ang pagiging pait at pagiging miserable. But I realize, I need to forgive. Because without forgiveness, may life will be govern by an endless cycle of resentment and retaliation... And forgiveness is a gift I give for myself. Hmm, ganoon talaga siguro ako magmahal talaga---" hindi ko na maituloy ang mga susunod kong sasabihin dahil sa bilis ng paglapit niya sa akin, kasabay na ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya! Halos maduling na naman ako sa sobrang lapit niya! "D-doc..."
"If there was no medicine in your body, I wouldn't hesitate to claim your lips, Mrs. Zalanueva..." namamaos niyang sambit.
Napalunok ako. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo, kasabay na naramdaman ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. Dahil sa pagkataranta ay mahina ko siyang naitulak palayo sa akin. Agad ko din siya tinalikuran. Nagmamadali akong naglalakad sa hallway ng Ospital mula sa kaniyang Opisina. Ni hindi ko na nga napansin pa ang bati ng sekretarya niya. Nahihiya akong tumingin sa kaniya dahil baka napuna niya ang mukha ko!
"Charlize! Wait!" malakas na tawag sa akin ni Dr. Zalanueva.
Patuloy ako sa paglalakad. Akala mo wala akong naririnig.
"Mrs. Zalanueva! Stop!" malakas niyang tawag ulit.
Awtomatiko akong napatigil nang marinig ko 'yon. Nanlalaki ang mga mata ko habang lumilingon ako sa kaniya na parang robot. Naghalf-run siya palapit sa akin. Kita ko kung gaano kalapad ang ngiti niya! At talagang nasiyahan pa siya sa pang-aasar niya sa akin! Pinandilatan ko siya ng mga mata nang nasa tabi ko na siya. Kusa niyang hinawakan ang isang kamay ko. Mahigpit niyang hinawakan 'yon, tipong naniniguro siyang hinding hindi ako makakawala doon.
"Ang ganda mo magalit." malambing niyang sabi, saka dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad.
'Bolero!' sigaw ng aking isipan saka umirap ako na dahilan para matawa na naman siya.
Marahan niya akong hinatak hanggang sa naratin namin ang kaniyang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inaalalayan niya akong makapasok doon. Ang akala ko ay agad din siyang aalis pero nagkamali ako. Talagang siya pa ang nagkabit ng seatbelts sa katawan ko---may kasama pang paghalik sa aking tungki sa aking ilong!
"Westin!" hindi ko mapigilang maibulalas 'yon.
Bumungisngis siya. Talagang nag-eenjoy siya sa pang-aasar niya sa akin. Good thing, agad din siya umalis sa harap ko. Sinara niya ang pinto na nasa gilid ko. Umikot siya hanggang sa marating niya ang driver's seat. Tahimik lang ako sa kaniyang tabi. Binuhay niya ang makina ng sasakyan pero bago man niya iusad 'yon ay bumaling siya sa akin.
"Pwede ka pa matulog kung gusto mo." masuyo niyang saad.
Nakanguso kong isinandal ang aking ulo sa sandalan ng front seat. "If you say so..." saka marahan kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa naramdaman ko nalang na inusad na niya ang sasakyan hanggang sa nakaalis na kami ng Ospital.
Halos matalon ako sa gulat nang makita at malakas na nabasag ang plorera sa aking harap. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Hinahanda ko ang aking sarili sa anumang mangyayari at sunod na gagawin niya. Alam kong dito hahantong ang lahat.
Ilang matigas na mura ang naririnig ko mula sa kaniya. Kung anuman ang mahahawakan niya ay walang alinlangan niya ito binalibag sa pader o pwersahang ibagsak sa sahig.
Ilang humpay ang aking mga luha sa kakatulo. Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng aking palda dahil sa pinaghalong takot at kaba na umaapaw sa aking sistema. Kahit kailan, sa buong buhay ko, ngayon ko lang siya magalit ng ganito. Pero kahit ganoon ay pilit kong tumayo sa sarili kong mga paa, kahit na mag-isa kong hinaharap ang kaniyang galit niya.
"What the hell do you think, Charlize, huh?!" bulyaw niya sa akin.
Pumikit ako nang mariin. "I'm s-sorry... I'm sorry..." garagal kong wika.
"Ilan beses ko sinabi sa iyo na tigilan mo na makipagkita sa kaniya, hindi ba?! I've already told you that he don't deserve you! That he's not worth of your time!" dagdag pa niya, nanatili paring malakas ang kaniyang boses.
Dumilat ako. Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot.
Itinuro niya ang kawalan. "Break up with that bastard so you can live better with no regrets, Charlize." matigas niyang sabi.
Napasapo ako sa aking tyan. Kinagat ko ang aking labi sa muling pagkakataon. Pumikit ako nang mariin dahil sa sakit at bigat na aking nararamdaman. Alam ko sa una palang ay nalaman ko na ang pagkadisgusto ng aking ama kay Edwin. Napilitan lang siya na makisama sa taong mahal ko noong nabubuhay pa si mama. Pero nang nawala na sa amin si mama dahil sa isang sakit, talagang ipinapakita at ipinaparamdam niya na ayaw niya kay Edwin. Na kahit anuman ang mangyari ay hinding hindi niya matatanggap ang relasyon namin. Na si Edwin ang mahal ko.
Pero mas masakit na kailangan kong mamili.
"Dad..." sinubukan ko siyang tawagin.
Binigyan niya ako ng malamig na tingin. "Tatanggapin pa rin kita pati ang magiging anak mo. Iwan mo lang siya, Charlize." pilit niyang mahinahon sa tono na 'yon.
Doon ay natigilan ako. Para akong kakapusin ng hininga. Ilang mararahas na singhap ang pinakawalan ko, nagtaas-baba ang aking dibdib habang nakatingin ako sa kaniya. Lununok ako. "Pero mahal ko siya..."
"Kung mahal ka niya, papatunayan niya ang sarili niya sa akin, Charlize. Kung mahal ka niya, hindi mo mararanasan ang mga bagay na ito sa kamay ko. At kung mahal ka niya, hindi ka mag-isang humaharap sa akin ngayon!" matigas niyang sambit. Tinalikuran niya ako. "Sa lahat ng bagay, susuportahan kita. Pero kung may kinalaman sa lalaking 'yon, hinding hindi mo ako maaasahan. Kung pipiliin mong sumama sa isang tulad niya, wala na akong magagawa dahil desisyon mo na 'yan. Pero iisa lang ang magiging malinaw sa ating dalawa---sa oras na tumapak ka na sa labas ng pamamahay na ito, kalimutan mo nang naging ama ako sa iyo." basag ang boses niya nang sambitin niya ang huling pangungusap.
Walang alinlangan akong humakbang palabas ng Study Room. Rinig ko ulit ang pagbasag ng mga bagay mula sa loob. Pilit ko nalang na hindi itindihin 'yon.
Halos patakbo na ang ginawa ko hanggang sa marating ko ang aking kuwarto. Pinuntahan ko ang aking backpack saka nag-impake. Ang nga importanteng bagay ang mga dinala ko. Lalo na ang alkansya ko at mga perang papel. Sinadya kong iwan ang mga credit card at debit card ko dahil paniguradong ififreeze niya lang ito sa oras na aalis na ako sa Mansyon.
Tumigil ako nang tumapak ang mga paa ko sa labas ng teritoryo ng aking ama. Sa huling pagkakataon ay lumingon ako sa magarbo at malaking mansyon. Humigpit ang pagkahawak sa strap ng aking back pack, umukit ang kalungkutan sa aking mukha. Tanaw ko ang isang bintana kung saan nakabukas pa ang ilaw---ang study room ni daddy. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili kong maiyak. Hindi rin nagtagal ay binawi ko na ang aking tingin at tuluyan na akong nakalayo sa mansyon na may bigat sa pakiramdam.
"Charlize? Gising na..." rinig ko ang malambing na tawag ni Dr. Zalanueva.
Bahagyang iginalaw ko ang aking ulo hanggang sa nagawa kong idilat ang aking mga mata. Mukha niya ang bumungad sa akin. Naniningkit ang mga mata ko nang iginala ang aking mga mata. Nahagip ng aking paningin ang mga ilaw sa paligid.
Naunang lumabas si Dr. Zalanueva mula dito sa loob ng sasakyan. Kinalas ko ang seatbelt. Umikot siya sa harap hanggang sa binuksan niya ang pinto sa aking tabi. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapinn 'yon. Muli ko iginala ang aking paningin. Umawang aking bibig nang napagtanto ko na nasa harap kami ng isang malapad na lupain na mapapaligiran ng mga christmas lights sa mga puno at sa mga halaman. Nakuha din ng aking pansin ang neoclassical bungalow house na tingin ko ay rest house ang lugar na ito. Wala akong ideya kung sino ang nagmamay-ari.
Tumingin ako kay Dr. Zalanueva. "Where are we?" hindi ko mapigilang itanong 'yon.
Imbis sagutin niya ng eksakto ang tanong ko ay binigyan niya ako ng ngiti. Dumapo ang palad niya sa aking likuran. "Malalaman mo din." he sounds thrilled.
Nagkibit-balikat ako. Kusang sumunod ang aking katawan. Sabay namin nilapitan ang bahay.
Pero bakit pakiramdam ko, sa bawat hakbang na pinapakawalan ko ay ipinaparamdam sa akin na nakauwi na ako? Bakit parang mas gumagaan ang pakiramdam ko? Bakit ganito? Sino ba ang nagmamay-ari ng bahay na ito?
Nang marating na namin ang pinto, medyo nagulantang pa ako dahil pinihit mismo ni Dr. Zalanueva ang pinto. Ibig sabihin, isa ito sa mga bahay niya?
Nang tumapak na ang mga paa ko sa mismong loob ng bahay, hindi ko mapigilang mapatingin sa mga kagamitan na meron dito. Pinaghalong antique at modern ang mga kasangkapaan dito. Pamilyar din sa akin ang nga painting na nakakabit sa pader.
"Oh, there you are..." isang pamilyar na boses ang narinig ko. Rinig ko din ang mga yabag na papalapit sa amin.
Agad ko tiningnan ang pinanggalingan n'on. Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang makilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Ganoon din siya nang makita niya ako. Ramdam ko na naman ang bigat sa loob ko. Kita ko kung papaano niya ako pinag-aralan sa mga tingin niyang 'yon. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at hindi makapaniwala na nagkaharap kami muli. Pero mas napansin ko sa mga mata niya ang pangungulila.
Hindi ko namalayan na namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. Marahas 'yon pumatak sa aking pisngi. Ramdam ko din ang panginginig ng aking katawan. Halos bumigay na ako sa aking nakikita. Lalo na ang hitsura niya ngayon---bakas na sa ang katandaan at pagluluksa.
"D-dad..." lakas-loob kong tawag sa kaniya.
He looked away and took a deep breath. Iniiwasan niyang maluha sa harap ko. "Y-you..." halos mabasag ang boses niya.
Pumikit ako ng mariin saka yumuko. "S-sorry, dad... Kung n-nakinig lang ako..."
Lumapit siya sa akin. Sa haba ng panahon na hindi kita nagkita, ngayon ko lang ulit maramdaman ang mga yakap niya. "It doesn't matter, atleast, you're back." nanginginig na wika niya. Mahina niyang tinapik ang aking likod. "I'm thankful.. I'm not late... I miss you, Charlize..."
Mas lumakas ang iyak ko. Daig ko pang bumalik sa pagiging paslit dahil sa pag-iyak ko. Nalukot ko na ang damit niya dahil sa higpit na pagkahawak ko doon. Lahat ng sakit na naipon ko sa mahabang panahon, ay nailabas ko. Lahat ng pagtitiis at hinanakit ay nagawa kong nailabas.
Marahang inilapag ni Dr. Zalanueva ang mga tasa ng tsaa sa center table. Pareho kaming nasa Salas. Nahimasmasan na din ako. Pakiramdam ko ay namugto na ang mga mata ko sa kakaiyak, kahit ganoon ay hindi ko mabitawan si daddy mula sa pagkayakap sa kaniya at ganoon siya sa akin. Umupo na si Dr. Zalanueva sa bakanteng upuan, nakangiti siyang nanonood sa amin.
"I'm glad dito ka niya dinala." wika ni dad habang mahina niyang hinahaplos ang aking buhok. "And he told me about your conditions. So I suggest, dito ka nalang niya dalhin."
Dahil sa sinabi niya ay bumitaw ako kay dad para tingnan siya nang mabuti sa kaniya. "Kilala mo si... Dr. Zalanueva, dad?" hindi ko mapigilang magtanong. Kanina ko pa gustong itanong kanina pa, mabuti nalang ay nabanggit ni dad.
Seryoso siyang tumingin sa akin. Kumawala siya nang malalim na buntong-hininga. "May dahilan ako kung bakit sobra akong nagalit noon. I was looking for your potential husband wayback then, until I meet Westin's father. We have agreed to fix your marriage in the age of 20."
Natigilan ako saglit. Tumingin ako kay Dr. Zalanueva na nakangiti, para bang inaabangan niya ang magiging reaksyon ko. Mabilis kong ibinalik ang tingin ko kay dad. Kumurap ako. Ibinuka ko ang aking bibig. "Y-you mean...?"
Muling huminga ng malalim si dad. "Yes, Westin Zalanueva is supposed to be your husband more than ten years ago."
Daig ko pang namutla nag marinig ko ang lahat. Sumagi sa isipan ko ang mga binanggit sa akin noon ni Dr. Zalanueva. Mula na sinabi niya sa akin na hanggang ngayon ay single pa siya, kung bakit nagpaparamdam siya sa akin---na hindi na pasyente niya kung ituring niya sa akin hanggang sa ngayon.
Bumaling ako kay Dr. Zalanueva na ngayon ay nakaluhod sa akin. "Let me formally introduce myself once again..." masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko. "I'm Zane Westin Zalanueva from Madrid, Spain. I'm not here as the grandson of the former royal, nor as your doctor. I'm here as your husband."
"D-Doc..." wala na akong makapang salita.
"I'm glad to meet you, Charlize. So can I steal you away from your worthless husband?"