“Sigurado ka bang hindi ito pinadala sa iba mo pang account? Or maybe sa ibang social media mo?” tanong ko sa kanya para sa boss niya.
Napalingon si Migs, halatang naguguluhan.
“Sa email ko lang po pinadala.”
“O baka naman kilala mo ang sender niyan?”
“Kung kilala ko po siya, sana sinabi niya ang pangalan niya. He doesn’t need to hide.” sagot niya pa. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. “Ang kailangan nating gawin ngayon, sir, ay ipaalam sa mga pulis ang tungkol sa video na ito. Konting-konti na lang ang oras natin para iligtas ang mga bata.”
Pero umiwas ng tingin ang boss niya.
“Hindi na kailangan. That video doesn’t have to reach the police,” malamig nitong sabi.
“Pero sir—” Akma nang isasara ni Migs ang laptop ng bigla siyang mapatingin sa boss niya.
May nakatutok na baril sa kanya.
Parang huminto ang mundo niya. Napaatras si Migs, nanginginig ang kamay.
“S-Sir… anong ibig sabihin nito? Baka– baka makalabit n’yo po ’yan…” bulong niya, puno ng takot.
Tumayo ang boss niya, mabagal.
“Masyado kang maraming alam, Migs. Sa tingin mo ba hahayaan kitang ilabas ’yan? Don’t you know who the Gallarzos are?” Matigas at mabigat ang boses nito. “Makapangyarihan silang tao. They’re the ones helping us. At hindi mo gugustuhing kalabanin sila.”
Doon na-realize ni Migs ang pinakamalaking pagkakamali niya. Akala niya kakampi niya ang boss niya sa radio station. Hindi niya lubos akalain na alagad pala ito ng mga Gallarzo.
“Sir… Hindi niyo ako kailangan patayin,” pakiusap ni Migs, nanginginig ang kamay at halos mabasag ang boses. “If you want the file, you can have it. Hindi ako magsasalita, just please, ibaba n’yo lang po ’yan. May pamilya pong umaasa sa akin. Maawa po kayo, sir.”
Umirap ang boss niya, parang hindi kumbinsido.
“Sigurado ka? Baka naman may iba ka pang pinadalhan ng video. Or maybe nag-save ka for yourself?”
Umiling si Migs nang mabilis, halos maluha sa takot.
“Wala na po talaga, sir. Maniwala po kayo, kayo lang ang pinagbigyan ko.”
Bahagyang tumango ang boss niya, saka ngumiti ng malamig.
“Good. Kung ganun, walang makakaalam sa lahat ng ito.”
Magbubukas pa sana ng bibig si Migs para magsalita, pero…Isang matalim na kirot ang biglang tumama sa gitna ng kanyang dibdib. Hindi man lang siya nakarinig ng putok, silencer ang ginamit ng kanyang boss. Napahawak siya sa dibdib, ramdam ang mabilis na pag-agos ng dugo. Tumama ang bala diretsong sa puso niya.
Kasunod noon, may mainit na dugo na dumaloy mula sa kanyang bibig.
At unti-unti, lumabo ang paningin ni Migs habang ang huling imahe na nakita niya ay ang malamig na mukha ng taong akala niya kakampi niya.
Hindi pa nakontento ang kanyang boss. Muling pinaputukan ni Matthias ang nakahandusay na si Migs sunod-sunod, mabilis, at walang pag-aalinlangan. Hindi na mabilang ni Migs, kahit sa huling sandali, kung ilang bala pa ang tumama sa kanyang katawan.
Nagkalat ang dugo sa sahig, kumikintab sa ilalim ng malamlam na ilaw.
At si Matthias, tahimik lang na nakatingin, walang bakas ng pagsisisi sa pagpatay kay Migs.
At nang tuluyang mawalan ng galaw ang tauhan niya, saka lamang tumigil si Matthias. Mabuti na lang talaga at hatinggabi, tahimik ang buong lugar, walang tao, walang saksi, maliban sa mga huni ng palaka sa madilim na paligid.
Lumapit si Matthias sa katawan ni Migs at maingat na pinulsuhan ito.
Isinakay ni Matthias ang malamig at duguang katawan ni Migs sa likod ng kanyang sasakyan. Pagkatapos ay mabilis siyang umalis, nagmamaneho sa madilim na kalsada habang naghahanap ng lugar na pwedeng pagtatapunan ng bangkay.
“Gov, wala na kayong dapat isipin,” sabi ni Matthias habang nakasandal sa upuan, relaks na relaks na para bang wala siyang pinaslang. “Patay na ang taong nakatanggap ng video ninyo. I deleted the only copy.”
Narinig niya ang mabigat ngunit kampanteng boses sa kabilang linya.
“Hindi mo ako binigo, Matthias. Makakaasa ka, ipapadala ko na lang ang pera sa bank account mo.”
Napangisi si Matthias, isang ngising walang kaluluwa.
“Kilala nyo ako, Gov. Hindi ko kayo bibiguhin,” sagot niya, puno ng kapalaluan. “At siguro naman alam n’yo na simula pa lang, puro positibo ang ibinabalita ko tungkol sa inyo. I make sure na malinis ang pangalan ninyo sa mga tao. Yun naman ang usapan natin, ’di ba?”
Sa bawat salitang binitiwan niya, halatang gamay na gamay na niya ang sistema. Gano’n niya tinatakpan ang kademonyuhan ng mga Gallarzo, sa pamamagitan ng pera, pagbaluktot ng balita, at paglalagay ng takot sa mga taong nagtatangkang magsalita.
At ngayon, isa na namang boses ang tuluyan niyang pinatahimik.
Kinaumagahan, mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagkamatay ng journalist na si Migs Almero. Mga kapitbahay ang nakakita ng katawan niya sa bakanteng lote sa gilid ng kalsada, duguang nakahandusay, at agad na tinawag ang pulisya.
Sa loob ng ilang oras, naglagay na ng post ang isang netizen sa social media.
“Breaking news: Natagpuan ang bangkay ng journalist na si Migs Almero sa outskirts ng bayan. Pulisya isinailalim sa imbestigasyon.”
Mabilis itong na-share ng iba pang accounts, may kasamang larawan ng bakanteng lote at ng pulisya na nag-iimbestiga, kahit hindi nakikita ang mukha ng biktima. Dumating din ang mas malalaking news outlet at inulat ang insidente, tinutukan ang pamagat. “Radio Journalist Found Dead in Mysterious Circumstances.”
Sa radyo, paulit-ulit na binanggit ang pangalan ni Migs, kasama ang mga pangyayari dahil may ilang nakakita sa ambisyong at matapang niyang trabaho bilang reporter. Hindi nagtagal, naging viral ang balita. Mga kakilala ni Migs at mga taga-media community ay nag-post ng condolence messages, habang ang iba ay nag-speculate sa kung sino ang may kagagawan.
Sa bawat kwento, tila lumalabas ang tanong: Sino ang gustong patahimikin ang boses ng journalist na ito?
Sa likod ng lahat, si Matthias at ang Gallarzo family ay nanatiling tahimik, siguradong walang bakas na maiiwan pero sa publiko, ang pangalan ni Migs ay patuloy na nangingibabaw, kahit wala na siya.
“Sino ang pumatay sa asawa ko?!” sigaw ni Vina, ang asawa ni Migs, na halos himatayin sa sobrang galit at pagkabigla.
Habang nakatayo siya sa harap ng morgue, nakatingin sa malamig at duguang katawan ng kanyang asawa, hindi siya makapaniwala. Ang kanyang puso ay tila napipi at nabali sa bawat sandaling nakikita ang mukha ni Migs. Kalunos-lunos ang sinabi nito at hindi niya iyon matanggap lalo na at napakabuting tao ng kanyang asawa.
Bumalik sa kanyang isip ang lahat ng maliliit na palatandaan kung bakit hindi ito nakauwi kagabi, naalala niya pa na may iniwang itong text bandang alas onse ng gabi, na sinasabi lang na may tinatapos na trabaho Ngayon, malinaw na sa kanya, may nangyaring masama sa asawa niya.
Sa halip na lamunin ng pagkabigla, si Vina ay napaluhod, hawak ang kamay ng kanyang yumaong asawa, habang ang mga luha ay patuloy na bumabalong sa kanyang mukha. Hindi niya malaman ang gagawin.
Hinarap ni Vina ang mga pulis, at buong tapang na itinatanong:
“May lead na ba kayo tungkol sa pagkamatay ng asawa ko?”
Tumango ang isa sa mga imbestigador, mabigat ang boses na sumagot.
“Sa klase ng trabaho ng inyong asawa, maam siguradong maraming nagagalit sa kanya. Bilang journalist, marami siyang nasagasaan, mga powerful na tao na ayaw ma-expose.”
Huminga si Vina, pilit kinokontrol ang galit at takot.
“Kaya… ibig sabihin, maaaring binalikan siya ng isa sa kanila?” tanong niya, halatang nanginginig sa sama ng loob.
“Posible po,” sagot ng pulis. “Hindi lang basta personal ang galit. May mga taong may impluwensya, may koneksyon sa mga organisasyon na kayang patayin ang isang tao at ipalabas na aksidente. Kailangan naming siyasatin ang bawat hakbang ng kanyang huling gabi.”
“Hindi ako titigil,” bulong ni Vina sa sarili. “Kung sino man ang gumawa nito malalaman ko rin,” galit niyang wika sa mga pulis na kaharap.