(ATASHA POV)
Wala na akong nagawa pa. Ngaun mismo ako pumunta. Iniwan ko ang papa ko sa hospital kahit pa labag sa loob ko ang ginagawa kong ito. Mas nananaig ang pagmamalasakit at pagmamahal ko para sa kanya.
Palubog na ang araw sa kalangitan at heto ako at nakasakay sa jeep papunta sa lugar na sinasabi ng papa kong lugar kung saan nakatira sila tito Drake. That man IS a devil in sheep's clothing. He is a miserable person.
Sadyang close sila ni mama noon at para nang magkapatid ang turingan ng dalawa. Ang sakit isipin na kami ang pinagbubuntungan nito ng galit. Until now, I cannot understand why he is mad at us. Kung masakit para rito ang nangyari sa mama ko, what more pa sa amin ni papa na pamilya ito?
Nang makababa na ako sa Rose village ay nagsimula nang manginig ang mga tuhod ko sa kaba. This is it, there is no turning back now that I am here. Kung itaboy man nila ako mamaya pag nandoon na ako, it's really totally up to them.
Basta ako, sumusunod lamang sa pinag uutos ng papa ko. I will not disobey him as he is such an important part of my life. I love him so much at gagawin ko ang lahat para rito. Bago pumasok ay hinarang ako ng guard. Tinanong ako kung saan ang punta ko. Sinabi ko na papunta ako sa bahay ni tito Drake ay ito pa nga mismo ang nagturo ng lokasyon nito.
Ang sabi nito ay isang malaking blue gate daw ang bahay nito na may tatlong palapag. May mga puno sa labas ng kanilang bahay at may sariling guard din. I assume na talagang mayaman nga itong sila tiyo. Medyo mayaman na s'ya noon ngunit sa iisang skwater area kami nakatira at nagkataon na malaki ang kanilang lote at dalawang palapag ang bahay. May water station sila doon na pinipilahan ng maraming mga tao.
Ang tagal na rin ng panahong lumipas at ngaun ay mas lalo pa silang yumaman despite sa pagiging sakim ng mga ito. They deserved to be in our position for what they have done ngunit iba ang tawag ng tadhana sa kanila.
I doubt it, matapobre sila at malamang nito ay walang nakakatagal sa kanilang pag uugali. Sa kakalakad ko ay natanaw ko na ang isang bahayna may malaki at mahabang gate at kita ko ang tuktok ng bahay.
Grabe, sa taas ng gate na ito ay impossible makaakyat dito ang mga magnanakaw. May maliit na guard house kung saan nakita ko ang isang matandang guard. May kinakausap ito sa kanyang phone at halatang masungit.
Pero mapatang pa rin akong lumapit dito.
"Sige po sir Jake, maraming salamat!" sabi nito sabay baba ng tawag.
Tumingin ito sakin mula ulo hanggang paa. Sa mga titig nito ay halatang hinuhusgahan na n'ya ako subalit ayos lamang.
"Magandang gabi po sa inyo, puede po bang makausap si Mr. Drake Montenegro?" tanong kong kabado.
"May appointment ka ba sa kanya? Sa hitsura mo, di ko alam kung paano ka napasok sa exclusive village na ito!"
Guard pa lamang ang kausap ko pero ganito na kaagad kung bumira ng mga tanong. Manang mana sa boss nito na sobra ang kasakiman. Nagpadaig muna ako sa takot ko at pagtitimpi. Mas minabuti ko na sumagot ng tama kesa sa pabalang.
"Wala po akong appointment kay Mr. Drake pero pamangkin po ako nito at papa ko po si Vince. Pag sinabi n'yo po ang mga pangalan namin sa kanya, tiyak po ako na papapasukin ako nito kaagad."
Matindi ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Kaya dapat ay tawagan na nito ang boss n'ya upang once and for all ay makapag usap na kami ng matapobre kong ninong.
"Umalis ka na dito Neneng! Isang importanteng tao ang iyong gustong kausapin at 'di ito nakikipag usap sa mga katulad mong hampaslupa! Umalis ka na rito at wag nang babalik pa dahil ipapa block kita sa guard sa labas!"
Ha... hampaslupa!? Napalagok ako ng ilang beses. Masakit at tagos sa puso ko ang salitang ito.
"Teka po!? Totoo ang sinasabi ko!" paninindigan ko pa. "Puede naman po akong mag hintay rito kung sakaling busy po s'ya."
Nagulat ako ng hinawakan nito ang kanyang baril at nagsalita sa mataas na boses.
"Ang kulit mo ha! Umalis ka rito at baka masaktan pa kita. Di basta basta ang taong hinahanap mo, baka mamaya nito ay isa ka pang myembro ng sindikato!"
Ang hirap nang sikmurahin ng ugali ng lalaking ito. Nasa hitsura ko ba ang maging myembro ng isang sindikato? Ang sakit na sa dibdib ng mga natatanggap kong mga salita galing dito. Wala na akong nagawa pa, magalit man si papa but I really did my best para ma reach out ang taong hinahanap nito.
Naglakad na ako papalabas. Ang dilim na sa langit, lubog na ang araw at ngaun tanging liwanag ng buwan ang nagiging gabay ko sa daan. Paglabas ko ng village ay di ko alam kung saan ako papunta. May humintong isang itim na sasakyan sa harapan ko. Dinedma ko ito ngunit may tatlong lalaki na lumabas. Mga matatanda na ang mga ito at amoy alak ang katawan nila. Kinabahan ako ng palibutan ako ng mga ito.
Napatakip ako ng ilong dahil ang babaho ng mga ito.
"Ano ba umalis nga kayo!" pagtataboy ko sa kanila.
Ang lalakas ng loob ng mga ito na lumapit kahit na may mga iba pang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada at di pa malalim ang gabi.
"Ang ganda mo miss! Bakit ka mag isa?" tanong ng lalaki sa harapan ko, nag bukas pa ito ng sigarilyo sa harapan ko at binugahan ako ng usok.
Salo ng ilong ko ang usok nito na sobrang sangsang kaya umubo ako sa harapan nito. Nagtawanan pa sila at ang isa sa mga ito ay hinawakan pa ako sa aking pwetan.
"Ano miss? Kaya mo ba ang tatlo? Mga daks kami, sakto sa lahat ng butas mo!" ang bastos na sabi ng lalaki sa harapan ko.
Sinampal ko ito sa bibig sa bastos ng bunganga n'ya subalit gumanti ito ng sampal at sinabunutan ako.