Dice' POV
Matapos ang pagtatalo namin sa sinehan ni Hannah, ewan ko ba bakit bigla ko na lamang siyang iniwasan. Ang totoo ay nahihiya akong lapitan siya dahi alam ko naman na may kasalanan ako sa kanya. Hindi ko dapat siya pinagsabihan. Bigla din kasi akong nainis dahil pinayagan na nga niya ang lalaking iyon na manligaw sa kanya. Ewan ko ba pero naiinis ako tuwing nakikita ko silang magkasama. Kaya mas pinili ko na lamang na wag na muna siyang lapitan.
Ilang araw din kami hindi nag-uusap at nagkakasama ni Hannah at inaamin ko na sobrang namimiss ko na ang bonding naming dalawa. Ilang beses ko siyang tangkahing lapitan pero pinanghihinaan ako ng loob. Kahit kasi lagi kong kasama si Sarah ay pakiramdam ko ay may kulang pa din sa araw ko. Dahil hindi ko nakakasama ang kaisa-isang bestfriend ko.
Nung isang araw nakita ko siyang kumakain mag-isa. Nalungkot ako dahil wala man siyang kasabay. Kasama ko nun si Sarah.
"Let's go na babe." sabi sa akin ni Sarah.
"Pero si Hannah, wala siyang kasama."
"Baka puntahan din iyan ni Bryan. Chaka may training ka pa. Tara na sa gym."
Wala na akong nagawa kundi sumunod na lamang kay Sarah. Tama nga. Baka puntahan din siya ni Bryan dahil nililigawan niya ito.
Si Sarah ang pinakamatagal kong naging girlfriend. Pero sa totoo lang wala akong nakikitang espesyal sa kanya. Haba kasing tumatagal kaming dalawa ay unti-unti na akong nawawalan ng gana. Dati naman ay kapag ganito ang nararamdaman ko ay kaagad na akong nakikipagbreak pero hindi sa kanya. Ewan ko ba kung anong pumipigil sa akin.
Nung minsang pumunta sa amin si Sarah ay umiiyak ito. Naikwento niya sa akin ang tungkol sa ginawa sa kanya ni Hannah. Syempre hindi ako kaagad naniwala dahil kilala ko siya at hindi niya magagawa iyon kay Sarah. Hanggang sa ipinakita niya sa akin ang naging sugat niya.
"Babe look. Heto yung sugat ko nung bigla niya akong itulak."
"Sigurado ka ba na siya ang tumulak sa iyo? Kilala ko si Hannah at hindi niya kayang manakit ng basta basta lang."
"Kinakausap ko lang naman siya. Tapos nagalit siya bigla sa akin. Ang sabi niya dahil daw sa akin ay nawalan ka na ng oras sa kanya. Wala akong ginagawa, basta bigla na lamang niya akong tinulak."
"Paano ba kasi iyan nagsimula?" tanong ko sa kanya.
"Kumakain kami ng pinsan kong lalaki. Ang akala niya ay may iba ako. Nagalit siya sa akin."
"Hayaan mo, kakausapin ko siya."
"Wag na baka baliktarin niya lang ang kwento."
"Hindi ganyan si Hannah."
Sandali kunin ko lang ang medicine kit at gagamutin natin yang sugat mo.
Nilagyan ko ng gamot at band aid ang kanyang mga sugat.
"Ayan okay na. Balik ko lang itong medicine kit sa loob, tapos kukuha ako ng miryenda."
"Okay babe. "
Nagtimpla ako ng juice at gumawa ng sandwich. Habang palabas ako para balikan si Sarah ay may naririnig ako na nagtatalo. Kilala ko ang boses na iyon, si Hannah iyon.
Paglabas ko ay kaagad ko silang nakita. Nakatayo si Hannah samantalang nakaupo naman sa bba si Sarah habang sapo ang kanyang kaliwang pisngi nakita ko din na parang umiiyak ito. Tila nahulaan ko ang nangyari. Sinampal ni Hannah si Sarah. Halos hindi ako makapaniwala dahil alam ko na hindi iyon magagawa ni Hannah.
Hinawakan ko siya ng mahigpit sa kanyang magkabilang braso. Alam ko masakit iyon at nasasaktan siya Iyon din ang unang beses na nasaktan ko siya . Ang dami ko ding nasabi na masasakit na salita sa kanya. Ewan ko kung bakit ko nasabi sa kanya ang lahat ng iyon.
Nagwalkout siya. Kaagad naman ako naimasmasan at hinabol ko siya para magsorry. Ayokong magkagalit kaming dalawa. Ayokong nagagalit sa akin ang kaibigan ko.
Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi niya sa akin nung hinabol ko siya. Ramdam ko na may lihim siyang tampo sa akin. At inaamin ko naman iyon.
"Hannah." tawag ko sa kanya.
"Im sorry. Oo inaamin ko may pagkakamali din ako dahil nawalan na ako ng oras sa kaibigan ko. Sorry kung laging si Sarah nalang ang kasama ko. Pero sana naman magbati na kayo ni Sarah. Pareho kayong mahalaga sa akin." sabi ko sa kanya.
"Dice, hindi ako nakikipag-away sa kanya. Siya naman talaga ang nauna e. Saka may hindi kapa alam tungkol sa kanya."
"Ano?"
"Nung nasa Mall kami, nakita ko siya na may kasama siyang ibang lalaki."
"Sinabi na niya sa akin iyon."
"Alam mo na? Kung ganoon bakit hindi ka pa nakikipaghiwalay sa kanya?"
"Sinabi na niya sa akin na pinsan niya lang ang lalaking iyon."
"Naniwala ka naman?"
Tahimik lang si Dice at hindi sumagot.
"So mas paniniwalaan mo siya kaysa sa akin?"
"Galit ka ba kay Sarah?" tanong niya sa akin.
"Hindi. Bakit naman ako magagalit sa kanya? Di ba sabi ko naman sa iyo, kahit araw-araw ka pang may ipakilala sa akin na girlfriend mo, susuportahan kita. Pero sana naman minsan, alamin mo din kung anong pakiramdam ko. Lagi nalang kasi akong nababalewala kapag may kasama ka ng iba. Pero okay lang. Ganun naman talaga diba? I'm just your friend na kasama mo kapag may kailangan ka. Pero ni minsan wala kang narinig sa akin. Sana man lang nandiyan ka din kapag kailangan kita. "
Ang mga huling sinabi niya ang kumurot ng labis sa puso ko. Tama siya. Tuwing kailangan ko siya ay lagi siyang nasa tabi ko. Tuwing malungkot ako ay pinapasaya niya ako. Tuwing may problema ako ay lagi din siyang nandiyan para makinig sa akin. Pero siya, never akong nndiyan para sa kanya. Wala din naman siyang sinasabi kung may problema siya. Dapat pala ay lagi ako nandiyan para sa kanya para kahit hindi niya banggitin na may problema siya ay alam ko na.
Galit ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay makasarili ako dahil sarili ko lamang ang iniisip ko, nakalimutan ko na ang best friend ko. Gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong bumalik kung anong meron sa aming dalawa. Ayoko din na magkagalit kami ng matagal. Hindi ako sanay. Pinapangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya babalewalahin. Hindi porket may gf ako ay kakalimutan ko ng pakisamahan siya.
Nung nasa school na ako. Kaagad kong hinanap si Hannah. Lunch break na iyon at hinanap ko siya kaagad sa canteen. Nang makita ko siya kasama niya si Bryan. Nakaramdam na naman ako ng inis. Ewan ko ba bkit ang bigat ng pakiramdam ko sa lalaking iyon. Mas lalo pa akong nainis dahil masaya sila na magkasama. Naisip ko tuloy mukhang masaya na si Hannah kahit wala na ako, kahit hindi na ako ang kasama niya.
Ewan ko bakit ganito ang nararamdaman ko. Biglang lumungkot ang puso ko. Hindi naman ako dating ganito. Parang nakaramdam ako ng selos ng mga oras na iyon. Gusto ko ako lang ang kasama ni Hannah, ako lang wala ng iba.