CHAPTER TWENTY ONE

1497 Words
Buong araw, mainit ang ulo ni Hugo. Habang pinagmamasdan siya ni Alejandra, sunod-sunod ang paggamit niya ng droga. Ang takot sa puso ni Alejandra ay ganoon na lamang…Alam niyang hindi nailigtas ni Levi ang mga bata. Wala siyang narinig na balita sa TV o radyo, nakakapanlumo at nakakapanghina ng loob. Binigo na naman siya n Levi. Inaasahan pa naman niya na ito ang makakatulong sa kanya. “Alejandra!” sigaw ni Hugo, halos sumabog ang boses sa galit. “Ikuha mo ako ng alak. Dalian mo!” Nataranta si Alejandra. Nagmamadali siyang kumuha ng baso at bote, nanginginig ang mga kamay na inabot iyon sa lalaki. “Uminom ka!” utos ni Hugo, naglalagablab ang galit nito sa kanya. “Drink!” sigaw pa nito sa kanya, kaya’t napatakbo si Alejandra para iabot agad ang baso. Nagmamadali na nagsalin siya ng alak. Takot na siya sa tuwing na umiinom ito o di kaya ay gumagamit ng droga dahil pati siya ay damay. Kahit hindi siya sanay sa alak ay napipilitan iyon na tanggapin ng kanyang lalamunan. Pikit mata na sinusunod niya si Hugo. “Akala niyo kaya ninyo kami?! Nagkakamali kayo! Hindi nila kami kaya! Sino kayo sa akala ninyo? Isa kaming Gallarzo!” sigaw pa ni Hugo. Huminga siya ng malalim, at sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, dama ang galit na parang nag-aapoy. Hindi siya kumibo. “Lahat kayo ay pag-aari namin!!” Sa sandaling iyon, napagtanto ni Alejandra na ang galit ni Hugo ay hindi lang basta pagkapoot, isa itong nakamamatay na puwersa na kayang sumira sa sinumang humarang sa kanilang mga plano. Ang kapangyarihan at kontrol ng Gallarzo ay walang makakatibag. At ramdam ni Alejandra ang kapangyarihan ng mga ito. Nabigla si Alejandra nang bigla na lamang siyang hablutin ni Hugo. Mariin nitong hinila ang suot niyang damit. “Hugo, ano ba?! Nasasaktan ako!” palag ni Alejandra na nasasaktan. “Masasaktan ka talaga kung hindi mo susundin ang gusto ko,” mariing sagot ni Hugo. “Bakit hindi ka na lang sumunod at ibigay ang gusto ko? Asawa mo naman ako, hindi ba? What are you trying to prove? May pinagmamalaki ka ba?” Alam ni Alejandra kung ano ang balak nito, pwersahin na naman siya para ibigay ang sarili niya. “Ano ba! Tigilan mo ako!” muling palag ni Alejandra. Sa pagtulak niya sa lalaki ay lalo lang itong nagalit. Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ni Hugo. Sa lakas nito ay nawalan siya ng balanse at napahawak sa pisngi, ramdam ang matinding hapdi ng pagtama ng palad nito sa kanyang manipis na mukha. Mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo upang magtago, pero agad siyang nahablot ni Hugo sa kanyang mahabang buhok. “At saan ka pupunta, ha? Akala mo matatakasan mo ako?” singhal ni Hugo. Pakiramdam ni Alejandra ay parang mabubunot ang buhok niya mula sa anit. Pilit niyang inaalis ang kamay ng lalaki, desperadong kumakawala. Pero sa halip na sumuko, bigla niyang kinapitan ang kamay ni Hugo, pilit itong inaalis. Pagkatapos, buong lakas niyang tinadyakan ang tuhod nito. “Araay! f**k you!” sigaw ni Hugo, napabitaw ng bahagya. Sinamantala niya iyon. Mabilis niyang hinawi ang kamay ng lalaki at sabay isinuntok sa dibdib niya gamit ang lahat ng lakas na natitira. “You won’t control me again!” sigaw ni Alejandra, halos maubos ang boses sa kaba at galit. Nang muling sumugod si Hugo, mabilis siyang kumapit sa doorframe para hindi mahila pabalik. Pilit siyang kumakawala, nanginginig sa takot. “Touch me again and I swear… I’ll fight you.” Nanginginig pero matatag na boses. “Papatayin kita!” Dahil sa sinabi ni Alejandra, mabilis siyang sinuntok ni Hugo sa tiyan. Napaluhod siya, napahawak sa kanyang tiyan, at halos hindi makagalaw dahil sa tindi ng sakit. Lumapit si Hugo, mabigat ang bawat hakbang. Hinawakan niya ang mukha ni Alejandra, mariing pinisil ang magkabilang pisngi nito, kulang na lamang ay lumubog ang dalawang daliri niya sa balat ng babae. “Alam mo kung ano ang pinakaayaw ko?” mariin niyang sabi, nakadikit ang mukha kay Alejandra. “’Yung nilalabanan ako.” Nanlaki ang mata ni Alejandra, nanginginig ang kanyang hininga, pero hindi siya makakilos. “Tingnan mo ang sarili mo,” patuloy ni Hugo, puno ng panghahamak ang boses. “Ano pa nga bang magagawa ng isang babae? Mahina ka, Alejandra. Hindi mo ako kaya.” “Putang-ina mo!” sigaw ni Hugo. Muli siyang itinulak ni Hugo, dahilan para mapasubsob siya sa sahig. Ramdam niya ang hapdi sa bawat bahagi ng katawan, pero mas matindi ang bigat ng takot na bumabalot sa kanya. Tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mukha, hindi niya na halos namamalayan dahil sa sobrang sakit at pagod. Nakakapagod nang umiyak, pero hindi niya makontrol ang sarili. Parang kusa na lang bumabagsak ang mga luha niya. Nanginginig ang kamay niya habang napahawak siya sa paa ni Hugo. “Tama na, Hugo… please,” hikbi niya. “Maawa ka naman sa akin. Asawa mo ako, hindi mo ako dapat sinasaktan.” Pagmamakaawa ni Alejandra habang nasa paanan ng lalaki, mahina, halos hindi na makahinga sa takot habang si Hugo ay nakatingin lamang sa kanya na tila walang bahid ng awa. “At kailan naman ako naawa?” malamig na tugon ni Hugo, halos walang emosyon ang mukha. “Kailanman ay wala akong kinaawaan. Dahil kapag naawa ka, ginagamit lang iyon ng mga tao. Gagamitin nila ang kahinaan mo at hindi ko hahayaang mangyari sa akin ’yon.” Tinitigan niya si Alejandra mula ulo hanggang paa, tila ba wala itong halaga sa kanya, parang hindi niya asawa, parang hindi tao. Para kay Hugo, laruan niya lamang si Alejandra. Ginamit ni Alejandra ang pagkakahawak sa binti ng asawa upang magpanggap na tatayo siya pero iba ang plano ni Alejandra. Sa isang iglap, mabilis siyang tumayo at buong lakas na tinadyakan ang p*********i ni Hugo. “Arrrrrgh s**t—!” napasigaw si Hugo at napaluhod sa sakit. Hindi na siya nag-aksaya ng kahit isang segundo. Walang sabi-sabing tumakbo siya palabas ng kanilang kwarto, hawak-hawak ang tiyan na kanina ay sinuntok at ang pisnging namamaga at may bahid ng dugo. Pagkarating niya sa hallway, nasalubong niya ang mga magulang ni Hugo na halatang nagtataka kung bakit siya tumatakbo, luhaan at duguan. “Ma… Pa… tulungan ninyo ako,” hingal at iyak ni Alejandra, halos hindi makapaniwala na narating na niya ang punto ng pagmamakaawa. “Sinasaktan na naman ako ni Hugo, please, help me.” Yayakapin niya sana ang ina ni Hugo, si Doña Leticia, pero itinulak lamang nito ang kamay niya na parang maruming bagay. “Huwag mo akong hahawakan,” malamig na sabi ni Doña Leticia. “Ang dumi-dumi ng kamay mo.” Ni hindi man lang nito tiningnan ang namamagang pisngi, ang dugo, o ang nanginginig na katawan ni Alejandra. Para bang wala itong nakikita. Tumingin sa kanya ang ama ni Hugo, pero hindi rin gumalaw ni kaunti. Parang hindi siya tao sa paningin ng mga ito. “Alejandra…” aniya, malamig at walang pakialam, “kung may problema kayo ni Hugo, ayusin ninyong mag-asawa. Hindi ka dapat lumalabas na ganyan. Don’t embarrass the family.” Nanlaki ang mata ni Alejandra. “Problema? Sinuntok niya ako! Tinulak! Tinatangk—” Hindi siya pinatapos na magsalita . Napabuntong-hininga ang biyenang lalaki... “Hugo is a man. Natural na nagkakaroon ng temper. Alam mo naman ’yon bago mo pa siya pinakasalan.” “Temper?” pabulong na ulit ni Alejandra, halos pumutok ang dibdib sa sakit. “Hindi ito temper. This is abuse!” Ngunit tumalikod na ang mag-asawa, tila wala silang narinig. Sanay na sila. Kilala nila si Hugo, tinotolerate, at sa lahat ng panahon, si Hugo ang kinakampihan. Ang hampas. Ang sigaw. Ang kalabog ng mga bagay sa kwarto. Para sa kanila, normal lang iyon. At tuwing naririnig nila, isa lang ang sagot nila.. “Ganyan talaga si Hugo. Wag ka nang sumagot.” Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi lamang sila ang nakakita kay Alejandra. Ilang sandali, lumabas ang dalawang kasambahay, si Lita at si Grasya, na halatang nagulat pagkakita sa kanya. “Diyos ko po, Ma’am Alejandra…” bulong ni Lita, napahawak sa bibig. “Bakit ’ho kayo duguan? Ano’ng ginawa ni Sir Hugo?” Lumapit sana si Grasya, halatang gustong tulungan siya, pero nilingon ito ni Doña Leticia. “Pumasok kayo sa loob,” malamig na utos. “Wag kayong makialam. Wala kayong nakita at lalong walang narinig! Hindi trabaho ng katulong ang makisawsaw sa problema ng amo.” Pero hindi na napigilan ni Lita ang titig niya kay Alejandra, may awa, may takot, may galit para sa babaeng hindi niya kayang tulungan. “Ma’am… kung kailangan nyo po ng tubig o ng—” “Lita!” bulyaw muli ng Doña. Napaatras ang katulong, pero hindi matanggal ang tingin niya kay Alejandra, alam niyang sinasaktan na naman ito. Ilang sandali pa ay sinundan siya ni Hugo. Hinila nito ang buhok niya at kinaladkad siya papasok ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD