Chapter 1

2016 Words
Synx Pov "Get out on my way b*tch or else I'm gonna kick you out" sigaw ko sa babaeng mukhang nilampaso. Umalis din siya agad, dapat lang. Nandito na ako sa University namin. Boring, mag-aaral na naman. Psh. Papasok na ako sa room namin. Nakakainis yung babae kanina, nagpapapansin kasi sa mga boys dito sa room. Ang papanget naman ng mga ito, tsk. Nakatapak na ako sa room namin. Biglang tumahimik. Siyempre nandito na ako eh. Tinginan sila sa akin. May mga nag gigitara, naglalaro ng games sa cellphone, nagbabatuhan ng papel, nagmemake-up, nagbabasa, may mga natutulog din. Yung iba huminto sa kanilang ginagawa. "Oh hi queen Synx!!" sigaw ng ilang kaklase ko. Ako ang Queen bee dito. "Sh*t pare, ang ganda ganda talaga niya at ang sexy, walang wala sa jowa ko psh. " Sabi ng mukhang asong ulol. Tinaasan ko siya ng kilay. Kadiri siya may jowa na't lahat ang landi pa rin. "Queen sabay tayo maya sa canteen!" sigaw nong Isa pang lalaki. Inirapan ko siya. Walang makakapag-utos sa akin. Dumiretso na ako sa upuan ko malapit sa bintana sa medyo likod. "Witwiw" sipol ng ilang lalaki. Nagpoker face lang ako. Kung lagi kong papansinin yang mga ginagawa nila, magsasayang lang ako ng panahon. Mga walang kwenta. Tumingin lang ako sa bintana at nagsuot ng headset. Lagi ko tong ginagawa. Hindi ako mahilig makihalubilo. Tamad ako sa ganun. Di ko nga alam kung bakit ako naging queen bee dito. Kung sa akala niyo gusto ko to, pwes hindi. Masakit sa ulo. Lalo na sa katulad kong gusto ng peace. Yes, you read it. I want peace kahit bully ako. Maya't maya kasi may lumalapit sa akin para makipag kaibigan, magpa picture, yayain kumain, etc whatever. And lahat sila dinedma ko. Siyempre di mawawala yung mga inggetera. Madami ding nanliligaw sa akin at lahat sila binasted ko. Kung nagtatanong kayo kung may kaibigan ako. Meron dalawa. Isang babae at Isang babaeng may itlog. Di ko alam kung paano siya idedescribe, pft. Di ko rin alam kung pano ko sila naging kaibigan. By the way, ang tagal nila ah. "Hi baclaaa!!" speaking of. Hayan na, ang babaeng may itlog. Tiningnan ko lang siya ng bored. "Ay taray yarn." Sabi niya pero nakangiti pa rin. Abnormal talaga. Umupo na siya sa tabi ko. "Nasan si Sia?" tanong ko sa kanya. Nilagay niya muna yung bag niya sa likod bago humarap sa akin. "Ay wow, yan talaga bungad mo sa pretty face na to?" Sabi niyang mukhang nagtatampo. Sh*t kadiri. Inirapan ko siya at di na tumingin sa kanya. Ashh, kadiri talaga. Nasusuka ako na kinikilabutan. "Oyy, aba't tamo to, nakakatampo ka talaga saka anong mukha yan, oyy. Nandidiri ka ba sa akin? Aba sa ganda kong to. Mas maganda pa nga ako sa iyo eh." Ang daldal. Sasapakin ko na ito. "Whatever" Sabi ko habang nakapikit at sumandal ng komportable. "Oyy baclaaa naman, di mo na nga ako kinamusta tas ganyan ka pa" naiiyak niyang sabi. "Ingay, tumahimik ka nga." Kahit naka-head set ako, rinig ko pa rin ang boses niya. Kagigil. Nasabi ko na bang ayaw ko sa maingay? Kasi nga gusto ko ng peace psh. "Sungit sungit naman nito, huwag ka sana magka jowa" habol niya pa. Pake ko sa jowa? "Wala akong pake" Sabi ko. "Tsee, bat kase gan-", "Isa, masasapak na kita" putol ko sa sasabihin niya. Tumahimik din siya. Binuksan ko ang aking mata at sinilip siya sa peripheral vision ko. Nakasimangot ang potek. Titingin na sana siya sa akin pero pumikit din agad ako. "Hi beshiess!" sigaw nong babaeng tinatanong ko dito kanina sa katabi ko. Dinilat ko na ang aking mata. "Oh bat ganyan itsura nito?" tanong niya sa akin sabay turo sa katabi ko. Di ko sinagot. Lalong sumimangot ang timawo pfft, tas yumuko. OA din nito. "Ay alam ko na, ano pa bang aasahan ko sa inyong dalawa." Sabi niya na naiiling at tumabi na siya sa katabing upuan nitong babaeng may itlog. Magkakatabi kami sa likod. Malapit ako sa bintana. May kanya kanya kaming table at lagayan Ng gamit sa ilalim. May konting pagitan sa bawat Isa. "Oy ano kayang gagawin natin ngayon. Almost two weeks na simula nong nag start ang klase. Pihong madami Ng papagawang activities ang mga prof" Sabi ni Sia. Sia Lyn Aryen ang tunay na name niya. 18 yrs old. Yung babaeng may itlog naman. Raze Devia. 19 yrs old. At ako, secret, sino ba kayo. Joke. Sylvia Linx Nejos. 18 yrs old. Bahala na kayo kung paano niyo babasahin pangalan namin. Ang daldal ko ngayon. Nahawa ako nitong babaeng may itlog na to eh. Actually lalaki siya, kaya babaeng may itlog ang tawag ko sa kanya. Ayaw ko ng bakla. Basta di ko din alam. Gusto niya itawag daw namin sa kanya ay Rose. Yuck. Oo nga pala, two weeks na simula nong nagstart ang pasukan. At sa two weeks na yun, medyo madami na agad ang pinagawa ng mga prof. Umay. "Okay, good morning class" ayan na nga ang panot naming guro. **** "Oy Synx hintay!!" sigaw ni Sia. Palabas na ako ng room. Andaming gustong makatabi ako sa paglabas. Ashh. Kaya binagalan ko ang paglabas. Nakahabol na si Sia at Raze sa akin. "Bat ba kasi nagmamadali ka?" Sabi ni Raze, natatamad na akong tawagin siyang babaeng may itlog. Masyadong mahaba. "Gutom" tipid kong sabi. Matipid talaga ako magsalita pero medyo madaldal sa isip. Ganon naman talaga, pag tahimik ka madami ka iniisip. "Ay oo nga pala, bakit ang lakas mo kumain pero di ka naman nataba. Sana all!" Sabi ni Sia. Medyo chubby siya. Lakas kasi kumain. "Konti lang ako kumain" Sabi ko. Nakalabas na kami ng room. Papunta na kaming canteen. "Ay wao, nahiya ako. Oo na lang, oo na lang Synx" natatawa na di mawaring sabi ni Raze. Synx, pinaikling Sylvia at Linx. Medyo binilisan ko na ang paglalakad. Bahala na sila. Ang daming ngawa eh. Gutom na gutom na ako. Pagpasok ko ng Canteen, andaming tao. Tumingin tingin ako kung may pwesto pang uupuan. May Nakita akong naglalampungan sa medyo malapit sa bintana. "Queen dito ka na lang umupo" sigaw nong nasa kaliwang bahagi. "Oo ngaa!" sang ayon pa ng tropa niya yata. Mga lalaki. Gwapo sila pero di ako interesado. "Oy ang bilis mo namang maglakad, gutom na gutom yan?" Sabi ni Sia. Nasa tabi ko na sila. Di ko sinagot yung tanong niya. Sanay na sila sa akin. Dumiretso na ako doon sa mga naglalampungan. Andaming nakatingin sa akin. Ano ba yan. Lahat na lang ba ng kilos ko. Maski pangungulangot ko? Joke. Kadiri. Ano bang pinag iisip ko. Nakalapit na ako doon sa naglalampungan. Dalwa lang naman sila at okupado pa nila ang pang apatang table. "Hmm" tumikhim ako para maagaw ang atensiyon nila. "Hala ano na naman kaya gagawin ni Queen." bulong ng ilan. Bulong pero rinig ko. "Baka may bubulihin na naman siya. Ang bully niya talaga. Ang sungit din." Sabi pa nila. Pake ko sa opinion nila sa akin? "Why?" tanong nong babaeng clown. Nakataas pa ang kilay. Dikit na dikit pa siya don sa boy. Panget naman nito. Nakangisi sa akin yung lalaki. Yuck parang asong ulol. Oo mapanglait ako pero may katotohanan naman iyon. "Hoyy anong gagawin mo?? wag mo sabihing paaalisin mo yang dalwang yan?" tanong ni Raze. "Can you please get out in this table?" emphasizing the 'please'. "Ohh shemz sabi na eh." Sabi ulit ni Raze. Nasa kabilang gilid ko sila ni Sia. Alam naman na pala ang gagawin ko nagtanong pa. "What?" kunot noong tanong nong babaeng clown. Puro make up kaya clown. "Are you deaf? Oh baka naman hindi mo naintindihan yung English? why at what lang yung alam mo?" taas kilay kong tanong. Nagtawanan ang ilang nakarinig sa sinabi ko. Nagtaka naman ang medyo malayo na sa parteng ito. Mukhang makakaagaw na naman ako ng eksena. Sasabihin na naman ng mga inggetera papansin ako. "Uhh, ano bang problema mo?" tanong ulit nong clown. Medyo inis na. Bilis mapikon, pftt. Wala pa nga ako ginagawa eh. "Kayo, canteen ito at hindi motel. Kulang na lang mag s*x kayo mismo dito. Kulang na ang uupuan, nakuha niyo pang mag by four na mesa. Mga b*bo ba kayo? o t*nga?" Sabi kong nakataas uli ang kilay. "Owww, boomm" sigaw ng ilan. "Astig talaga ni Linx" Linx ang tawag sakin ng ilan. Walang tumatawag sa akin ng Sylvia. Dahil pinagbawal ko. "Oy haba non ah, Hahaha" iyon talaga napansin ni Sia. "Oo nga, Hahaha. Pag may nakakasagutan lang naman humahaba sinasabi niyan hahaha." tawa naman ni Raze. Sinamaan ko sila ng tingin. Di ako nakikipag biruan dahil gutom na ako, kanina pa. "Patay bawal nga palang binibiro ang Reyna pag gutom." Sabi ni Raze. Kahit naman hindi ako gutom, ayaw ko ng binibiro. Pero pag sila hinahayaan ko na lang. "So pake namin?" Sabi nong lalaking mukhang asong ulol. "Hmm I see." sabay kuha ko sa cellphone ko at tinawagan ang secretary ni papa. "Hello Mr. Jackson. I want you to kick out this dumb boy name 'Vince Farino' and his b*tch name 'Aliya Sanchez'. Now. Okay, thank you." Sabi ko sabay baba ng phone. Nagtataka kayo kung paano ko nalaman ang name. May name tag sa may dibdib ng uniform. Tumingin ako sa kanila at ayon nakanganga. "Hoy grabehan yun ah, pina expell mo?" tanong ni Sia. Tumango lang ako. "Tama ba yung narinig natin, pina kick out?" bulungan Ng ilan. "Oo pinakick out nga. Grabe nakakatakot talaga banggain yan si Queen Synx. Bukod sa sila ang may ari ng University na to, ang tapang at palaban niya." dagdag pa nila. Dapat lang matakot kayo sa akin. May ari. Kami nga ang may ari nitong University na to. At nagagawa ko kung anuman ang gustuhin ko pero yung mga tinutukoy nilang Queen? Hindi ko yun ginusto. Pero pabor na rin sa akin. Gusto ko lang naman asarin yung mga inggetera. "Q-Queen Sy-Synx please bawiin mo Yun. Ma-malalagot ako sa parents ko, please." pagmamakaawa sa akin nong babae. Blanko ko lang sila tiningnan. "Any minute from now, your parents will gonna call you." Sabi ko sa kanila. "No! A-aalis na kami dito. Please bawiin mo lang!" sabi na nong lalaki. Mga bwisit to ah. "Hindi na namin uupuan yan, kadiri may mga bacteria o germs ng dumikit diyan. Iba na ang uupo diyan." sabi ko at tumalikod na. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ng narinig kong nagring ang phone nong Isa. "He-hello daddy?" tanong nong babae. "Da-daddy let me explain" naiiyak na sabi niya. pftt, drama. How I hate this. Naglakad na ako paalis. "Sh*t ang galing. Natantiya niya kung kailan tatawag ang parents nong babae." hangang sabi ng ilan. Anong nakakahanga don? "Ang brutal niya, palibhasa sila lang ang may ari nagagawa niya kung anong gusto niya. Spoiled brat." Sabi nong babaeng Isa sa mga inggetera dito. Tinaasan ko siya ng kilay. Dapat sinisiguro nila kung hindi ko naririnig. Wala akong pakialam kung ganon ang tingin nila sa akin. Sa wakas may nakita na akong bakante. Umupo na ako doon. Hindi ako basta basta nag papaalis ng mga nakaupo kapag wala naman silang ginagawang katangahan. "Hoy, galing ah." saad ni Raze. "Ako na oorder ng kakainin natin" Sabi ni Sia. Nakalimutan kong dumiretso sa counter. Tinatamad na rin ako. "One slice of cheese cake, one plate of carbonara, mocha frappe regular and one bottle of water. Thanks." sabi ko sa kanya. Marunong ako mag thank you, anong akala niyo sa akin. "Takaw hahaha, hmm one slice of strawberry cake at pineapple juice lang ang akin ateng" Sabi ni Raze. Whatever. "Oh sige sige, pupunta na ako doon." Sabi ni Sia at umalis na. "Synx bakit pina kick out mo agad yung dalwa?" tanong ni Raze. "They deserve it." iyon lang ang sinabi ko. Kung bakit ba naman walang rule about don sa vulgar na ginagawa nila at partida sa canteen pa. Hindi sa nahihili ako, nakakadiri kasi at nakakasira ng image ng University yun. Oo, yun lang talaga ang dahilan. "Oh heto na. Let's eat naa." at yun lumamon na kami. Sarap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD