KABANATA 5

1009 Words
(ATASHA POV) Akala ko, itong sasakyan na ang pinaka magandang sasakyan na nakita ko pero may mas magaganda pang sasakyan na nakaparada. Yung parking lot nila ay parang mall sa dami ng mga sasakyan na nakaparada. "Sa inyo ba ang lahat ngmga sasakyan na nakaparada rito?" tanong ko habang ako ay nakatingin sa bintana. Tiyak akong milyon milyon ang presyo ng mga ito. I am not bitter ngunit ang sakit isipin na umasenso ang taong umalipusta samin. "Yes, sa amin ang lahat ng yan, actually kay Dad lahat, itong sasakyan na ito lang ang sakin. Simula kasi ng maging maunlad ang construction company ay nagsimula na rin s'yang bumili ng mga magagarang sasakyan. Nasa 40 na lahat ng mga sasakyan jan but may paparating pang dalawa galing sa America. Di ako nagyayabang ha? I am just explaining, baka kase itanong mo." Ayoko nang mainggit pa kaya lumingon ako kay Jake, "Happy ako sa success ng Dad mo at san ay matulungan n;ya ang papa ko." "Yes, kung ibang tao nga ay natutulungan n'ya kayo pa? Wait lang, saang side mo pala tito ang papa ko?" "Sa mama ko," sagot ko kaagad sa kanya ngunit bago pa man ito sumagot ay inuhan kona kaagad. "Pero that is all I can tell, I am so sorry." Hininto n'ya ang kotse at tiningnan ako ng mapang akit. So sobrang lutang at akit ko sa hitsura n'ya, dito ko napagtanto na halos mag pinsan na pala kami. Ang sarap din talagang kaltukan ng utak kong inuna pa ang paglalandi kesa sa mag focus sa lagay ng papa ko. "Sige," sabi nito, muli s'yang lumapit at tinanggal ang seat belt sakin. Una s'yang bumaba sa kotse at pinagbuksan pa ako ng pintuan. Gwapo na tapos gentleman pa! Bumaba kami at sinundan ko s'ya na pumasok sa isang magarang pintuan at sa kusina ang una naming napuntahan. May dalawang babae na parehas naka maid ang mga uniform nila so I guess they are. Parehas silang mga may edad na at nag uusap sila ng masinsinan sa sosyal na kusinang ito na malawak. Natigil sila ng nakita nilang dumaan si Jake. "Ay sir Jake, dumating na po pala kayo? Ano po ang gusto n'yong dinner?" tanong ng kasambahay na nasa gawing kaliwa. "Mamaya na ako kakain," sagot ni Jake. Napatingin sa akin ang dalawang babae na ito ngunit dedma ako sa kanila. Isang araw lang naman nila ako makikita dito kaya pag chismisan na nila ako. Mula sa kusina ay lumabas kasi sa pinaka sala ng bahay na sobrang lawak. Ang daming mga crystals at mga chinese products dito na pang pa swerte. Now, naiintindihan ko na kung bakit naging mapalad sila, it's because of these things. Pati yung chandelier nila, nakakalula sa ganda. Sa pagkakatanda ko kasi dati ay may pusa silang gold na pampaswerte. Ngaun, natitiyak ko na mga original na ang mga ito at mamahalin pa. Tinitingnan ko pa nga lang yung malaking budha ay nabibigatan na ako. Ilang tao kaya ang nagbuhay nito papunta dito sa loob? Muling nabuhay ang inggit sa loob ng katawan. Sure ako na kapag nakita rin ito ng papa ko maiingit din s'ya. Nang huminto kami sa tapat ng elevator ay napatingin ako kay Jake na pinindot ito para magbukas. Di na ito mansyon, sa mall na sila nakatira sapagkat grabe na ang pagka sosyal ng kanilang karangyaan. Pumasok kami sa loob ng elevator na papunta sa ikatlong palapag ng bahay na ito. Nakakatakot yung elevator kasi transparent ang pintuan kaya nakikita ang pag angat namin. Takot ako sa heights kaya pumikit ako. Iba ito sa elevator ng office namin. When I opened my eyes, nakatitig na sakin si Jake na nakasandal sa pinto. "Takot ka rin pala sa heights ha? Parehas tayo, ilang beses ko na sinabi kay Dad pero ang parating sagot nito ay pag may time daw s'ya. I have saying that for one year to him but he was replying the same thing. Hanggang sa nasanay na lang din ako." "Oo, takot ako sa height pero talaga bang wala nang ibang nakatira dito bukod sa inyo ng papa mo? Ang laki kasi tapos tatlong palapag pa. Noong nandoon nga tayo sa parking lot, akala ko ay nasa mall tayo eh." "Ganyan kasi ang gusto ni Dad and it's his money so he decided na ganito ang gawin. Sugat daw iyan ng kabataan n'ya. Kaya nga grabe din ang pressure ko dahil ang taas ng narating narating ni Dad. He always remind me na dapat ko s'yang mahigitan ko s'ya para may manahin ako. I ma not sure kung nagbibiro nga lang ito o talagang totoo, either way, I am doing my best naman sa trabaho ko." Mas lalo kong napagtano na sobrang swerte ng magiging asawa nitong si Jake. Nag isang gwapong tagapagmana ng lahat. Tapos halatang humble pang lalaki, di katulad ng ibang mga lalaki na wala nang maipagmamalaki sa buhay tapos nagagawa pang maambabae ng marami. "Siguro nagjo joke lang s'ya? Matitiis ba n'ya ang sarili nitong anak? Pero baka way n'ya iyan para magsumikap ka sa buhay. Pero ang swerte mo, mamanahin mo ang mansyon na ito at lahat ng mga sasakyan n'ya. And for sure ay may iba pa s'yang mga ari arian bukod dito?" "May bahay kami sa California at resort sa Boracay, that's all." "What? Wala kayong masyadong property?" "Oo kasi 'di s'ya mahilig bumili ng mga properties. Mas mahilig s'yang bumili ng mga sasakyan kesa sa mga ganyan. Dito kami madalas na magtalo, gusto mo bang i tour kita mamaya sa mga kotse doon sa parking lot?" "Ay, no need na," mabilis kong sagot. "Nagmamadali kasi ako at walang kasama ng papa ko sa loob ng hospital." "Talaga? Paano ang papa mo?" "Maniwala ka sakin, ayokong iwan ang papa ko ngunit ayoko rin na labagin ang gusto n'ya kaya pumunta ako dito." "How about the nurse? Nabilin mo ba s'ya?" Ang sincere ng pagiging concern n'ya sa lagay ng papa ko. Galit man ako sa tiyo ko ngunit masasabi kong maganda ang pagpapalaki nito kay Jake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD