Dice' POV Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang saya nung nagkaayos na kami ni Hannah. Lalo pa nung biglang umulan at niyaya ko siyang maligo sa ulan. Para kaming bumalik sa pagkabata. Para ngang naisip ko na parang mga elementarya lang kami ng mga oras na iyon. Doon ay naglakas loob ako na halikan siya sa pangalawang pagkakataon. Mas lalo pa akong naging masaya dahil tumutugon siya sa mga halik kong iyon. Ngayon ay mas narandaman ko na baka mahal niya pa din ako hanggang ngayon. Hindi lang iyon, dahil nung araw ding iyon ay may nangyari sa amin. Sobrang kaba ko nga nga mga oras na iyon dahil baka itulak niya ako pero hindi, nagpaubaya siya sa akin. Tapos nalaman ko pa na ako ang nakauna sa kanya. Naging okay kami hanggang sa pag-uwi namin si Manila. Muli din kaming nagkita ng mam

