Synx Pov
We're here now in canteen. Good news maraming vacant na upuan. Siguro hindi pa labas ang iba at nagkaklase pa.
Umupo na kami malapit sa bintana.
"Oh ako na ang oorder. Tayo lang naman pala talaga Siang panget ang naorder eh, nakakahiya naman kasi sa isa diyan." Paring babaeng may itlog na kunwari may kinukuha sa bag.
"May sinasabi ka?" tanong ko sa kanya na nakataas ang kilay.
"Yan, sige pa Rose panget. Magreklamo ka pa hahahah." tawa ni Sia.
"Ah wala po mahal na REYNA. Sabi ko po dapat po talaga kayo pagsilbihan, hehe" sabi niya at tumayo na pero di nakatakas sa akin ang pagikot ng mata niya.
Sinamaan ko siya ng tingin pero di naman natakot. Aba't hindi na to nadadala sa ganon ko ah.
"Oh Reyna, ano po inyo? Ay oo nga pala, sige-", "One slice ng Chocolate cake at Isang apple juice." putol ko sa sasabihin niya at tumingin sa bintana.
Ilang sandali pa at wala akong nkuhang tugon niya.
Tiningnan ko siya, Akala ko ay nakaalis na siya ngunit nakatunganga pala. Tanga amp ano na naman problema nito.
"What? Um-order ka na." taas kilay kong sabi.
"Hmm, himala yata mahal na Reyna. Ngayon lang yata naiba ang iyong order. Anong nakain mo? Hahahaha." tawa niya ng malakas at ayon tinginan na mga tao. Sarap nito ibalibag. Patatalsikin ko na nga ito.
"Wala akong kinain kaya wag moko bwisitin baka di kita matantiya Raze Devia." Sabi ko ng seryoso sa kanya.
"Ay high blood." Bulong nya pero rinig ko.
Umayos na siya at tinanong na si Sia kung anong gusto nitong kainin. Pagkatapos ay umalis na at pumunta na sa counter.
Kami na lang ang natira ni Sia sa table namin. Natatawa pa rin si siya. Isa pa to. Tawa ng tawa, wala namang nakakatawa.
"Oyy bakit naiba ang order mo ngayon? Diba lagi namang carbonara ang kinakain mo? Naumay ka na ba?" tanong niya.
Hindi ko din alam kung bakit naiba. Parang nakakaumay nga rin kasi lagi na lang carbonara kinakain ko. Kulang na lang pati tae ko ay carbonara na. Malamang iyon lagi ang aking kinakain. Bobo.
Pero hindi naman sa carbonara lang talaga ang kinakain ko, may iba pa namang pagkaing nadadagdag. Hindi nga lang nawawala ang carbonara. Favorite ko yun. Unang tikim ko nong nagluto si mama. Mama, miss na naman kita.
"Synx, ayos ka lang? Bakit parang lumungkot ka?" biglang tanong ni Sia.
"Ha?" tanging tanong ko sa kanya. Magkaharap kami kaya kitang kita niya ang mukha ko. Pa-square yung table na kinuha namin. Yung isang side ay walang nakaupo na nakatalikod sa bintana.
"Ah wag mo na pansinin yung sinabi ko. Pero Ang tanong ko kanina ay bakit naiba ang order mo ngayon?" tanong niya ulit.
"Wala lang, parang naumay lang ako." tipid na sabi ko.
"Ahh sabagay-", "Oh mga beshies eto na ang mga pagkaing baboy." Sabi nong Tanga at baliw na may itlog. Alam niyo na kung sino.
"Pagkaing baboy? What's that? Wala naman tayong inorder na baboy?" takang tanong ni Sia
"Omayghad ka panget! Di mo yun alam? Ang hirap kasi sayo ang inaatupag mo ay ang pagpapataba at panonood ng bold" daldal niya at nilapag na ang mga pagkain. Kinuha ko na akin at kumain na.
"Hoy anong bold pinagsasabi mo diyan. Baka Korean drama, at baka naman ikaw ang nanonood." pagbabangayan nila. Bahala sila.
Kumain lang ako ng kumain at konti na lang ay mauubos ko na ang cake at apple juice. Hanggang sa magtanong si Raze na ikinahinto ko.
"Oyy Siang panget sino kaya yung transfer na yun noh. Parang ang misteryoso niya. Para sa akin lang." nagtatakang tanong ni Raze.
"Diba nagpakilala naman siya kanina" Sabi ni Sia na ngumunguya.
"Oo nga, pero kasi" nakangiwing Sabi ni Raze.
"Pero ano?" balik na Sabi ni Sia.
"Ang pangit niya, bakit ganon." malungkot na Sabi nong timawo.
"Hahahahaha" malakas na tawa ni Sia.
"Hoy! bakit naman tumatawa ka? Nasisiraan ka na ba ng bait?." kunot noong tanong ni Raze, pfft. Mga baliw.
"Pero seryoso, mukha siyang makisig ay yung katawan pala. Hindi lang halata sa kanyang kilos pero masasabi mo talagang yummy siya kung mag-aayos siya. Nevermind na lang sa mukha. Hahahaha." dagdag pa niya
"So pinagnanasahan mo siya kaya ka curious sa kanya noh, ikaw ha. Di kayo talo, parehas kayong may itlog... at hotdog." panunukso ni Sia.
" Oyy baliw, hindi hahahaha. Grabe naman to! Papatanggal ko din yan, maghintay ka hmmp. Magkakaroon din ako ng mani. Mas fresh at mabango sayo. Hahahaha. Ay Hindi pala talaga fresh at mabango yang iyo. Hahahahaha." Baliw na sabi ni Raze. Kadiri ampota. Kung ano anong pinag-uusapan ng mga to. Muntikan na akong mabulunan.
Kaya kayo, wag kayong tutulad dito sa babaeng may itlog na to. Mangka-balasubas.
Pero tama siya, wala siya dito sa canteen. Saka malalaman naman naming nandto siya dahil nakakahakot siya ng atensyon sa itsura niya. Hindi sa gwapo siya, kabaligtaran neto.
"Sakit mo naman sa apdo! Babaeng may itlog! Oo na, hindi na mabango pero fresh ang akin noh. Eh ikaw? Wala ka nga nito eh. Saka hindi ka mapapalitan ng ari, asa ka. Baka umurong ang oopera sayo. Sa takot diyan sa alaga mong maitim pa sa kaldero niyo at magubat pa sa magubat. Pero balik tayo sa usapan kanina kay nerd, hinahanap yieee." mahabang lintaya at tukso pa ni Sia.
"Tseee! Dami mong sinasabi! Ah basta Magkakaroon din ako niyan. Lumamon ka na nga lang diyan. Mas ayos pa. Synx! Ano masasabi mo kay nerd guy?" Tanong ni Raze sa akin. Inubos ko na ang cake at uminom.
"Nyenyenyenye" pang aasar pa ni Sia. Inirapan naman siya ni Raze.
Tiningnan ko siya. "Wala, bukod sa pangit siya." Sagot ko sa kanya.
"Ay grave talaga to, hahahahah." Tawa niya. Magtatanong tanong siya e.
Ang masasabi ko don sa nerd na yun? Baliw. Definitely baliw. Alam nyo na kung bakit. Bukod pa sa pangit siya.
"Whatever" Sabi ko sa kanya at kinuha na yung bag.
"Ang sakit mo talaga sa atay, ateng" Sabi niya sabay hawak sa tiyan.
Tumayo na ako.
"Oh San ka pupunta?" Tanong ni Sia. Di pa siya tapos kumain. Ang chubby niya pero cute. Oo sinabi ko yun pero di ko yun sasabihin sa kanya.
Isinukbit ko na yung bag. "CR" tipid Na sabi ko.
"AH sige, ingat." Dagdag niya.
"Ge, eatmore." Sabi ko at umalis na.
"Ay himala hahaha. Ang weird ngayon ni Synx hahaha." -Raze. Medyo mahina na ang rinig ko sa sinabi niya dahil dire diretso akong naglakad palabas ng canteen.
Alam ko na kung bakit nasabi niyang weird. Una yung sa carbonara which is very rare lang talaga na iba ang kainin ko. Ikalawa nagdagdag pa ko ng sinabi ko bago magpaalam. Bukod sa ge, sinabihan ko siya ng eatmore. Ang weird ko nga yata ngayon.
Bago ako makalabas ay habol tingin ang ibang estudyante sa akin. Diretso lang ako nakatingin sa daan.
Nag-cr na ako sa malapit.
Naglalakad na ako uli sa hallway. Nasa second floor ako ng building. Third floor ang buong canteen dito. May five floor sa isang building.
Bumaba ako ng hagdan at nasa first floor na ako. Di ko alam kung saan ako pupunta.
"Oyy, may binubuli yata don sa ground. Kawawa naman yung nerd na lalaki." Bulong nong babaeng malapit sa katabi niya.
"Ay wehh? Grabe laganap talaga ang bully dito. Nangunguna si Queen Synx hahahaha." Aba't narinig ko pangalan ko don ah.
Babarahin at lalapitan ko na sana sila ng biglang may dumating.
"Nica, Jess! Dali samahan nyoko don sa ground. Makihada tayo! May binubugbog don sa ground." Malakas na tawag nong dumating sa dalwa.
Sumunod naman yung dalwa. Chismosa.
Nerd? Lagi na lang nerd? Baka yung baliw na naman.
Binubugbog, sa ground? What the? Unang araw, may pasa siya. Pero buti nga yun sa kanya, tsk.
Naglakad na ako papunta sa ground. Di ko alam kung bakit ako pupunta. Makikihada din siguro.
May nakita akong kumpulan ng tao sa ground. Malapit sila sa dalwang puno.
Dumiretso ako doon. Malapit na ako. Kita ko na na may pinagtutulungan.
Nakahiga na si nerd tas pinagtatadyakan siya nong dalwa. Yung Isa naman ay may kung anong ginagawa sa bag niya.
Lumapit pa ako ng konti. Nakita ko na ang itsura niya. Ang dungis na ng uniform niya.
Habang pinagtatadyakan siya ay nakabaluktot siya at nakasangga ang kamay niya sa mukha. Ngunit nakakapagtaka, wala akong nakikitang emosyon sa mukha niya.
Isa pang malakas na tadyak sa sikmura niya tapos sapilitang hinila siya patayo. Hindi siya makatayo ng ayos.
"Kapag tinatanong ka, sumagot ka. Ang yabang mo Isa ka lang namang nerd. Wala ka naman palang binatbat sa amin, tsk." Sabi nong humila sa kanya at kinwelyuhan siya.
Medyo matangkad si nerd kaysa don sa lalaking kumwelyo.
"Oo nga, ang pangit pa. Hahahaha." Tawa nong Isa habang tinitingnan niya si Nerd.
Nakitawa din ang mga nakiusyoso. Wala naman siyang reaksyon.
Grabe, ano bang ginagawa niya. Hindi man lang ba siya nasaktan? What? Self? Concern ka Dyan? Wtf. I'm not. Baliw na rin yata ako. I'm talking to my self. Natawa tuloy ako sa sarili ko.
Nagtinginan sa akin ang iba. Why? Tiningnan ko sila.
"Ohh nandito pala si Queen Synx!" Sigaw nong isa.
"Wahhh, Queen. Papicture Po!!" Lapit sa akin nong Isa at kumapit sa braso. Ang higpit at ang lagkit ng kamay niya. Pawisin? Yuck.
"Ano ba!!! Bitawan mo nga ako! Ang lagkit ng kamay mo!" Sigaw na nandidiri kong sabi sa kanya. Ang ending tinginan na sa akin lahat.
Natanggal ko na yung kamay niyang nakakapit sa akin. Pinunasan ko ng panyo, kadiri naman oh. Mukhang napahiya siya.
"Grabe nakakahiya naman sa kanya dumikit. Ang sungit tas ipapahiya ka pa." Bulungan na naman.
"Queen Synx. Ano ang iyong ginagawa dito?" Nakangising sabi nong mukhang tinga. Siya yung may ginagawa sa bag ni nerd.
Nakatayo lang si Nerd doon at walang reaksyong nakatingin sa akin. Napatingin ako sa kanya.
Pinasadahan ko siya ng tingin at bumalik uli sa mata niya. Galit ba siya? Iyon yung nakikita ko sa mata niya ngunit walang reaksyon ang kanyang mukha.
"Captain mukhang gusto niyang makita kung pano natin bulihin tong nerd na to. Hahaha." Tawa nong Isa, siya Yung kumwelyo.
"Hahahahaha." Tawa pa nong Isa. Mga siraulo. Napunta ako dahil gusto kong makita kung pano nila bulihin yang nerd na yan? Nagpapatwa ba sila? Pwes, natatawa ako.
"Hahahaha. Ang talino." Tawa ko din at puri ko sa kanila. Huminto sila sa pagtawa at gulat na tumingin sa akin pati yung iba. Ngayon lang kasi nila ako nakita at narinig na tumawa. Weird na naman ako sa paningin nila.
Nakapalibot na sa amin ang mga estudyante. Lalo silang nadagdagan. May ibang naglalakad pa papunta dito. Mga chismoso, chismosa.
Naglakad ako papunta sa puno. Nagtabihan naman yung iba. Sumandal ako.
"Yan ang gusto ko sayo Sylvia Linx. Sabi na e at matutuwa ka na may binubully." Yung tinawag na captain nong Isa.
Sumeryoso ang mukha ko. Alam nyo na kung bakit. Kung hindi? Sige sasabihin ko ang dahilan pero saka na, tsk.
Nagtaka naman sila dahil natatawa ako kanina tas biglang sumeryoso.
Nakatingin lang 'siya' sa akin.
Bumaling uli ako sa mukhang tinga.
"Sorry but not sorry hindi kita gusto." Ngisi ko sa kanya.
Nangunot ang kanyang noo. Nagtaka naman ang mga kasama niya.
"Ahh hahahaha. Hindi naman sa romantic way ang tinutukoy ko. Pero kung gusto mo. Pwede naman." Ngisi niya at lumapit sa akin.
Ang bobo niya. Kakasabi ko lang na hindi ko siya gusto.
"Bobo kaba?" Ngisi ko sa kanya. Kung sa iba, anggulo kong kausap pero no, magaling lang ako magbago at magtago ng nararamdaman.
Nagtawanan na naman.
"What?" Kunot noong tanong niya. Mukhang hindi siya nasiyahan sa sinabi ko pero pake ko?
"Hindi ka lang pala bobo, bingi ka din." Kutya ko sa kanya.
"Ohh, sakit non captain. Hahahaha" tawa nong kasama niya.
"Ikaw din, bobo." Pambabara niya sa kasama niya.
Nasasayang na ang oras ko dito. Ang Dami nang tao. Bulungan doon, bulungan dito. Bubuyog lang?
"Hindi ko gugustuhing manood kung pano nyo binubuli yan" turo ko kay nerd.
"Kung mambuli kayo parang bata." Sabi ko sa kanila. Isinuot ko ang Isa kung kamay sa bulsa.
"Uh-huh, so anong gusto mong iparating? Synx?" tanong nong mukhang tinga.
"Gusto kong iparating na, labanan mo sya 1v1." ngisi ko sa kanila.
"Ano bang gustong mangyari niyan ni Queen? Ang masaktan lalo yung nerd? Ang hirap niyang basahin." Bulong ng mga bubuyog.
Kumunot ng bahagya ang noo ni nerd.
"Oh, mukhang di mo magagawa-", "Payag ako." Seryosong sabi nong Captain.
"Pero captain?" Tutol na sabi nong isa.
"Lalabanan ko yang pangit na yan. Kung matalo ko siya. Ano ang makukuha kong komisyon?" Matalino. Ng kapiranggot, tsk.
"Makakapang-bully ka/kayo, kahit sinong bulihin niyo. Hindi kayo maga-guidance." ngisi ko
"Yun ohhh, captain ayos yon-"
"Ngunit, kapag natalo ka niyang nerd na yan. Mapapatalsik kayo. At, bubugbugin ko kayo." ngising sabi ko.
"Hahahahahah. Ako matatalo niyan? Wala nga yang binatbat sa akin e." Pagyayabang ng captain nila. Owss?
Nagkatinginan sila.
"Oo nga, walang wala yan sayo captain. Nakasalalay kami sayo captain! talunin mo yang nerd na yan!" pang checheer nong kasama niyang mukhang paa.
Naglakad ako papunta sa kanila. 3 meters ang pagitan.
"Kahit malaki ang matsing, natatalo din ng daga." talinghaga kong sabi. Nagtaka sila sa sinabi. Di siguro nila alam yun.
"Maglaban kayo sa lumang park. 6 pm. 2 days from now." pagbibigay ko ng lugar at oras kung saan sila maglalaban.
"Umalis na kayong lahat, in count of three." Sabi ko sa kanilang lahat. Ang dami nila, mga nasa 50.
"1" umalis na yung iba. Yung iba nakatunganga.
"2!" medyo malakas at may diin kong sabi.
Nagtalikudan na ang iba at umalis na.
Sila mukhang tinga, mukhang paa at mukhang kabayo ay nandito pa pati si Nerd. Lima na lang kaming nandito sa side na to.
"Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa Synx pero pabor na din sa akin. Hahaha. Humanda ka pangit na Nerd." Sabi nong Captain nilang mukhang kabayo.
"Let's go" at umalis na sila.
Kaming dalawa na lang ang naiwan.
"Anong gusto mong mangyari?" walang emosyong tanong niya.
"Wag kang magpanggap na Tanga." seryoso kong sabi sa kanya. Humarap ako sa kanya. May konting basag ang kanyang salamin.
Kumunot ang kanyang noo.
"Akala mo ba nakalimutan ko na, kung pano mo ako binunggo at tinalikuran na parang wala lang? Tapos nong pumasok ka sa room, nagpanggap ka na hindi mo ako kilala? Pero alam kong nakilala mo ako." Sabi ko at inikutan siya.
Hanggang ilong niya lang ako. Matangkad ako pero mas matangkad to.
"Ni-hindi ka man lang humingi ng tawad sa akin."
Sabi ko sa kanya.
"Hinding-hindi ako hihingi sayo ng tawad." matigas na sabi niya.
"Oh, okay. Hindi rin naman ako namwemwersa " nasabi ko na lang sa kanya.
"Ang katulad mong bully, hindi karapat dapat hingian ng sorry. You deserve nothing but regret." Sabi niya at kinuha na niya ang bag niya.
Anong sinasabi niya? Ngunit hindi ko na lang ito pinansin.
"Hindi ako pupunta. Ikaw ang nagkondisyon, ikaw ang lumaban." Sabi niya at tumalikod na.
"Wag kang magpanggap na mahina at Tanga. Maloloko mo ang iba ngunit hindi ako. Kung ayaw mong lumaban, patatalsikin kita." Sabi ko at naglakad na palayo.
Marunong siyang lumaban, nasisiguro ko. Nasisiguro kong lalaban na siya. Siguro naman hindi niya gustong mapatalsik?
Ang kondisyong binigay ko ay pabor sa akin. Kung sino man ang matalo sa kanila, ay wala akong paki. Parehas ko silang kinasusuklaman.