Episode 35

1047 Words

Nakauwi na sa bahay si Gab kasama ang kanyang kambal na anak na sina baby Axel at baby Allen. Halos hindi ko maalis ang paningin ko sa kanila. Parang gusto ko din magkaanak ng ganoon. "Pweding pahawak naman ng isa." pakiusap ko kay Gab. "Oo naman po ninang." Kinarga ko ang isa. "Sino ito? Si baby Axel ba o si baby Allen?" tanong ko sa kanya. "Si baby Allen iyan." sagot niya sa akin. "Paano mo malalaman kung sino si Axel at sino sa Allen?" "May balat sa may dibdib si Axel, si Allen wala. Iyon ang palatandaan ko sa kanila." "Ay ganon pala. Magkamukhang-magkamukha kasi e." "Ang bagay mo namang humawak ng baby." "Talaga?" masiglang tugon ko sa kanya. "Oo nga. Kaya mag-asawa ka na ng magkaroon ka din ng ganyan." "Soon. Maghahanap muna ako ng mapapangasawa." sabi ko sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD