Alas singko ng hapon ay niyaya ako ni Dice sa may dalampasigan. Kasalukuyan kaming nakaupo malapit sa dalampasigan at nakasandal sa balikat niya ang ulo ko at magkahawak kamay. Masaya naming pinapanood ang ang mga alon sa dagat maging ang paglubong ng araw. Napakatahimik ng kapaligiran. Ang tanging dinig lang namin ay ang kampas ng mga alon. "Ayus ka lang, Hannah?" tanong niya sa akin. "Oo naman. Basta ikaw ang kasama ko ay ayus lang ako." "Siyempre. Ang ganda ng paligid tapos magandang lalaki pa ang kasama mo, talagang magiging okay ka." biro niya sa akin. "Dice?" "Oh?" "Anong ipapangalan natin sa anak natin?" "Ano ba ang gusto mo?" "Ikaw ang magpangalan sa anak natin." sabi ko sa kanya. "Sige. Pag-iisipan ko iyan." sagot niya sa akin. "Ano kaya itsura ng anak natin no?"

