Synx Pov
"Oh pano ba yan una na ako sa inyo mga besh." paalam ni Sia.
Uwian na at nasa parking lot na kami.
"Ako din baclaa, see you tomorrow. Bye bye sa inyo. Iluvyow." si Raze. Iluvyow amp. Kadiri.
"Ge, drive safe." sambit ko at naglakad na papunta sa sasakyan ko. May sariling kotse ako. Ayoko ng hinahatid at sundo ako ng driver namin. Parang bata lang, tsk.
Porsche Carrera S ang model ng kotse ko. Nasa 12,000,000 ito. Gusto ko sana nong Ferrari 458 Italia. Nasa 22,000,000 iyon at ayaw ni papa dahil sobrang mahal na daw non. 10,000,000 lang naman ang idadagdag, psh.
Binuksan ko na ito at pumasok na. Nilagay ko sa katabi kong upuan ang bag ko. Nagdrive na ako pauwi. 5 pm pa lang. Parang gusto kong magala ah.
Nakarating na ako sa Subdivision namin. Pinaka dulo ang Bahay namin. Malapit na ako sa gate. Pero hininto ko na. May pupuntahan pa ako.
Lumabas na ako at pumasok sa gate dala ang bag ko. Pinagbuksan ako ng guard. Tumango lang ako dito.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Nagsuot lang ako ng medyo malaking t-shirt na white at cargo pants then white shoes. I don't like dress, that's kinda sh*t. Nagdala lang ako ng wallet, panlalaking wallet.
Pababa na ako sa hagdan. Nakakainis sobrang laki naman kasi nitong Bahay na to. Mansion kung matatawag? whatever. Ayoko nito, nakakapagod. Tatlo lang naman kaming nakatira dito. Si papa, ako saka yung step mother ko. Di kami non masyadong close. Mabait naman siya kaya lang may something kasi sa kanya na di ko mawari. Basta.
Lumabas na rin ako at dumiretso sa kotse. Mukhang wala sila dito. Mga maid lang ang nakikita ko. Mabuti na yun para di ko na kailangan mag explain kung saan ako pupunta. Gusto ko sanang magsariling condo na lang or apartment kaso ayaw ni papa. Babawiin niya daw yung kotse ko. Sayang naman, wala pa kong malaking pera pambili ng bago.
Saan nga ba ako pupunta? Oh shemz. Kakain muna ako, tama. Dumiretso na ako sa paborito kong restaurant, Jelly's Restaurant. Masarap kasi dito yung carbonara.
Pinark ko na yung kotse at pumasok na sa loob. Alangan sa labas? Okay, corny. Umupo ako malapit sa bintana at dalwang mesa ang layo sa pintuan.
"Hmm, Ma'am may I know your order?" tanong nong waiter.
"As usual." tipid na sabi ko. Madalas akong nandito di pa rin alam kung anong gusto ko, tsk.
"Ahh oo nga po pala." napapakamot sa batok na sabi niya.
"3 minutes ma'am, nandyan na po." dagdag pa niya. Bored ko lang siyang tiningnan at tumango. Umalis din siya agad.
Tumingin lang ako sa bintana. Naagaw ng pansin ko ang isang lalaki at babaeng nagtatalo sa di kalayuan malapit sila sa puno kaya di sila pansin ng mga dumadaan. Parang pamilyar Yung built nong babae pati sa buhok. Parang si- '"Ma'am heto na Po. Enjoy eating." napatingin ako sa waiter. Nilapag na niya ang mga inorder ko. Carbonara at Ice tea.
Napatingin uli ako sa kaninang nagtatalo ngunit wala na sila. Ipinagwalang bahala ko na lang, baka guniguni ko lang. Saka ano bang paki ko sa mga yun. Kumain na lang ako at nang natapos, inipit ko na yung bayad don sa menu at binigay don sa lumapit na waiter.
San na ako next pupunta? Ah mall. Bibili na lang ako ng mga gamit ko. Ayoko ng term na shopping, yuck. Nakarating na ako sa malapit na mall.
Dumiretso na ako sa bilihan ng damit. Pagkatapos sa mga sapatos. Ah bibili din pala ako ng libro. Kinuha ko na yung librong The 48 Laws of Power by Robert Greene at The Art of Manipulation by Omar Johnson. I love this. Pumunta na ako sa counter at binayaran lahat Ng pinamili ko.
Uuwi na ako, pagod ang katawan ko kahit wala naman ako masyadong ginawa.
****
Nakauwi na ako at dumiretso sa kwarto. Gusto ko ng humiga. Humiga na ako at nakalimutan ng magpalit.
"Ma'am Synx, tinatawag ka po ng papa niyo. Kakain daw po kayo." Sigaw ng katulong.
Hmm, nakatulog pala ako. Tiningnan ko yung wall clock sa harap ng kama ko, 8:30 na.
"Ge" Yun lang yung sinabi ko. Nagpalit na ako ng damit, pangbahay.
Bumaba na ako at nakita ko silang nasa dining na.
"Oh good evening honey." bati ni papa.
"Oh yeah" iyon lang ang sinabi ko at inikot ko Ang mata sa kanya, honey yuck.
Umupo na ako sa kanang gilid niya. Si tita Lany ay sa kabilang gilid nya, kaharap ko. May galang pa naman ako kaya Tita tawag ko sa kanya pero ang tawagin siyang mommy? No way.
"Kamusta Sylvia iha?" Tiningnan ko lang siya. Sumandok na ako ng kanin at ulam.
"Anak, tinatanong ka ng mommy mo." sabat ni papa, mommy yuck. Sumubo na ako.
"Oh sorry, ayaw mo nga palang tinatawag kang Sylvia dahil sa ma-", "Alam mo naman pala bakit ganon pa rin ang tawag mo?" putol ko sa sinabi niya.
Bakit ganon? Lagi na lang ba niya nakakalimutan? O sinasadya na talaga niya. Mas lalong lumayo ang loob ko sa kanya, buwiset. Si mama lang ang tumatawag sa aking Sylvia at kapag naaalala kong tinatawag akong ganon ay naaalala ko din siya, naaalala ko din na wala na siya. Namatay siya sa aksidente. 4 years ago at pagkaraan Ng 2 years ay pinakilala sa akin ni papa itong babaeng to na bago ko daw mama. No, wala akong ibang kikilalaning mama. Pero kung sinusunod niya yung gusto ko, ituturing ko siya. Napaka simple lang naman ng gusto ko diba? Pero di niya magawa. Nakailang sabi na siya sa akin na hindi niya ako tatawagin non ngunit ginagawa pa rin niya. Plastic.
"Linx! Hindi mo dapat ginaganyan ang mommy mo!" alm kong galit na siya, iba na tawag niya sa akin.
"No it's okay darling. Nakakalimutan ko kasi na ayaw niyang tawaging ganon kaya kasalanan ko din. Sorry iha." nakangiti pa niyang sabi. May iba sa ngiti niya. Hindi niya ako maloloko. Plastic talaga. Binabawi ko na yung sinabi kong mabait. Mas lumala siya ngayon, mas lumala yung pagiging plastic niya. Tiningnan ko lang siya ng blangko. Gusto ko sanang sabihin kay papa na hindi naman talaga niya ako gustong maging anak ngunit ano pa bang aasahan ko? Mas papanigan pa nyan lalo yang babae nya.
"Sumusobra ka na Linx, akala mo ba hindi ko alam. May pina expell ka na naman. Hinahayaan ko lang yang pinaggagawa mo dahil ayaw kong lumayo ang loob mo sa akin. Pero lalong sumama yang ugali mo! Konti na lang, babawiin ko na yang kotse mo at hinding hindi ka makakapagbukod." tumaas na yung boses niya.
Dapat na ba ako umiyak? No, wala akong maramdaman. Uminom na ako ng tubig.
Tumayo na ako. "Go on" Yun lang ang sinabi ko pero bago ako tumalikod, Nakita kong galit na nakatingin sa akin si papa. Yung plastic naman ay may maliit na ngisi pero nong napansin niyang nakatingin ako sa kanya binago niya at nagkunwaring malungkot. Ako naman ang ngumisi. Tumalikod na ako at naglakad papuntang hagdan.
"Darling baka pwedeng wag ka na magalit sa anak mo" lambing niya kay papa. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari. Ngayon alam ko na yung pakiramdam na may something na di ko mawari. Halatang halata kasi siya, tsk.
"No, hina-high blood talaga ako ng batang yan eh. At ganon lang ang sinagot? Aba't, sinusubukan talaga ako ng batang to. Konti na lang Sylvia Linx, konti na lang." pahina ng pahina ang boses niya. Dire diretso lang ako naglakad hanggang sa nakarating ako sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko na ito at huminga ng malalim bago nilock.
Napatingin ako sa salamin ng kwarto ko. Dumiretso ako at tiningnan ang reflection ko. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya pero may bahid ng konting lungkot ang mata niya. Ilang years niyang tinago ang sakit ng nararamdaman niya. Ngunit hindi ito mawala wala. Para siyang buhay na patay.
Umalis na ako doon at pumunta sa balcony ng kwarto ko. Binuksan ko ang sliding door. Humalik sa akin ang medyo malakas na hangin. Napatingin ako sa buwan. Kalahati ito. Parang ako. Hindi ko alam kung kalahati pa ba ako o nasa 1/4 na? ha ha.
Miss ko na siya. Miss ko na yung mga yakap niya, yung mga lambing niya. Yung pagsusuklay niya sa buhok ko. Miss ko na yung luto niya. Ilang years na pero sariwa pa rin sa akin. Biglaan kasi ang pagkamatay niya. Family day noon at papunta siya sa school ko. Si papa naman ay wala, busy sa trabaho. Nag out of town. Alam naman niya na family day non. Sinabi ko na sa kanya ang petsa, matagal tagal pa noon nong sinabi ko. Um-oo siya. Akala ko sabay silang pupunta. Akala ko lang pala. Si mama lang ang pumunta non, siya ang nagdrive. Nasa bakasyon ang driver namin noon. Pinayagan ni papa si mama na magdrive mag-isa. Pero alam din naman niya na baguhan pa lang non si mama. At yun malapit na siya sa school ng maaksidente siya. Bumangga siya sa truck na dumaan. Nalaman ni papa na wala na siya pero di siya agad umuwi. Tatlong araw pa bago siya umuwi. Nasa kabaong na si mama at ibuburol na. Nagkulong lang ako sa kwarto non at umiyak ng umiyak dahil sa pagkabigla sa pangyayari at sa sama ng loob kay papa. Hanggang ngayon ay may sama pa rin ako ng loob sa kanya. Hindi ko siya nakitang umiyak. Pero siguro nalungkot din siya.
Pagkaraan ng two years may bago na siyang asawa. Naghanap lang naman daw siya para may mommy ako. No hindi ko kailangan yan gusto ko si mama ngunit ano pa bang magagawa ko kahit lumuha ako ng dugo hindi na siya babalik. Pero kung pinatunayan nong babaeng yun na mabait siya at ituturing niya akong anak, tatanggapin ko siya at ituturing na Ina.
Ang drama ko na. Hindi na ako nasanay. Self naman.
Pumasok na ako sa loob at sinara na ang pintuan. Pinatay ko na ang main na ilaw ko at tinirang bukas ang lamp shade malapit sa kama. Humiga na ako.
I pray. Humihingi ng kapayapaan sa puso at maayos na pagtulog.