(ATASHA POV) Nilapag ko ang bag ko sa table at ngumiti ako sa kanya. "Ito po, maayos na ang lahat, nagkausap na kami kanina at sinabi n'ya tutulong daw po s'ya. Pupunta s'ya dito bukas pero yun nga lang, aalis na po tayo ngaun dahil puede na raw po kayong i-discharge dito sabi ng doctor." Mabilis ang pagsagot ni papa. "Dito muna tayo hangga't di nadating dito ang tito mo. Masaya ako na nagkausap na kayo. Sabi ko naman, nag bagong buhay na ang tiyo mo kaya dapat na ibaon na natin ang masalimuot na nakaraan sa limot." "Pero pa, sure po ba kayo na wala na kayong nararamdaman sa katawan ha? Mahirap na, kahit may mga lab test, kayo pa rin ang makakapag sabi kung maayos na po ba ang pakiramda n'yo para talagang 'di na tayo babalik dito. Kahit na ang pangit ng bahay natin, mas gusto ko do

