Mangha akong sumilip sa window pane ng sasakyan nang tumigil ang sasakyan sa mismong tapak ng isang bahay. Sa totoo lang ay hindi ako pamilyar sa istraktura na bahay na nakikita ko. Matagal na din ako dito sa Tagaytay pero ito palang ang unang beses na mararating ko ang lugar na ito. It gives me a wonder place like Switzerland.
Nanumbalik ang ulirat ko nang buksan ni Dr. Zalanueva ang pinto na nasa gilid. Ang palad niya ang tumambad sa akin. Tumingala ako sa kaniya. Kita ko ang kasiyahan sa mukha niya, na para bang nanalo siya sa isang malaking pustahan. Hilaw akong ngumiti at tinanggap ang kaniyang palad. Inalalayan niya ako hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng sasakyan. Pero mas lalo pa ako namangha nang wala na ako sa loob ng kotse. Kahit na nakasuot ako ng jacket ay ramdam ko pa rin ang lamig sa aking balat. I could even smell the sweet scent coming from pine trees, adding to the calm while the music of interweaving winds soothes my senses.
Rinig ko ang masuyong aya sa akin ni Dr. Zalanueva nang inilabas na niya ang aking bagahe, kahit si Anjo ay isinama namin dito dahil walang magbabantay sa kaniya maliban sa akin. Kahit ang halaman na pinahiram niya sa akin ay dinala na din namin dahil nanatakot din ako na baka mamamatay at masasayang lang ang pagpapahiram niya sa akin nito.
Nang narating na namin ang loob ng bahay ay tumambad sa amin ang medyo madilin at tahimik na silid. Inilipat ko ang tingin ko kay Dr. Zalanueva. May kinapa siya sa pader na nasa gilid ko lang, napagtanto ko na 'yon pala ang switch ng ilaw. Ibinalik ko ang tingin ko silid. Mas malapad pa pala siya kaysa sa inaasahan. Maganda at detelaydo ang pagkadesenyo mula kisame hanggang sahig. Kakaunti lang din ang mga kagamitan niya dito---no, I think he's just a minimalist. Ang mas tumawag ng aking pansin ay ang fireplace na nasa Salas lang.
"Pasensya na, hindi pa ako nakapaglinis. Ako lang kasi ang nandito. Hindi pa ako natawag ng on call maid..." rinig kong paghingi ng dispensa ni doc.
Bumaling ako sa kaniya. Kaya pala tahimik. Wala siyang caretaker. Siya lang ang mag-isang nakatira dito. It makes sense. Ngumiti ako sa kaniya. "Okay lang. Pwede naman ako maglinis kapag nabored ako---"
"No, hindi ka pwedeng maglinis."
"Pero..."
"You're my guest, alright? Not my maid." saka sumilay ulit ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Magsasalita pa sana ulit ako nang bigla niya ako binuhat in bridal style. Nanlali ang nga mata ko at bahagyang tumili dahil sa ginawa niya. "Hold still." umusad na siya.
Humigpit ang pagkakapit ko sa kaniyang damit na hindi ko na namamalayan na nalulukot na nang dahil sa akin. Tumapak na siya sa mga baitang ng hagdan. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Till we reach the door was made from mahogany. It's designed as flush simple wooden door. Nang nasa tapat na kami mismo ng pinto ay doon na niya ako ibinaba. Pinihit niya ang pinto saka marahan niya itong itinulak. Bumungad sa amin ang simple kuwarto. Mukhang ito ang guest room niya dahil nakita ko na may isa pang pinto sa palapag na ito. Nauna siyang tumapak sa naturang kuwarto, sumunod ako sa kaniya. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan nito. I feel the cozy feeling with this.
"I hope you can enjoy your staying here," nahihiyang sabi niya. Tumingin ako sa kaniya. Nakahawak siya sa kaniyang batok at sa sahig ang kaniyang tingin. "And I'm sorry if you think I forced to drag you here..."
"Wala naman kaso sa akin 'yon, doc." malumanay kong wika. Humakbang ako sa kama at umupo sa gilid nito. Nakangiti akong humaplos sa beddings. "While were on the way here, I think it's good for me. New environment, new experience... Kung mananatili lang kasi ako sa unit, paniguradong masestress lang ako." bumaling ako sa kaniya na hindi nawawala ang ngiti ko. "If you hadn't dragged me away from home, I don't know what to do."
Umawang nang bahagya ang kaniyang bibig.
"You saved me once again, doc."
Wala akong narinig na salita mula sa kaniya. Hindi ko alam kung anong maitutukoy ko sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Kalungkutan, kasiyahan at pighati. Hindi ko alam pero sa huli ay nagawa niyang ngumiti. Humakbang siya palapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at masuyo niya akong inihiga sa kama. Kumurap-kurap ako sa ginawa niya, nawindang at naguluhan.
"You need a rest for a while. Mrs. Man---"
"Zalanueva."
Kita ko na natigilan siya. Bakas ang pagkagulat nang sambitin ko ang apelyido niya.
"Sabi mo, ipapahiram mo muna sa akin ang apelyido mo." painosente kong sabi, pinipigilan kong matawa sa mga oras na ito.
Ngumisi siya saka dumapo ang isang palad niya sa kaniya. He looks like he realized what he have done. "Damn, yeah... Right." saka marahan niyang idinapo ang kaniyang noon saking noo. "Ang sarap pala sa pakiramdam..."
Marahan akong pumikit, pilit kong kumalma dahil ramdam ko na naman ang pagwawala ng aking puso, lalo na't mas napapalapit na si Dr. Zalanueva sa akin---nang ganito kalapit. Amoy ko ang matapang niyang pabango pero hindi masakit sa ilong. Sa katunayan pa nga ay tila nahihipnotismo ako nang wala sa oras.
"Matutulog muna ako, doc..." mahina kong paalam sa kaniya.
Doon niya inilayo ang kaniyang sarili mula sa akin. "Okay, okay. Sleep for a while..." tuluyan na siyang nakalayo sa akin. Nanatili akong nakahiga sa kama pero pinapanood ko siya kung papaano niya ako tinalikuran at tuluyan nang siyang nakalabas dito sa kuwarto. Napansin ko pa na hindi maalis ang kasiyahan sa kaniyang mukha.
Nang nagsara na ang pinto at mabilis akong tumagilid ng higa, sabay dumapo ang mga palad ko sa aking magkabilang pisngi dahil kanina pa ito nag-iinit. Nanlalaki ang mga mata ko. Gusto ko tuktukan ang sarili ko kanina pa. Simula nang hinalikan niya ako sa unit hanggang kanina. I feel like unconscious! Nang sinabi niya na dadalhin niya ako dito ay dapat tumanggi ako! Hindi dahil kay Edwin, kungdi hindi maganda sa paningin ng ibang tao sa paligid namin. Kasal ako. May asawa. Hindi tama na ang tulad ni Dr Zalanueva ang kasama ko. Ayoko din na umiba din ang tingin ng mga taong nakapaligid kay doc. He doesn't deserved the one like me. I have a messy life, from my family to my marriage.
Pero bakit? Bakit hindi ko magawang tanggihan siya? Bakit hindi ko siya magawang itulak palayo sa akin noong una palang? Bakit hinahayaan ko ang mga bagay na ito?
"You don't deserve me..." malungkot kong pahayag bago man pumikit ang mga mata ko saka binalot ko ang kumot sa sarili ko.
**
Gabi na nang nagising ako. Bumangon ako saka umalis sa ibabaw ng kama. Inayos ko muna ang kama bago ako lumabas hanggang sa narating ko ang unang palapag ng bahay. Sumalubong sa akin ang mabangong amoy mula sa Kusina. Dinaluhan ko 'yon. Sinilip ko anong nangyayari doon. Nakita ko na abala sa pagluluto si doc. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako agad makikita.
Nagpasya akong pumasok na ng Kusina. Nang hinila ko ang isang silya ay doon ko nakuha ang kaniyang atensyon. He looks surprise a bit when he saw me. Umupo ako sa bakanteng silya at ngumiti sa gawi niya.
"Mabuti nalang nagising ka na. Malapit nag maluto ito para makapagdinner na tayo." aniya. Ibinalik niya ang atensyon niya sa pagluluto.
"Hindi ko alam na marunong ka pala magluto..." I said when I tapped my fingers on the table. It's one of my habits when I feel relaxed.
"Yeah, because I need to." bakas sa tono niy ang kasiyahan. "Especially when I studied abroad."
Ako naman ang nasopresa sa sinabi niya. Oo, nabanggit niya sa akin kung ano ang estado ng mga pamilya niya---mayaman sila. Pero hindi ko inaasahan na hindi siya naghired ng kasambahay habang ng-aaral siya sa ibang bansa.
Ilang saglit pa ay natapos na siya sa pagluluto. Tumayo ako para tulungan siya sa pag-aayos kahit mga kurbyertos man lang. Ang akala ko kahit sa ganito ay tatanggi pa siya, pero okay naman sa kaniya. Nang naset up ko na ang mesa ay doon na niya inilapag ang mga pagkain na niluto niya. Nang makita ko ang mga putahe ay hindi ako makapaniwala na doktor ang kasama ko. Sa plating palang ay akala mo ay isang chef ang gumawa. Daig mong makikita lang ang mga ganitong lutuin sa isang five star restaurant.
Sinimulan na namin kumain. Kahit sa lasa ay nilagpasan ang expectations ko.
Bakit napakaperpekto mo, doc? Ano pa bang mga bagay na kaya mo?
Gusto kong sabihin 'yan pero inunahan lang ko ng hiya. Natatakot ako. Baka iisipin niya masyado akong usisera kahit na binabaha na ako ng kuryusidad para makilala pa siya lalo.
"By the way, next week..." wika niya. "Second cycle ng treatment mo. Kaya nakahanda na ng mga kakainin before treatment."
Tumango ako bilang tugon.
"And," dagdag pa niya. Tumingin ako nang diretso sa kaniya. Inaabangan ang susunod niyang bilin. "After my work tomorrow, we can start to decorate my place."
"Decorate?" I echoed.
"Yeah, maglalagay na tayo ng christmas decoration..." bumaba ang tingin niya sa pagkain niya. "Kung gusto mo lang naman... If not, I'm okay with it."
Hindi muna ako sumagot. Sa halip ay nanatili ang ang tingin ko sa kaniya. Pinag-aralan ko muna ang ekspresyon ng kaniyang mukha. He looks doubted, parang nagsisi siya na banggitin niya tungkol sa baga na 'yon. Inilapag ko ang kutsara sa plato. "Ayos lang sa akin, doc."
He looks enlighten when he heard m answer. "Really?"
Tumango ako. "And besides, I miss decorating for Christmas." sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan. Samantalang siya naman ay nagpaalam na maghanap muna ang mga kahoy sa labas para gawing panggatong para sa fireplace niya.
Nang ililapag ko nang huling pinggan sa kitchen organizer ay nagpasya akong tingnan ang kitchen cabinet niya. My nakita akong mga kahon ng tsaa. Hindi ako nagdalawang isip na kumuha nang tig-isang bag. Magtitimpla ako para sa aming dalawa. Nag-init ako ng tubig sa pamamagitan ng electric kittle. Hinintay ko ito hanggang sa kumulo saka ibinubos ang mainit na tubig sa dalawang tasa na pinaglagyan ko ng tea bag. Inilipat ko ang mga ito sa stainless serving tray.
Naglakad ako patungong Salas habang dala ko ang tray na may lamang tsaa. Naabutan ko na medyo dim ang ilaw doon. Nakita ko si Dr. Zalanueva na nakaupo sa puting shaggy carpet. He already fire up the fireplace. Mukhang natunugan niya ang presensya ko. Imbis sa mesa ko ilalapag ang tray ay inilapag ko ito sa sahig. Bakas sa mukha na hindi makapaniwala. Na akala mo ay ngayon lang siya pinagsilbihan.
Inabot ko sa kaniya ang isang tasa ng tsaa. Tinanggap at nagpasalamat pa siya sa maliit na bagay na ginawa ko. Umupo na din ako sa sahig na nakaindian sit saka kinuha ko na din ang isang tasa ng tsaa saka ikinulong ko ito sa aking mga palad para mas maramdaman ko ang init nito. Humigop ako ng kaunti saka pinanood ko din ang apoy sa harap namin.
"Thank you," bigla niyang sabi.
I look him above my shoulder. "Paraan saan...?"
"For giving me your company." aniya.
"You feel alone, too?" bigla kong tanong.
"Hmm, like that. Moreover, ayoko lang umuwi. Tinatamad ako. I feel to spend my Christmas here."
Marahan akong tumawa. "Baka magpapasko ka din sa Ospital." pagbibiro ko.
Inilapag niya ang tasa saka inilapit niya ng kaniyang sarili sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Halos maduling na ako sa sobrang lapit niya! Nagtama ang mga mata namin. Masuyo siyang nakatitig sa akin saka dumapo naman ang tingin niya sa aking mga labi. Dahil d'yan ay naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. "Then, I will do a Christmas leave."
"Doc..." halos kakapusin ako ng hininga nang sambitin ko 'yon.
"Westin,"
"Ha?"
"Just call me Westin. Remember my name, Charlize."
"Pero..." dumapo ang isang palad ko sa kaniyang dibdib. Sinubukan kong itulak siya pero pinigilan niya 'yon sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking kamay. Ramdam ko na nakadikit na ang katawan niya sa akin.
He hardly shut his eyes and he leaned his forehead into mine. "You have no idea how much you give me the most precious Christmas gift ever..." he huskily said. "If you don't know, I have a bucket list."
"Bucket list?"
Dumilat siya't tumitig ulit sa akin. "Yeah, and saying my name is included there. So please, grant my another wish, Mrs. Zalanueva?"
Naguguluhan akong ngumiti. "W-Westin..."
Kinagat niya ang kaniyang labi, para bang pinipigilan niyang mapangiti sa lagay na 'yon. Sunod niyang ginawa ay dinampian ng halik ang aking noo. "Thank you for the gift, Charlize."