CHAPTER TWENTY TWO

1266 Words
Tulala si Alejandra, nakahiga sa kama habang nakabalot lamang ng kumot ang kanyang hubad at nanghihinang katawan. Ramdam pa niya ang panginginig ng kalamnan, hindi lang dahil sa lamig, kundi dahil sa takot at pagkapagod ng kababuyan nito. Sa harap niya, si Hugo ay nakaupo sa carpet, nakayuko, nanginginig ang balikat, at lalo pang lumalamon ng droga na parang wala siyang ibang iniintindi sa mundo. Tahimik na umiiyak si Alejandra, halos walang tunog, pero walang tigil ang pag-agos ng luha. Bakas sa mata niya ang pagod, ang sakit, ang pagkasira ng loob. Hindi siya makapangako sa sarili na makakalimot siya pero kaya niyang mangako ng isang bagay.. Hindi habang-buhay ganito ang sasapitin niya. Pinilit niyang ilapit ang kumot sa dibdib, parang iyon na lang ang natitirang proteksiyon niya. Wala siyang lakas para lumaban. Wala siyang tinig na kayang isigaw. Kahit ang pagtaas ng kamay ay parang napakabigat. Pero sa loob niya, may maliit na apoy na hindi mamatay-matay. “Someday… you will pay for this,” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig pero puno ng poot. “Babayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa akin, Hugo.” Pinunasan niya ang sariling pisngi kahit patuloy naman ang bagong patak ng luha. Hindi niya pa kayang tumayo. Hindi niya pa kayang tumakas. Pero may lakas siyang natitira. Inangat niya ang ulo, tinitigan ang lalaki. Nakayuko ito, abala sa droga, wala man lang pakialam sa kanya. Pero hindi na natatakot lamang si Alejandra. Galit na siya. Galit na hindi niya malilimutan. Naalala ni Alejandra ang panahon na hindi pa niya kilala si Hugo. Bumalik sa kanyang alaala ang mga sandaling akala niya ay masaya, mga araw na para bang may pag-asa pa ang buhay niya. Pero sa totoo lang, bangungot din ang nakaraan. Lalo na ang tungkol kay Levi. Akala niya noon, si Levi ang magiging ligtas na bahagi ng buhay niya. Akala niya, he would be her escape, her comfort, her peace. Pero mali siya. Mali ang lahat ng akala niya. “Those days… I thought they were the happiest,” bulong niya sa sarili, puno ng pait. “Pero isa rin pala ’yun sa pinakamadilim na parte ng buhay ko.” Habang nakahiga siya sa gilid ng kama, ramdam niya ang bigat ng bawat alaala, ang pag-ibig na sinayang, ang tiwalang nasira, at ang malupit na kapalarang nagtulak sa kanya papunta kay Hugo. At ngayong nasa impiyerno siya kasama ang lalaking ito. Napapikit si Alejandra habang muling bumabalik sa isip niya ang araw ng kanilang kasal ni Levi—ang araw na hanggang ngayon ay hindi niya malimutan. Nakatayo siya sa harap ng altar, hawak ang bulaklak, mahigpit ang kapit sa pag-asang darating ang lalaking mahal niya. Patuloy siyang naghintay, minuto matapos ang minuto, habang unti-unting nabubura ang ngiti sa kanyang labi. Pero kahit sino pa ang pumasok sa simbahan, si Levi lang ang hindi dumating. At doon, sa harap ng napakaraming tao, naramdaman niya ang matinding hiya. Parang naging tanga siya sa buong mundo, pinagtitinginan, pinag-uusapan, pinagbubulungan. Hindi niya kinaya. Mabilis siyang tumakbo palabas ng simbahan, pilit nilalayo ang sarili mula sa mga matang nakatingin sa kanya na parang nagdiriwang sa pagbagsak ng isa pang babae sa maling pag-ibig. Ang araw na iyon, ang pinakamasakit na pangyayari sa buong buhay niya. Ang galit niya kay Levi ay umaapoy, galit na hindi niya noon inaakalang mararamdaman para sa lalaking minahal niya ng buong puso. At ang pinakamasakit pa? Matapos siyang hindi siputin sa sariling kasal, hindi na muling nagparamdam si Levi. Wala man lang paliwanag, wala kahit isang mensahe. Para siyang biglang binura sa buhay nito. Ang naririnig lang niya sa ibang tao ay iisa. “Pinagtaguan ka raw ni Levi.” “Hindi ka niya kayang pakasalan.” At iyon ang baon-baon niyang pait sa puso. Kaya nang makita niya si Levi muli sa mismong kaarawan ng asawa niyang si Hugo, nanlaki ang mata niya sa pagkagulat. Hindi niya inaasahan na magpapakita ito, lalo na matapos ang ginawa sa kanya. Pero higit sa lahat, hindi man lang ito nag-abala na magpaliwanag. Walang “I’m sorry,” walang “Let me explain,” walang kahit anong paliwanag na dapat niyang marinig noon pa. Tinitigan lang siya ni Levi na para bang wala silang nakaraan at doon lalo pang nasaktan ang puso ni Alejandra. Akala ni Alejandra, kaya niyang palitan si Levi sa buhay niya, na si Hugo ang magiging bagong simula, ang taong magpapalimot sa sakit ng nakaraan. Pero hindi pala ganoon kadali. Hindi niya kailanman nalimutan ang unang lalaking minahal niya, kahit anong pilit niyang itago o ibaon sa isip. Lalo pa ngayong ganito ang pinaparamdam sa kanya ni Hugo, puro sakit, takot, at pagkawasak. Doon niya napagtanto ang katotohanan.. Isang malaking pagkakamali ang magpakasal siya sa isang taong hindi niya pala lubos na kilala. A man she thought could save her pero siya mismo ang naghulog sa kanya sa impiyerno. At habang umiiyak siya sa dilim ng kanilang kwarto, mahigpit niyang hinila ang kumot sa kanyang katawan. “I made a mistake, a terrible one,” bulong niya sa sarili. At ngayon, wala siyang ibang kasama kundi ang bigat ng maling desisyong hindi niya na mababawi. ************** HINDI mapigil ni Levi ang pagkuyom ng kanyang kamao habang nakatitig sa walang-buhay na mukha ni Migs, na ngayon ay nakahimlay sa loob ng kabaong. Ang kaibigan niya na minsan niyang nakakausap, ang lalaking pinadalhan niya ng video, ngayon ay patay at iniiyakan ng pamilya nito. At alam niya. Siya ang dahilan. Wala nang ibang rason para mamatay si Migs. Wala namang kaaway ang lalaki. Wala itong ginagawang masama. Tanging isang bagay lang ang naglagay sa kanya sa panganib, ang video na ipinasa niya. Hindi man niya akalain na aabot sa ganito ang lahat..Hindi niya intensiyong mangyari ito… Pero ang totoo, nilagay niya sa panganib ang buhay ni Migs. At ngayon, narito siya, nakaharap sa resulta ng sarili niyang pagkakamali. Wala siyang ibang maisip na posibleng gumawa nito maliban sa mga Gallarzo. Sila lamang ang may motibo. Sila lamang ang may lakas ng loob. Sila lamang ang may kakayahang patahimikin ang sinumang humahawak ng ebidensya laban sa kanila. Napakagat si Levi sa labi, pilit pinipigilan ang pagkalas ng emosyon. Pero habang pinagmamasdan niya ang dalawang anak ni Migs, mahigpit na nakayakap sa kanilang ina na humihikbi nang walang tigil hindi na niya napigilan ang kirot sa puso. Awa, galit at pagsisisi. Halo-halong emosyon ang sumisigaw sa loob niya. “This is my fault…” bulong niya sa isip, habang unti-unting lumuluha ang kanyang mga mata. “Kasalanan ko kung bakit naulila ang mga batang ’to.” At habang lumalakas ang iyak ng pamilya ni Migs sa paligid niya, lalo lamang siyang nasasaktan. “May balita na ba kung sino ang gumawa nito kay Migs?” tanong ni Levi sa asawa nitong si Vina, habang nakatingin sa mukha nitong puno ng pag-aalala. “Hanggang ngayon… wala pa ring balita,” sagot ni Vina, pilit pinipigilan ang pag-iyak. “Ang pinaghihinalaan lang ng mga pulis ay yung mga taong nabangga niya sa trabaho… pero wala pa ring linaw ang lahat.” Napahinto si Levi, pilit iniayos ang sarili sa pagkabigla at galit. Ramdam niya ang bigat ng kawalan, ang kawalang-katiyakan kung sino ang pumatay kay Migs at kung paano niya mahaharap ang mga may sala. Napalunok si Levi. Ano pa ba ang inaasahan niya? Tiyak na pinagtatakpan na ng mga Gallarzo ang nangyari kay Migs. Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap ang dalawang musmos na anak ni Migs. Pakiramdam niya siya na mismo ang pumatay kay Migs. Inalisan niya ng ama ang dalawang musmos na anak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD