Episode 8

1019 Words
Araw ng Sabado, sinadya ko ng puntahan si Dice sa kanila.  Pagdating ko doon ay nabigla ako dahil naroon din si Sarah. Nasa may garden sila at nakikita ko na nilalagyan ni Dice ng gamot ang sugat sa siko si Sarah.  Hindi nila ako kaagad napansin. Nakita ko na pumasok sa loob si Dice at naiwan doon si Sarah. Nilapitan ko siya at halatang nagulat nang makita ako.  "Ano iyan paawa effect?" Sabi ko sa kanya. "At talagang magsusumbong ka? Ewan ko lang kung paniniwalaan ka niya. Wala ka ng halaga kay Dice. Mas ako ang paniniwalaan niya." "Alam mo kung hindi mo naman talaga gusto si Dice, iwanan mo na siya. Kaysa sa niloloko mo lang siya." "Tapos ano? Para ikaw na ang mahalin ni Dice? Wag ka ng umasa dahil hindi ka niya magugustuhan kahit kailan. Hindi kayo bagay ni Dice, dahil ito ang bagay sa iyo." Isang malakas ba samoal ang iginawad niya sa akin. Sobrang lakas nun." Hindi ako nakatiis at sinampal ko din siya.  "Anong ginagawa niyo?" boses iyon ni Dice. Nagulat ako dahil biglang nagpatiupo si Sarah sa baba habang sapo ang kanyang palad na para bang nasaktan sa pagsampal ko sa kanya, e mas malakas pa nga ang ginawa niya kaysa sa akin. Lumapit siya at itinayo si Sarah. Umiiyak pa nga ito. Aba! Artista ka pala.  "Anong nangyari, babe?" tanong ni Dice sa kanya. "Babe, kinausap ko lang si Hannah, ang sabi ko wag na kaming mag-away at maging magkaibigan na kaso ayaw niya at bigla akong sinampal. Inaagaw ko daw ang atensiyon mo kaya siya galit sa akin. Hannah aoory kung pakiramdam mo inaagawan kita ng atensiyon kay Dice. Gusto ko lang din naman makipagkaibigan sa iyo e. Kaso mukhang ayaw mo, kaya okay lang." Gusto kong humalakhak sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam na pang best actress pala iyang acting niya. "Wag mo akong baliktarin, Sarah. Ikaw itong nauna." Nakita ko ang galit sa mukha ni Dice. "Mag-usap tayo, Dice." Sabi ko.  Nabigla ako dahil bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko ng mahigpit. Galit na galit ang itsura nito na para bang gusto niyang manakit. Ngayon niya lang nagawa sa akin ito. Dice ano bang nangyayari sa iyo? Bakit parang hindi na kita kilala? "Anong sasabihin mo? Kung paano mo tinulak si Sarah? Kung galit ka sa amin, sabihin mo, hindi iyong nananakit ka. Hindi pa ba sapat sa iyo ang ginawa nun sa Mall at simampal mo nanaman siya ngayon? "Bitawan mo ako, nasasaktan ako. Iyan ba ang sinabi sa iyo ni Sarah? Siya ang nauna, hindi ako." "Bakit mo siya tinulak? Hindi ko alam na kaya mong gawin iyan Hannah. Nagbago ka na, hindi na ikaw yung dating kilala ko na kaibigan. Simula ng makilala mo iyang Bryan na iyan nagkaganyan ka na." "Stop it, Dice. Kung may nagbago dito ikaw iyon at hindi ako. Ang sakit lang na isipin na lahat ng pinagsamahan natin noon ay maglalaho lang nang dahil sa kanya. Oo aaminin ko, nasasaktan ako dahil wala na ang atensyon mo sa akin. Pero naiintindihan ko. Sino ba naman kasi ako sa buhay mo? Wala di ba? Kasi kaibigan mo lang ako. Kaya sorry kung nagdedemand ako ng atensyon mo, Bakit pa? Ni minsan yata hindi mo naman nakikita lahat ng efforts ko sa iyo. Ni minsan hindi mo lang din nakikita kung ano ang mga sakripisyo ko sa iyo. At hinding-hindi mo iyon makikita dahil abala ka sa mga nagiging girlfriends mo. Kaya sorry." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Halos humagulgol na nga ako e. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para masabi ko ang lahat ng iyon. Wala na talaga. Ang Friendship namin ay tapos na.  Lakas loob akong umalis na sa lugar na iyon. Ayoko na din magtagal dahil baka hindi ko din kayanin. Halos sumisikip na din ang dibdib ko pero nilalabanan ko lang.  Inaasahan ko na hahabulin ako ni Dice para magsorry sa akin. Pero wala. Hinayaan niya lamang akong umalis doon ng mag-isa at umiiyak. Hindi na talaga siya ang dating Dice na kilala ko. Nagbago na siya. Bakit nga ba ako mag-eexpect? Kaibigan lang naman ako e. Tama ang sinabi ni Sarah, mas siya ang papanigan at paniniwalaan niya kaysa sa akin. Ang sakit lang isipin na mas pinili pa niyang paniwalaan ang babaenh iyon na kailan lang niya nakilala kaysa sa akin na matagal na. Palabas na ako ng gate ng marinig ko ang boses ni Dice at tinawag niya ako.  "Hannah." Bahagyang naibsan ang pagkagalit ko.  Hinarapan ko siya. Lumapit naman ito sa akin.  "Im sorry. Oo inaamin ko may pagkakamali din ako dahil nawalan na ako ng oras sa kaibigan ko. Sorry kung laging si Sarah nalang ang kasama ko. Pero sana naman magbati na kayo ni Sarah. Pareho kayong mahalaga sa akin." "Dice, hindi ako nakikipag-away sa kanya. Siya naman talaga ang nauna e. Saka may hindi kapa alam tungkol sa kanya." "Ano?"  "Nung nasa Mall kami, nakita ko siya na may kasama siyang ibang lalaki." "Sinabi na niya sa akin iyon." "Alam mo na? Kung ganoon bakit hindi ka pa nakikipaghiwalay sa kanya?" "Sinabi na niya sa akin na pinsan niya lang ang lalaking iyon." "Naniwala ka naman?" Tahimik lang si Dice at hindi sumagot. "So mas paniniwalaan mo siya kaysa sa akin?" "Galit ka ba kay Sarah?" tanong niya sa akin. "Hindi. Bakit naman ako magagalit sa kanya? Di ba sabi ko naman sa iyo, kahit araw-araw ka pang may ipakilala sa akin na girlfriend mo, susuportahan kita. Pero sana naman minsan, alamin mo din kung anong pakiramdam ko. Lagi nalang kasi akong nababalewala kapag may kasama ka ng iba. Pero okay lang. Ganun naman talaga diba? I'm just your friend na kasama mo kapag may kailangan ka. Pero ni minsan wala kang narinig sa akin. Sana man lang nandiyan ka din kapag kailangan kita. " Hindi ko na siya hinitay pa na sumagot at nagaimula na ulit akong maglakad palayo.  Muli na naman akong humagulgol. Naninikip na din ang dibdib ko.  Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Wala na yata talagang mas sasakit pa sa pangyayaring ito. Ewan ko kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para masabi ko sa kanya ang lahat ng iyon. Mukhang wala na talagamg pag-asa. Wala na ngang pag-asang maging kami, wala na din palang pag-asa ang pagkakaibigan namin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD