Aso't Pusa

2806 Words
Katulad kahapon dama pa rin niya hanggang ngayon ang lungkot na nadama niya kahapon, lungkot pala iyon na nagggaling kismo sa puso niya. Iyong pag-asa na sila ni Ramil sa huli ay tuluyan ng naglaho. Kasama pa ang mga babaeng umasa din na mapansin ng kaibigan. Crush ng campus is Ramil kaya marami ang nagpapapansin dito. Kaya marami din ang naiinggit sa kanya dahil bestfriend niya ang lalake ngunit marami din ang naghihinayang kung bakit daw tomboy siya . Dahil kung babae daw talaga siya ay baka naging sila ni Ramil. Mas mabuti pa nga raw na sila ang nagkatuluyan dahil sanay naman daw ang mga ito na lagi silang magkasama. Kaysa naman daw mapunta sa iba na hindi naman qualified ang pipiliin ng lalake, hindi daw bagay ang dalawa. Marami ang naiinis kapag magkasam,a ang dalawa, siya hindi lang naiinis, nagseselos na kahit hindi pa niya nakitang magkasdama ang dalawa. "Kaela ang babanaman ng batayan nag bestfried mo par a maging gf niya , eh mas maganada pa yata ako sa pinatulan niya." sabi ng isa na hindi nakatiis na ilabas ang saloobin Ngiti lang ang sinagot niya para ipakitang wala siyang pakialam sa desisyon ng kaibigan kahit na ang totoo ay sang-ayon din siya sa sinabi ng kausap. Ewan niya kung ano ang nakita ni Ramil dito. "Ms. Cortez,will you please remove your shades."matarya na sabi sa kanya ng instructor niya sa bilogy. wala siyang choice kundi isuot iyon kaysa ipangalandakan niya sa buong campus na umiyak siya. "Ha?" tanging nasabi niya, hindi niya pwedeng tanggalin ioyn dahi makikita ang pamamaga ng mga mata niya. Pinagtinginan tuloy siya ng mga classmate niya dahil sa naging reaksyon niya. "I said remove your shades." inis na ang instructor niya. "Sorry ma'am pero hindi ko po pwedeng tanggalin."tanggi niya medyo malakas ang loob niya dahil hanggang ngayon ay dala pa din niya iyong sakit na naramdaman kahapon dahil kay Ramil. Pinagtinginan siya ng mga kaklase niya dahil sa sagot niya, ang iba naman ay nagtaas ng kilay at naisip na baka iba na naman ang trip niya. Bala kayo dyan, naisip niya. "Kahit palabasin kita?" nakataas kilay na ang instructor niya. "Yes ma'am." "Then out!"sigaw nito sabay turo sa direksyon ng pinto. Lumabas naman siya, hindi siya natakot kahit mabalita pa sa buong university na pinalabas siya or ibagsak siya nito tutal naman hindi iyon ang major niya. "Anong ginagawa mo rito?" nagtAtakang tanong ni April ng madaanan siya sa parking lot at nakasandal sa sasakyan niya. Alam kasi nito na may klase siya ng mga oras na iyon. "Wala , pinalabas lang naman ako ni Ms. Masungit." tinutukoy niya ang instructor sa BIO. "Si Ma'am Salas?"paniniguro nito. Tumango siya. "Bakit?" "Gusto kasi niya hubarin ko ang shande na suot ko kaso tumanggi ako." "Bakit hindi mo kasi tinanggal ,alam mo namang bawal magsuot niya sa loob ng classroom." "Alam ko pero wala namang siyang magagawa kung trip kong isuot ito."  "Meron siyang nagawa, pinalabas ka nga niya." "Oo pero wala iyon." "Paano kung maapektuhan ang grades mo"nag-aalalang sabi nito. "Ano tayo mga elementary students na kapag may nagawang mali minus kaagad sa grades."naiiling niyang sabi, "Hindi nga pero kilala mo naman ang instructot na iyon." "Okay lang tutal hindo ko naman major ang Bio." "Kahit na , paano na lamng kung ibagsak ka niya." "Hindi mangyayari iyon , maganda ang performance ko sa klase. isa pa ngayon lang naman ako ngapasaway." "Bahala ka nga. Bakit naman napagtripan mong suutina iyan."sabi nito sabay nguso sa suot niyang shades. "Ha!, ano kasi masakit ang mata ko."pagsisingu8ngaling niya. "So bakit hindi ka nagpaliwanag?" Hindi na siya sumagot. Bakit nga ba hindi siya nagpaliwanag?  "Si Chris?" pag-iiba niya sa usapan. "Wala pa." "Tagal niya,usapan namin maaga siyang darating dahil pupunta kami ng library pagkatapos ng klase ko." "May assignment kayo?" "Sa Chem." "Ako na muna ang sasama sa'yo tutal wala pa naman akong gagawin."  "Mabuti pa nga dahil kung siya ang hihintayin ko baka wala pa kaming magawa." "April , KAela." narinig nilang tawag ni Chris sa kanila bago pa sila nakaalis ng parking lot. Hinitay naman nila na malapitan sila nito. "Bakit ngayon ka lang?" usig ni April sa bagong dating. "Inutusan kasi ako ng mommy ko. Teka bakit ka nandito? wala ka bang pasok? tanong nito kay Kaela. "Naku huwag mo nang itanong dahil baka hindi na ninyo matapos ang assignmetn niyo. Sagot ni April sabay hila kay Chris. "Tama si April huwag mo nang itanong."sang-ayon niya. Nagtataka man si Chris kung bakit nandoon si Kaela ay nanahimik na lang ito. "Pril, doon kayo puwesto ni Kaela" sabay turo sa mesang nasa sulok. "Ako na lang ang kukuha ng librong gagamiting natin hintayin niyo na lang ako doon." dugtong pa nito. "Sige pero babalikan ka namin pagkalagay ng mga gamit natin baka mahirapan ka sa pagdala ng mga libro." si April. "Sige ."sabi ni Chris at tumalikod na. Nang makalapit sila sa mesa ay kaagad nilang binaba ang mga gamit at binalikan si Chris kaya hindi nila namalayan na nasa kabilang mesa sina Ramil at Alice. Ilang sandali pa mula ng sundan nila ang kaibigan ay sabay-sabay na silang bumalik sa mesang pinili nila dala ang mga librong gagamitin. Kaagad namang umupo sina April at Chris , siya naman ay puwesto sa upuang nasa harap ng mga ito , bale nasa likuran niya sina Ramil at Alice kaya lalong hindi niya napansin ang mga ito. Matapos maayos ang sarili sa pagkakaupo ay nakangiti siyang humarap sa mga kaibigan ngunit nagtaka siyta kung bakit naniningkit ang mga mata ng mga ito,. Magtatanong na sana siya kaso biglamg nagsalita si Chris. "Alam mo April hindi ito loverary ha, kunid library." sarkastiko ang tono nito. Nangunot ang noo niya sa oagtataka kung sino ang pinariringgan ni Chris , kaya lumingon siya sa likod niya para malaman kung sino iyon. Katulad ng reaksyo ng mga kaibigan ay naningkit din ang kanyang mga mata matapos makilala kung sino ang nasa likuran niya. Bigla nangati ang mga kamoa niya at parang gusto niyang manuntok, ngunit hindi si Ra,il kundi si Alice. Parang gusto niyang bugbugin ito ng mga oras na iyon.Dahil sa may suot siyang sunglass ay hindi napansi ng dalawa ang reaksyon niya. "Talagang hindi ito loverary." parinig na rin niya. Sa tagal ba namang hindi nagpakita ng kaibigan sa kanya ay dito pa niya ito makikita at kasama pa ang babaeng pinagseselosan niya. Lumingon naman si Ramil para makilala kung sino ang nagpaparinig dito , ang inis na nasa mukha nito ay napalitan ng ngiti matapso malamang si Kaela pala ang nasa likuran nito,. "O,tol kaw pala." masayang sabi nito sabay tapik sa balikat ng dalaga. Sinadya itong iwasan ni Ramil pero namiss nito ang dalaga.  "Ay oo tol, nandito ako mabuti naman napansin mo."kunwari ay tumawa siay peo sarcastic ang boses niya."Akala ko namatay ka na ang tagal mo kaisng hindi ngaparamdam."pang iinis pa niya. Si Alice naman ay tahimik lang na nagmamasid, hindi kasi nalingid dito iyong sayang bumakas sa mukha ng binata matapos makilala ang nasa likuran nito. "PAsensiya na masyado kasing naging busy." sabi nito kahit na ang totoo ay sinadya nitong iwasan ang dalada. Nagtaka lang ito kung bakit bigla yatang tumalas ang dila ng kaibigan ngunit hindi na lang ito pinansin ng binata, batid kasi nito na malaki ang tampo ng kaharap. "Oo nga eh."matabang niyang sabi sabay tingin kay Alice , sa puntong iyon ay binati na siya ni Alice. "Hi." kunwari ay magiliw niyang bait pero konti na lang masasakal na niya ang kaharap. Kung hindi lang siya nagtimpi ay baka hinila na niya ang buhok nito at ipinamukha ang pang-aagaw nito kay Ramil sa kanya. mabuti na lang nakontrol pa niya ang sarili. "Advantage naman sa ating dalawa ang hindi naitn pagkikita , di ba?" sabi nito sa kanya sabay kindat at tinapunan ng tingin ang mga kasama niya. "Sa paanong paraan naging advantage? taas kilay niyang tanong na hindi kaaagd nasakyan ang ibig sabihin ng kaharap. "Nagkaroon ako ng girlfriend." sabi nito sabay taas hawak sa kamay ni Alice,parang sinsadya pa siyang inisin ng binata. "At ikaw naman nagkaroon ng mga girlfriends,"dugtong ni Ramil sabay kindat kina April at Chris na namula naman ,hindi dahil sa pagkindat ng lalake sa kanila kundi sa sinabi nigto. "Tol, mga kaibigan ko sila." galit niyang sabi. "Oo, girlfriends, kaibigang babae sa tagalog."pilosopong sagot sa kanya ni Ramil na para bang iniinis siya. "Oo pero there's nothing romantic between us." matigas niyang sabi. "Bakit may sinabi ba ako?" sabi nito at tinalikuran na siya, batid niyang inaasar siya ng kaibigan. "Mabuti pa umalis na tayo rito."yaya niya sa dalawa. "Pero wala pa tayong nagagawa." tutol ni Chris. "Tayo na ."nangigigil na siya. Sumunod naman ang dalawa. "Tol, alsi na kami." kunwair ay paalan niya sabay batok ng malakas sa lalake na halos mauntog ito sa mesa  sa sobrang lakas ng pagkakabatok niya. Susundan sana siya ni Ramil pero lumapit ang librarian at itinuro ang sign board na "Silence pls." Alam ni Kaela na sinundan siya nag rtingin ni Ramil kaya nilingon niya ito at nilabas niya ang dila niya bilang pang-aasar dito,. "Galing mo." masayang sabi nina April at Chris pagkalabas nila ng library at nakipag-appear pa sa kanya. "Bagay lang sa kanya iyon." sabi niya pero ang totoo naawa din siya sa kaibigan, napalakas kasi ang batok niya. Inisin ba naman siya nito. "Sobra na talaga iyang kaibigan mo." galit na sabi ni Alice habang hinihimas ang parte ng ulo na binatukan ni Kaela. "Huwag mo na lang iyng pansinin>" nakangiting sbai ni Ramil pero ang totoo ay nanggigil siya kay Kaela dahil napahiya ito sa nobya at sa ibang mga estudyanteng nasa library. "Humanda ka sa akin mamaya." sasarili na lang ni Ramil sinabi iyon. Kinahapunan pagkagaling sa paaralan ay dumiretso si Ramil kina Kaela upang kausapin ito sa ginawa ng dalaga kanina. "Kumusta po Tita." bati niya sa mama ni Kaela sabay halik dito. "Mabuti naman at nbapasyal ka."masayang sabi ng Ginang pagkakita sa binata. "Pasensiya na po, masyado kasi akong naging busy sa school. "sabi nya ,kagaya ng pagsisinungaling niya kayt kalea kanina. Hindi naman niya pwedeng sabihin na iniiwasan nito ang dalaga dahil magtataka ang kaharap. "Ganoon ba." "Si Kaela po?" " Baka nasa kwarto niya puntahan mo na lang." "Sige po." paalam niya at umakyat na sa hagdan papunta sa kwarto ni Kaela. Pagkatapat niya sa kwarot ng kaibigan ay nawala ang galit niya dito dahil sa kung ano-anong naksadikit sa pintuan nito na nakapagpatawa sa kanya, Napailing na lang siya habang binabasa ang mga ito. Keep out! No strangwers allowed ! High voltage. Beware of dog. Bawal ang pangit. Ngunit biglang napawi ang mga ngiti niya sa labi pagkabasa ng nasa ibaba ng pintuan. Bawal ang mayabang. Bawala ng may GF. Bawal ang pangalang nag-uumpisa sa R at nagtatapos sa L. Inaasar ba talaga siya ng kaibigan? Siya ba ang tinutukoy nito ? tanong niya sa sarili an sinagot din naman niya. Malaamng dahil siya lang ang may pangalang nag0-uumpisa sa R at nagtatapos sa L na nakakapunta sa bahaging iyon ng bahay nina Kaela. Pipihitin na sana niya ang seradura upang harapin ang dalaga ng bigla itong bumukas at niluwa nito si Kaela. Kapwa pa sila nagulat ni Kaela pagkakita sa isa-isa, may bitbit na sign board ang dalaga at halatang ididikit din nito.  Ngayon lang pala ito inilagay ng kaibigan "Anong ginagAwa mo dito?" walang kangiti-ngiting tanong nito sa kaharpa kahit na ang totoo ay alam na nito ng dahilan ng pagpunta niya. "Nasisiraan ka na ba? " tanong niya sa dalaga habang dinidikit nito ang bitbit na sign board. Tumayo ang dalaga matapos maidikit ang bitbit na signboard , tiningnan lang nito ng masama ang binata At muling pumasok sa silid. Sa aktong isasara na nito ang pinto ay pinigilan iyon ni Ramil . "KInakausap pa kita." sabi niya habang pigil ang pinto. Batid ni Kaela na kung itutulak nito ang pinto ay itutulak din ito ng binata kaya itinulak niya ito ng malakas saka binitawan. Sa pag-aakala niyang isasara talaga ni Kaela ang pinto ay binuhos niya ang buo niyang lakas sa pagtulak dito. Kaya hayun sa sahid ang bagsak niya, malay ba niynag bibitawan ito ng kaibigan/ "Nanghuhuli ka yata ng palaka, Tol." pang-aasar niKaela sa bumagsak na kaibigan sa sahig. "Teka, hindi mo ba binasa ang mga signboard sa pinto? dagdag pa nito at lumabas saka binasa ng malakas ang mag ito. "Galit ka ba sa akin?" sabi ng katatayong si Ramil kahit na napahiya uli ito ay hindi na nito inaway ang kaibigan dahil kung aawaying pa niya ang kaibigan ay tiyak magkakaroon ng worldwar 3 lalo at mainip pa talaga ang ulo nito. "Hindi lang ako galit, kundi galit na galit,"nanggigigil na sabi ng kaharap. "Kaya bago pa kita maumbag ay umalis ka na."  Batid ni Ramil na kung magsosorry siya rito ay hindi na tatablan pa ang dalaga kaya nakaisip siya ng ibang paraan. "Alam mo Tol, miss na miss ko na itong kwarto mo, mahigit isang buwan na rin akong hinfi nakakadalaw dito. "sabi niya at umupo sa kama. Gusto sanang itanong ni Kaela "Ako hindo mo namiss?" pero sinarili na lang nito, "Mabuti naman pala at alam mo kung gaano na tayo katagal hindi nagkikita." sabi na lang nito. "Kaya nga dinalwa kita." napangiti niynags abi sa pag-aakalang nalilibang niya ang kaharap. "Hoy! If I know kaya ka lang pumunta dito dahil sa ginawa ko sa'yo kanina, pasensiya ka hindi ako magsosorry sa'yo kaya umalis ka na."pagtataboy nito sa kaibigan. "Ganyan ba ang trato sa kaibigang matagal ng nawalay?" paawa effect siya. "Baka nakakalimutan mo ,hindi ka nawalay kusa kang lumayo kaya huwag kang magpaawa-awa effect diyan dahil hindi kita kakaawaan." sabi nito na nalilisik pa ang mga mata. "Namamaga yata ang mga mata mo?" napansin ni Ramil ang mga mata nito "E ano naman sa'yo?" "BAkit?" "Alam mo umalis ka na lang , naiirita lang ako." Bakit mukha ka yatang allergic sa aking ngayon?" sabi niya at humiga pa sa kama ng kaibigan . "Huwag ka ngang humiga diyan ." sani ni Kalea sabay tulak sa kaibigan." "Ikaw ha! Nakakatatlo ka na!" inis n sabi ni Ramil na tumayo matapos