CHAPTER 12

2846 Words
Sa pagdilat ng mga mata ni Edwin ay napagtanto niyang nakatulog na pala siya sa ilalim ng puno. Hindi inalis niya ang kaniyang sarili mula sa pagkasandal niya sa puno. Dumapo ang mga palad niya sa damuhan. Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid ng lugar. Binalewala niya ang lamig at malakas na hangin sa dumadapo sa kaniyang balat. Namataan niya ang bulto ng isang babae nakatalikod sa hindi kalayuan. Naningkit ang mga mata niya para maaninag pa niya ang babae pero natigilan siya nang bahagyang sumulyap ito sa kaniya. Hindi nagdalawang-isip si Edwin na tumayo at tumakbo palapit sa kinaroroonan ng babaeng nakita niya. Wala siyang pakialam kung nakaharang man ang mga talahib sa kaniyang dinadaanan. Hinawi niya ang mga ito hanggang sa tagumpay siyang nakarating sa kaniyang destinasyon. Tuluyan na niyang nakaharap ang babaeng nasa kaniyang harapan. Kahit hapong-hapo ay nagawa parin niyang tingnan ito nang diretso sa mga mata. Binigyan siya ng blangkong tingin ng babae. "T-tita..." mahina niyang tawag sa kaharap. Nanatiling nakatikom ang bibig nito. Patuloy pa rin siyang binigyan ng malamig na tingin. Humakbang ulit ng isa si Edwin pero natigilan siya nang marinig niya ang boses nito. "Pinabayaan mo ang anak ko, Edwin." malamig nitong turan sa kaniya. "At hindi kita mapapatawad... Hinding hindi kita mapapatawad---!" Napasinghap siyang bumangon . Taas-baba ang kaniyang dibdib. Nanlalaki ang mga mata niya na hindi makapaniwala. Humigpit ang pagkahawak niya sa beddings ng kama. Iginala niya ang kaniyang paningin sa buong silid. Tumambad sa kaniya ang mga nakakalat na kagamitan, may basag at mga nakatumba na bote din sa sahig. Yumuko siya't napasapo siya sa kaniyang noo na tila nawawala siya sa kaniyang sarili. Hindi niya akalain na mapapanaginipan niya ang ina ni Charlize. Pumikit siya ng mariin saka napahilamos ng mukha. Napagpasyahan niyang umalis sa ibabaw ng kama para daluhan ang bathroom para makaligo, sa gayon ay mawala man lang nag hang over niya. Buong gabi ay inilunod ni Edwin ang sarili niya sa alak simula nakita niya ang cctv footage. Sa buong pagsasama nila ni Charlize, kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan niya na magagawang sumama ng asawa niya sa ibang lalaki. Kampante siya na hinding hindi magagawa ni Charlize ang bagay na 'yon. Kahit alam niya din na may alam na din ito tungkol sa relasyon nila ni Sandra. Dahil lamang din sa isang pagkakamali kaya humantong na naging magkarelasyon silang dalawa at nagawa niyang pagtaksilan si Charlize. Sariwa pa sa alaala niya ang gabi na puntahan siya ng babaeng pinakamamahal niya. May dala itong back pack kahit na nakabestida lang ito. Sinabi nito sa kaniya na naglayas ito. Tinalikuran na ang pamilya para lang sa kaniya. Ang higit sa lahat---buntis ito at siya ang ama. Unang reaksyon ni Edwin, hindi siya makapaniwala. Aminado siyang ilang beses na niyang nahawakan si Charlize. Ilang beses niyang inangkin ang babaeng pinakamamahal. Patunay na pareho ang nararamdaman nila sa isa't isa. Sinisigurado niya na walang mabubuo dahil pareho pa silang bata ng mga panahon na 'yon. Tinitiyak niya na magiging maayos ang lahat bago man niya magawang pakasalan ito at papatunayan ang sarili niya sa ama ng babaeng mahal lalo na't galing ito sa isang marangyang pamilya. Isang kilala at makapangyarihang negosyante ang ama, samantalang ang ina naman galing sa isang prominenteng pamilya na galing pa sa bansan Monaco. Kahit siya ay hindi makapaniwala na isang tulad niya na galing sa pamilyang walang-wala ay mahuhulog din sa kaniya. Na tinuturing na prinsesa ng angkan nito at isa sa mga pinakapangarap ng mga kalalakihan noong nag-aaral pa sila. Gustuhin man harapin ni Edwin ang mismong ama ni Charlize pero pinigilan siya nito. Ang dahilan niya ay wala na siyang mababalikan sa bahay na 'yon lalo na't itinakwil na siya bilang parte ng pamilya. He felt guiltyand he belittled for himself. Kung bibigyan lang siya ng pagkakataon para patunayan pa niya ang sarili niya ay gagawin niya. So he decided to be a working student. He need to to fulfill his dreams for his love of his life, Charlize and for their future child. Masakit man para sa kaniya na kailangan bitawan ni Charlize ang pag-aaral dahil sa nagdadalang-tao na siya. Whenever he see her, his pride slowly eating him up. He meant to be blind ro everything and just focus on his dreams and ambitions. He did those things just for Charlize. He will do everything to give her a comfort life that suits for her. Ayaw niyang maranasan ang hirap kung anuman ang naranasan niya noon. Ayaw na ayaw niya. Hanggang sa ikinasal silang dalawa. Pero akala niya ay ayos na 'yon. Ang akala niya magiging masaya si Charlize sa ginagawa niya. Nagkakamali pala siya. May pagkukulang pa rin siya---he begin to noticed how she draw a sadness on her face. He forgot to give her attention. Communications. Kaya nag-away sila nang gabing 'yon at sa aksidente ay nawalan sila ng anak. Pakiramdam niya ng mga oras na 'yon ay naglaho na parang bula ang lahat ng pinaghirapan niya. Ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagsusumikap. Ang bunga ng pagmamahal nilang dalawa. Nawala 'yon nang basta-basta. He feel devastated. Nagalit siya sa sarili niya. Gusto niyang saktan ang sarili niya. At doon, pinuntahan siya ni Sandra para ilabas kung ano ang nararamdaman niya at para na din aluhin siya, hanggang sa nangyari ang hindi dapat. May nangyari sa kanilang dalawa. Hindi lang si Sandra, nagawa niya din makipagrelasyon sa ibang babae at ginagalaw niya ang mga ito nang ilang ulit na hindi nalalaman ni Charlize. Pero sa huli, si Sandra lang ang nakakaitindi sa kaniya, sa tingin niya. Hindi na din niya namamalayan na mas lalo naging malamig na pakikitungo niya para sa asawa. Pinutol na niya ang pag-iisip saka pinatay na niya ang shower. Lumabas siya sa banyo habang pinapatuyo niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng tuwalya. Binalewala niya muna ang mga kalat sa kuwartong ito. Dinaluhan niya ang gilid ng kama saka umupo. Tumigil lang siya sa kaniyang ginagawa nang magring ang kaniyang cellphone. Hindi siya nag-atubiling kunin 'yon mula sa ibabaw ng side table. Umigting ang kaniyang panga nang mabasa niya ang pangalan ni Sandra bilang caller. Pumikit siya ng mariin pero sa huli ay nagawa na niyang sagutin ang tawag. "Edwin..." naiiyak na tawag sa kaniya ni Sandra. "Can we please talk...?" bakas sa boses nito ang pagmamakaawa. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Hindi ba nagsabi na ako sa iyo na huwag na huwag mo na akong kausapin?" matigas niyang turan sa kausap. "H-hindi ko magagawa... Ang gusto mo, Edwin...Please..." "Ano pa bang gusto mo?! Nakuha mo na ang gusto mo, hindi ba? Sirang-sira na kami ni Charlize dahil sa kagagahan mo!" iritado niyang sabi. "Pero ginusto mo din naman ang mga nangyari! Ikaw ang unang humalik sa akin dahil sa kalungkutan mo!" wika pa niya. "Please, Edwin... Huwag naman ganito, oh... Hindi ko kaya... Hindi ko kayang mawala ka..." "Wala nang dahilan para bumalik ako sa iyo." "Meron, Edwin. Buntis ako at ikaw ang ama ng dinadala ko!" lakas-loob nitong pahayag. Doon ay natigilan si Edwin. Kinuyom niya ang isa niyang kamao hanggang sa nanginginig ito. "Wala ako sa mood makipagbiruan sa iyo, Sandra." matigas niyang sabi. "H-hindi ko sasabihin ang bagay na ito kung nagbibiro ako... So please, kahit lang sa magiging anak natin... Huwag kang umalis..." Napasapo siya ng mukha saka tumingala. "Tang ina..." mahina niyang sambit. "Para sa anak natin...? Tama ba pagkarinig ko?" saka humalakhak siya. Para bang sinaniban siya ng demonyo nang dahil sa tawa na 'yon. "Sigurado ka bang sa akin 'yan? Tandaan mo, hindi lang ako ang karelasyon mo, Sandra... I know you're not really a timid like what others see. The truth is, a party goer like you can f**k you like I do... But still, I will keep Charlize no matter what." Rinig niya ang paghagulhol ni Sandra. Wala siyang pakialam kung matindi na ang pag-iyak ng babae sa kabilang linya. Aminado siyang wala siyang nararamdaman pa kay Sandra. Ni awa ay wala na siyang nararamdaman. "A-ano bang dapat kong gawin para hindi ka na magalit...? Para hindi mo ako iwan...?" Sumilay ang nakakademonyong ngisi sa mga labi ni Edwin. "Kaya mo bang mamatay para sa akin?" ** Dahil tinatamad si Edwin pumasok sa Opisina ay napagpasyahan niyang lumabas muna para makapag-isip ng maayos. Ipinaalam na din niya sa kaniyang sekretarya na hindi muna papasok at ito muna ang bahala sa lahat ng mga papeles, kung may papapirmahin man, pipirmahin nalang siya sa oras na nakabalik na siya sa trabaho. Hindi niya namalayan na napadpad na siya sa parke ng condo unit. Umupo siya sa isa sa mga park bench doon. Isinandal niya ang kaniyang likod sa sandalan ng upuan habang nasa loob ng magkabulsa ng jacket niya ang mga kamay. Blangko ang ekspresyon sa kaniyang mukha nang tumingala siya sa kalangitan. It's clear and bright. Biglang sumagi sa isipan si Charlize. Kailan niya kaya huling inilabas ang asawa? Kailan ang huling date nila? Kailan niya huling nakita ang masasayang ngiti niya? Kailan ang huli masaya silang nag-uusap ng mga bagay-bagay lalo na't walang kinalaman sa pagtatrabaho? Lihim kinagat ni Edwin ang pang-ibabang labi habang pinapanood ang kalangitan at mga ulap. He admit he's a jerk. Ilang beses na niya sinaktan ang sarili dahil sa pagiging tanga niya. Gusto niyang saktan ang sarili dahil hindi siya nagakalalaki para kay Charlize lalo na't nagawa niyang pagbuhatan ng kamay ang babaeng minamahal. Sinisisi niya dahil naging sakim siya. Ipinangako niya na siya ang magiging dahilan ng kasiyahan niya, pero sa huli ay siya din pala ang dahilan para mapawi ito. Bumigat ang pakiramdam niya habang iniisip niya ang mga bagay na 'yon. "Please, umuwi ka na, Charlize..." mahina niyang pagsusumao---na siya lang ang nakakarinig at wala nang iba pa. "I promie to be good to you..." Biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Tamad niyang inilabas ang telepono mula sa bulsa. Blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang sulyapan niya ang screen. He's expecting someone like Sandra will call him. Mabuti nalang ay hindi. Nabasa niya ang pangalan ni Issa, dahil d'yan ay nagawa niyang sagutin ang tawag nito. "Hello, kuya?" bungad nito sa kaniya. "Issa..." "Hindi ka ba busy ngayon? Ano kasi, malapit na ang kasal ko. Invited kayo!" magiliw nitong sabi. "Kamusta na pala si ate Charlize? Okay na ba siya?" Umayos ng upo si Edwin saka yumuko. "She left me, Issa." "A-ano?" bakas sa boses nito na hindi makapaniwala. "H-how...?" "Sumama siya sa lalaking sumundo sa kaniya. Nakita ko 'yon sa cctv footage." he sighs. "I remember that guy owns an expensive and luxury car. And he's a doctor---I don't think he's an ordinary doctor." "Expensive? Luxury...Car? Ordinary doctor?" ulit pa niya na parang may iniisip siya. "Oh shit." "Huh?" "Wait, hindi kaya si Dr. Zalanueva ang tinutukoy mo na lalaking sumundo kay ate Charlize?!" bulalas niya. Kumunot ang noo ni Edwin sa naging pahayag ng pinsan. "Nakilala ko siya noong nag-aaral pa ako ng nursing. He's one of my professor but he's one of the eminent cancer specialist from Spain! Wait---Nasaan ka ba ngayon? Pupuntahan kita!" "N-nasa garden ako ng condo..." "Alright, hintayin mo ako. Malapit lang naman ako. Pupuntahan kita!" saka nawala na ito sa linya. Naiwang nagtataka si Edwin sa kaniyang narinig. So that man is not an ordinary doctor... ** Mabibigat na hakbang ang pinawalan ni Issa habang nagmamartsa ito patungo sa kaniya. Hindi mabasa ni Edwin ang ekspresyon sa mukha ng nakakabatang pinsan. Hindi niya mapunto kung galit ito o nag-aalala para kay Charlize. Napagpasyahang magkita kami sa lobby ng condo unit dahil ayon sa text message na natanggap niya mula sa pinsan ay may titingnan daw siya sa mismong unit nila, dahil walang ideya si Edwin ay pinaunlakan niya ito. Nang tumuntong sila sa mismong loob ng unit ay hindi maitago ang pagtatatak a sa mukha niya. Walang sabi-sabi na sinugod ni Issa ang Master's bedroom. Dumiretso ito sa cabinet, lahat ng gamit na nakapaloob doon ay inilabas niya. Hindi lang 'yon, kahit ang drawer ng side table, maski na din ang mga drawer mula sa dresser na may salamin ay sinuyod niya. Kunot-noo pinapanood ni Edwin ang pinsan. Naguguluhan siya sa inakto nito. Mas lalo hindi niya maitindihan kung bakit galit ang mukha nito. "Issa..." "Shut up." matigas nitong sabi sa kaniya. "Stay put or just help me to find the medicine bottles!" malakas na utos nito sa kaniya. 'Medicine bottles?' sa isip niya. Kusang sumunod ang katawan niya sa inutos ng pinsan. Nilapitan niya ang bathroom. Iniisa-isa niyang buksan ang mga drawer doon, kahit ang kasuluk-sulukan ay tiningnan niya kung may makikita siyang bote ng gamot pero bigo siya. Wala doon ang hinahanap ng pinsan niya. "Nakita mo?" tanong sa kaniya. Umiling siya bilang kasagutan. Marahas na bumuga ng malalim na buntong-hininga si Isssa saka nakapameywang. Tumahimik siya saglit saka tinalikuran siya. "Sa Salas ako, sa Kitchen ka naman." pahabol niyang sabi. Muli siyang sumunod sa sinabi nito. Tulad ng inuutos nito, sa Kusina siya naghanap. Bawat hanging cabinet sinuyod niya. Nabubuhay na ang kuryusidad sa kaniyang sistema. Gusto niyang malaman kung ano ang itinatago ng asawa sa kaniya. Nang matapos niyang suyurin ang cabinet ay mga drawer naman ang sunod niyang binuksan. Natigilan siya nang makita ang mga mga bote ng mga gamot. Umawang ang kaniyang bibig sa nakita. Hindi niya alam kung bakit kusang nanginig ang mga kamay niya nang makita niya ang mga bagay na kanina pa nila hinahanap. Nang tuluyan na niyang nahawakan ang mga bote ay bumaling siya sa direksyon ng kaniyang pinsan na tumigil din sa paghahanap. Agad siyang dinaluhan nitoat inagaw ang mga bote mula sa kaniyang mga mata. Pinapanood niya kung paano sinuri ni Issa ang bawat bote. Kita niya kung papaano kinagat ang labi nito saka nabitawan ang mga bote. Walang sabi na kinuwelyuhan siya. Nanindig ang balahibo niya nang makita niya ang panlilisik ng mga mata nito. "Paano mo nagawa ito, Edwin?" matigas at punung-puno ng pait nang sambitin niya ang mga bagay na 'yon. "Masyado ka lang ba nasiyahan sa p*******t mo sa kaniya kaya hindi mo alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon, ha?!" pabulyaw. Hinawakan ni Edwin ang mga kamay ni Issa, clueless pa rin siya sa reaksyon nito. "W-what..." "Masaya ka na, ha?!" "I don't understand, Issa!" hindi na rin niya mapigilan ang sarili niyang pagtaasan ito ng boses. Marahas siyang binitawan. Galit niyang itinuro ang mga bote na nasa sahig. "Alam mo ba kung para saan ang mga gamot na 'yan, Edwin? Pain killer para ara sa cancer! At 'yon ang meron kay ate Charlize ngayon!" Tila tumigil ang mundo ni Edwin sa narinig. Tila binuhusan siya nang malamig na tubig nang marinig niya ang kondsyon na meron si Charlize ngayon. Kaya hindi na nkakapagtaka kung bakit nagawang ihatid-sundo siya ng doktor na 'yon. Dahil sa panghihina ay bumagsak siya sa sahig. Natuliro siya sa pangyayari. Nanumbalik sa alaala niya ang mga bagay na napansin niya kay Charlize. Malaki ang ibinagsak ng katawan nito. Halos nakakapa na niya ang bawat buto nito. Sinasabi na walang gana kumain... At nakita niya kung papaano ito nagsuka ng dugo. Pero iba pa rin ang pakiramdam niya sa lalaking ito. Pakiramdam niya ay hindi lang relasyon bilang doktor at pasyente ang turingan nila. May iba pa. "C-Charlize..." mahina niyang tawag sa asawa kahit na bigo siyang marinig nito. "Ang kapal ng mukha mo... Habang nagpapakasaya ka sa mga babae mo... Sa pera mo... Hindi mo alam na mag-isang hinaharap ni ate Charlize ang sakit niya!" halos pumikyok na si Issa nang sambitin niya ang mga kataga. "Maitanong ko lang sa iyo... Kailan ka naging mabuting asawa sa kaniya...?" Nanginginig ang kalamnan ni Edwin. Parang kakapusin siya ng hininga nang malakas na isinampal ni Issa ang katotohnan. Kung anong klaseng asawa siya. Kung anong trato niya at kung gaano siya kasama sa tinuturing na pinakamamahal niya. "I... I need to find her..." nanginginig ang boses niya. Hindi siya sinagot ni Isssa, sa halip ay tumalikod ito sa kaniya. Dinaluhan ang sofa at ipinagpatuloy ang iyak. Mukhang nanumbalik ang ulirat niya nang marinig niya nang marinig niya ang tunog ng kaniyang cellphone. Agad niyang kinuha ito mula sa bulsa. Nakita niya ang numero ng inaasahan niyang tao. Ang magiging sagot upang mahanap niya ang asawa. Hindi siya nagdalawang-isip na sagutin ito. "M-may balita ka na ba...?" bakas ang desperado sa boses niya. "Nakuha ko na kung sino ang nagmamay-ari ng plate number na ibinigay mo. His name is Zane Westin Zalanueva. Current doctor ng isa sa mga private na Ospital dito sa Tagaytay. He's not an ordinary doctor. He's a grandson of the former duke of Liria and Jerica. Nakuha ko na din ang address niya---" "Ibigay mo sa akin, ngayon. Ibigay mo!" hindi mapigilang sumigaw ni Edwin. "Alright, alright... Isesend ko nalang sa iyo." Mismo si Edwin na ang pumutol ng tawag. Bumaling sa kaniya si Issa, tumayo ito mula sa kinauupuan. "A-anong nangyari?" "He already found where he is. The doctor." kinuyom niya ang kaniyang kamao dahil sa nagsusumuklab na damdamin. "Babawiin ko ang asawa ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD