Unggoy

3702 Words
"Ramil mabuti naman at bumalik ka." salubong ni April sa knaya. "Binalikan ko lang ang kotse ni KAela aalis din ako kaagad. Bakit?" tanong niya sa dalawa. "Gusto kasing makausap ng Guidance Counselor ang isa sa inyo para malaman kung magsasampa kayo ng reklamo. Hanggang ngayon nga hindi pa rin pinapalabas ang grupo ni Bryan." si Chris ang sumagot. "Ganoon ba.Tara samahan niyo ako." "Sige." kinikilig na sabi ng dalawa at nagkalabitan pa. "Siyanga pala nakita niyo si Alice?" tanong niya sa dalawa ng maalala ang kasintahan, naglalakad na sila noon patungo sa Guidance Office. "Naku hindi." hindi maitago pagkairita sa boses ng dalawa. "Tiyak na galit na kasi iyon dahil bigla ko na lang iniwan kanina." "Nakakaintindi naman siguro ioyn." sabi ni Chris kahit alam nito for sure nag-aapoy na ito sa galit. "Sana nga." sabi ni Ramil saka yumuko kaya hindi na niya napansin ang pagsimabgot ng dalawa. "Come in." narinig nila mula sa loob matapos kumatok si Ramil. "Pasok na kayo." pinauna sila ni Ramil matapos nitong buksan ang pinto. Pagkapasok nila sa loob ay nakita nila sa sulok ang grupo ni Bryan kapwa nakayuko. "Good afternoon Ma'am." sabay-sabay nilang bati sa medyo may edad na Guidance Counselor. "Good afternoon." balik bati nito sa kanila. "Mabuti naman at bumalik ka." dugtong pa nito. "Binalikan ko po kasi ang kotse ni Kaela." magalang niyang sagot matapos umupo sa bakanteng upuan habang ang dalawang kasama niya ay inokupa ang dalawang upuan sa tapt niya. "Kumusta na pala siya?" bumakas sa mukha ng guro ang pag-aalala. "Medyo okay na po, nagkaroon lang ng knoting pasa sa mukha." "Tingnan niyo ang ginawa niyo, kababaeng tao pinatulan niyo. " galit nitong hinarap ang grupo ni Bryana na noong ay nakayuko pa rin. "Pasalamat nga po si Kaela at pasa lang ang inabot niya samantalang kami ay halos mabasag ang mukha." pagtatanggol ni Bryan sa grupo. "Ah ganoon , baka gusto niyong dagdagan ko pa iyang mga pasa niyo." galit na sabi ni Bryan sa sagod ni Bryan. "Calm donw iho. Ako na ang bahala sa kanila." awat ng guro sa binata. "I'm sorry ma'am. " nahihiyang sabi niya. Sa tuwing naiisip kasi niya ang dinatnan na sitwasyon kanina ay parang gusto niyang basagin ang mga mukha ng grupo ni Bryan. "Ano kaya ang magiging reaksyon niyo kung idemanda kayo ni Kaela ng attempted rape lalo at nakita ng lahat nag ginawa niyo sa kanya.. "patuloy ng guro. "E, ma'am si Raul po ang may gawa noon."paninisi ni Bryan sa isnag kaibigan. "Paanong hindi ko gagawin iyon eh hindi ako makaganti." pagtatanggol nito sa sarili. "Kahit naman ikaw, hinalikan mo siya di ba?"dugtong pa nito. "Mga walanghiya pala kayo!" biglang akyat ng dugo ni Ramil sa ulo niya at akmang susugurin ang mga ito ngunit napigilan siya nina Chris at April. "Tama na." awat ng dalawa habang pigil ang lalake. Ange Guro naman ay hindi nagpahayg ng pagtutol sa ginawa ng binata, hinayaan nitong mailbas ng binata ang galit nito. Matapos mapakalma ang sarili ay muling umupo is Ramil." I'm sorry Ma'am masyado lang po kasi akong nabigla matapos kong malaman kung ano ang ginawa nila sa kaibigan ko." muli ay humingi siya ng paumanhin. "It's okay , naiintidihan ko." maunawaing sabi nito."Kaya nga pala kita pinapunta dito ay upang malaman kung ano ang balak ni Kaela at ng mga magulang nito sa nangyari." dugton pa nito. "Actually hindo pa po nila alam pero tiyak na magdedemanda sila once na malaman kung ano ang ginawa ng mga ito sa anak nila. Sa narining ay tumango-tango ang guro. "P're baka pwede mo namang kausapin ang mo na huwag ng magdemanda tutal ay nabugbog naman niya kami." nagmamakaawang pakiusap ng isa. "Huwag akp ang pakiusap niyo dahil kung ako pa mismo ang kukumbinsi sa kanay na idemanda kayo." bumakas sa mukha niya ang galit matapos maalala ang ginawa ng mga ito sa kaibigan niya. "Ano Kyle, kailan mo gusto magfile ng demanda?" tanong ni Ramil matapos makabalik galing sa pagkuha ng kotse niya. "Why should I?" kibit-balikat niyang tanong na noong ay abala sa kinakaing salad. "What a question?" kunot-noong balik tnaong ni Ramil."Hindi mo sila idedemanda samantalang muntik ka na nilang marape."dugtong pa nito "Kung gagawin ko iyon ibig sabihint lao ako." "Sino naman ang maysabing hindi ka talo?" "At sa tingin mo talo ako?" naiini na siya. "At ano pa sa tingin mo e halos mahubaran ka nga doon." naiinis na din si Ramil. "Hoy! Kahit mahubaran ako hindi pa rin ako patatalo , kilala mo yata ako." "Sa tingin mo kung narape ka nila hindi ka talo?" "Sino naman ang may sabi sa"yo na magpparape ako?"itinigil niya ang pagkain ng salad at tiningnan ang mukha ng kaibigan. "Sa'yo pwede pa." sa isip lang niya sinabi iyon. "Kamuntik ka na ngang marape tapos itatanong mo pa sa akin iyan?" si Ramil at pinisil ang ilong ng daldag, naiinis man ang lalake dito ay hindi pa rin nito matatangging cute ang kaharap. "Ano ka ba?" kunwari ay angaal niya ay hinampas ang kamay ng lalake. "Hindi nila akong pwede irape dahil magkabaro kami." dugtong na lng niya. Muli napasimangot na namn si Ramil sa sinabi ng kaibigan kung pwede lang sanang sabihin nito na change the topic ay sinabi na nito kaso ayaw nitong maoffend ang kaibigan lalo at kakabati lang nila. "Bahala ka na nga kung ano ang desisyon mo doon ako."sabi na lang nitop para mabago ang topic na hindi nahahalata ng kausap. "Sabay tayong pumasok bukas?" si KAela ang nagtanong. "Sige matagal na rin tayong hindi nagkasabay sa pagpasok." napangiting sabi ni Ramil. "Hindi na ako magdadala ng kotse." "Natural, alangan namang sabay nga tayo pero magkaiba tayo ng sasakyan. "Sige basta hindi mo ako iiwan." "Promise." sabi pa ni Ramil na itinaas ang kaliwang kamay. "Sinungaling ka. hindi totoo ang promised mong iyan." sabi ni Kaela mapansin na kaliwang kamay ang itinaas nito. "Paano mo naman nasabing nagsisinungaling ako?" nangingiting sabi ni Ramil. "Naku Ramil, kilala kita, kapag kaliwa ang itinataas mo hindi totoo iyan kaya dapat kanan." sabi niya at hinampoas ang kaliwang kamay ng lalake. "Binibiro lang kita." sabi nito at itinaas na ang kanang kamay. "Promise hindi na kita iiwan." dugtong nito at tumayo para makalapit sa kaibigan, nakaupo kasi ito sa kaharap na sofa at ng makalapi ay niyakap nito ang dalaga. "Sure ka?" tanong ni Kaela na yumakap din sa lalake. "Oo." Kinabukasan ay sinundo nga siya ng kaibigan. "O saan tayo pupunta?" tanong niua mnang mapansing iba ang daang nilikuan ni Ramil, hindi iyon ang daan papunta sa school nila. "SUsunduin lang natin g si Alice nasanay iyon na lagi kong sinusundo." walang bahalang sagot ni Ramil na ang pansiun ay nakatuon sa kalsada kaya hindi nito napansin ang pagsimangit ng kaibigan. "Sure ka?" "Oo, boyfriend niya ako kaya sinusundo ko siya. May kakaiba ba doon?" "Wala, akala ko kasi tayo lang dalwa ang magkasabay ngayon." malungkot niyang sabi kahit na ang totoo ay para siynag sinampal sa huling sinabi ng lalake. "Alam mo naman hindi na pwede iyon lalo pa ngayong may girlfriend na ako." paliwanag ni Ramil saka lumiko sa isang kanto. Hindi na siya kumibp pa dahil kung magsasalita siya ay tiyak na ang lalabs sa bibig niya ay iba , baka masabi niya na baka pwede silang bumalik sa dati. Iyong wala si Alice sa gitna nila pero for sure mahihiya din siya pagkatapos noon kaya pinili niyang hindi na sumagot. Nahiling na lang tuloy niya na sana hindi na sila lumaki para wala ng Alice na nanggugulo sa kanila. "O, bakit may kasama ka yatang unggoy?" taas kilay na tanong ni Alice matapos siyang mapansin sa loob ng sasakyan. Narinig niya ang sinabing iyon ni Alice kaya halos manginig siya sa pagpipigil ng galit niya , nahihiya kasi siya kay Ramil at ayaw niyang isipin nito na mahilig talaga siya sa away. "Sino kaya ang mukhang uonggoy sa ating dalawa?" inis niyang bulong sa sarili. "Sinong unggoy?" tanong ni Ramil na hindi kaagas nakasakay sa sinabi ng kasintahan. "Alam mo kung sino ang tinutukoy ko." sagot nitong hindi pa rin maipinta ang mukha. Nagkamot na lang ng ulo si Ramil dahil hindi talaga nito alam kung sino ang unggoy na tinutukoy ng kasintahan, samantalang si Kaela naman ay parang gusto nang batukan ang lalake sa sobrang pagkaslow nito. Natural siya ang kasama ni Ramil kaya siya ang tinitukoy ng babae. "Tara sakay na." aya ni Ramil sabay bukas sa pinto ng likuran ng kotse. "HUwag mong sabihing dito ako?" lalong nasira ang mukha ni Alice. "Alangan namang sa gulong ka?" hindi nakatiis na singit ni Kaela. "Hindi ikaw ang kausap ko!." pagtataray ng babae. "At sinabi kong bang ikaw ang kausap ko?" balik pagtataray niya. Si Ramil naman ay nagkamot na lang ng ulo, hindi kasi niya alam kung paano pigilan ang ganoong takbo ng usapan ng dalawa. "Kung dito rin lang ako sa likuranhuwag nyo na lang akong isabay." "E di mas maganda."sabat uli ni Kaela. "Kyle." saway ni Ramil. Tumahimik na lang siya. "Kung hindi ka sasaby baka malate ka dahil traffic na sa mga oras na ito." si Ramil sa kasintahan. "Okay, sasabay ako kung palilipatin mo ang isang iyan sa likuran." sabi ni ALice at inis na tiningan si KAela. "At sino naman ang maysabing lilipat ako? Nauna yata ako sa'yp kaya first come first serve. " pang-aasar niya. "Kung hindi siya lilipat hindi anako sasabay." inis na sabi ni Alice at umaktong papar ang taxi. "Huwag kang magmayabang dahil wala kang wheels at kung hindi ka sasabay sino ba ang malelate?" pang-iinis pa rin ni KAela. "Wala nga akong wheels pero may pambayad ako ng taxi." ganting sagot pa ni Alice bago tuluyang pumasok sa pinarang taxi. Si Ramil naman ay walang nagawa kundi pumasok na lang sa kotse dahil sumakay na si Alice ng taxi. "Bakit mo naman ginano si Alice." may tampo ang boses na tanong ni Ramil habang nagmamaneho. Hindi na siya nagtaka sa sinabi ng kaibigan alam naman kais niya na ipagtatanggol ito ng lalake. "Bagay lang sa kanya iyon sukat ba namang sabihin niyang may kasama kang unggoy." inis niyang sagot. "A, ikaw ba iyng unggoy na sinasabi niya." noong lang naget sng kaibigan niya ang sinabi ni Alice. "At sino pa ba sa tingin mo e ako lang naman ang kasama mo." napipikon na siya sa kaibigan. "Mukha ka palang unggoy ngayon ko lang nalaman."pagbibiro nito. "Hoy! Hindo ako mukhang unggoy baka ang girlfirend mo mukhang gorilla nakita mo naman siguro kung paano nanlaki ang mga butas ng ilong niya kanina baka mas malaki pa nga sa butas ng ilong ng gorilla." nanghalukipkip niynag sabi. "E di magkamaanka pala kayo." "Wala akong kamag-anak na gorilla." "So, inaamin mo na unggoy ka." hindi pa rin siya tinigilan ng lalake. "Hindi!." madiin niyang sabi at pinaghahampas ang kamay ng kaibigan. "Oy, baka mabangga tapos at imbes na sa shcool punta natin sa morgue pa tayo mapunta." babala ni Ramil. "Okay lang basta magkasama tayo." pagbibiro pa niya pero huminto din siya sa ginagawa. Nappangiti na lang si Ramil, sana kung ganito sila lagi, sana kung babae na lang talaga si Kaela hindi na sana niya ninais na maging bahagi ng buhay niya si Alice. Nagtaka tuloy ang binata kung bakit hinti ito nag-aalala samantalang batid nitong galit na galit ang kasintahan. "Okay na kayo?" salubong nina April at Chris sa kanila. Tango lang ang sagot niya sa dalawa. "Sana tuoy-tuloy na iyan," sabay pamng sabi ng dalawa. "Sana." "O. paano una na ako sa inyo." paalam ni Ramil sabay tapik sa braso ni Kaela. "Sige." si Kaela iyon. "Si Alice?" tanong agad ni Ramil pagkakita sa grupo nito at napansing wala ang kasintahna. "Kasama ni Weng nasa library." sagot ni Charles. "Sige puntahan ko na lang doon." sagi niya sabay talikod. "Sandali." pigil ni Charles sa kanya. "Bakit?" huminto siya at muling hinarap ang grupo. "Galit sa'yo iong, dahil yata kanina at sa nangyari kahapon kaya ihanda mo na ang paliwanag mo." babala ni Charles sa kanya. Nagkibit-balikat na lang siya at tuluyan nang iniwan ang grupo. Pagpasok niya sa library ay napansin niya kaagad ang kasintahan , sa paborito nitong pwesto sa may dulong bahagi ng library. Hi." pasimbpleng bati niya at tumabi sa dalaga. Hindi nagsalita si Alice sa halip at pagalit lang niyang sinulyapan ito. "Kanina ka pa?" Wala pa ring sagot, si Weng naman ay patuloy sa pagbabasa. "Meryenda tayo," yaya pa niya. Tiningnan uli siya ng masama ng kasintahan. "Mag-snack kang mag-isa mo."matigas nitong sabi. "Sorry." "Ganyan lang ba kadaling mag-sorry. "Anong gusto mong gawin ko para mapatawd mo." pinaamo na niya ang mukha niya para madaling mapaamo ang kaharap. Nag-isip muna ang kaharap bago nagsalita. "Kung gusto mong magkabati tayo " huminto ito sa pagsasalita halatnag binibitin siya. "Ano?" "Si Kaela ang gusto kong magsorry sa akin." "Ha?" nagulat na sabi ni Ramil kasi hindi niya inakala na iyon ang hihingin ng kasintahan. "Ayaw mo?" "Pwede iba na lang?" "Wala na akong ibang gusto maliban doon at kung gusto mong maging okay tayo ay gagawin mo ang sinabi ko." sabi nito at biglang tumayo para iwan ang lalake. Sumunod siya sa umalis na kasintahan. "Bakit kailangan pa nating idamay sdi Kylr dito?" tanong niya ng makaagapay sa kasintahan. "Dahil binastos niya ako kanina kaya siya dapat ang magsorry." "Be reasonalble."pakiusap niya dahil tiyak na magagalit ang kaibigan kapag sinabi niya ang gustong mangyari ng kasintahan. "Kung hindi si Kaela ang hihingi ng sorry hindi an tayo magkakabati , much better pa siguro kung magbreak na tayo." sabi nito at binilisan ang paglakad upang iwanan ang lalake. HIndi naman nagtangka pang sumunod pa si Ramil, naabala na ito ng isiping paano mapapayag si Kaela. Hindi naman sa takot syang mawala si Alice pero kailangan niya ito para hindi lumalim ang nararamdaman niya kay Kaela. "What?!" dumadagundong ang boses ni Kaela sa buong silid pagkarinig sa pakiusap ng kaibigan. Hindi naman nabigla pa si Ramil sa reaksyon nito dahil expect na niya ang reaksyong iyon. "Ano ba iyong girlfriend mo?Narape ng kapwa gorilla at ako ang pinaglilihian?" dugtong pa nito nma bakas sa mukha ang pagkainis. "Please , dahil kung hindi mo gagagwin iyon hindi na kami magkakabait." pakiusap niya sa kaibigan. "Mas mabuti/" bulong lang iyon ni Kaela "Ano?" tanong niya na nakaulinig sa bulong nito hindi lang niya naintidihan ang sinabi nito. "Wala. Ang sabi ko pag-iisipan ko." inis nitong sabi at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. "Payag ka na?" masaya niyang sabi at tumayo din para makasunod sa kaibigan. "Ang sabi ko pag-iisipan pa lang." naggigil na sabi ng dalaga, hindi ito sa kaibigan nanggigigil kundi kay Alice. Kung kaharap lang siguro nito ang babae ay baka natiris na nito ang babae kahit nandoon pa si Ramil. Kademanding bulong nito sa sarili. "oo na rin ang ibig sabihin noon." nakangit na siya at inakbayan ang kaibigan. "Bahala ka kung ano ang gusto mong pakahulugan." inis nitong sabi at tinabig ang kamay niya na nakaakbay dito. "mabuti pa umuwi ka na para makapagsimula na akong mag-isip." pagtataboy nito sa lalake, nararamdaman kasi nito na parang naiiyak ito kaya bago pa man tumulo ang luha nito ay kailangan wala na ang lalake. Gannon ba talaga nito kamahal ng kaibigan ang Ms. Confident ng universtiy nila na pati siya ay hihingin nitong magmakaawa sa gorillang iyon. "Sige, kahit ayaw ko pang umalis ay aalis na lang ako para makapag-isip ka na pangsang-ayon ni Ramil. INakala ni Kalea na nakaalis na ang lalake kaya lumapit siya sa pinto upoang i-lock sana ito kasi naiiyak na siya kaya hindi tuloy siya nakaiwas nang biglang bumukas ang pinto. "Kae-" hindi na naituloy ni Ramil ang sasabihin na bumalik pala dahil kasabay ng pagsasalita nito ay ang pagsigaw ni Kaela nf "Arayyy!". "Sorry!"natarantang sbai ni Ramil at hinimas-himas ang noo ng kaibigan. "Bakit ka kais bumalik nauntog tuloy ako." umiiyak niyang sbai kahit na ang totoo ay hindi iyon ang dahilan ng pag-iyak niya pero totoo sdiyang nasaktan sa sobrang lakas ng impact ng pinto sa noo niya. "Huwag ka nag umiyak hindo ko naman sinasadya." naaawang sabi ni Ramil. "Ang sakit kaya."dahilan niya kahit na may bahid naman ng katotohanan. "Sorry na nga." sabi nito at niyakap ang kababata. "Nahihilo ako."arte niya at nilakasan pa ang pag-iyak, Talagang umiiyak na siya at least nakaiyak uli siya sa balikat ng kaibigan at kapit pa umiyak siya ng matagal at malaks ay hindi na ito magtataka pa dahil iisipin nito na ang pagkauntog niya ang dahilan ng pag-iyak niya. "Ikaw talaga para ka pa ring bata." sabi nito at dinampian ng halik ang noo niya. "Akala ko ba lalake ka?" dugtong biro pa nito. Bigla napahinto siya sa pag-iyak hanggang nagyon hindi pa nababago ang tingin nito sa kanya. "Uwi ka na nga." inis niyang tulak dito. "Akala ko ba masakit pa ang ulo mo?" "Kanina pero hindi na ngayon." sabi niya at hinintay na lumabas na ang kaibigan. "May ego ka rin pala."pagbibiro ni Ramil na hindi napansin ang pag-iiba ng timpla ng kaibigan. "Uwi na." "Oo." "Huwag ka nang bumalik baka sobra pa sa bukol ang makuha ko." sabi niya na sumabay na sa lalake para masiguro niynag hindi na ito babalik pa baka kasi mauntog na naman siya masakit yata iyong kanina . Mabuti na lang ang masakit din ang puso niya kaya hinfi niya gaanong ininda ang sakit ng pagkakauntog. "What?!" same ang reaksyon ng mga kaibigan niya ng marinig ang kwento niya tungkol sa pakiusap ni Ramil. "Payag ka?" dugtong pa ng dalawa. "Pag-iisipan ko muna. Ano ako tanga at magpapauto sa Alice na iyon." sabi niya kahit na ang totoo kagabi palang ay buo na ang desisyon niya. "Mabuti naman at alam mong inuuto ka lang ng Alice na iyon."komento ni Chris. "Talagang alam ko, ano ako isa sa mga naakit niya? Kung iyon man ang iniisip niya ay nagkakamali siya at kung sakali mang pumayag ako ay para sa kaibigan ko at huwag kong mabalitaan na iniisip niya na may gusto ako sa kanya dahil baka mabasag ko ang mukha niya." mahabang sabi niya na ang kilos ay katulad pa rin ng dati. Ayaw kasi niyang matuklasan ng dalawa na babae talaga siya at ayaw niyang malaman din ng mga ito na isa rin siya sa mga tangang character ng mga novel na nabasa ng mga ito. "Huwag mong sabihing papayag ka?!"nanlalaki ang mga matang sabay na tanong ng dalawa. "Kayo naman agad na nagselos."pagbibiro niya kahit na ang totoo ay alam niyang kapakanan lang niya ang inisip ng dalawa. "Hindi kami nagseselos no." pagtutuwid ni Chris."kaso magpapakababa ka sa Alice na iyon." dugtong pa nito. "kung papayag man ako sa tingin niyo ba hindi ako hihingi ng kapalit?" "Huwag mong sabihing?" nabiglang sabi ni April at itinakip pa sa bibig ang isang kamay. "Hoy, alam kong marumi ang iniisip mo pero nagkakamali ka." sawata niya sa kung anomang tumatakbo sa isip ng kaibigan. Nag-ump[isa na din siyang damputin ang mga gamit na nakakalat sa mesa dahil malapit na ang klase niya. "Kung hindi iyon ano ang hihingin mong kapalit?" si Chris. "Saka ko na sasabihin sa inyo."tumayo na siya para iwan ang dalawa. "Nambibitin naman ito."rekalmo ng dalawa ngunit hindi naman nagtangkang sumunod sa kanya. "Malalaman niyo rin." sabi niya sabay taas ng isang kamay tanda ng pagpapalam sa dalawa. "Ang tagal naman ng Alice na iyan, nagpapa VIP pa yata. "asar niyang sabi kay Ramil paano ba naman kanina pa yata sila doon mahigit isang oras na yata kung wala lang talaga siyang plano ay hindi siya magtitiyagang maghintay sa gorillang iyon. "Baka parating na iyon, sandali na lang. " hindi mapakaling sabi ni Ramil lalo at nangangamba ito na baka biglang magbago ang isip ng kaibigan. "Ang arte naman kasi, wala namang sasakyan tapos ayaw pang pasundo. Ano pagdating dadahilan niya na traffic. Sorry traffic kasi. "naasar niyang sabi at ginaya pa ang pagsasalita ni Alice. "O hayan na pala siya eh." nagliwanag ang mukha nito.Kaagad itong tumayo upang salubungin ang kasintahan. HIndi naman nalingid sa kanya ang pagliwanag ng mukha nito. Pagkakita palang niya sa hitsure ni Alice ay parang gusto nang sumabog ng inis niya sa babae pero kailangan niyang pigilan dahil kung hind baka hindi matuloy ang plano niya na inisin ito. "Hi." plastic niyang bati sa bagong dating. Si Alcie na parang walang narinig na umupo lang. "Aba-aba baka may masuntok ako nito ng wala sa oras." buong panggigil na sabi niya sa isip. Tiningnan siya ni Ramil upang malaman ang reaksyon niya , tiningnan din naman niya ito at parang nabasa niya sa mga mata nito ang pakiusap na pagpasensiyahan na lang niya ang babae, "Ano pa ba?" sagot niya at nagkibit-balikat. "Sabi ni Ramil magsosorry ka sa akin." sabi nito pagkatapos nitong umorder ng makakain. Nashock siya sa sinabi nito parang sure na talaga ito na magsosrry siya pero hindi na lang niya pinahalata sa kaharap. "Oo." matigas ang boses niya. "May nagsosrry ba na ganyan magsalit?" maarteng sabi ng kaharap. GUsto sana niyan sumagot na meron kaso sinarili na lang niya. "Pasensiya na." pagpapakumbaba niya. "So magsorry ka na para hindi masayang ang oras. " walang kangiti-ngiting sabi nito. Napatingin siya sa babae, parang iyong isa sa mga kontrabidang nap[apanood niya sa mga drama sa hapon. Naasar na tuloy siya kaya ibinaba niya ang hawak na kutsara para maibaba niya ang mga kamay at para maitago ang pagkumong ng kanyang mga kamao. "Ano pang hinihintay mo?"ulit nito. Tinadyakan niya tuloy ang para ni Ramil. Tiningnan lang siya ng kababata, "Sorry." nanggigingil siya. "Iyan lang." sabi nito habang pinagmamasdan ang inorder na pagakin. Talagang sumsobra na ang gorillang ito, inis niyang bulong. GUsto niya isubsub san ito sa inorder na lasagna. HUminga siya ng malalim, pagbigyan , araw mo ngayon bulong pa niya. "Nagsosorry ako dahil sa noong isang araw , pasensiya ka na dapat lumipat ako kasi nga ikaw ang girlfriend. Sorry talaga. "pinagpraktisan niya ang linyang iyon. Nakita niya ang ekspresyon ng kaharap, napapaniwala niya si Alice na tooto sa loob niya ang paghingi ng sorry. "Totoo ba iyan sa loob mo?" lumambot ang boses nito. "Oo." sabi niya na sinamahan pa niya ng ngiti kahit na ang totoo ang ngiting iyon ay katumbas ng pagkainis niya sa kaharap. Si Ramil nga ay parang gusto na niyang batukan dahil ni wala man itong sinabi samantalang nangako ito kanina na tutulungan siya sa paghingi ng sorry. KUng hindi lang niya mahal ang kaibigan, literal na meaning ng pagmamahal ay baka never niyang gagawin ang magsorry sa gorillyan ito. Sukat ba namang sabihing unggoy siya. "Kung ganoon ay bati na tayo." nakangiting sabi ni ALice at inabot pa ang kamay kay KAela para mapaniwala din itong na totoo sa loob nito ang pakikibagbvait kahit na ang totoo ay may balak din ito katulad ni Kaela. "Friends?" sabi ni Kaela at inabot ang kamay ng babae. "Ayan bati na kayo so pwede na tayong laging magkasama niyan. masayang sabi Ramil na walang kaalam-alam sa balak ng dalwang babae sa isa't - isa. Kapwa napangit sina Kaela at Alice hindi dahil bati na sila kundi dahil pareho silang sang-ayon sa sinabi ng binata. "O paano pwede ka na namin sigurong ihatid ngayon?" sabi ni KAlea. "Oo mahirap yatang maipit sa trapik." So, inamin mo din na nahirapan ka, bulong niya sa sarili at sa isip ay pinagtaasan niya ito ng kilay kahit na sa harap nito ay nakangiti siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD