Episode 7

1142 Words
"Bakit ang saya-saya mo kapag umuulan?" biglang tanong sa akin ni Dice. "Ah alam ko na, masaya ka kasi walang pasok non." "Hindi ah. Gustong-gusto kong pakinggan ang patak ng ulan, lalong lalo na ang sapuhin ang bawat patak sa mga palad ko. Ewan ko pero ang gaan ng pakiramdam ko pag ginagawa ko iyon." "Ang weird mo talaga no." "Weird na kung weird. Pero yun ang gusto." "Kung gusto mo ang ulan, tara maligo tayo."  Ngunit bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako sa labas at tuluyan na nga kaming nabasa. Sobrang saya ko nung mga oras na iyon, nagsasayaw lang kami at lumulundag habang naliligo sa ulan. Alam ko malpapagalitan ako ni mama, pero ayos lang. First time kong maligo sa ulan e, sobrang saya pala.  ARAW ng sabado at ang lakas ng ulan. Naalala ko nanaman si Dice at ang mga ginagawa namin dati. Sa totoo lang ramdam ko na hindi na kami tulad ng dati. Ano pa nga bang ineexpect ko? Lagi na niyang kasama si Sarah kaya balewala na ako sa kanya. Ilang linggo na din kasi kaming hindi nagpapansinan. Gusto ko siyang lapitan at kausapin pero naduduwag ako. Mukhang ang friendship namin ay unti-unti ng naglalaho.  Naalala ko pa nung minsang kausapin ako si Sarah. Ang akala ko ay mabait siya, pero nagkamali pala ako dahil hindi ko akalain na nasasabi niya iyon sa akin.  "Layuan mo na si Dice. Sa tingin ko ay ayaw ka na niyang maging kaibigan. Chaka ayoko din na magkasama pa kayo, dapat ay ako lang ang kasama niya dahil ako ang girlfriend niya at kaibigan ka lang niya." Sobrang gulat ko dahil nasabi niya sa akin ang lahat ng iyon. Mukha lang pala siyang anghel, pero iba pala ang ugali niya.  "Oo, kaibigan lang niya ako pero mas matagal kaming magkakilala kaysa sa iyo."  "Yun nga e. Kaibigan ka lang, kaya wag kang magexpect. Akala mo ba hindi ko napapansin na may gusto ka din sa kanya, pero sad to say, hanggang kaibigan ka lang sa kanya. At alam mo ba, sinabi niya na wala na siyang pakealam sa iyo." Halos maluha ako sa sinabi niya. Sa mga kilos palang ni Dice ramdam ko na na dumidistansya siya sa akin. Marahil yung dahilan ay yung pagtatalo namin non nung nasa sinehan kami, sinabi niya sa akin na hahayaan na niya ako. Pero ng dahil lang ba doon ay itatapon na niya ang ilang taon naming pagkakaibigan? Ang babaw naman nun.  Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Ayoko din naman sagutin pa ang mga sinasabi niya dahil nasasaktan ako. Pilit niyang ipinapamukha sa akin na hanggang kaibigan lang ako. Oo tama. Kaibigan lang talaga niya ako. At kahit kailan ay hindi iyon magbabago.  Madalas na din ako sinasamahan ni Bryan na maglunch, e wala na akong kasabay e at kahit papaano naman ay naging close na kami. Alam ko maraming mga matang nakatingin sa amin pero binabalewala ko na lamang iyon. At isa pa ay wala naman kaming ginagawa na masama. Kaibigan ko lang naman si Bryan. Madalas na din kung sumumpong ang sakit ko, dahil na din siguro sa stress at sa dami ng iniiisip ko. Umiinom ako ng gamot pagkatapos kong kumain ng lunch. At hindi din napigilan ni Bryan na itanong kung para saan ang gamot na iyon. Since close na kami, naikwento ko na sa kanya ang tungkol sa kalagayan ko.  "May sakit ako sa puso." pabiro kong sagot sa kanya.  "Naku, may gamot pala sa pagiging broken hearted, saan ba nabibili iyan, ng makabili ako, nafriwndzone ksi ako sa crush ko e." tawang tugon nito.  "I have congenital heart disease." seryoso kong sabi.  Bigla din itong nagulat sa sinabi ko. "Whattt? Are you serious?" "Dapat ba akong magbiro tungkol sa kaagayan ko?" "So you mean totoo?"  Tumango na lamang ako sa kanya at bahagyang ngumiti.  "Alam ba iyan ni Dice?"  "Hind." "Pero matagal na kayong magkaibigan di ba? Bakit hindi niya alam ang sakit mo?" "Kasi ayaw kong malaman niya." "Bakit?" "Basta, kaya sana wag mo nalang sabihin sa iba, lalo na sa kanya." "Okay. So ibig sabihin bawal ka mapagod or mastress." Tumango ako sa kanya.  "Di ba mapanganib yan? Bakit hindi ka magpaheart transplant?" "Ayoko." "Bakit naman? Baka lumala ang sakit ko." "Takot ako, baka hindi ako mamatay sa sakit ko, mamamatay ako sa nerbyos." "Hindi ah. Kaya mo iyan." "Chaka may iba pang dahilan. At sa akin na lamang iyon." "Okay sabi mo e. Basta lagi ka mag-ingat. Mahirap na." "Opo. Nag-iingat na nga." Pagkatapos ng klase ay niyaya ako ni Bryan sa Mall para maalis naman ang stress na nararamdaman ko. nilibri niya ako ng pagkain sa isang kainan doon.  Umorder na si Bryan at ako naman ay tumatanaw lang sa ibang kumakain din doon. Hanggang sa hindi ko inaasahan na makikita ko doon si Sarah at may kasama itong lalaki. At sigurado ako na hindi iyon si Dice. Tinitigan ko siya hanggang sa magtama ang mga paningin namin. Halata ang gulat sa mga mata niya. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya sa kinaroroonan niya.  "Sino iyang kasama mo, Sarah?" Halos magulat din ang lalaki at napatingin sa akin.  "Love, kilala mo?" sabi ng lalaki. Ano daw love? So may relasyon sila ng lalaking ito at niloloko lang niya si Dice? Paano niya nagagawa ito.  "Mag-usap tayo, Sarah." Hindi naman ito tumanggi at nag-usap kaming dalawa.  "Sino iyong lalaking iyon?" pagsisimula ko. "Boyfriend ko." taas noo nitong sabi.  "Anoo?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Bakit may masama ba?" tugon nito. "Hindi ba kayo pa ni Dice?" "Oo, at ano namang masama kung dalawa sila. Pag sa school si Dice ang boyfriend ko, pag sa labas, siya naman. Bakit isusumbong mo ba ako kay Dice?" "Oo at sasabihin ko ang lahat sa kanya." Hakmang aalis na ako ng bigla niya akong sinabunutan.  Halos mapadapa pa ako sa sobrang higpit ng pagkakasabunot niya sa akin.  "Hindi ka niya paniniwalaan, kaya kung ako sa iyo manahimik ka na lang." Buong lakas ko siyang itinulak at nagawa ko naman ito. Napadapa siya sa ginawa kong iyon. Hindi ko alam kung nasugatan ba siya sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya pero wala akong pakealam. Siya naman ang nauna at ayoko ang mga sinabi niya.  "Sasabihin ko lahat kay Dice ang mga ginagawa mo." Halos lahat ng mga taong nandoon ay nakatingin na sa amin. Biglang lumapit sa amin si Bryan.  "What is happening here?" Nagulat pa si Bryan dahil nakita niya na nasa sahig pa din si Sarah.  "Aalis na tayo, Bry." "Pero nag-order na ako." Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at dumeretso na akong maglakad paalis.  Balak kong pumunta kina Dice. Sasabihin ko ang lahat ng nakita at nalaman ko. Hindi niya deserve ang maloko ng isang babae. At ano bang problema nung Sarah na iyon? Ano pa bang kulang kay Dice at hindi ito mkuntento. Kung ako ang nasa kalagayan niya, aalagaan at mamahalin ko siya ng lubusan, never ko siyang lolokohin dahil sapat na siya sa akin.  Pumunta ako sa kanila ngunit sabi ng katulong ay umalis daw silang mag-anak at bukas palang ang uwi.  Nalungkot ako pero may ibang araw pa naman para masabi ko sa kanya ang nalaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD