Dice' POV Ilang beses kong pinag-isipan kung papayag ba ako sa kagustuhan ni Tanya na makasama ang anak namin. Sa totoo lang ay naaawa ako sa kanya dahil sa kalagayan niya. Isang gabi ay tinanong ko ang anak ko habang nakahiga na kaming dalawa. "Sab, may tatanong si daddy sa iyo." "Ano po iyon, daddy?" "Gusto mo bang magkaroon ng bagong mommy o gusto mo yung mommy mo talaga?" "Bakit po nakita niyo na po si mommy?" tanong niya sa akin. "Sagutin mo muna ang tanong ko." "Okay po. Siyempre po mas gusto ko yung totoo kong mommy." "Bakit?" "Kasi po siya ang mommy ko." "Ayaw mo ba kay tita Hannah mo?" tanong ko sa kanya. "Mabait po si tita Hannah. Pero mas gusto ko po ang totoo kong mommy." "So ayaw mo kay tita Hannah mo?" "Hindi naman po. Iba pa din po kasi kung yung mommy ko po

