"Ikaw na ba iyan, hija?" tanong sa akin ni Tita Alona. Nasa hapagkainan na kami at masasabi ko talagang awkward ang entrance mo girl. Ewan ko ba bat kasi nagpahila la ako dito sa anak ni Dice. Mabuti na lamang at cute siya at hindi na ako nainis sa kanya.
"Opo, tita. Mabuti naman po at kilala niyo pa ako." sagot ko sa kanya.
"Oo naman. Paano ko makakalimutan ang bibong batang tulad mo. Chaka kaibigan ka nitong si Alejandro kaya hindi kita makakalimutan. Muntik lang kitang hindi nakilala dahil ang laki na ng pinagbago mo. Mas lalo ka gumanda ngayon."
Halos mamula pa ako sa sinabi niya. Hindi na ako ganon kailang sa kanila. Tanging kay Dice na lamang talaga. Ni hindi nga ito kumikibo simula kanina.
"Naku, hindi naman po."
"Si kumusta ka na? Mabuti ay nakita ka nitong si Xander.?
"Actually po. Ako po ang gumawa sa wedding gown ni Gab."
"Talaga? Ang tagal mo na pala nakilala itong si Xander, bat hindi ka man lang bumisita dito sa bahay."
"Busy po ako tita e. Actually ngayon ay balak ko lang din ihatid yung wedding gown ni Gab tapos inalok na ako nitong dalawa, kaya pumayag na ako kahit nahihiya ako."
"Wag kang mahiya hija. Welcome na welcome ka dito. Diba Alejandro? Bakit kanina ka pa tahimik dyan? Dati-dati panay ang asar mo ditong kay Hannah tapos ngayon ay wala ka man lang kibo diyan."
Tinitigan ko si Dice. Napatingin din ito sa akin. Halos dalawin ako ng kaba ng mga oras na iyon. Ewan ko ba bakit hindi ako komportable sa presensiya niya.
"Hi. Hannah. Nice to see you."
Iyon lang? Wow ah. Ang tagal naming nagkita iyon lang ang sasabihin niya? Bigla tuloy akong nainis sa kanya.
"Teka lang, kilala mo ba si Sab?" tukoy nito sa anak ni Dice. Sab pala pangalan niya.
"Opo, lola, kilala ko po si Miss Ganda." sabat naman ng bata.
"Paano mo siya nakilala?" kuryosidad nitong tanong.
"Kahapon po ay pumunta kami sa Mall ni daddy, tapos bigla po akong nawala. Siya po tumulong sa akin para mahanap si daddy."
"Talaga? So nagkita na pala kayo?" sabat naman nitong si Xander na may halos pang-aasar ang tono ng pananalita.
"Hindi e." tugon ko.
"Pwedi po ba, mamaya na natin pag-usapan iyan. Nasa harap po tayo ng pagkain " may halos inis na sabi no Dice.
Wala ng muli pang nagsalita. Lahat kami ay kumakain lang na tahimik.
Kahit nakayuko ako at kumakain ay ramdam ko na nakatingin sa akin si Dice. Hindi ko nga alam kung gagalaw ba ako sa kinauupuan ko, dahil pakiramdam ko ay bawat kilos ko ay nakatingin siya. Halos pagpawisan din ako ng maapot nag hindi ko maintindihan.
Bakit parang bigla itong naging masungit. Daig pa ang menopause.
Natapos na kaming maghapunan at pinakita ko naman ang natapos ko ng dinesenyo na gown. Sa totoo lang ay dapat bukas ko pa ito ihahatid ang kaso lang ay nakakahiyang pumunta dito ng wala man lang dahilan. Atleast di nakakahiya na pumarito ako sa family dinner nila.
"Wow, ang bongga naman nitong gown na ito, Hannah. Bagay kaya sa akin ito?"
"Oo naman. Sa ganda mong iyan. Bagay na bagay sa iyo iyan." sagot ko naman.
"Basta wag mo munang isuot ah. Alam mo na." nagtawanan lang kaming dalawa. Naging magaan na talaga ang loob ko kay Gab. Napakabait din kasi niya sa akin.
"Naku, kahit isuot niya iyabg gown na iyan, tuloy na tuloy ang kasal namin Ginayuma nakaya ako niyang si Gab, kaya wala na akong kawala." sabat naman nitong si Alexander.
"Ang kapal mo ah, baka ikaw itong ginayuma ako no. Patay na patay ka kaya sa akon simula nung elementarya tayo."
Halos mapawow naman ako sa narinig ko. So, childhood sweethearts pala iyong dalawang ito.
"Matagal na pala kayong magkakilala ni Alexander?" Pagsisigurado ko.
"Oo, Hannah. Magkaklase kaming dalawa ni Xander. Nagkahiwalay kami non nung umalis sila papuntang States. Pero nagkita kami ulit, tapos dun na."
"Kakainggit naman pala iyang love story ninyo." tugon ko sa kanila.
"Malay mo, ganun din ang love story ninyo ni kuya Dice." tugon ni Alexander.
"Tigilan niyo nga ako dyan. Kita niyo naman ang sungit niya nung makita niya ako, chaka hanggang magkaibigan lang kami ni Dice. Hanggang dun lang ok. Kaya wag niyo kaming ipilit na dalawa."
"Weh? Parang hindi naman." birong tugon ni Xander.
Ang totoo niyan matagal ng alam ni Alexander na may gusto ako sa kuya niya. Simula ng mga bata pa kami. Ganun na katagal. Paano ba naman ay nahuli niya ako na gumagawa ng diary para sa kapatid niya.
Flashback...
"Ano iyan ate Hannah?"
Halos magulat ako dahil bigla na lamang siyang sumulpot kung saan. Kasalukuyan akong sumusulat sa aking diary. Sinusulat ko doon yung first time naming maligo sa ulan ni Dice. Isa kasi iyon sa mga masayang memories namin ni Dice na ayaw kong makalimutan.
"Wala, gumagawa ako ng assignment ko." pagtatanggi ko sa kanya.
"Kahit bata pa po akong marunong na akong magbasa. Bakit nabasa ko na pangalan ni kuya Dice? Tapos sinabi mo ang gwapo-gwapo niya. May crush ka kay kuya no? Susumbong kita."
Halos naaligaga ako ng mga oras na iyon. Hindi pweding malaman ni Dice ang tungkol sa pagkagusto ko sa kanya. Mabuti na lamang at matalino ako at naiisip ko yung minsan na nasira niya yung paboritong skateboard ni Dice. Tinago niya iyon sa bodega para hindi niya makita at isipin na nawawala lang ito.
"Wag mong sasabihin na crush ko ang kuya mo. Sige ka. Sasabihin ko na sinira mo talaga yung skateboard niya at itinago sa bodega."
Para naman naging effective ang sinabi kong iyon.
"Hindi ko sasabihin sa kanya ang ginawa mo basta wag mong sabihin na may gusto ako sa kanya ah?".
End of flashback...
"Matagal ng nawala ang pagtingin ko sa kuya mo no. Chaka bata pa kami non. Marami ng nangyari. Lahat ng iyon ay naglaho na sa sobrang tagal na ng panahon ang nakalipas. Kaya wag mo na siyang ipares sa akin ah?"
"Okay sabi mo. Pero si kuya, single at ready to mingle yan." pabirong sabi pa niya.
"Nasaan ang ina ni Sab?" kuryosidad kong tanong. Marahil ay naghiwalay lang sila, at may posibilidad pa rin na magkabalikan sila dahil may anak sila.
Bigla akong nalungkot. Posible namang mangyari iyon di ba? Kaya dapat ko ng tanggapin na never magiging kami ni Dice. Noon nga halos abot kamay ko lang siya, pero hindi niya ako gusto ngayon pa kaya na halos hindi na kami magkakilala?