malaglag sa kama. "So?" sabi ni Kaela na handa sa anumang gagawin ngg kaibigan." Sa susunod huwag mong susubukang  umupo man lang sa kama ko baka mahawa pa ako ng sakit mo." "Anong sakit ang pinagsasabi mo?" napipikon na siya. "Pwede ba huwag kang magmaangmaangan alam naman natin na kung sino -sino na ang mga naging syota ng  syota mo kaya malaman ay may sakit na iyan at baka nahawaan ka na niya." natahimik si Kaela, napasobra  ata ito baka mapansin nang kaharap ang pagseselos nito. "Ikaw kung talagang galit ka sa akin sabihin mo hindi iyon kung sinu-sino ang dinadamay mo." galit  niyang sabi at hinablot ang braso ng kaibigan. "Talagang galit ako at huwag na huwag mo aking sisishin sa mga sinabi ko dahil kanina pa kita pinapaalis  ayaw mo." matapang nitong sabi at hindi alintana ang ginawang paghablot ng braso ni Ramil sa braso  nito. "Kung ayaw mong magkabati tayo ,edi hwag , pasalamat ka nga at ako pa ang nakikipagbait sa'yo."  sabi ni Ramil at bigla ng binitiwan ang braso ng kaharap, bigla kasi siyang nakaramdam na gusto niyang halikan ang kaharap kahit pa inis siya dito. "Dapat lang dahil ikaw ang may kasalanan." "Kaya nga nag-sosorry na ako." "Wala ka namang ginawa kunid magsorry, nagsasawa na ako." "Ako din nagsasawa na sa lesbian na tulad mo laya kung aytam mo sa akin bahala ka sa buhay mo." Sabi ni Ramil at lumabas na ng pinto para iwan ang kaibigan gaya ng gusto nito. Nagulat man si Kaela sa sinabi ng kaibigan at mabuti na lang ay nakalabas na ito dahil parang maiiyak na siya, hindi na talaga sila magkakabati ng binata, maliban na lang kung siya ang susuko. Lumapit ito sa pinto at nilock it baka kasi biglang bumalik ang lalake at makita ang pag-iyak nito. BUong gabi na namang siyang umiyak dahil sa nangyari , mabuti na lang at Sabado bukas, wala siya pasok kaya okay lang na mamaga ang mga mata niya lalo at wala naman siyang balak lumabas kinabukasan. Lingid kay Kaela ay nasaktan din si Ramil sa naging sagutan nila kaya halos magdamag na uminom ng alak na natutunan nito sa grupo ni Alice, Kung kahapo ay nagawa nitong harapin ang kaibigan ngayon naman ay nagsisisi sya. Kinabujkasan pagkagising ni Kaela ay lalong namaga ang mga mata niya , namroblema tuloy siya kung paano sasabayan sa almusal ang mommy niya . Tiyak magtataka na naman ito sa pamamaga ng mga mata niya at hindi siya titigilan sa kakatanong kung ano ang problema niya. "Bahala na." sabi niya sa sarili sbaya suot ng sunglasses saka bumaba. "Si mama?" tanong niya ng hindi it datnan sa hapag-kaninan, dati ay lagi itong nauuna sa kanya. "Maagang umalis, tumawag kasi ang kuya mo at pinapunta sa kanila. Hindi ka na niya ginising dahil tulog na tulog ka pero uuwi din daw siya mamayang hapon." Nakahinga siya ng maluwang matapos malaman na wala ang mommy niya dahil walang magtatanong bakit siya nakasunglasses sa loob ng bahay. Sa kabilang bahay naman ay halos mabiyak ang ulo ni Rami sa tindi ng inabot na hang-over. Kabaligtaran ni Kaela, naroon ang mommy ni Ramil at halos himtayin sa ginawang paglalasing ng anak .Ngayon lang kasi nito nalaman umiinom pala ang anak. "Feliza." tawag nito sa katulong nila. "Yes ma'am."  "Kumuha ka ng maligamgam na tubig tapos tulungan mno akong asikasuhin ang senyorito mo."utos ng ginang. "Ano bang problema mong bata ka?" tanong nito habang dinadampian ng maligamgam na towel ang mukha ng anak. Naginhawahan naman si Ramil at medyo nabawasan ang pananakit ng ulo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD