Mula nung nagkasagutan kami ni Dice sa sinehan ay ramdam ko na parang iniiwasan na niya ako. Chaka bakit pa ba niya ako kakausapin e mukhang masaya na siya na kasama ang girlfriend niyang si Sarah. Siyempre mas matimbang si Sarah kaysa sa akin na kaibigan lang niya.
Mabuti na lamang ay narito si Bryan at madalas akong sinasamahan tuwing break time. Sa kanya ko din nasasabi ang mga nararamdaman ko dahil alam niya ang tungkol sa nararamdaman ko kay Dice.
"Are you okay?" tanong niya sa akin.
Mabuti pa siya, lagi niyang tinatanong kung okay lang ba ako. Pero itong si Dice ay parang kinalimutan na ako at wala na siyang pakealam sa akin.
"Nagsisinungaling ako kapag sinabi kong, okay lang ako." sagot ko sa kanya.
"Basta kung ano man ang problema mo, handa akong makinig, Hannah. Siya nanaman ba ang dahilan?"
Tumingin ako sa kanya at tumango ako. Siyempre, sino pa ba ang dahilan diba? Eh lagi naman siya ang dahilan.
"Ang swerte niya kasi meron siyang tulad mo pero ang malas lang niya dahil hindi niya pinapahalagaan kung anong meron siya. I'm sure darating ang araw ay magsisisi siya sa pambabalewala niya sa iyo."
"Naiintindihin ko naman siya, Bry. Alam ko na may girlfriend na siya at mas priority niya iyon. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay yung parang hindi na niya ako kilala. Halos hindi na nga niya ako kausapin e. Mawawala na ba ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa pinagbabawalan niya ako na lumapit sa iyo?"
"Wag ko munang isipin iyan, Hannah. Mag mall tayo. Libri ko. Para naman hindi siya ang laging nasa isip mo."
Tumango na lamang ako sa kanya. Mas mabuti na din siguro na mag-aliw-aliw muna ako para naman makalimutan ko siya ng kahit sandali lang.
Pagkatapos ng klase ay pumunta nga kami sa mall at nagdesisyong kumain sa isang fast food chain doon.
Naghanap kami ng pwesto namin at ngsimula ng magorder si Bryan.
Abala ako sa pagtingin tingin sa mga tao roon ng mapansin ko bigla ang pamilyar na mukha ng isang babae. Hindi ako pweding magkamali. Si Sarah iyon. May kasama itong lalaki. Bigla akong kinabaan na baka si Dice iyon. Ngunit ng titigan kong mabuti ang likuran ng kasam niyang lalaki ay saka ko napagtanto na hindi naman si Dice ang kasama niya. Nagtaka ako bakit hindi su Dice ang kasama niya doon.
Napaisip ako bigla. Sino kaya iyon? Baka kapatid? Pinsan? o kaibigan? Patuloy pa din ako sa pagtitig sa kinaroroonan niya. Mabuti na lamang ay hindi pa ako napapansin ni Sarah. Hanggang sa nabigla ako dahil biglang pinunasan ng lalaki ang bibig ni Sarah dahil sa nagkalat na sauce. Doon ay kinutuban na ako. Boyfriend ba iyon ni Sarah? Ano ito? Niloloko niya ba ang bestfriend ko? Hindi na ako ngdalawang isip na puntahan siya sa kinaroroonan niya para magkaalaman na.
Lakas loob akong nilapitan sila sa table. Kita ko pa ang gulat sa mukha ni Sarah ng makita niya ako. Parehong napatingin sila ng lalaki sa akin.
"Sarah, mag-usap tayo!" sabi ko sa kanya.
"Love, kilala mo ba siya?" tanong ng lalaki.
Doon ay mas lalong tumindi ang akala ko na may something sa kanila ng lalaking ito. May patawag tawag pa na love. So may relasyon silang dalawa. Ang lakas naman ng loob niya na lokohin si Dice.
"Tungkol saan?" tanong ni Sarah.
"Tungkol sa kasama mo." sagot ko.
"Sige. Sa labas tayo mag-usap dahil may sasabihin din ako sa iyo."
Lumabas nga muna kami dalawa at doon ay nagsimula na akong magsalita.
"Sino ang lalaking kasama mo?" inis kong tanong sa kanya.
"Boyfriend ko." proud nitong sabi.
Naisip ko bigla na mukhang break na yata sila ni Dice. Lihim akong sumaya ng mga oras na iyon.
"Oh, wag kang magsaya dahil boyfriend ko pa din si Dice. "
"Whatt?" gulat kong tanong.
"Yes. Kaya wag kang mangarap na matutuon na ulit sa iyo ang atensiyon ni Dice."
"So pinagsasabay mo silang dalawa? Ano kang klasing babae?"
"Ganun talaga kapag maganda."
"Iba ka din pala no. Ang amo ng mukha mo pero kanya ka palang babae."
"Wala akong pakealam kung ganon ang tingin mo sa akin. Bakit magsusumbong ka ba sa kanya? As if naman mas paniniwalaan ka niya kaysa sa akin." sabi nito sabay tawa.
"Talagang isusumbong kita." panghahamon ko sa kanya.
Nainis siya sa sinabi ko at bigla niya akong sinabunutan.
"Kung ako sa iyo, lubayan mo na si Dice. Wag na wag ka ng lalapit sa kanya dahil wala na siyang pakealam sa iyo. Mas pinipili niya ako kaysa sa iyo."
"Bitawan mo ako." sabi ko sa kanya habang sinasabunot ang buhok ko.
"Bibitawan lang kita kapag nangako ka na hindi mo na lalapitan o kakausapin ang boyfriend ko."
Lakas loob ko siyang tinulak at nagtagumpay naman ako. Napaupo siya sa sahig.
"Wala kang karapatan na sabihan ako na layuan siya. Matagal na kaming magkakilala kaysa sa iyo kaya sa tingin mo, mas papaniwalaan ka niya kaysa sa akin? Maghintay ka lang at patutunayan ko sa iyo na mas matimbang ang matagal na namin friendship kaysa sa iyo na kailan lang niya nakilala."
"Hannah."
Lumingon ako at si Bryan iyon. Pinagtitinginan na din kami ng ibang tao na naroon. Pero wala akong pakealam dahil siya naman ang nauna.
"What happen?" tanong niya.
Lumapit din sa amin ang lalaking kasama ni Sarah at itinayo siya sa pagkakaupo sa sahig.
"Umalis na tayo Bry. Baka ano pa magawa ko sa babaeng ito.
Pagbyahe namin pauwi no Bryan ay nakwento ko sa kanya ang nangyari sa pagitan namin ni Sarah.
"Grabe pala ang babaeng iyon. Boyfriend na niya si Dice tapos may iba pa pala. Ang amo ng mukha niya pero nsa loob pala ang kalokohan. Tama lang na lumaban ka sa kanya. So anong balak mo ngayon?"
"Sasabihin ko kay Dice ang nakita ko."
"Paano kung gaya ng sinabi ni Sarah mas siya ang paniniwalaan niya?"
Naisip ko ang posibilidad na mangyayari iyon. Ano nga ba gagawin ko? Malakas ang pakiramdam ko na ako ang paniniwalaan niya dahil kilala ako ni Dice at hindi ako basta bsta nanankit ng walang dahilan. Siya ang nauna at sasabihin ko ang panloloko sa kanya ng babaeng iyon.
Nakakainis lang isipin na nakakaya pa niyang lokohin si Dice. Dahil kung ako ang nasa posisyon niya, hinding-hindi ko siya lolokohin kundi papahalagaan ko siya at mamahalin ng higit pa sa buhay ko.