Ilang araw din akong hindi nagparamdam kay Dice. Ni hindi niya din naman ako tinatawagan o tinetext man lang. Mas lalong tumindi ang kutob ko na baka nagkikita na nga sila ng babaeng iyon. At sa tuwing naiisip ko iyon ay naiinis ako sa kanya. Tinuon ko ang sarili ko sa trabaho. Last two months I decided na umpisahan na ang paggawa sa dream wedding dress ko. Binili ko pa nga sa ibang bansa ang mga gagamitin ko. I used expensive silk, satin at georgette for my dream gown. That time kasi ay parang sigurado na ako na matutuloy ang kasal ko kahit na hindi kami opisyal ni Dice. Halos patapos ko na itong gawin. Sobrang excited ko talaga na masuot ito pagdating ng panahon. But now bigla tuloy akong nalungkot. Tila ba ang mga ineexpect kong mangyari ay unti-unting nawawala lalo pa ngayon na baka

