KABANATA 3

1018 Words
(ATASHA POV) Sobrang sakit ng sabunot nito. Minalas na nga ako sa lakad ko at ngaun, para yatang may mangyayari pang masama sakin! "Kanina pa kami naghahanap ng bibiktimahing babae at malas mo na ikaw ang nakita namin. Kung ak sa iyo ay h'wag mo nang piliin na manlaban pa. Tanggapin mo na ang mangyayari sa iyo!" Habang nagsasalita ang lalaking ito ay patuloy na hinawakan, pinisil pisil at hinampas ng may pang gigigil ang pwet ko. Ngaun ay nagsi sink in na sa utak ko ang mga nangyayari. At tanging isang paraan lang ang naisip ko na maaaring magligtas sa sarili ko ay ang pag sigaw. "SAKLOLO SAKLOLO TULUNGAN N'YO AKO!! TULUNGAN N'YO AKO!" Mabilis na sumakit ang lalamunan ko. Ito ang unang beses na sumigaw ako ng ganito kalakas. Hiningal ako ngunit mabilis akong dinibdiban ng lalaking nasa harapan ko. "Wag ka nang manlaban!" sabi pa nitong puno ng pang gigigil ang boses. Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa likod at akmang isasakay na nila ako ng may humintong isang magarang sportscar sa tabi ng sasakyan nila at may isang lalaking bumaba. Matangkad ito at nakasuot ng puting tshirt at maong, parang nasa six footer ito. Ang lakas ng amoy ng pabango nito. Yung suot nitong shades, akala mo ay ang taas ng sikat ng araw. Iniangat nito ang kanyang mga kamay at pinalagutok ang mga daliri na akala mo ay akmang manununtok. At habang ito ay papalapit, lumalakas ang kutob ko na isa itong igop na lalaki. Tila ay s'ya ang magiging knight in shining armor ko. "At sino ka ha?" tanong ng lalaking ito na nanuntok sa tiyan ko. "Let her go kung ayaw n'yong masaktan!" sabi nito na patuloy sa paglalagutok ng mga daliri sa kamay. Napangiti ako dahil sa may isang lalaking dumating upang ako ay iligtas. Pero nangangamba rin ako sapagkat tatlo ang kalaban nito at mag isa lang s'ya. Nagtawanan ang mga ugok na ito sa sinabi n'yang pambabanta. "Pare upakan natin itong ungas na ito!" sabi ng isa pang lalaki na nasa likod ko. "Masyadong maangas. Wala namang ibang kasama!" dugtong pa ng pangatlong kasama nila. Binitawan nila ako at pinalibutan ang knight in shining armor ko na napangisi lamang. Wala akong nakikitang takot sa mukha nito. Sinuntok siya ng sabay sabay ng mga lalaking ito na nagtangka akong pagsamantalahan. Wala ni isa sa mga suntok nito ang tumama sa kanya. Ang galing nitong umilag sa lahat ng mga suntok nila. Para akong nanonood ng live action ngayon. S'ya naman ang sumuntok sa kanila at may sipa pa nga. Ang lupit ng galaw nito, tila ay may alam ito pagdating sa martial arts. Bugbog sarado ang mga lalaking ito na kahit isang sapak ay walang tumama sa poging ito na nagligtas sakin. Buti nga sa kanila, mga masasamang tao ang mga ito at deserve nilang mabugbog ng isang lalaki. Tumakbo sila at natamaan pa ako kaya ako natumba. Sumakay ang mga ito sa kanilang kotse at umalis. Natulala ako ng ilang sandali, nabalot ng takot pero isang kamay ang humarang sa aking paningin at lumingon ako upang tingnan ang may ari nito. "Are you okay miss? Hawakan mo ang kamay ko," sabi nito. Napangiti ako sa kanya at nang hawakan ko ang kanyang kamay ay tila gininaw ang buo kong katawan sa lamig nito. Tinulungak ako nitong tumayo at tinanggal ang kanyang shades. Karamihan sa mga lalaking nakikita kong naka shades, pag tinanggal nila ay nawawala ang kapogian nila and it was a prank. Ngunit ang isang ito, it was not a prank. Bagkus ay mas lalo pa itong naging pogi sa paningin ko ng tumingala ako sa kanya. Wala pa nga ako sa balikat nito. Ang ganda ng smile n'ya, ang sarap titigan ng kanyang mga mata. Na in love ako kaagad at ang tingkad pa ng ngiti at ang pula ng mga labi. He has the sweetest smile that I have ever seen. Makinis ang balat at bumagay ang pagiging mestizo nito. Who would have thought na nangyayari din ang ganito? Na sa lahat ng mga puedeng magligtas sakin? Out of million people ay natapat pa ako sa isang lalaking makisig na mabait? I was about to cry a while pero ngaun ay kilig ang nananalaytay sa buo kong katawan. "Are you okay?" tanong nito, naramdaman ko ang pag aalala nito sa tanong n'ya. "Nasaktan ka ba nila?" "Yes pero ayos lang! Maraming salamat sa iyo, ikaw ang nag ligtas ng buhay ko!" sabi ko, yumuko pa ako sa gwapong lalaking ito. "Sige miss! You don't need to bow down to me hehe! Nataon kasing pauwi na ako, teka saan ka ba uuwi? Baka puede kitang ihatid sa inyo just to make sure na ligtas ka." Medyo konyo magsalita ang lalaking ito na may magandang English accent. Tumingala ulit ako sa kanya. This is the very first time na may lalaking nag alala ng ganito sakin. Never akong nagkaroon ng boyfriend sa buhay ko kaya ang sarap sa feeling na may isang lalaking magmamalasakit sakin. Ngunit mas nananaig ang hiya ko sa kanya. "Salamat ngunit nabigo kasi akong makapunta sa tiyo kong sakim na nakatira sa Rose Village dahil sa pinagalitan at hinusgahan ako ng guard na nagbabantay doon kanina." Buti at napigilan ko kaagad ang luha sa mga mata ko bago pa makapag emote sa harapan ng lalaking ito whose name, I don't even know. "May pupuntahan sa village namin? Tell me the name of your Uncle para matulungan kita?" After he talks, tumingin ako sa magandang sasakyan nito and that alone was enough proof para maniwala akong sa isang exclusive village nga din nakatira ang lalaking ito. Niligtas nito ang buhay ko kaya naniniwala ako na mapagkakatiwalaan ko s'ya. Pinanguhan ko muna ng ngiti bago ako sumagot. "Ang name ng tito ko ay Drake Montenegro at nakatira ito sa isang malaking bahay na may tatlong palapag. Ang sungit ng guard n'ya doon, manang mana sa ugali nitong pobre. Sabihan ba naman akong hampaslupa kanina at pagkamalan na myembro ng sindikato? Nakaka inis! Kung hindi nga lang dahil sa papa ko ay wala ako ngaun rito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD