CHAPTER 13

2818 Words
Masaya kong itiniklop ang libro saka idinikit ko ito sa aking mga labi. Kasalukuyan akong nakaupo sa windor seat. Marahas akong kumawala ng malalim na buntong-hininga. Sa wakas, nakatapos ulit ako ng isang nobela. Ito nalang kasi ang libangan ko habang naririto ako sa resthouse ni dad. Hindi ako mahilig manood ng tv, mas gusto ko ang magbasa. Inilapag ko ang hawak kong libro sa isang tabi saka tumingin sa labas ng bintana, mas lalo lumapad ang aking ngiti nang tumambad sa akin ang flower field sa aking harap. Pakiramdam ko, nabawasan ang stress at panghihina ko sa tuwing napapatingin ako sa labas. Napagpasyahan ko nang umalis sa window seat at tuluyan nang lumabas ng kuwarto. Paniguradong gising na si dad at sasamhan ko siya sa pagkain kahit na kakaunti lang ang kakainin ko. Hindi ko na initindi kung nakahoody at nakasweat pants ako. Ang rason ko naman ay hindi naman ako lalabas o wala naman akong pupuntahan. Siguro ay dahil na din nasanay na ako na ganito ako manamit simula umalis ako teritoryo ni dad noon. Sumilip ako nang bahagya sa dinning room. Tama nga ang hinala ko. Naroon nga si dad, kasalukuyan siyang nag-aalmusal habang nagkakape na din. Nagpakawala ako ng hakbang hanggang sa tuluyan kong naabot ang isang upuan ng dining table. Nakuha ko ang kaniyang atensyon. "Good afternoon, dad..." I politely greet him. "Good afternoon din, kumain ka na, iha." nakangiting sabi niya sabay turo niya sa dining chair na hawak ko. "Para makainom ka na ng gamot." Tumango ako na nakangiti. Hinila ng isang maid ang upuan at inaalalayan akong makaupo. Gumalaw na din siya para inabot sa akin ang pagkain pero sinabi ko sa kaniya na magtitinapay nalang ako. Hindi naman ako mabigo, mabuti nalang ay may loaf bread sa mesa. Kumuha ako ng dalawang hiwa dahil baka masayang ko lang. Alam kong isusuka ko din ang mga ito maya-maya. "Si doc po pala...?" iginala ko ang aking paningin sa paligid. Bumaling siya sa akin. "Nakaalis na siya papunta sa Ospital. Ang sabi niya sa akin bibisita daw siya dito mamaya o bukas. Depende kung marami daw siyang gagawin." "Eh, kayo po?" sunod kong tanong. "Naka-leave ako ngayon, iha. Hindi muna ako papasok tutal ay si Mon muna ang ipinapaasikaso ko ng mga gagawin sa kumpanya." paliwanag niya. Kung hindi ako nagkakamali, si Mon ay matagal nang sekretarya ni dad. Tama, naabutan ko siya. Bagong hired palang siya nang nasa high school palang ako. Hindi ko akalain na nakatagal pala siya sa trabaho na 'yon. "By the way, may gusto ka bang gawin ngayon? Maganda ang panahon ngayon." "Hmmm, how about gardening, dad?" suhesyon ko. Natigilan siya sa pagkain nang marinig niya ang suhesyon ko. Muli siyang bumaling sa akin. "Are you sure about that? Ang bilin sa akin ni Westin, hindi ka pupwedeng gumalaw nang matagal at gumawa ng mga mabibigat na bagay it will make you exhausted." I tilt my head. "Mas manghihina ako kung wala akong gagawin dito, dad. Saka, namimiss ko na din ang gardening... Especially mom." napalita ng pait ang aking ngiti. He sighs. "Alright. Let's do that later." bakas na pagsuko. Bumalik ang aking masasayang ngiti sa naging desisyon niya. "Thanks, dad." Pagkatapos namin magtanghalian ay nagpahinga pa ako nang kaunti sa kuwarto ko. Nang sumapit na ang hapon ay hindi na ako nagsayang pa ng panahon. Mas nauna pa akong pumunta sa flower fields kaysa kay dad. Nakapagpalit na din ako ng gardening attire sa tulong mga maid. Hindi ko maitanggi ang excitement habang sinusuot ko naman ang gardening gloves saka hinawakan ko ang watering can. Nilapitan ako ni dad kung saan kaimi mag-uumpisa sa pagdidilig. Dahil sa lawak ng flower field ay one-fourth lang daw dito ang pupwede kong diligan due of my circumstances. Hindi na ako umangal dahil alam kong nag-aalala siya para sa akin. At ayaw niya na may mangyari sa akin na masama kaya sumang-ayon nalang ako. Pagkamangha ang umukit sa aking mukha habang isa-isa kong tinitingnan ang mga bulaklak dito. Ang iba sa kanila ay pamilyar sa akin dahil sa itinuro sa akin ni mom, ang iba naman ay hindi dahil tulad ng banggit niya sa akin ay siya na ang nagdagdag kung ano ang mga halaman at bulaklak na nababagay dito. May times na itinuro niya sa akin kung papaano ang tamang pagdidilig, at papaano ito lalagyan ng fertilizer. Dahil d'yan ay may naisip akong ideya. Pagkatapos kong itanim sa lupa at diligan ang halaman na ipinahiram sa akin ni doc ay tumayo na ako saka nagstretch. Nagpameywang saka marahas kumawala ng hininga. Pinulot ko na ang watering can saka dinaluhan ko si dad na kasalukuyang nakaupo sa silya ng veranda table. Habang naglalakad ay hinubad ko ang garden tools saka ang sumbrero ko. Nilapitan naman ako ng maid, sinasabi na ibigay ko sa kaniya ang mga hawak ko. Sinunod ko 'yon saka nagpasalamat na din. "Are you tried?" nag-aalalang tanong ni dad sa akin. Agad akong umiling bilang sagot. "Hindi naman, dad. Mabuti nalang, hindi ako nakaramdam ng hilo." saka humagikhik ako. Napangiti siya't tumango. "Good to know." May lumapit na maid sa amin. Kinuha niya ang teapot pati na din ang walang laman na tasa. Nilagyan niya iyon ng tsaa saka inilapag niya 'yon sa aking tabi. Muli ako nagpasalamat sa kaniya bago siya umatras, nag-aabang kung anuman ang ipag-uutos namin. Kinuha ko ang tasa saka humigop ng kaunti. Sabay kaming tumingin sa flower field. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko inaasahan na makikita ko ulit ang bagay na ito sa isa pang pagkakataon, habang nasa gitna ng pakikipaglaban ko sa sakit. "I'm sorry..." biglang sabi ni dad. Agad akong bumaling sa kaniya na may pagtataka. "Kung alam ko lang kung ano ang nangyari sa iyo sa loob ng mahabang panahon na 'yon, sana pala ay iniligtas kita mula sa kaniya." Mapait akong ngumiti. Inilipat ko ag tingin ko sa kawalan. "It doesn't matter, dad. Kung hindi mo ginawa 'yon, hindi ko malalaman kung ano talaga ang buhay. Kung ano ang reyalidad. Hindi ko pinagsisihan na... Maranasan ko ang mga bagay na 'yon." "Charlize..." "Ngayon ay napatunayan ko kung ano gaano pala kasakit... Kung gaano maging miserble ang buhay. At alam ko na kung anong klaseng tao ako." "What do you mean by that?" Ngumuso ako saka nagkibit-balikat ako. "Na madali ako magpatawad, pero hinding hindi ko makakalimutan ang sakit. Siguro, kailangan ko lang ng oras para maghilom lahat, dad." huminto ako sa pagsasalita ng ilang saglit. "Pero may isa din po akong narealize." "What is it?" Ngumiti akong tumingin sa kaniya. "Kung hindi ko rin naramdaman ang ganito, kung hindi ako naghirap nang ganito... Siguro, hindi ko makikilala si Dr. Zalanueva But still, wala akong pinagsisihan." Mahina siyang natawa sa aking nasabi. "So, you like him?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Dad?" ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pinsgi. "What? Wala naman problema kung malam ko kung nagugustuhan mo na siya o hindi." muli siyang natawa. "Kung siya ang makakatuluyan mo, panatag na ang kalooban ko, Charlize. Panatag na ako dahil ginawa ko na ang naipangako ko sa mama mo." "Pangako mo kay mama?" ulit ko pa. Tumango siya. "She told me to find your real happiness, Charlize." Magsasalita pa sana ako but the one of his bodyguards stepped in. Nakita ko kung papaano siya lumapit kay dad saka may ibinulong siya doon. Nagtataka akong tumingin sa kanila. Kita ko kung papaano sumeryoso ang mukha niya sa kaniyang narinig. Tumingin siya sa akin. Sa hindi ko malaman na dahilan ay ginapangan ako ng kaba. Napatingala ako sa kaniya na bigla siyang tumayo. "Dito ka muna, Charlize. It's urgent." wika niya saka umalis na siya dito sa Veranda. Hinatid ko siya ng tingin. Bahagyang kumunot ang aking noo. Napapaisip ako kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya. Ano bang nangyari? Sunod naman ay nilapitan ako ng isa sa mga maid. Hawak niya ang shawl ko. "Miss Charlize, kailangan ninyo na pong pumasok sa kuwarto ninyo, nakahanda na po ang pampaligo ninyo." magalang niyang sabi. Wala naman akong magawa kungdi sundin ang sinasabi ng maid. Huminga ako nang malalim saka umalis na din ako sa veranda para bumalik na sa aking kuwarto. Dumiretso ako sa banyo na nasa kuwarto ko lang din. Nilock ko ang pinto. Hinubad ko ang damit saka nilagay ko ito sa basket na narito lang sa loob ng banyo. Nang wala nang natira sa aking katawan ay tumapak na ako sa tapat ng shower saka binuksan ko ito. Niyakap ko ang aking sarili habang tinitiis ko ang lamig na dumadapo sa aking balat. Bumaba ang aking tingin. Biglang sumagi sa aking isipan ang usapan namin ni dad kanina tungkol kay Dr. Zalanueva. Bahagya kong ibinuka ang aking bibig. Hindi kaya nagugustuhan ko na si Dr. Zalanueva? Hindi kaya may nararamdaman na ako para sa kaniya tulad ng sabi ni dad? Bago man mabigyan kasagutan ang aking mga tanong, lumapat ang isa kong palad sa pader sabay sapo pa ng isa kong palad sa aking noo dahil nakaramdam ako ng hilo. Unti-unti nanlalabo ang aking mga mata, pumikit ako ng mariin saka idinilat ko ulit ito, sa kasamaang palad ay patuloy pa rin nanlalabo ang aking paningin. Ramdam ko na parang hinahalukay ang aking sikmura kaya hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong magsuka ng dugo. Wala na akong pakialam kung magkalat man ito sa sahig. Sa puntong ito, unti-unti hinihigop ang aking lakas. Hindi kaya epekto ito ng gamot? Ng chemo? Na tulad ng sinabi sa akin ni Dr. Zalanueva? Ramdam ko na ang panginginig ng aking katawan. Unti-unti din kinukuha ang aking kamalayan hanggang sa itim nalang ang nakikita ko... ** Gabi nang itinigil ni Westin ang kotse sa harap ng mababang bahay kung nasaan ngayon si Charlize. Mula Ospital ay hindi na siya dumaan ng bahay niya dahil gusto niyang makita si Charlize. Kahit na nasa trabaho siya ay hindi niya maiwasang mag-alala para sa mahal. Lalo na't nasa pangalawang cycle na ito ng chemotheraphy.Aminado siyang natatakot siya. Alam niya din sa sarili niya na kapag ipagpapatuloy pa ni Charlize ang pagpapagamot ay magiging fifty-fifty na ang buhay nito. Kaya sa milagro nalang siya kumakapit, and of course, in Charlize's determination and willingness to survive in Hell. Lumabas siya muna sa kaniyang sasakyan saka isinara niya ang pinto. Hawak niya ang black leather attache case niya. Tumigil lamang siya sa paglalakad nang maramdaman niyang nagvivibrate ang kaniyang cellphone. Hindi siya nagdalawang-isip na dukutin ang telepono mula sa bulsa. Isang text message ang natanggap niya. Sumilay ang ngisi ang sa kaniyang mga labi nang mabasa niya ito. Na akala mo ay isang magandang balita ang dumating sa kaniya. Pinili niyang hindi na sagutin 'yon. Ibinalik niya sa bulsa ang cellphone. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad hanggang nasa tapat na siya ng pinto. Kumatok siya at nanatiling nakatayo, hinihintay niya na pagbuksan siya at hindi nga siya nagkamali. Ang isa sa mga maid ang nagbukas ng pinto at pinapasok siya. Kaswal lang siyang naglalakad hanggang narating niya ang Receiving Room, kung saan nagsisilbing Opisina Ni Geromino Alameda, ang ama ni Charlize. "Good evening, sir." bati ni Westin sa matandang lalaki. Humarap ito sa kaniya na nasa likuran lang ang mga kamay nito. "Good eve din, iho. Maupo ka." sabay turo niya sa bakanteng single couch. Sabay nilang dinaluhan 'yon saka humupo. Lumapit ang mga maid para pagsilbihan sila sa pamamagitan ng paghahanda ng tsaa. "So... How is it going?" interesadong tanong ni Geromino sa kaniya. Tumango muna si Westin. "Kakatanggap ko lang po ng message. Sa ngayon, kumikilos na siya para hanapin si Charlize." pormal na saad niya. "How about the papers?" Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Everything is ready, sir." "Good." huminga siya nang malalim. "Hindi ko lang masikmurahan na nakatali pa rin ang anak ko sa isang tulad niya na walang kwenta." hindi mapigilang ihayag 'yon dahil sa galit na nararamdaman na naiitindihan naman ng binatang doktor. Magsasalita pa sana si Westin nang biglang nagbukas ang pinto ng silid. Sabay kaming napatingin doon. Tumambad sa kanila ang isa sa mga maid napasapo sa dibdib. Bakas sa mukha niya ang pamumutla. "Sir... Si M-Miss Charlize po..." may halong hapo at takot niyang panimula. "H-h-hindi na po siya sumasagot! Nasa loob pa po siya ng bathroom." "The spare keys!" malakas na utos ni Geromino sa mga katulong. Parehong napatayo sina Geronimo at Westin sa narinig. Hindi na hinintay pa ni Westin ang sunod na sasabihin nito. Agad niyang sinugod ang pinto kung nasaan ang kuwarto ni Charlize. Pinihit niya ang pinto ng banyo pero nalock ito. Wala siyang mapagpilian pa. Malakas niya itong tinadyakan hanggang sa bumigay ito. Agad hinahanap ng mga mata niya si Charlize. Nadatnan niya ang babae na nakahandusay na sa sahig. May mga nakakalat din na dugo sa ilang parte ng shower ngunit kakaunti nalang dahil na tubig. Pinatay niya ang shower. Agad niya hinawakan ang babaeng pinakamamahal, wala siyang pakialam kung mabasa din siya basta mailigtas niya ito kahit anumang mangyari. Hinawi niya ang basang buhok mula sa mukha nito. Bakas na nawalan nga ito ng malay. Kinagat niya ang kaniyang labi. Mabilis niyang hinubad ang kaniyang coat at tinakpan sa hubad na katawan nito. Binuhat at dinala niya sa kama. Hinahanap niya ang pulso nito sa leeg at kamay. Hindi niya maitago ang takot at pag-aalala sa kaniyang sistema. Fortunately, ramdam pa niya na natibok pa ito. "Lumabas muna kayo." utos niya sa mga maid. Kahit nag-aalalangan ay nagawa parin nila ang iniutos niya. At doon ay sinimulan na niyang bigyan ng first aid si Charlize. ** Naging tagumpay naman ang first aid na isinagawa ni Westin kay Charlize. Nagawa na niyang kausapin si Geromino na nag-aalala din para sa nag-iisang anak. "How is she?" "I'm glad she's fine. Nacheck ko na din kung may pasa ba siya o may sanhi pa ng pagkabagok dahil sa pagkahimatay niya." "Then...?" Umiling siya. "Napasalamat tayo at wala siyang nakuhang ganoon, I'm scared that will be cause of internal hemorrage." Nakahinga ng malalim si Geromino. Nilapitan niya si Charlize na nakabihis na at mahimbing na ito natutulog. Hindi nito maiwasang maging malungkot na masaksihan niya kung ano ang sinapit ng kaniyang anak sa kamay ng lalaki na dahilan na pagiging miserable nito. Napatingin si Westin na may kumatok sa pinto. Dinaluhan niya ito saka binuksan. Tumambad sa kaniya ang isa sa mga maid. "S-sir... May naghahanap po sa inyo..." umukit ang takot sa hitsura nito. Marahang pumikit si Westin, tila alam na niya kung sino ang tinutukoy ng kasambahay. Lumingon siya kay Geromino. "Ako na ang haharap sa kaniya." seryoso niyang sabi saka humakbang na siya palabas ng kuwarto. Tinanggal niya ang antipara na suot. Ipinatong niya muna ito sa mesa na nasa hallway lang ng bahay na ito. Mula sa kaniyang kinalalagyan ay tanaw niya ang ibang maid at mga bodyguard na nagkukumpulan sa labas ng front porch. Tumigil siya sa paglalakad at nasa likuran siya ng mga maid. "What's the matter?" tanong niya na dahilan upang tumigil din ang mga ito sa kaguluhan. "S-Sir... May naghahanap po sa inyo... Hinahanap din si Miss Charlize..." kinakabahan na tugon ng isa sa mga maid. Seryoso siyang tumango. Binigyan siya ng daan ng mga ito hanggang sa makaharap niya ang lalaking minahal ni Charlize. Ang dahilan kung bakit napunta sa ganoong kalagayan ang babaeng matagal na niyang pinapangarap. Ang lalaki na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tuluyang makuha ang isang Charlize Clare Alameda. Kahit siya ay hindi niya maitindihan kung bakit nagawang mahalin ito si Charlize. Ano ang nagustuhan siya sa isang ito? "What are you doing here?" malamig niyang tanong na diretso ang tingin. Bago man siya sagutin nito ay humakbang ito palapit sa kaniya at walang sabi na marahas siyang kinuwelyuhan. Naglabanan sila ng titigan. Kita niya kung papaano nanlilisik ang mga mata nito, ultimong anumang oras ay gusto na siyang patayin. "What are you doing, Mr. Manimtim?" sarkastiko niyang tanong sa kaharap. "You bastard... Where's my wife?!" "I'm afraid but I won't let you." "Ano?!" "Narito ka ngayon dahil nalaman mo kung ano ang kondisyon niya, yes?" ngumisi siya nang mala-demonyo. "Sa tingin mo ba, babalik siya sa iyo nang basta-basta sa kabila ng ginawa mo sa kaniya?" Nanginginig ang mga kamay ni Edwin. "P-lease... Let me see her..." nanghihina itong lumuhod sa harap siya. Malamig lang siya tiningnan ni Westin. "Makausap ko lang siya... Hihingi ako ng tawad..." "If that so..." wika niya sabay nilahad niya ang kaniyang palad sa kaniyang gilid. May inabot na ang maid na mga papel sa kaniya. Walang sabi na hinagis niya ang mga papel sa harap ni Edwin. "Sign those papers." "Anong mga 'to?" Taas-noo siyang tiningnan ni Westin sa pamamagitan ng mas nakakatakot at matatalim na tingin. "Annulment papers. If you don't know, I was supposed to be her husband, not you as a worthless trash CEO."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD