Nagising ako dahil sa lamig na humahaplos sa aking balat. Nang tuluyan ko nang idinilat ang aking mata at napagtanto ko hindi pa pala ako nakakauwi. Napansin ko na medyo madilin dito at sa kabilang side ang medyo may ikaw. Maingat ako bumangon. Bago man ako tuluyang umalis sa ibabaw ng patient's bed ay pinakakiramdaman ko muna ang sarili ko. Medyo hindi na ako nanghihina tulad kanina. Kahit sa pagkilos ko ay maingat pa rin ako. Inilapat ko ang mga labi ko at hinawi ang kurtina. Natigilan ako nang makita ko si Dr. Zalanueva na nakaupo sa kaniyang swivel. Nakaharap siya sa kaniyang laptop habang suot niya ang kaniyang antipara.
Mukhang naramdaman niya ang presensya ko kung napatingin siya sa aking gawi. Nang makita niya ako ay nagmamadali niyang tinanggal ang kaniyang suot na antipara at nilapitan ako. Medyo nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko na may punung-puno ng pag-aalala sa kaniyang mukha.
"May problema ba? May masakit pa rin ba sa iyo?" kahit sa tono niya ay ramdam ko parin ang pinaghalong takot at pag-aalala.
"I...I'm good for now." sagot ko. Bumaling ako sa bintana. Napasinghap ako na makita kong gabi na pala. "Kailangan ko nang umuwi."
"Ihahatid na kita." alok niya.
Agad akong umiling. "Hindi na, doc. Masyado na akong nakakaabala sa inyo. Nakakahiya pa na pinatulog mo na ako dito, hindi ka pa nakakauwi nang dahil sa akin..."
"It doesn't matter." mabilis niyang sabi para matigilan ako. Tumitig ako sa kaniyang mga mata. I just realized how his pair of hazel brown eyes were so beautiful. It's very expressive. Though he can't say any word, I can communicate within his eyes naturally. I can't imagine I can encounter a man like him in my entire life.
"Pero doc..." .
"I'm worried what will happen to you if you're going home alone. It worried me to death." sabi pa niya. Nakatitig ako sa kaniya na nakaawang ang aking bibig. Mukhang natauhan siya't narealize niya kung ano ang mga binitawan niyang salita. Dahan-dahan siyang bumitaw sa akin. "D-dahil doktor mo ako kaya responsibilidad kita." naging mahinahon na ang boses niya.
Ako naman ang humakbang palapit sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin upang gawin ko ang bagay na ito--umangat ang isang kamay ko hanggang sa dumapo ang aking palad sa kaniyang ulo. Kita ko kung papaano siya natigilan sa ikinilos ko. Nagtama ang aming tingin sa isa't isa. "But you already did. You have been able to support and taken care of me, doc." I said softly.
Wala na akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Akala mo pinag-aaralan niya ang aking mukha. Isang nagtatakang tingin ang umukit sa aking mukha. Kumurap ako nang makita kong namumula ang magkabilang tainga niya. Huh?
Sunod kong napuna at bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Malungkot siyang nakatingin sa hindi ko malaman na dahilan.
He hardly shut his eyes and divert it to nowhere. He stood up straight and he slightly scratched his nape. "We need to go so you have a proper rest at home." he murmured with his reddish ears.
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Tahimik lang akong nakadungaw sa window pane ng kaniyang kotse. Pareho kaming tahimik habang nasa byahe. Ni isa sa amin ay walang balak na magsalita o mag-open man lang ng topic pero dahil pakiramdam ko ang pagiging tahimik niya ay hindi na ako nag-abala pang magsalita. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang ikinikilos niya ngayon. Para bang wala siya sa mood ngayon.
Halos matalon ako dahil sa gulat nang biglang may nagring. Awtomatiko akong napatingin sa kaniyang dashboard. Nakakonkta pala ang cellphone niya sa pamamagitan ng auxiliary jack. Lumipat ang tingin ko kay doc, tiningnan niya kung sino ang natawag. Medyo nawindang pa ako nang makita ko ang kaniyang ekspresyon sa mukha nang makita ko na parang hindi niya nagustuhan kung sino man ang tumatawag sa kaniya. Pero kahit ganoon ay nagawa pa rin niyang sagutin ang naturang tawag.
"Yes," bungad niya sa kabilang linya. "Dra. Wu."
"Ey, off duty na. Pormal ka pa rin?" rinig kong boses ng isang babae. "Nasaan ka na ba, Doctor Zane Westin Zalanueva?"
Zane Westin Zalanueva? It seems like I heard that name from somewhere...
"Ano na naman bang kailangan mo, Dra. Wu?" bagot na tanong nito sa kausap. "Hindi ako puwede dahil may pupuntahan pa ako."
"What? Saan---" hindi na naituloy ang sasabihin nito nang biglang binaba ni Dr. Zalanueva ang tawag. Gulat akong tumingin sa kaniya, hindi ko akalain na magagawa niya ang bagay na 'yon.
"Sorry, sadyang makulit ang isang 'yon. She's my colleague anyway." nahihiya siyang humingi ng dispensa. "Naririndi na ang tainga ko na pakinggan ang mga hinaing niya sa buhay, lalo na lovelife niya." then he clicked his tongue.
Bahagya kong hinarap ang aking katawan sa kaniya. Ngumiwi ako saka iwinagawayway ko ang aking mga palad. "No, it's okay. Wala ka naman dapat isorry... Saka, pasahero mo lang naman ako---" at wala ka naman dapat ipaliwanag sa akin.
Marahas siyang huminga ng malalim na parang sumusuko siya.
Lumabi ako saka ibinalik ko nalang ang aking tingin sa labas ng sasakyan. Muli na naman kami natahimik. The street were full of people which makes me smile, lalo na't nahagip ng aking paningin ang mga christmas lights at decor sa gilid ng kalsada, kahit na mga stall na nagtitinda ng mga ganoon. Kusang dumapo ang aking palad sa aking dibdib. Napalitan ng lungkot sa aking mga mata. Napagtanto ko na dalawang nalang ay magpapasko na. At ang uwi ni Edwin ay pagkatapos mismo ng Pasko.
**
Nang itingil na ni Dr. Zalanueva ang sasakyan sa harap ng condo ay ako na mismo ang nagkalas ng seatbelts. Bumaling ako sa kaniya na nakangiti. Nagpasalamat ako sa kaniya sa paghatid niya sa akin. Ngumiti din siya pabalik sa akin. Ipinaalala niya din sa akin tungkol sa chemotheraphy session. Hintayin ko lang daw ang tatlong linggo bago ulit ako mag-under ng treatment. Ibinilin din niya sa akin kung ano ang mga dapat kong kainin habang nagche-chemo ako.
Pagkatapos namin mag-usap ay bumaba na ako at muli nagpaalam sa kaniya. Ako naman ang nagpaalala na mag-iingat siya sa kaniyang byahe pauwi bago ko man isinara ang pinto. Humakbang ako paatras. Umusad na ang sasakyan. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking paningin.
Lumaylay ang aking magkabilang balikat, yumuko at nagpasya nang pumasok sa building para makauwi na sa aking unit kung saan naghihintay na sa akin si Anjo. Kailangan ko pa pala siya pakainin.
Nang tumapak na ang aking mga paa sa unit. Binuksan ko ang ilaw. Dumiretso ako sa Salas para silipin si Anjo. Mukhang okay naman siya habang wala ako. Binuhat ko siya at tinititigan ko siya. "Sorry, ngayon lang ako nakauwi, ha? Kailangan ko kasi magpagamot..." marahan kong pahayag. Ngumiti ako sa kaniya. "Hindi bale, ngayong nakauwi na ako..." maingat ko siyang inilapag sa sahig.
Pinuntahan ko ang Kusina para paghandaan siya ng pagkain saka ibinigay ko ito sa kaniya. Habang kumakain siya ay sunod ko sinilip ang aking cellphone. Wala akong natanggap na mensahe o oversea call galing sa kaniya. Kaswal ko ibinalik ang cellphone sa bulsa ng aking jacket. Tila nasanay na nang tuluyan ang aking sistema.
After kumain ni Anjo ay nagpasya na akong maligo na para makatulog na ako nang ayos tulad ng bilin sa akin ni Dr. Zalanueva kanina.
Sakto kakatapos ko lang magshower ay rinig ko ang tunog mula sa aking cellphone. Lumabas ako mula sa banyo na nakabihis na din ako ng damit pampatulog. Nilapitan ko ang mesa na nakatabi lang ng kama. Nakita ko na natawag si Edwin. Pinili ko ito sagutin.
Idinikit ko ang telepono sa aking tainga. "Hello,"
"I miss you..." I heard his mumble words. I think he's drunk. "I wanted to see you... So much.... Sandra...."
Nanatili akong tahimik na nakatayo sa tabi ng kama. Sa mga narinig ko ay daig pang nabasag at nagkapira-piraso ang puso ko. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata , kinagat ko ang aking labi. Ramdam ko na naman ang umaagos na naman ang mga butil ng luha sa aking magkabilang pisngi. Hindi ko na pinatay ang tawag, sa halip ay hinayaan ko lang itong nakabukas ang linya. Ibinalik ko lang ito sa mesa.
Sanay na ako. Iyan ang pangungumbisi ko sa sarili ko. Pero kahit ganoon, hindi pa rin matinag ang ilang taon naming pagsasama.
"Tanga ba ako o sadyang kampante lang ako na mahal mo pa rin ako, Edwin?" mahinang wika ko kahit alam kong bigo marating sa kaniya ang mensahe na 'yon.
Pero sa mga narinig ko kanina, alam ko na ang kasagutan mo.
**
Halos dalawang linggo ako nanatili sa loob ng unit. Mas lalo ako nawalan ng gana kumain. Kahit na ilang beses tumawag o mag-iwan ng mensahe si Edwin ay wala akong ganang sagutin ang mga 'yon. Hinahayaan ko lang tumunog nang tumunog ang cellphone hanggang sa malowbatt 'yon. Wala rin akong balak icharge 'yon dahil siya lang naman at ang Ospital lang naman ang nasa contacts ko. Bukod pa doon ay may ilang araw pa naman nalalabi para sa second cycle ng chemotheraphy. May panahon pa para makapaghanda kahit na may oras talagang inaatake pa rin ako ng sintomas ng aking sakit.
Pero dahil sa sunod-sunod na tunog ng buzzer na naririnig ko ay nagising ako. Bumalikwas ako nang bangon. Hinawi ko ang kumot sa aking katawan hanggang sa lumapat ang aking mga talamapakan sa sahig. Walang buhay akong umalis sa Master's Bedroom. Halos wala na akong pakialam sa sarili ko kung ano na ang magiging hitsura ko.
Hanggang sa nagawa kong buksan ang pinto ng unit. Tumambad sa akin ang bulto ng isang lalaki na pormal ang damit. Nang maaninag ko ang mukha nito ay nagising ang aking diwa at nawalan ng ulirat. Laglag pa ang aking panga dahil sa pagkagulat.
"A-anong..." hindi ko na magawnag dugtungan ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. Napaatras ako at pareho kaming nakapasok sa kuwarto. "Doc?" hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya, hindi maalis ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay nakayuko siya, parang hapong-hapo siya sa lagay na 'yan.
"You..." mahina niyang sambit.
"H-ha?" I'm clueless!
Inangat niya ang kaniyang mukha sa akin. Kita ko ang matalim niyang tingin na dahilan para tumindig ang balahibo ko. Napalunok ako nang matindi. Akala mo'y may ginawa akong masama sa kaniya. Pero, anong kasalanan ko? BAkit bigla siya nagkaganito?
"Doc...?" alangan kong tawag sa kaniya.
"Bakit hindi na kita matawagan? Bakit hindi ka na nagrereply sa mga text ko? Wala na akong balita sa iyo. Pinapatay mo ako sa pag-aalala, Mrs. Manimtim!" he rant. "You made me worry! I don't have any idea to know what your condition is! I'm f*****g scared to death of what will happen to you!"
Tila nabato ako sa aking kinakatayuan nang marinig ko ang daing niya. Pero ang mas hindi ko maitindihan kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi si Edwin ang nasa harap ko, kungdi si Dr. Zalanueva, ang doktor ko. There's no way I could feel this for him. No...
Tinanggal niya tingin niya sa akin. Iginala niya ang kaniyang tingin sa unit. But I heard him again tsk-ed when he saw something that seemed to boil his blood. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Umawang ang bibig ko nang makita niya ang malaking wedding picture namin ni Edwin.
"Fuck." matigas niyang mura. "Sarap sunugin."
"D-doc..." sinubukan ko siyang tawagin.
Bumaling siya sa akin. "Mukhang wala naman balak umuwi ang asawa mo." kumento niya.
Malungkot akong yumuko. Wala na akong masabi pa sa kaniya. Nanumbalik na naman sa isipan ko ang gabi na tumawag si Edwin at ibang pangalan ang kaniyang binanggit. Pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang ikinulong ang mga palad niya ang aking mukha. Nagtama ang mga mata namin. Isang seryosong mukha ang nakita ko sa mukha ni Dr. Zalanueva.
"Prepare your lagguage and you will spend Christmas with me at home. Sa akin ka muna habang wala pa ang asawa mo."
"Pero... Ano kasi---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin hanggang sa naramdaman ko ang mga labi niya sa akin. Unti-unti nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya! Kinuyom ko ang aking kamao para sampalin siya sa ginawa niya pero tila binabawi ang aking lakas, kasabay na nanginginig ang aking mga tuhod. Mas nagwala ang aking puso, tipong hindi na ako makahinga anumang oras.
Nang humiwalay na ang mga labi namin. Nababasa ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa.
"Let me play his part for you." aniya.
A-anong...
"I'll lend you my last name. Starting today, you will take Zalanueva. My last name." sadyang diniinan niya ang huling pangungusap.