Babae ako

2502 Words
"Mukhang may kaaway na naman kayo?" puna ni Kaela nang datnan niyang nakasimangot ang dalawa. "Wala kaming kaaway>" si April , hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Wala pala eh bakit ganyan ang mga hitsura niyo?" sabi nya at umupo na nakatasas ang paa, wala siyang pakialam kahit nakapalda pa siya. Kailangan niyang pangatawanan na tibo siya. "Hoy, mga lalake ang nasa kabilang waiting shed baka makita ang panty mo."saway ni Chris sa kanya sabay tampal sa paa niya. "Kayo talaga d na nasanay sa akin, nakashort ako no."natatawa niyang sabi at itinaas pa ang palda niya para pakita sa dalawa. "Mahiya ka naman." si April. "Ano naman ang nakakhiya dito,aber?" sabi niya at di binago ang pwesto. "Chris, talagang hindi siya dapat mahiya. Iyan ang pagiging tomboy niya hindi niya ikinahiya iyan pa kayang masilipan lang iya."sigaw ng lalake sa kabilang waiting shed na nakarinig sa usapan nila. "Buwisit pala to. Niloloko mp ba ako?" galit niyang sigaw at dinuro pa ang lalake. Tumayo siya para suguring ito kaso pinigilan siya ng dalawa. "Ano ka ba? Huwag mo na silang pansinin." si chris iyon, kinakabahang awat nito dahil kugn sakali ano ngha ba namang laban ni Kaela sa mga kaharap nila. "Bitiwan niyo nga ako uupakan ko lang ang bastos na iyan para malaman niya kung ano ang pinagsasabi niya." nakawala si Kaela sa hawak gn dalawa kaya mabilis isyang nakasugod sa kabilang shed. "Anonng sabi mo?!" galing niyang hinrap iyong lalake. ""Ang sabi ko talagang hindi ka dapat mahiya dahil tomboy ka." sagot ng lalke sa galit na dalaga. "Ganon ba?" ngumisi siya at sa pagkabigla ng lahat ay bigla niya itong sinuntok sa panga na nagpatumba dito. Sanay siya manuntok dahil nag-enroll sila ni Ramil ng boxing class noong high school pa sila. Mabilis namang itinayo ng mga kaibigan ng lalake ang sinuntok niya. Ang dalawang kaibigan ay nabigla sa lakas manuntok ng dalaga. "Taman na."awat ng mga ito sa dalaga. "Kailangan kasi niyang turuan ng leksyon walang respeto. " galit pa rin niyang sabi. "Huwag kayong makialam !" pigil naman ni Bryan sa mga kaibigan nito ng akmang susugurin si KAela. "Ano kulng pa iyan?" galit pa rin niyang tanong sa lalake na noon ay hinahaplos ang panga. "Ni hindi nga ako natinag." mayabang pang sabi nito. "Hindi nga muntik ka lang tumalsik." pang-iinisn niya. Nabubwisit siya sa kayabangan nito. "Muntik nga pero tingan mo kung ano ang gagawin ko sa'yo, tiyak magiging babae ka." pananakot nito, sa totoo lang nabigla din ang lalake sa lakas manuntok ni Kaela. "Tingnan ko rin kung hindi ka maging bakla sa igaganti ko." ngumisi niynag sabi na hindi man lang nakaramdam ng takot sa pagbabanta ng lalake at naghanda pa sa gagawin nitong pagsugod. Walang sabi-sabi ay bigla siyang niyakap ng lalke at hinalikan mabuti na lang at nakaiwas siya kaya sa pisngi lang niya lumanding ang nguso nito. Nagsigawan tuloy ang mga estudyanteng nakapaligid sa kanila. Nabigla man ay agad niyang naitulak ang lalake ,suntok at tadyak naman ang ganti niya na nagpasadsad sa lalake sa lupa. Patayo ng sana ang lalake pero muli niya itong pinagsisisipa na halos ikahilo nito. Gigil na gigil siya sa galit, ni hindi pa nga siya nahahalikan ni Ramil tapos ito ang nakahalit sa kanya . Mabuti na lang at sa pisngi lang. "Bryan , lampa! Lampa!. " pambubuyo ng mga estudyante sa paligid nila. Kahit batid nina Chris at April na malakas sumuntok ang kaibigan ay natatakot pa rin sila para kay KAela dahil anomang oras na sumenyas si Bryan sa mgha kasama nito ay tiyak pagtutulungan ang ang dalaga. "Oras na bastusin mo pa ako ay hindi lang iyan ang aabutin mo." humihingal na sabi ni Kaela matapos suntukin ng pauli-ulit ang lalaek, duguna na ang mukha nito dahil sa lakas niyang manuntok. "Tara na." yaya ni Kaela sa dalwa. "Raul." narinig nilang tawag ni Bryan sa isa sa mga kasama . "Pre babae iyan." may kaba sa boses nito , nakita naman kasi nito paano manuntok ang babae. "Anong babae , sabihin mo duwag ka." galit nitong sabi na hanggang ngayon ay nala upo pa rin sa lupa dahil sa hilo. "Hindi." mabilis nitong tanggi. "HIndi pala e ano pa ang tinatanga mo dyan." Sa narinig ay agad nitong hinabol ang nakakilang hakbang nang si Kaela. "Kaela." tawag nito , sabay sapak paglingin ng babae. Natumba si Kaela, hindi niya inaasahan iyo. "Kaela!" sabay na sigaw ng mga kaibigan. "Ikaw rin?!" si Kaela na animo ay hindi man lang nasaktan sa suntok ng lalake. TUmayo kaagad ito at pinahid ng kanang kamay ang nagdugon labi, Nakipagsuntukan siya sa lalake , nakipagpalitan ng tadyak. NAsuntok din siya pero wala siyang planong urungan ito. "Ano gusto mo pa?" hamon pa rin ni KAela na noong ay nagdugo na din ang mukha. Medyo kinabahan siya dahil basta na lang nakatingin sa kanya ang lalake , hindi niya alam kung anop ang naglalaro sa isip nito. Akmang susuntukin niya ito ngunit nagulat sya ng bigla nitong hablutin ng ubod lakas ang suot niyang blouse na nagiong dahilan para magtalsikan ang mga butones nito , mabuti na lang maliban sa bra ay nakasando pa siya. "Ang galing mo Raul." sigaw ng mga lalakeng naroon. "Raul wala namang ganyanan." sina April at Chris. "Walanghiya ka talaga!" sigaw ng poot na poot na si KAela atr sa puntong iyon ay wala ng biruan , Sinugod niya ang lalake at buong lakas niyang pinagsusuntok wala siyang pakialam kahit kita ang panloob niya ang importante ay maturuan niya ito ng leksyon. Sa sobrang galit ni Kaela ay napalakas ang mga suntok niya na halos ikawala ng ulirat ng kjaharap. "Ramil! Ramil !" tisa sa mga nakasaksi sa pakikipag-away ni Kaela, hinanap nito ang lalake. "Makatawag ka naman ay parang may sunod." may hang over pa rin si Ramil. "Si- si Kaela." humihingal pang sabi nito. "Huwag mong babanggitin sa akin ang pangalan ng babaeng iayn ." galit pa rin ito sa kaibigan , muli nitong hinarap si Alice na noon ay katabi nito. "Si KAela, pinagtutulungan ng grupo ni Bryan. " sabi pa rin nito kahit nakita nito na walang pakialam ang lalake. "Ano?!" nabigal si Ramil sa narinig kaya napatayo ito at naitulak si Alice an sa sobrang lakas yata ay nalaglag sa kinauupuan. "Saan?": dugtong pa nito na hindi man lang pinansin ang nalaglag na kasintahan." "Sa likod ng gym." "Tara." masbilis na itong naglakad. "Ramil!" inis na tawag ni Alice ngunit hindi na ito pinansin ng lalake. "Itayo niyo nga ako" inis nityong utos sa mga kaibigan. "Padaan." sabi ni Ramil at hinawi ang mga estudyanteng nakikiusyo. NAgulat si Ramil pagkakita sa hitsura ng kaibigan, umaagos ang dugo sa labi nito, may pasa sa mukha at bukas ang blouse. Sa nakita ay parang biglang umakyat ang lahat ng dugo nito sa ulo at sinuntok ng uboid lakas si Ryan kaya tuluyan itong nawalan ng malay. "Mga tarantado kayo!" poot na sigaw ni Ramil sa mga grupo ni Bryan na napaatras sa pag-aakalang susugurin sila ng galit na lalake. Dali-daling hinubad ni Ramil ang suot na polo at pinasuot kay Kaela. "Okay ka lang?" tanong nito habang tinutulunga sa pagsusuot ng damit ang kaibigan. Tango lang ang sinagot ni KAela na noong ay pinahiran ng panyo ang mukha, inabot ito ni Ramil sa kanya. Nakahinga ng maluwang sina Chris at Ap[ril pagkakita kay Ramil at maya maya din ay dumating na ang mga guwardiya. "Anong gulo to?" tanong ng isa sa mga gwardiya. "Iyang mga iyan boos, damputin niyo binastos nila ang kaibigan ko. "Boss." tanging nasabi ng grupo ni Bryan. "Sa guidance na kayo magpaliwanag." sagot ng isa habang hila ang mga ito. "Talagang okay ka lang?" naaawang tanong niya sa kaibigan na noon ay nakat-shirt na lang dahil pinasuot nito ky Kaela ang polo. Naiiyak itong yumakap sa kaibigan , hindi dahil masakit ang mga mga pasa nito kundi namiss nito ang lalake "Ikaw kasi iniwan mo ako."naiiyak nitong sambit habang nakasubsub sa dibdib niya. "Di ba nagsorry naman ako kaso inway mo pa ako." naaawang sabi nito sa kaibigan na niyakap din nito ng mahigpit,naalala tuloy nito noong mga bata pa sila na kapag nagkakabati may laging umiiyak, minsan siya pero madalas si Kaela. Buong ngitngit namang nanoonod si Alice sa eksenang nadatnan na sumunod pala kasama ang mga kaibigan. "Mabuti naman at dumating ka Ramil at naawat mo si Kaela." nasisiyahang sabi ni Chris kay Ramil. "Naawat?" kunot-noong tanong ni Ramil na noong ay nakaakbay na sa kaibigan. "Oo dahil kung hindi baka basag na rin ang mukha ng Ryan na ioyn katulad ni Bryan." so April. "Basag? Teka sino ba ang nag-umpisa ng gulo?" naguguluhang tanong niya. "Nang-aasar kasi sila." si Kaela na hindi na hinintay ang pagsagot ng mga kaibigan. "Ikaw talaga." nangingitng sabi ni Ramil na ginulo pa ang magulong ng buhok ng dalaga. "Paano kung hindi ako dumating e di nahubaran ka na nila."pananakot na dugtong niya. "Hindi no. Kaya ko sila." "Kaya? E nabuksan nga nila ang blosue mo wala kang nagawa."naglalakad na sila noong papunta ng clinic , kailangang mabigyan nga first aid ang mga pasa nito. "Anong wala e halos halosd mabasag nga ang mukha ni Bryan sa mga suntok ko at saka si Ryna muntik ng himatayin." pagyayabang ni KAela. Napailing na lang si Ramil talaga yatnag tomboy ang kaibigan kaya wala man lang dito kung mabukadkad sa harap ng maraming tao ang dibdib nito. "Hayaan mo hindi na mauulit iyon dahil lahi na uli ako sa tabi mo."pangako niya sa kaibigan, nakalimutan niya tuloy na may kasinthan siya. "Talaga?" nasisiyahnag sabi ni Kaela . "Oo pero sa ngayon pagamot muna natin iyang mga paso mo. sabi niya ng mapatapat na sila sa pinto ng clinic. Pumasok naman si Kaela ng buksan niya ang pinto ng clinic. "Bagay sila no?" kinikilig na sabi ni April kay Chris habang nakatingin sa nagsarang pinto ng clinic, hindi na sila sumama pa sa loob dahil may klase pa ang mga ito. "Ha?!" nagulat naman si Chrisk sa sinabi ng kaibigan , hindi nito inaasahan ang komento ng katabi. "Alam ko may gusto ka rin kay Ramil tulad ko pero kung hindi rin lang nya tayo mapapansin mas gugustuhin ko pa silang dalawa na lang kaysa sila ni Alice." "Sabagay." sang-ayon naman ni Chirs. "Tutal sanay naman kasi tayo na lagi sila magkasama." "Ano kaya kung gampanan natin ngayon ang tungkulin ni Cupid, paglapitan natin sila ng higit pa sa magkaibigan."suhestiyon ni Chris. "PAano?!." si April naman ang nagulat kasi batid nito na tomboy ang dalaga. "Akong bahala. Kahit naman kasi ganyan si KAela ay babae pa rin iyan kahit anong gawin niya." sabi pa nito na nag simula nang maglakad papunta sa klassroom ng mga ito. "Babae nga siya pero parang hindi naman natin nakita kung paano siya makipagsuntukan sa mga lalake kanina." hindi kumbinsidong sabi ni April. "Akala ko ba gusto mo silang magkatuluyan?" "Gusto nga kaso paano?" "Akong bahala makipagtulungan ka na lang sa akin." "Pasok na." si Ramil matapos buksan ang pinto ng koitse sa gawi nito. "Ito gagamitin natin?" "Oo , katulad ng dati." sagot ni Ramil na noon ay nasa loob na rin gn kotse sa harap sa driver's seat. "Pero dala ko ang kotse ko." "Babalikan ko iyon mamaya." sabi nito at pinaandar na ang makina. "Diyos ko napaano si Senyoria?" natarantang tanong ni Tinay pagkakita sa hitsura ng amo. "Nakipag-away." si Ramil. "Si mama?" kinakabahang tanong ni Kaela, natatakot kasi siya na baka atakihin ito sa puso kapag nakita ng mama niya ang hitsura niya. "Umalis po." "Mabuti naman. "nakahinga niynag sabi." Huwag mong sasabihin sa kanya ha ?" nakikiusap niyang sabi. "Pero..." "Please..." Tumango naman ito> "Mabuti pa umakyat na kayo sa itaas at dadalhin ko na lang iyong mga kailangan mo." "Salamat." sabi ni Ramil at inalalyan siya sa pag-akyat. Napangiti si Ramil pagkatapat sa pinto ng dalaga ."Hindi mo pa pala tinatanggal ang mga ito." dugtong ni Ramil habang pinipihit ang seradura. Tiningnan lang niya ang lalake. "Paano hanggang dito na lang ako."pagbibiro ni Ramil. "Gisto mo?" "Hindi." "Hindi pala e di pumasok ka na tayo." Inakay siya nito para makaupo sa kama niya. "Salamat." "Walang anuman, siyanga pala magbihis ka." sabi nito at lumapis sa closet niya at kinuha siya ng damit pambahay. Nakangiti niyang sinundan ng tingin ang kaibigan talagang nagbalik na ito sa dati kanya kahit matindi pa ang away nila noong buyernes ay wala siyang pinagsisishan kasi batiu na sila. Kahit nagkapasa siya at pumutyok ang labi niya ay maayos pa rin siya dahil iyon ang naging dahilan ng pagbabati nilang magkaibigan. "O, anong ngniningiti mo diyan? " tanong ni Ramil matapos siya makitang nakangiti. "Wala." "Anong wala ? Ngingiti ka ba kung walang dahilan. "nangingit na rin itong lumapit pa sa dalaga at tumabi sa kanya at saka hinwakan ang kamay niya. "Nasisiyahan lang ako kais bati na tayo."si Kaela. "Kahit naman ako masaya, sino ba naman ang mag-aakala na bati na tayo pagkatapos ng matinding away natin." "Ikaw kasi pinagpalit mo ako kay Alice." sabi niya at hinila ang kamay niya na hawak ng binata dahil naalala na naman niya ang tampo dito. "Si Alice nga pala." sabi ni Ramil sabay tapik sa sariling noo, noong lang nito naalala ang iniwang kasintahan. Me and my big mount, inis niynag bulong sa sarili. Parang gusto tuloy niynag sampalin ang sariuli matapos mabanggit ang pangalan ni Alice. "HIndi kita pinagpalit kay Alice, ikaw pa rin ang bestfriend ko kahit may girlfriend an ako. Lagi pa rin akong nandito sa tabi mo." pang-aalo nito matapos mapansin ang lungkot sa mukha niya. Sa sinabi ng kaibigan ay ngumit na lang siya kahit na ang totoo ay gusto niynag sabihin dito na nagseselos sya kay Alice a thindi niya maiimagine ang ginagawa ng mga ito kapag ito ang kasama ng lalake. "Heto nga pala ang mga damit mo, magbihis ka na para dire-diretso na ang pamamahinga mo." sabay abot ni Ramil sa mga damit niya. "Ano?! Gusto mo na ata akong mamatay."reaksyon niya sa sinabi ng binata. "HIndi !" gulat na sabi ni Ramil. :Bakit sinabi mo na dire0diretso na." "Siymepre para hindi ka na tatayo pa mamaya." natatawang paliwanag ng kaharap. "iyon linawin mo kasi." sabi niya at hinablot ang mga damit sa kamay ng binata. "O saan ka pupunta?" tanong ni Ramil ng tumayo siya. "Magbibihis." "Saan?" "Sa banyo." "Bakit doon pa e pwede naman dito." pagbibiro nito. "Heto gusto mo?" iniumang niya ang kamao niya. "Nagbibiro lang ako." saka ito tumawa. "Tol , ioyng kotse ko no." paalala niya bago pumasok ng banyo. "Babalikan ko mamaya." sagot nito at lumapit sa mga CD collection ng dalaga. "Meron ka pala nito." sabi nito sa kanya ng makalabas sa banyo. "Kina April iyan. " sagot niya na noong ay sinasalang na ang CD. HUmiga na siya sa kama at si Ramil ay tumabi naman sa kanya matapos ma iplay ang CD> "Matulog ka na " sabi nito ng mapansing nakinuod din siya sa pinappanood nito. YUmakap si Ramil sa kanya, niyakap din niya ito. Namiss niya ang lalake at tama na muna iyong kasam niya ito ngayon. Mabilis namang nakatulog ang dalaga , marahil ay napagod sa nangyari kanina. Nang matiyak niyang tulog na ang dalaga ay tumayo na din siya at pinatay ang CD, hindi na nito tinapos pa ang pinapanood kailangan pa kasi niynag balika ang kotse ni Kalea. Palalis na sana siya pero napatingin siya sa mga labi nito at bago siya umalis ay dinampian niya ng halik ang mga labi ng tulog na dalaga. "Bye Kyle." bulong pa niya bago umalis. "Tinay, aalis na ako. Ikaw na muna bahala kay Kyle." "Sige po ingat," "pakisabi na lang kina manag Auring at Tatay Domeng na umalis na ako." sabi niya na ang tinutukoy ay ang kusinera at driver nina Kaaela. "Teka alam ba nila ang nagyari kay Kyle?" "Hindi." "Manuti naman , sige alis na ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD