Chapter 2

1264 Words
"Ladies and gentlemen, welcome aboard Albano Air Flight 210 to San Francisco. This is Capt. Geronimo. Please ensure your seat belts are fastened, trays are upright, and your phones are in airplane mode. We will provide a safety briefing shortly." Kabado man ay pilit ipinanatag ni Crislina ang kalooban. Kasama niya si Don Hernani at isang nurse nito kaya't hindi siya dapat mag-alala. Malakas pa naman ang Don kung tutuusin sa edad na setenta y uno. Isinandal niya ang likod sa leather seat saka itinuon ang mata sa screen na nasa harap niya. Ang naka-play doon ay commercial din ng airline. At dahil sa gwapong binata na nasa screen ay nalibang na siya habang pinapanood ito. Ni hindi niya namalayan na pataas na ang lipad nila kung hindi lang niya naramdaman na tila dumaan sa isang batuhan ang eroplano, na kalaunan ay naging panatag na rin naman. "Ano hong nangyari?" tanong niya sa matanda. "Ganyan talaga kapag palipad pa lang ang eroplano. Maganda ang panahon kaya't huwag kang mag-alala. Puwede kang matulog dahil matagal pa ang biyahe natin, iha." Isang first class flight ang sinakyan nila kung saan puwede siyang humiga kapag gusto niyang matulog. Pero dahil samu't saring damdamin ang namamahay sa dibdib niya, hindi niya magawang ipikit ang mga mata. Una, nalulungkot siya na naiwan ang Inay niya sa Camiguin habang inaayos pa ang papeles nito. Pangalawa, natatakot siya sa kung anuman ang dadatnan niya sa Amerika. Camiguin Island was her comfort zone. Ni hindi pa siya nakarating kahit sa Maynila o sa karatig probinsiya ng Camiguin. Kung mayroon lang siyang pagpipilian, o kung pinapayagan na siyang magdesisyon para sa sarili niya, hindi siya sasama kay Don Hernani sa pagpapagamot nito kahit pa ang kapalit ay marangyang buhay na inaalay ang mga Fajardo. Mahigit kalahating oras lang ay panatag na ang lipad ng eroplano sa himpapawid. Pakiramdam nga niya'y hindi iyon gumagalaw kung hindi lang niya natatanaw mula sa bintana ang mga puting ulap. Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya para lumuwag ang pakiramdam. Nakapikit na si Don Hernani. Naghanap na lang siya ng mapapanood sa screen para libangin na lang ang sarili. Nasa kalahati na sila ng biyahe at nakaidlip na rin siya kahit paano nang sumama ang pakiramdam ni Don Hernani. Pinainom na ito ng gamot ng nurse pero naninikip pa rin daw ang dibdib nito. Nataranta siya bagama't hindi niya alam kung saan hihingi ng tulong. Bago pa lang ang nurse na kasama nila kaya't hindi niya alam kung alam nito ang gagawin kapag ganitong sinusumpong ng sama ng pakiramdam ang matanda. "Lo, okay lang ho kayo?" "Nakainom naman na ho kayo ng gamot sa high blood kaya aayos na rin ang pakiramdam niyo maya maya," wika ng nurse nang malalim pa ring huminga si Don Hernani. "Kalma lang ho. Tumataas naman na ho ang oxygen level niyo." Pilit niyang pinanatag ang sarili kahit pa hindi na tumaas sa 88 ang oxygen level nito ayon sa oximeter. Kita rin niya kung paanong nahihirapan ang matanda sa paghinga. Ito yata ang kauna-unahang nakita niya ito nang ganoon simula nang malaman nilang mayroon itong lung cancer. "Ilang oras pa ho ba bago tayo makarating sa San Francisco?" "Apat na oras pa," sagot ng nurse. "Nakainom naman siya ng mga gamot." Mahilig siyang magbasa ng libro tungkol sa medisina dahil pangarap niya talaga ang maging doktor paglaki niya. Alam niyang hindi makabubuti sa matanda kung ganitong 88 lang ang oxygen level nito nang matagal. Paano naman sila makakahingi ng tulong kung ganitong nasa gitna sila ng himpapawid at apar na oras pa bago lumapag ang eroplano sa lupa? "Miss... May doktor ba dito kapag ganito katagal ang flight?" tanong niya sa flight attendant. "May problema ho ba sa Lolo niyo?" tanong nito na kaagad nahulaan ang problema niya. "Sandali lang, tatawagin ko lang si Doc Zandro." Mabilis itong tumalikod at nagtungo sa harapang bahagi ng eroplano. Ilang sandali pa ay may kasunod itong makisig na lalaki na nakasuot lang ng casual polo. Sandali siyang natulala sa kagwapuhan nito na may hawig sa batang lalaki na nakita niya sa commercial ng eroplano kanina. "Bring the medical oxygen to help him breathe more easily," awtorisado nitong utos sa flight attendant. Kinumusta nito si Don Hernani at nagtanong ng kung ano-ano tungkol sa kondisyong medical nito. Doon pa lang napanatag ang loob niya. Mabuti na lang pala dahil may kasabay silang doktor sa flight na 'yun. "Hey, Dad, what's wrong?" tanong ng isang binata na sumunod sa doktor. Napakunot ang noo niya sa. Kamukha nito ang batang nasa screen kanina, mas gwapo nga lang ito nang kaunti. "His oxygen levels dropped due to the high altitude. Don’t worry, we have enough oxygen on board to support him until we arrive in San Francisco." Nag-usap pa ang mag-ama at si Don Hernani na naging normal na ang oxygen level matapos salpakan ng oxygen mask. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa binata na anak ni Doc Zandro. Gusto niyang itanong kung ito ba ang nasa video kanina na pinapanood niya o kapatid ba nito. Nang magtama ang paningin nila ay halos lumubog siya sa hiya dahil baka mabasa nito ang nasa isip niya. "How old are you?" tanong nito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. "T-twelve," mahina niyang sagot. "Siya ang apo ko," pakilala sa kanya ni Don Hernani. "May hacienda kami sa Camiguin, minsan dumalaw kayo doon." "Siya naman ang bunso kong si Drake," wika ni Doc Zandro. "Kasama ko ang iba ko pang mga anak dahil may okasyon kaming pupuntahan sa San Francisco. Kung may kailangan kayo, huwag kayong mag-atubiling lumapit. Nasa unahan lang kaming mag-anak." Umalis na ang mag-ama para bumalik sa unahang bahagi ng eroplano. Naiwan naman siyang nanghihinayang. Ang sarap naman kasing titigan ng Drake na 'yun. Lumipas pa ang isang oras, tumayo naman siya para magtungo sa CR. Nakatulog na ulit si Don Hernani pati na ang nurse na bantay nito. Inip na inip na siya sa biyahe dahil hindi na siya makatulog ulit. "Are you sure you're only twelve?" tanong ng lalaking nakasunod sa kanya patungo sa CR. Dumagundong ulit ang puso niya sa kaba at excitement. Si Drake iyon, sigurado niya. "Oo. Bakit ayaw mong maniwala?" "Coz' I have a crush on you but you're not even legal to be kissed." Kiss agad? Ang bastos naman pala! Sumimangot siya at mabilis na isinara ang pinto ng CR. Pagpasok niya ay saka pa lang niya napagtanto na hindi siya dapat nagpakita ng kasungitan. Tinulungan ng Daddy nito si Don Hernani kanina. Isa pa, hindi na rin naman bata si Drake kaya't ganoon na ang pag-iisip nito. Paglabas niya ay naroon pa rin ang binata na kung makangiti ay gusto niya ulit mapikon. "Mag-CR ka rin?" tanong niya. Sayang naman kasi kung hindi pa rin niya ito kakausapin. Baka hindi na sila magkita ulit paglapag nila sa San Francisco. "No. I saw you come here, so I came too." "Inabangan mo 'ko?" Kunyari ay naningkit ang mata niya. "Bakit?" "My friends started dating their boyfriends when they were twelve. Nagpapaligaw ka na rin ba?" "Hindi ah!" "That's what I thought," sagot nito. Gusto niyang matunaw kung paano ito tumitig. Pero dahil kung ano-ano ang iniisip nito na wala pa sa kamalayan niya, dapat niya itong iwasan. Ang mga ganitong lalaki ay ikapapahamak niya. "Hindi ka naman pala mag-CR, bumalik ka na lang sa upuan mo." Tumalikod na siya pero may kamay pang pumigil sandali sa paghakbang niya. Hindi siya nakakilos nang lumapit ang mga labi nito sa tainga niya. "Find me when you're ready to be kissed, sweetheart."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD