bc

Kiss Me Like A Lie

book_age18+
1.2K
FOLLOW
28.3K
READ
billionaire
powerful
drama
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Bumalik si Crislyn sa Pilipinas mula sa matagal na paninirahan sa Amerika para tuparin ang pangako ng isang musmos na pag-ibig. Adriel promised to marry her when she finished college. Inalagaan niya ang pag-ibig na iyon sa kabila ng maraming manliligaw. Sa pagbabalik niya sa Camiguin ay handa niyang balikan ang dating simpleng buhay.

Pero iba pala ang nakatadhana. Pag-uwi niya sa Pilipinas ay nasaksihan niya kung paano siyang pinagtaksilan ng kasintahan sa babaeng itinuring niyang kapatid - Si Brenda. She was hurt, devastated and shattered. Pero dahil matanda na ang Inay niya at gusto niyang makasama ito ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas, tiniis nya ang sakit na makita si Adriel halos araw-araw.

Napatawad niya si Adriel pero hindi niya nakalimutan ang kataksilan nito.

Nang tumibok ulit ang puso niya, handa na rin siyang kalimutan na lang ang pananakit ni Brenda sa damdamin niya. Pero sa dalawang pagkakataon na tumibok ang puso niya, pareho pala iyong gustong ipagkait ni Brenda.

Now, it's time for her to prove she has worth. Kung labanan lang naman ng ganda at s*x appeal ay lamang siya kay Brenda. Isa lang ang hindi niya kayang ibigay. Para lang iyon sa lalaking pakakasalan niya.

Until Drake Albano came, the man she wished to give her heart once more. Pero dahil sa sobrang pagkababaero, kailangan niyang makipagsabayan kay Brenda kung paano maakit ito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ten years ago... "Ayaw kong sumama sa Amerika, Nay. Sino ang makakasama ko doon? Ayaw kong malayo sa inyo." "Ayoko ring malayo sa 'yo, anak. Pero kailangan ka ng Lolo Hernani mo dahil magpapagamot siya. Nangako naman siya na susunod ako doon, inaayos pa lang ang papeles ko para legal akong makakapanirahan nang matagal sa Amerika," wika naman ng Inay Trining niya. Pigil ni Crislina ang mga luha habang ini-empake ng ina ang mga gamit niya. Sasama daw kasi siya sa Amerika dahil doon magpapagamot and matanda na may sakit na kanser. Doon na daw siya pag-aaralin para hindi siya mahinto sa pag-aaral kahit nag-aalaga siya ng matandang may sakit. Ang totoong katulong sa bahay ng mga Fajardo ay ang Inay at Itay niya. Pero namatay na ang Itay niya isang taong mahigit na ang nakararaan. Nag-donate lang naman ito ng kidney kay Hernani, pero hindi na nakalabas sa ospital nang buhay. Puno ng pighati ang puso niya noon dahil sa pagkawala ng isang magulang. Ngayon naman ay malalayo siya sa ina na hindi niya gusto kahit pa sa mayamang bansa siya dadalhin. Nag-iisa lang ang totoong apo ni Hernani na mas matanda ng apat na taon sa kanya. Si Brenda. Sa ngayon ay disesais anyos na at ang siyang nagsisilbing prinsesa sa Hacienda Fajardo. Mabait naman ang mga magulang nito na si Loreta at Gaspar. Pumayag kaagad ang mga ito nang isuhestyon ni Hernani na ampunin siya kapalit ng pagkawala ng Itay niya. Bayad daw ang pag-ampon sa kanya sa pagmamagandang loob ng Itay niya na mag-donate ng kidney kahit may panganib na maaaring hindi nito kayanin ang operasyon. Magiging tagapagmana din daw siya balang-araw. Kahit ang Inay niya ay sa mansyon na tumira dahil kinupkop na silang mag-ina. Sa kabila niyon, hindi kayang ipagpasalamat ni Crislina ang pagkupkop sa kanya at pagpapalit sa pangalan niyang Maria Crislina Toralba. Sa murang edad, pakiramdam niya'y itinakwil niya ang apelyido ng ama para sa karangyaan na hindi niya naman ginusto. Sanay siya sa hirap. Hindi rin siya naghahangad ng marangyang buhay. Hindi pa rin niya ipagpapalit ang buhay ng Itay niya na kung pwede lang ibalik ang panahon, hindi niya ito papayagan na mag-donate ng kidney kay Hernani. Kung maibabalik lang talaga ang panahon... "Nand'yan na ang passport mo at mga kailangan mo sa school. Bahala na daw si Hernani sa iba pa, ipaaayos niya na lang sa abogado para makapag-enroll ka kaagad. Mag-aral kang mabuti doon ha. Tuparin mo ang pangarap mong maging doktor. Hindi ba't ipinangako mo sa Itay mo na magiging doktor ka balang-araw?" Pigil niya ang emosyon habang iniiwas din ng Inay niya ang mga mata para hindi sila mag-iyakang dalawa. Alam niyang labag din sa loob nito na mauuna siya roon. Pero wala na itong magawa dahil isa na siyang Fajardo at ang karapatang magdesisyon para sa kanya ay wala na. Minsan ay gusto niyang sumbatan ang ina kung bakit ito pumayag na ipaampon siya. Nadala itong masyado sa mga pangako na ikauunlad niya ang pagiging Fajardo at hindi na sila maghihirap kailanman. "P'wede ko namang talikuran ang pangarap na 'yun, 'Nay..." mahina niyang wika. Kung maaari ay ayaw niyang magsalita dahil madadala lang siya ng labis na emosyon. Pero sa mga nakalipas na taon ay hindi siya binigyan ng pagkakataon na magdesisyon sa sarili niya, o tanungin man lang kung sang-ayon siya sa mga nangyayari. Siguro naman p'wede siyang magsalita ngayon. "Ano ka bang bata ka---" "Kung ang kapalit naman ay kayo, hindi ko na gustong maging doktor, 'Nay." Hagulgol na ang kasunod na lumabas sa bibig niya at ang pagyugyog ng balikat. Mahigpit siyang niyakap ng ina. "Patawarin mo ako, anak. Mahirap lang kami ng Itay mo kaya kailangan naming gawin 'to. Alam kong nagdadamdam ka sa amin. Patawarin mo kami. Gusto naming umunlad ka, magkaroon ka ng mga bagay na mayroon si Brenda. Nakikita ko sa mga mata mo ang inggit kapag may bago siyang mga laruan noon. Gamitin mo ang pagiging Fajardo para maging matagumpay ka sa buhay. Huwag mo kaming gayahin ng Itay mo na hindi na nakaalis sa pagiging katulong." "Pero ayaw kong malayo sa inyo, 'Nay... Wala na nga si Itay..." "Nandito lang ako, anak. Hindi naman ako lalayo sa 'yo, pangako 'yan. Pero tuparin mo ang mga pangarap mo tulad ng gusto ng Itay mo. Iyon ang dahilan kung bakit siya nagsakripisyo. Gusto niyang mabigyan ka ng magandang buhay. Huwag mong sayangin, anak." Wala siyang magawa kung hindi ang tumango sa ina. Nakatakda ang alis nila ni Hernani bukas ng gabi. Wala naman siyang masabi sa kabutihan ng matanda. Kahit si Brenda at mga magulang nito ay mabait din naman sa kanya. Tinanggap na rin nito na may kahati ito sa mamanahin balang-araw. Pero hindi ito ang isasama ni Hernani dahil ayaw itong payagan ng mga magulang na sa Amerika manirahan. At dahil dose anyos pa lang siya at nakukuha ng mga Fajardo ang tiwala ng Inay niya, siya ang bibitbitin ni Hernani patungong Amerika para may kasama itong manirahan doon. Wala siyang laban. Wala siyang magawa dahil hindi pa siya puwedeng magdesisyon para sa sarili niya. Bawat hakbang niya ay pabigat nang pabigat bawat oras na lumilipas. Bago magdapit hapon ay nagtungo pa siya sa libingan ng ama para magpaalam. Hindi niya alam kung kailan sila babalik dahil matagal na gamutan ang gagawin kay Hernani. Kaya't doon na rin siya mag-aaral. "Tuloy na ba ang alis niyo bukas?" Napalingon siya sa malambing na tinig na nagmula sa likuran. Si Adriel na anak ng kaibigan ng mga Fajardo. Malapit ang loob nito sa kanya at sa pagdaan ng mga araw ay umuusbong ang pag-ibig niya dito sa kabila ng murang edad. Ni hindi niya masalubong ang mga mata nito dahil nahihiya siya. "Oo. Maaga kaming aalis kasi baka mahuli daw kami sa flight." Nilinga niya ang paligid. Sa may di kalayuan ay ang libingan naman ng Lolo nito na kailan lang din namatay. Naroon ang mga magulang ni Adriel na nagsindi ng kandila. "Mami-miss kita kapag dadalaw kami sa bahay nila Tita Loreta. Wala na akong tutuksuhing iyakin," nakangiti nitong wika. Lalong bumigat ang pakiramdam niya sa sinabi nito. Isa sa nagpapasaya sa kanya sa bahay ng mga Fajardo ay si Adriel na magiliw at palagi siyang binabati. Madalas din itong pumipitas ng bulaklak sa hardin para ibigay sa kanya mula nang sa mansyon na siya tumira. "Mabuti nga aalis na ako. Nakakainis 'yung lagi mo akong inaaway." "Inaaway? Tinutukso lang kita. Palagi kasing malungkot ang mga mata mo. Tapos hindi ka nakikipag-usap sa akin. Niyayaya ka namin ni Brenda na maligo sa pool pero palagi kang tumatanggi." Idinaan niya sa simangot ang sagot. Anim na taon ang tanda ni Adriel sa kanya kaya naiinintidahn niya kung ang tingin sa kanya ay bata. Si Brenda tuloy ang parati nitong kasama mag-swimming sa pool at mamasyal sa bayan. Kapag umuuwi ang mga ito ay bibigyan naman sya ng chocolates at candies. "Hindi ka pa ba uuwi? Sumabay ka na sa amin," yaya nito nang tawagin na ito ng mga magulang. "Mamaya pa ako, hihintayin ko pang bumalik si Inay. Dumaan lang sandali sa palengke." "Pero mag-isa ka dito at hapon na. Baka kung ano ang mangyari sa 'yo." "Ano naman ang mangyayari sa 'kin? Wala namang masamang loob dito sa bayan natin. Sige na, tawag ka na ng Mama mo." May dinukot ito sa bulsa saka kinuha ang kamay niya. Isang bracelet na hindi niya alam kung white gold o silver ang tawag doon. "Ano 'yan?" "Huwag mong huhubarin 'to ha? Twelve ka pa lang kasi kaya hindi kita puwedeng ligawan. Apat na taon pa, pwede na siguro. Mag-iingat ka sa Amerika. Ibigay mo kaagad ang contact number mo para matawagan kita palagi kahit mahal ang load." Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito kasabay ng pagpisil sa pisngi niya. Hindi siya kaagad nakabawi sa mga sinabi nito hanggang tumalikod na ito para puntahan ang mga magulang. Tama ba ang narinig niya? Gusto siyang ligawan ni Adriel?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook