Episode 9

1249 Words
Halos mag-aalasdose na ng gabi pero hindi pa din ako dalawin ng antok. Si Dice nanaman ang iniisip ko. Pinipilit kong wag umiiyak dahil baka sumpungin ako ng aking sakit pero hindi ko naman mapigilan. Bigla na lamang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko, sobrang bigat ng nararamdaman ko.  Kanina kasing umuwi ako nandoon si Mama. Mabuti nalang ay hindi niya napansin na maga ang mga mata ko dahil siguradong mapapagalitan ako sa kanya.  "Matulog ka na, Hannah. Wag mo na munang isipin si Dice at si Sarah." Samantala, araw ng lunis. Sa totoo lang ay ayoko muna sanang pumasok pero pinilit ko na lamang. Ang hinihiling ko na lamang sana ay hindi ko na muna makita ang dalawa. Para kasing hindi ko sila kayang harapin. Mabuti na lamang at may training sina Dice kaya hindi ko siya nakikita. Okay na yun, wala din naman kasi akong mukhang maihaharap sa kanya.  Nasa isang bench lang ako habang nagbabasa ng libro nng lapitan ako ni Sarah at may kasama iyong dalawang babae.  "Narito pala ang sumbungera." pag-uumpisa nito.  Wala akong balak na patulan siya kaya naman binalak ko ng umalis nalang at iwasan siya. Isinara ko ang libro at nilagay sa loob ng bag ko at nagsimula ng tumayo at maglakad nang bigla ulit itong magsalita. "Oh bakit umaalis ka? Tanggap mo na ba na balewala ka na kay Dice? Sabi ko naman kasi sa iyo, wag ka ng magsumbong dahil ako ang mas paniniwalaan niya." Hinarapan ko siya ng buong tapang. "Sige, magpakasaya ka, dahil balang araw malalaman din ni Dice kung gaano ka kasamang babae." Hindi ito sumagot, bagkus ay itinulak niya ako at tumama ako sa bench na kinauupuan ko kanina. Nabuti na lamang at naitukod ko ang dalawang kamay. Naramdaman ko ang magsakit ng isang palad ko at nakita ko na nagasgas ako.  "Ano bang problema mo? Umiiwas na nga ako sa iyo. Ayoko ng away kaya pwedi ba, lubayan na ninyo ako." Nagsimula na akong lumakad palayo. Muli kung tiningnan ang sugat sa palad ko. Medyo mahapdi ito.  "Hannah."  Napalingon ako at si Bryan iyon.  Gumanti lamang ako ng ngiti sa kanya nang makalapit na siya sa akin.  Napansin niya na hinahawakan ko ang palad ko, hinawakan niya iyon at tiningnan. "Napano ito? Tara punta tayo ng clinic." "Wag na, gasgas lang iyan. Malayo sa bituka." Ngunit parang hindi niya ako narinig at hinila ako papuntang clinic. Nilagyan niya ng gamot ang sugat ko. Medyo mahapdi iyon. "Anong nangyari dito?" "Na out of balanse lang ako tapos nagasgas." "What? Sumumpong ba ang sakit mo?" "Okay lang ako." yun lang ang sabi ko.  "Stress ka ba? Don't tell me may ginawa na naman iyang ai Sarah sa iyo." Naging tahimik lang ako. Ayoko na sin ksing pag-usapan ang tungkol doon.  "Ayos lang talaga ako, Bry. Salamat." "Hannah, kung hindi ka lalaban, lagi nilang gagawin iyan sa iyo. Ako ang bahala sa babaeng iyan." "Wag na, Bry. Ayoko ng gulo. Chaka isa pa ako lang mapapasa sa paningin ni Dice." "So sinabi mo na ang tungkol sa nakita mo sa Mall?" "Oo, pero as expected, hindi niya ako pinaniwalaan. Mas naniwala siya sa kasinungalingan ni Sarah." "Edi sasamahan kita. Ako ang magpapatunay na totoo ang sinasabi mo." Kahit papaano ay nawala ang inis ko. Mabait naman pala si Bryan. Masaya ako dahil nandiyan siya para sa akin.  "Thank you sa lahat, Bry. Pero wag na ayos lang ako." Papunta kami ni Bryan sa canteen nang makasalubong namin si Sarah. Hindi niya kasama si Dice.  Nagulat ako nang bigla siyang lapitan ni Bryan at hinawakan sa braso si Sarah.  "Bitawan mo nga ako, ano ba." galit na sabi ni Sarah. Magtatangka sana akong pigilan si Bryan nang bigla na lamang nanikip ang dibdib ko. Halos hinahabol ko ang hininga ko.  "Tigilan mo na si Hannah. Kung hindi ka lang babae, kanina pa kita sinaktan. Kaya uulitin ko tigilan mo na si Hannah." "Bitawan mo ang girlfriend ko!" napatingin ako sa dako ng boses na iyon. It was Dice at galit ito. Inalis niya ang pagkakahawak ni Bryan kay Sarah at tatangkahin niya itong suntukin ngunit naglakas loob akong lumapit sa kanila para pigilan si Dice sa gagawin niya.  "Tama na, Dice."sabi ko. "Tumigil ka na din Bry." "Bakit mo sinasaktan si Sarah? tanong niya kay Bryan. "At ikaw naman, Hannah, hinahayaan mo lang siya sa ginagawa niya? Ano inutusan mo ba itong si Bryan na gantihan si Sarah?"  Halos maiyak ako sa sinabi niyang iyon? Ano ito? Parang lumalabas na ako pa itong mali.  "Walang alam dito si Hannah. Yang girlfriend mo ang pagsabihan mo." "Wag kang magkealam dito, si Hannah ang kausap ko." "Please, Bry umalis ka na muna. Marami ng estudyanteng nakatingin e." "Dice, mag-usap tayo. At ito na din ang huling beses na mag-uusap tayo."  Halos maiyak ako sa sinabi ko.  Pumayag naman ito na mag-usap kaming dalawa lang.  "Una sa lahat, sorry at ako na din ang magsosorry kay Sarah sa ginawa ni Bryan." Halos matawa pa ito sa sinabi ko.  "Bakit ka nagsosorry sa ginawa ni Bryan? So inaamin mo na ginusto mo din na saktan niya si Sarah?" "Ano bang pinagsasasabi mo? Nabigla din ako sa ginawa niya." "Bakit hindi mo sila pinigilan? Ang sabihin mo gusto mo din na ganun nga ang gawin niya." "Bakit ba kamping-kampi ka kay Sarah? Hindi mo pa siya lubusang kilala. Bakit kapag naaagrabyado si Sarah, todo mo siyang ipagtanggol, samntalang yung mga ginagawa niya ay hindi mo naman alam." "Hindi mo kilala si Sarah. Mabait siya at hindi niya magagawa ang mga sinasabi mo." "Bakit ako hindi mo ba ako kilala? Matagal na tayong magkilala Dice, e siya? Ilang linggo pa lang kaya wag mong sabihin na talagang kilala mo siya dahil hindi. Alam mo ba sobrang sakit sa akin na mas pinapanigan mo siya kesa sa akin. E best friend mo lang naman kasi ako e. Lahat ng mga efforts ko ay balewala lang sa iyo. Of all people, ikaw ang mas nakakakilala sa akin at alam mo na hindi ako magsisinungaling sa iyo. Sinasabi ko lang sa iyo ito dahil mahalaga ka sa akin. Nung makita ko si Sarah na may kasamang ibang lalaki nasaktan ako para sa iyo. Dahil ayoko na niloloko ang bestfriend ko. Pero at the end, ako pa pala ang magiging masama. Bakit mahal mo na ba talaga si Sarah? Paano kung sabihin ko sa iyo na hindi mo siya deserve? Iiwan mo ba siya?" Halos hindi makasagot si Dice. Katulad ko ay umiiyak na din ito.  "Hindi si Sarah ang gugustuhin ko sa bestfriend ko. Tuwing may ipapakilala ka sa akin naliligawan mo, tango lamabg ako ng tango diba? Pero just this once magsasalita ako. Wag na si Sarah. Iba nalang. Tsaka ang akala ko matalino ka, pero bakit ang tanga mo? Di ba 20-20 ang vision ng mga mata mo? Pero bakit nakapikit ka pag kasama mo si Sarah? Kung bubuksan mo lang iyang mga mata mo makikita mo na may isang taong tunay na nagmamahal sa iyo. Kaso hindi e." "Hannah.." "Ang sabi ko sa sarili ko hinding-hindi darating ang araw na ito, na dadalhin ko ito sa hukay hanggang sa mamatay ako. Naalala mo iyong pinanood natin na pelikula non? Ang akala ko ay sa mga istorya lang sa palabas nangyayari ang mga ganun, pero hindi pala kasi kahit sa totoong buhay ay nangyayari iyon." "What do you mean?"  "Matagal na kitang gusto, Dice. Kaso manhid ka. Ay hindi pala. Baka dama mo kaso hanggang kaibigan lang ako. Napakatanga ko kasi minahal kita. Kaya aaminin ko, nasasaktan ako tuwing may kasama kang ibang babae. Pero anong magagawa ko? E hanggang bestfriend lang ako e. Ngayong alam mo na . Wala na akong mukhang maihaharap pa sa iyo. Sana maging masaya ka. Siguro hanggang dito nalang talaga ang friendship natin. Paalam, Dice."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD