KABANATA 4

1017 Words
(ATASHA POV) Ngumiti ang lalaking ito, "Talaga? Ano ang sadya mo kay Dad?" Nagulat ako sa sinabi n'ya, "Dad mo?" tanong ko. Mas lalo pang lumawak ang ngiti sa pisngi ng lalaking ito, "Yes, Drake Montenegro is the name of my Dad. Although marami nga talagang nagsasabi na 'di kami magkamukhang dalawa so I understand. Ano pala ang sadya mo sa kanya ulit?" Nagi guilty ako na nagsalita ako ng negative tungkol sa papa n'ya sa harapan n'ya mismo after ako nitong iligtas. "Ahh... hinahanap kasi s'ya ng papa ko eh," sagot ko, "Nakapunta na ako doon sa mansyon n'yong may malaking gate pero pinagbawalan ako ng masungit na guard. Ang sabi pa nga n'ya ay need ko raw mag set ng appointment." "Oo ganun talaga eh. I hope you understand, my dad is such a very busy person. Kahit nga ako na mismong anak nito ay need din mag set ng appointment. Daig pa n'ya ang president." Medyo may naramdaman akong tampo sa kanya. Feeling ko maging s'ya ay may lihim na galit sa papa n'ya. At ang liit ng mundo, sa dinami rami pa ng mga taong puedeng maglitas sakin, s'ya pa na anak ng kinasusuklaman kong tao. Ang hirap nitong paniwalaan sa hitsura at sa ugali, milya milya ang layo! "Ganun ba? Sorry ha... kakapalan ko na ang mukha ko. Kaylangan ko kasing makausap si tito Drake at baka mapagalitan ako nito ni papa." Binuksan n'ya ang pintuan sa harapan ng kotse n'ya, "Okay get inside at gagawin ko ang makakaya ko para ipakausap ka sa kanya since this is an urgent matter." Napatingin ako sa magandang sasakyan n'ya. I feel like I don't deserve na sumakay dito. "Don't worry, kaya kong maglakad, malapit lang naman iyon. Puede pakihintay ako sa gate? Bibilisan ko ang paglalakad para makarating ako doon, promise!" Nahihiya akong sumakay at baka madumihan ko pa ang upuan ng sasakyan n'ya. "Tara na! Wag kang mahiya, okay lang iyan, marami na rin akong ibang mga sinakay dito sa sasakyan ko. Come on, baka mapahamak ka pa rito sa labas mamaya." Nahihiya man ako pero wala na akong nagawa pa. Sumakay ako sa loob ng sasakyan n'ya at ang bango sa loob tapos maganda pa. Maliwanag dito sa loob at pagsakay n'ya ay inabot kaagad nito ang kanyang kamay. "S'ya nga pala, I forgot to introduce myself. My name is Jake Montenegro, ang kaisa isang anak ni Drake Montenegro. Nice to meet you!" Ayaw kong kiligin pero di ko sure kung namumula na ang pisngi ko sa harapan n'ya. Hinawakan ko ang kamay n'yang malambot at ngumiti ako, pinakita ko na kaagad sa kanya ang pinaka magandang ngiti ko. "Nice meeting you, Jake! Ako si Atasha, anak ni Vince. Maraming salamat sa pagligtas mo doon sa mga lalaki kaninang nagtangka sakin at sa pagpapasakay mo." Feeling ko ay nadudumihan ang kamay n'ya sa kamay ko. Ganun din ang seat na ito sa pagsakay ko. Samantlaa, sa halip na bitawan ay mas lalo pa n'yang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko. "You are welcome, now wear your seatbelt at baka mahuli tayo ng MMDA dito sa labas," sabi nito. Pinakawalan ko na ang kamay n'ya kahit na ang sarap nitong hawakan. Sinubukan kong ikabit ang seatbelt ngunit ang hirap nitong ikabit. Wala akong ideya kung paano ito gawin. Nagulat naman ako ng s'ya na ang lumapit sakin. Halos muntikan na nga kaming magkahilakn sa sobrang close namin. S'ya na ang nag ayos ng seatbelt ko at pagkatapos ay bumalik ito sa pwesto n'ya at nagmaneho. And then saka ito nagsalita while driving his car. "Teka, bakit mo nga pala tinawag na sakin si Dad? Di ako galit ah? Baka kasi malalim ang hugot mo kaya mo ito nasabi. I will not invalidate your feelings." Now, mas lalo pa akong nilamon ng hiya. Napapaisip ako kung sasabihin ko ba ito sa kanya or wag muna? But then, baka sila ng papa n'ya ang mag away kaya mas maigi pa sigurong wag muna. "Sorry pero puede bang wag munang sabihin? Mahabang kwento kasi ito eh," sagot ko. Ngumiti s'ya, "Sure walang problema sakin. Nasaan nga pala ang papa mo?" Gumagaan ang pakiramdam ko sa ngiti n'ya. Sobrang gwapo ng lalaking ito, sure ako na ang ganda rin ng girlfriend n'ya. Impossibleng makalusot ang kagaya n'ya sa mata ng mga babae. Oh baka may asawa na s'ya? Naging chismosa na akong bigla, usually ay wala akong pakialam sa buhay ng ibang tao ngunit nag iba ng dahil sa lalaking ito. "Nasa hospital s'ya ngaun," sagot ko, pinigilan kong maluha sa harapan n'ya. "Sorry to hear that! Now I understand kung bakit ka pupunta kay Dad, for financial assitance ba ito?" "Yes pero may iba pa yata s'yang need sa papa mo. Ang sabi kasi n'ya ay magpunta raw ako rito." "I see! Urgent nga ang need mo at tingin ko ay dapat kitang isama sa loob ng kwarto n'ya." "Ay wag na, ayos lang sana kahit sa labas ng gate ako mag hintay." "Don't worry, I've got your back at di ko sasabihin sa kanya na sinabihan mo s'yang sakim. Pero kung masama man s'ya noon, natitiyak ko sayong nagbagong buhay na s'ya at mabait na s'yang tao. To prove my point, marami na s'yang mga dinonate na pera sa mga mahihirap. Di nawawala ang pangalan n'ya sa mga good samaritan dito sa lugar namin kaya proud din ako sa kanya." Ang hirap paniwalaan ng mga sinasabi nito. Sa ugali ng guards kanina, nakikita ko ang pagiging matapobre n'ya. Pero sasakyan ko ang mabulaklak na mga salita n'ya. "Siguro nga! Eh sa yaman ba naman ng Dad mo, sure ako na wala na s'yang mahihiling pa sa buhay n'ya." Kumalam ang t'yan ko na nagutom. Mabilis talaga akong gutuman kapag nasa biyahe ako. Sana ay makabalik ako kaagad mamaya sa hospital para makakain ako. Nang makarating na kami sa tapat ng mansyon ay binuksan ng guard ang kalahati ng gate. Pumasok kami at nalula ako sa laki nito. May fountain pa sa gilid at garden, at yung garahe nila, nakita ko na ang daming mga sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD