Dice' POV
Halos hindi ako makapaniwala nang biglang pumasok sa kusina si Sab akay ang isang babae. Nakaupo na non kami sa hapagkainan para sa aming family dinner nang mabanggit din ni Gab na may hinihintay pa daw kami na isang bisita. Nagtanong pa nga ako kung sino ang bisitang hihintayin namin pero wala namang siyang nabanggit.
"Hintayin nalang po natin siya, sigurado pong magugulat kayo, kapag nakita ninyo siya." sabi ni Gab.
Puno ng kuryosidad ang pag-iisip ko. Sino kaya ang tinutukoy ni Gab? Inaabangan siya ni Xander sa labas.
Kilala ko kaya yon? Wala naman akong maisip kung sino. Ang naiisip ko lang naman ay ang pamilya ni Gab sa side ng dad niya. Pero ang alam ko ay hindi pa sila muling nagkakausap.
Ngayon ay narito na kaming lahat kasama ang sinasabi nila na hinihintay naming bisita. It was Hannah, my best friend. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya sa harapan niya. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Mas lalong hindi pa ako makapaniwala nung nalaman ko na siya pala ang tumulong sa anak ko kahapon sa Mall. Bigla ko tuloy naisip na baka nakilala na ako ni Hannah nung araw na iyon at umiwas lang siya sa akin. Bigla akong nainis. Lalo pa na matagal na pala silang nagkita ni Xander at hindi man lang nagparamdam sa akin e samantalang ako yung mas close niya dahil ako ang kaibigan niya.
Halos nakikinig lang ako sa usapan nila. Siya pala ang gumawa sa wedding dress ni Gab. Pero bakit nung nagpasukat ako ay wala naman siya doon. So ano, iniiwasan niya ba ako? Bakit? Anong dahilan? Muli ay nakaramdam ako ng inis. Kung sabagay, ang tagal na naming hindi nagkikita at madami na ding nangyari. Hindi na din kami tulad ng dati, marami na ding nagbago.
Natapos ang dinner namin na hindi pa nagkakausap. Ewan ko, pero wala na din naman akong balak na kausapin siya. Bakit ba? Eh mukhang mas close na sila ng kapatid kong si Xander kaysa sa akin. Chaka ano pa nga bang pag-uusapan namin?
Sa totoo lang ay sandali na siyang nawala sa isipan ko. Hindi din kasi maayos ang paghihiwalay naming dalawang magkaibigan dahil bigla siyang nawala at umalis nang hindi man lang nagpapaalam. Nagtatampo din kasi sa kanya dahil marami siyang inilihim sa akin. Ang akala ko ay kaibigan ko siya pero marami siyang hindi sinasabi. Una, nagkagusto siya sa akin tapos yung tungkol sa sakit niya. Ni hindi man lang niya sinabi na may malala pala siyang sakit. Edi sana naalagaan ko man siya kung ganon.
Pasado alas nueve na ng gabi at alam ko na hindi pa nakakaalis si Hannah. Nasa kabilang kwarto lang ito kasama si Xander at Gab. Ni hindi nga nila ako tinawag e. Dinig ko pa ang tawanan nilang tatlo. Nagkulong lang ako sa kwarto kasama si Sab.
"Daddy, bakit hindi niyo po kinausap si tita ganda. Akala ko po magpapasalamat tayo sa kanya?" biglang tanong sa akin ng anak ko.
"Kinakausap pa siya nina tita at tito mo. Sa susunod nalang siguro. Matulog ka na oras na."
"Okay po, good night."
Ilang minuto lang ay nakatulog na ang anak ko. Naisipan ko ding magshower muna bago matulog.
Ilang sandali lang ay nahiga na din ako pagkatapos magshower. Balak ko na ding matulog kesa naman sa mag-isip pa ako ng kung ano-ano.
Nakapikit na ako pero gising pa din ang diwa ko. Si Hannah ang iniisip ko. Ewan ko ba bakit bigla nanaman siyang sumagi sa isipan ko. Naalala ko yung araw na magtapat siya ng pagmamahal sa akin.
May narinig akong kumatok sa pinto. Bumagon naman ako kaagad para buksan iyon. Si Xander iyon.
"May kailangan ka?" tanong ko sa kanya.
"Pwedi ba akong maghingi ng favor?"
"Ano iyon?"
"Maaari mo bang ihatid si ate Hannah? Para makausap mo din siya."
"Bakit pa? Wala naman akong sasabihin pa sa kanya."
"Sige na. Ihatid mo na."
Wala na akong nagawa kundi ang ihatid na lamang siya. Wala naman sigurong masama, chaka isa pa, may pinagsamahan pa rin naman kaming dalawa.
Kapwa na kami nasa sasakyan. Nagtanong lang ako kung saan siya nakatira. Pagkatapos non ay wala ng nagsalita pa sa aming dalawa.
Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya. Mabuti na lamang ay nakatanaw ito sa labas ng bintana kaya hindi niya ako napapansin na nakatitig sa kanya. Inaamin ko, mas lalo siyang gumanda ngayon. Hindi ko nga alam kung may asawa na kaya ito o boyfriend man lang.
"Kumusta kana, Dice?" Halos lumundang ang puso ko nung nagsalita ito.
"Ayus lang." Matipid kong sabi na hindi man lang siya nililingon.
"Mabuti naman kung ganon." sagot niya sa akin.
Hindi na ako sumagot pa sa kanya. Wala din naman akong maisasagot sa sinabi niya. Nagfocus na lamang ako sa pagdidrive hanggang sa marating namin ang bahay niya.
"Salamat sa paghatid, good night." sabi niya sa akin bago tuluyang bumaba.
Bigla tuloy akong naguilty sa inasal ko kanina. Baka isipin niya ay masungit ako. Pero ano nga bang sasabihin ko sa kanya? Wala na. Pakiramdam ko nga, we're strangers. Ayoko ng mag-isip pa ng tungkol sa kanya.
Chaka siya din nagsabi noon na friendship over na kami. Kaya wala ng dahilan para magbonding pa kami ulit.
Halos hindi na ako dalawin ng antok nang gabing iyon. Bakit naaalala ko nanaman si Hannah? Hindi na dapat, dahil wala ng dahilan pa. Pero ewan ko ba bakit bigla na namang sumagi sa isip ko ang mga memories naming dalawa nung mga bata pa kami. Ang dami naming mga masasayang memories noon, sayang lang at hanggang memories na lamang ang lahat ng iyon.
Habang inaalala ko ang mga memories naming dalawa, bigla ko na lamang napapansin na ngumingiti ako mag-isa. Baliw na yata ako.
Pero may parte sa isip ko na dapat ko na siyang iwasan. Wala ng dahilan para ipagpatuloy pa namin ang pagkakaibigan namin. Para saan pa? Siya ang biglang nang-iwan sa akin. Tapos nung maisip ko na iniiwasan niyang magkrus ang mga landas namin ay mas lalo akong nainis sa kanya. Edi kung ayaw niya akong makita, edi wag. Di ko din naman kawalan iyon.
Basta ang mahalaga na lamang sa akin ay ang anak ko at ang trabaho ko. Ayoko na munang pagtuunan ng pansin ang ibang mga bagay.