"Are you sure you don't want me to stay?" tanong ni Drake nang ibalik siya sa hotel. Hindi siya pumayag na sa bahay nila Drake siya matulog dahil nahihiya siya sa pamilya nito. It felt surreal. Parang kahapon lang ay nagluluksa siya, ngayon ay ikakasal na siya sa isa sa pinakamayamang lalaki sa Pilipinas. "I wish I could stay, but there's so much to take care of at the office. Then again, maybe my brothers planned it that way to keep me away from you." "Hindi mo naman ako kailangang bantayan," wika niya na hindi alam kung paano kakawala sa mga braso ni Drake. Habang tumatagal ay nakikilala niya ito nang lubusan. He is a deeply sentimental and emotionally driven man. Kaninang nasa elevator sila ay kaagad nitong iniakbay ang kamay nang makitang ngumiti ang isang lalaki sa kanya. Gusto n

