KABANATA 6

1014 Words
(ATASHA POV) "Yes Jake, sure ako na may nurse na magchi-check ng condition n'ya. I just don't want to go there emptyhanded for now. Maraming salamat sa pagpapa pasok mo rito." Ang friendly ng ngiti n'ya, mas lalo itong gumu-gwapo sa paningin ko. Tall, white, and handsome. This boy is every girl's dream. Naka akyat na kami at nakarating sa isang kwarto na may malaking kahoy na pintuan. Para bang naiiba ito sa lahat ng mga pintuan but what makes me more surprised ay may dalawalang lalaking guards na nagbabantay sa magkabilang hanay ng pinto. And they are taller, ganito ba kapag bahay ng mayaman? Talagang may guard na sa labas tapos may guards pa dito? Oh baka sa sobrang yaman ng taong ito kaya trip lang na mag hired ng maraming gwardya? At iyong mga shades nila, akala mo ay abot ang sinag ng araw dito sa loob ng mansyon. Gan'to rin kaya sila kapag nasa labas? Lumapit kami at kahit na mismong anak itong si Jake ay hinarang s'ya ng mga guards. "I just wanted to visit my dad, please let me in. Pati ang magandang binibini na kasama ko!" Nilagay pa nito ang kamay n'ya sa balikat ko. I looked at him, first time kong masabihan na isa akong magandang binibini. Considering na parang banyaga ang lalaking ito, I am not not expecting na malalim din pala s'yang magtagalog. "Sino s'ya?" tanong ng guard sa kaliwa. "Just let me us in, I will be the one explaining everything to my dad!" pag uulit ni Jake, he seems to be getting a little bit impatient. Dit na nagbukas nang pintuan ang mga guards. Dapat talaga na maging sa pagbukas ng pinto ay dalawa rin sila? Sa laki ng pinto, yung isang part nga nito ay kasing laki na ng buong pinto namin, sobra pa! Muling lumingon si Jake sakin, ang kalmado ng mga mata nito na nakakapukaw. "Relax ka lang okay? I got your back, we will make sure that you'll never go back empty-handed." Mas naging positive na ako sa mga mangyayari. Pumasok na kami sa loob at ang room na ito ay sobrang lawak. Ito na yata ang pinaka malaking kwarto na napapalibutan ng mga libro. At first, akala ko ay isa itong library or office ng politician. May red carpet pa at magandang chandelier, mabango at tagos sa buto ang lamig ng aircon. May crystal pa at malaking buddhang ginto sa gilid ng pintuan, talagang mahilig sa chinese products itong si tiyo Drake. Tinitingnan ko pa lang ang buddha ay nabibitan na ako. Tumuloy na kami at naging diretso na ang tingin ko sa upuan na nakatalikod. May table at may ilang mga books na nakapatong sa gawing kaliwa nito. May crystal din at gold na buddha pero mas maliit compared doon sa nakalagay sa may pintuan. Napalingon ako sa paligid, hinahanap ko kung nasaan ang tiyo ko na dahilan ng pagpunta ko rito. I cannot feel his presence at all. "Anong kelangan mo sakin, Jake?" ang tanong ng lalaki na may malalim na boses. Sa likod ng upuan nanggagaling ang boses nito. Sa laki ng upuan na ito ay 'di ko napansin na may tao pala sa likod. And just who is this guy speaking? Ang layo ng boses nito sa tiyo ko noon. "Dad, someone is looking for you. Isang magandang binibini na iyo raw kamag-anak. Her name is Atasha at pinapunta s'ya dito ng kanyang tatay. Muntikan pa nga itong mapahamak sa labas, mabuti at dumating ako just in the right moment!" Pangalawang beses na nitong sinabi na magandang binibini ako. Alam ko na malayo ito sa katotohanan but ang sarap lang kase sa tenga pakinggan nito! "And what is her name?" Ganito ba sila? Kapag nag uusap kelangan na nakatalikod ito sa kanyang anak? Sana ay mag face reveal na ang taong ito. I am ready to see the face of the man who ruined our life. Sure ako na no matter how rich he is, 'di nito kayang ayusin ang kanyang mukha. Sa pagkakatanda ko ay may peklat din ito sa kaliwang mata at pisngi nito noon. "Her name is Atasha po and she needs to talk to you personally." Baka di na naman lumingon itong si Tito Drake. Ano ba kasing ginagawa nito at ayaw lumingon. All he needs is to turn around to see me. Ayoko rin kase sumingit sa usapan nilang mag ama. "Atasha?" He said, umikot na ang upuan at tumayo ang lalaking ito. My eyes widened in shock. Sobrang mulat ang mga mata ko. If this guy does not show his grin and if I did not hear his voice, iisipin ko na iba ang taong ito. Matangkad naman talaga ito pero ang puti nito at naging brusko ang katawan at tumaba ang mukha. Ang dating pangong ilong nito, ngaun ay tumangos pa. He looks younger than the last time ko itong nakita. Even though I was still a kid during that time, ang trauma ko sa kanya ang nagpapaalala ng pagmumukha nito. Halatang nagpa retoke sya kaya bumata ng husto ang kanyang hitsura. Mali ang buong pag-aakala ko na papangit ang hitsura nito kapag tumanda. Pasalamat ito at may pera s'ya. Nang dahil dito ay naging maayos ang kanyang hitsura. Pero pupusta ako na may isa itong di kayang iparetoke and that is his attitude. Ang talas ng tingin nito sakin. Subukan lang nito na magsalita ng masama, ibabalik ko ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan. "Iwan mo muna kami Jake at pakisabi na magdala ng pagkain dito sa loob ng office ko." Office n'ya pa lang ito? Akala ko ay buong kwarto na n'ya. Nabasa na ba nito ang lahat ng mga libro dito sa office n'ya or display lang ang lahat ng ito? "Okay dad, pero babalik po ako rito because I also want to talk to you in private." Ayoko na umalis dito si Jake. I don't mind him hearing my conversation sa papa nito. He just smiled at me and excuse himself. Pag sarado nito ng pinto ay muling nagsalita si tito Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD