Synx Pov
Maaga ako gumising ngayon at naghanda para sa pagpasok. Hindi na ako nag almusal. Wala akong gana.
Umalis din ako agad ng Bahay. Hindi ko na inalam kung nandon pa sila.
Nakarating ako ng maayos. Pinark ko na ang kotse at pumasok na sa loob ng University. Naglalakad na ako sa pathway. Napatingin ako sa mga estudyanteng dumadaan sa malawak na ground. Bawat gilid ay may mga puno. Etong dinadaanan ko ay malawak na pathway at may mga bench, puno at halaman sa gilid. May lima na main building dito sa college pwera pa sa building ng highschool. Madaming canteen dito. Ang building ko ay Business- "Argh" sambit ko. Napaupo ako sa samento. Ang sakit ng pwet ko, sh*t.
Napatingin ako sa bumangga sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi siya natumba ngunit kung titingnan ay malakas ang pagkakabunggo namin. Hindi ko alam kung sinadya niya iyon. Nakatingin lang siya sa akin. Hush, bwiset. Nakapalda pa naman ako. Sinubukan kong tumayo. Hindi ako tinulungan, pero pake ko ba. Pagkatayo ko ay saka paglakad niya ng diretso. "Aba't hoy! Ang kapal ng mukha mo ah" sigaw ko don sa lalaki. Oo, lalaki. Lalaking nerd? What the f*ck. Kaya pala walang kibo yun. Wala man lang ako nakitang reaksyon sa mukha non. Ang pangit niya. Humanda siya sa akin, hindi ko ito palalampasin.
Naglakad na ako papuntang building ko. Sakit talaga ng pwet ko. Hay, bwisit.
"Oh bakit ganyan ang muka mo." Tanong ni Sia. Di ko napansin na nakasalubong ko pala siya. Nanggaling siya sa ibang direksiyon. Nasa ground floor kami. Dumiretso ako papuntang elevator. Tinatamad ako maghagdan. Sumunod siya sa akin.
Pagbukas ay pumasok na kami. "Oy di mo man lang ba sasabihin ang nangyari? Ah siguro dahil sa step mom mo na naman." Pangungulit niya.
"Parang ganon na nga." Sabi ko sa kanya. Iritado pa rin. Alam niya yung inis ko dun sa babaeng yun dahil sa hindi ko makayanan yung sama ng loob ko ay nakuwento ko sa kanya.
Totoo bugnot pa rin ako sa babaeng higad na yun. Sobrang naiinis ako kaya babaeng higad ang itatawag ko sa kanya. Malay ko ba baka nilandi pala ang papa ko non. Pero yung ngayon, mas lalong nadagdagan. Dinagdagan nong lalaking yun. Yabang, hindi ba niya ako kilala? Hindi sa inaano ko yung estado ng buhay ko dito, naiinis kasi ako para ganunin niya lang ako.
"Oy Synx gigil na gigil ka diyan ahh. Mukhang matindi galit mo. Chill lang besh, hayaan mo na lang yung step mom mo." Biglang sabi ni Sia. Hindi ko alam iba na pala ekspresyon ng mukha ko. Chill self, chill. Inhale, exhale.
Bumukas na ang elevator at nasa floor na namin kami. Dire diretso lang kaming pumasok sa room namin. Ito na naman yung bigla silang tatahimk. Tsk, bahala sila.
Umupo na lang ako sa upuan ko at yumuko. Hindi ko na kinausap si Sia kasi wala na ako sa mood. Joke, ket di naman ako bad mood ay hindi pa rin ako makausap pero sanay na sila sa akin.
Maya maya pa ay nagpasukan na rin ang iba pa naming kaklase.
"Pstt, alam mo ba? May bagong transfer daw dito tas sa ating section mapupunta yung transfer. Lalaki kaya siya? Sana gwapo, wahh." Tili nong babaeng malandi. Medyo malapit siya. Hindi ko matandaan ang pangalan niya. Hindi ako interesado.
"Ay talaga? Excited na ako. Sana nga ay gwapo at hot. Owemjii" Ang OA ng mga to.
"Oy para kayong talandi diyan. Malay nyo babae pala, adi umasa kayo?" Sabat nong Isa pang babae. Tama buti pa tong babaeng to. Pero sino nga kaya yung bagong transfer? Bubulihin ko sana, joke. Pero kung mayabang tas mukhang adik na malandi, ay go na go ako.
Tinaas ko na ang ulo ko at sisigawan ko na sana sila kasi naririndi na ako kaso biglang dumating ang guro namin. Nagbalikan na sila sa kanilang upuan.
Napatingin ako sa katabi ko. Wala pa pala si Raze. Nasan naman kaya yung babaeng may itlog na yun. Si Sia naman ay tinago ang kanyang cellphone mukhang nagkalikot siya ng kanyang cellphone.
"Good morning, siguro naman ay alam na ninyo na may bago kayong kaklase?" Tanong nong guro. Sino nga ba to.
"Opo Mrs. Tanteo, nasan na po ba siya? Gusto na po namin siyang makita." Sigaw nong babae sa kabilang side. Ahh, Mrs. Tanteo. Hindi ako mahilig magkabisado ng pangalan.
But, wtf namin? Baka siya lang. Pero may part sa akin na gustong makita yung tinutukoy nilang transfer. Whatever.
"Dadating na din siya mga 3 minutes siguro. Nakausap ko na siya kanina. May pupuntahan pa daw siya kaya medyo malelate siya ng dating." Sabi Ni Mrs. Tanteo.
Biglang bumukas ang pintuan. Napatingin kaming lahat doon. Ngunit Yung babaeng may itlog pala ang pumasok.
Nakangiti pa ito ng malawak. "Ay graveeeee, bakit po nakatingin kayong lahat sa akin? Nagagandahan po ba kayo? Ngayon lang po ba kayo nakakita ng Diyosa? Diyosa pa sa Diyosa?" Malakas na Sabi nito. Ay bwisit, nakakahiya talaga to kahit kailan. Ang kapal.
"Yuck, umayos ka nga Raze. Pingsasabi mo? Mukha kang unggoy." Nandidiring sabi ng kaklase namin. Natawa Ako don, pfft.
"Oo nga, saka paasa. Akala namin ikaw na yung transfer na pumasok. Umalis ka na nga diyan. Panget mo." Maarteng sabi nong babaeng makapal ang make up.
"Ang sabihin niyo hili kayo sa akin! Kasi ako maganda kayo mukhang tae. Saka, wait? Anong sinabi niyo? May transfer? Sinoo?" OA na sabi ni Raze.
"Okay enough class masyado kayong maingay, Raze Devia go to your sit." Sabi Ng guro. Naglakad na papuntang upuan si Raze sa tabi ko.
Uupo na sana siya nang bumukas uli ang pintuan. Napatingin uli kami. May pumasok na lalaking medyo matangkad at nakasalamin. Nerd yata kasi nakasalamin. What? Nakasalamin lang nerd na?
"Okay, hayan na pala siya. Pasok ka iho" Sabi ni ma'am.
Pumasok na yung lalaki at napunta sa harap. Mukha siyang nahihiya.
Umupo na si Raze. Daming alam, ngayon lang pala ito umupo.
"Oy iyan na ba yun?" tanong ni Raze sa akin. Nagkibit balikat na lang ako.
Ang mga kaklase namin ay nakatingin lang sa kanya. "Lalaki nga pero akala ko gwapo. Nerd pala." Sabi nong medyo malapit.
"Oo nga, ang pangit ang kapal ng kilay tapos yung buhok parang hinimod ng dinosaur. Eww." Nandidiring sabi nong katabi niya.
"Ayan masyado kasi kayong umasa, kasalanan na ninyo yun." Sabi ni Raze.
Hindi naman umimik yung mga babae.
"Pero oy bes, umasa din akong fafa yan. Hahaha" natatawang bulong sa akin ni Raze. Baliw.
Tiningnan ko uli yung lalaki. Totoo ang sagwa ng buhok niya parang bangs. Ang kapal ng kilay tas may nunal malapit sa labi.
Nagpipigil ng tawa yung iba, siguro hindi maiwasang matawa don sa lalaki. Sino nga ba hindi matatawa sa itsura non? Pati ang uniform. Binutones hanggang leeg yung polo tas nakatuck in. Pinatungan ng blazer na medyo gusot. Yung sapatos okay naman pero mukhang luma.
"Hmm, Mr. Keller magpakilala ka na. Class quite makinig sa sasabihin niya." Sabi ni ma'am. Tumigil na yung iba. Yung iba ay nagpipigil.
"Uh-Uhmm, My name is Vent Nite. Vent Nite Keller. 19 years old. Ni-nnice to meet you..all" nabubulol niyang sabi. Vent Nite, ganda ng pangalan. Pero yung nagdadala? whatever.
"Hindi kami interesado." sigaw nong Isa.
Napayuko naman siya, mukhang napahiya.
"Class anong attitude yan. Be nice to him!" malakas na sabi ni Ma'am.
"Oww, whatever ma'am." Sabi nong Isang lalaki.
Tiningnan ko siya ng mariin. Biglang tumingin siya sa akin. Medyo nagulat ako don pero nakabawi din. Nagtitigan kami, pamilyar yung mata.
Saglet, nerd? Hindi kaya, hindi kaya siya yun? Bat di ko naisip agad. Pero nag iba kasi yung itsura niya. Sa buhok? Oo, knina magulo. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngunit ang mukha niya ay parang nagtatanong na nagtataka. Hindi ba niya ako nakilala? Baka.
"Okay Vent umupo ka na sa likod ni Ms. Nejos." Sabi ni ma'am. What sa likod ko? Oo may upuan pa sa likod pero kami na ang pinaka likod dapat sa side na to.
"Bakit ma'am sa likod ko pa?" Kunot noo kong tanong.
"Wala ng maraming tanong Ms. Nejos. Umupo ka na Mr. Keller, magsisimula na ang ating klase. " pagtatapos ni ma'am. Napaikot ang aking mata. Bwisit tong teacher na to.
Lumakad na si Nerd papunta sa direksiyon namin. Medyo malapit na siya nang tumingin siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumingin siya kay Sia na nasa gilid siya daanan. Nag iwas siya ng tingin at naglakad na sa upuan sa likod.
Bwisit din tong nerd na to e. Di nagreklamo. Gagantihan kita, hintayin mo.
Nakaupo na siya sa likod. Nagsimula na ang klase.
Discuss
Discuss
Discuss
Nakikinig naman ako ngunit lumilipad ang utak ko sa nerd na to at ramdam ko rin na nakatingin siya sa akin.
"Ahm, Mr. Keller since ngayon ka lang pumasok. Makihiram ka na lang sa mga kaklase mo ng kanilang notebook para makahabol ka sa topic natin. Class pahiramin nyo siya, naiintindihan nyo?" Sabi ni Ma'am. Kung bat kasi ngayon lang pumasok, tsk. Ayan manghiram ka, kung pahihiramin ka.
"Yuck, hindi ko yan pahihiramin." bulong nong medyo malapit.
"Ako din, baka magka germs pa tong notebook ko." dagdag nong Isa.
Tapos na ang klase sa wakas. Nagtayuan na ang iba at lumabas na. Nagligpit na rin ako ng ilang gamit na nilabas ko. Tatayo na sana ako nang biglang may bumulong sa akin.
"Nice to meet you, Ms. Sylvia Linx Nejos." Si nerd. Ang lamig Ng boses. Akala ko hindi niya ako kilala?
"Name tag." tipid na dagdag niya. Nabasa ba niya nasa isip ko? Oh masyado lang halata sa ekspresyon ko. Napatingin ako sa kaliwang dibdib ko, may name tag nga.
Titingnin na sana ako kaso tumayo na siya at naglakad palabas na parang wala lang. Ayun na naman yung kilos niyang nahihiya na parang lonely. Iniiwasan siya ng mga kaklase namin at pinagbubulungan siya na parang may nakakahawang sakit.
Pero bakit ganon? Paiba iba ng ugali? Nong una walang reaksyon ang mukha nong binunggo niya ako tas nong nagpakilala parang nahihiya na ewan tas ngayon.? Ginagawa non? May sapak ba yun sa utak?
Misteryoso. That Nerd. May something sa kanya. Aalamin ko, pag di ako tinamad. K.