(ATASHA POV) Napayakap ako kay papa sa sinabi nito. Sa wakas, puede na rin akong magkaroon ng jowa ko. I feel so sorry kay Lee Min Ho at kay Kim Hyvn Joong dahil anytime soon ay papalitan ko na silang lahat ng real boyfriend ko. 'Di man ito kasing pogi nila, pero ang mahalaga ay totoo na ito. Sana lang ay makatagpo ako kaagad. "Wag ka munang mag celebrate, Atasha! Iyan ka na naman sa pagiging maligalig mo, boyfriend ito at di asawa. Baka mali ka ulit ng dinig. Kikilatisin ko muna ito at kahit na nasa tamang edad ka na ay may bawal pa rin. Oh s'ya, ano pa ba ang iba mong dalang balita?" Tinigil ko na ang pag akap ko kay papa at inihatid ko ang isa pang balita na hanggang ngaun ay nag iisip pa rin ako kung tatanggapin ko ba. "Pa, pinagre-resign po ako ni tiyo Drake at gusto nito na doon

