Two months ago...
"Ma'am meron po tayong bagong client na magpapagawa ng wedding dress." kasalukuyan akong nasa office at gumagawa ng mga bagong design na gowns. Tuwing summer talaga at bakasyon ay doon kami madaming kliyente na gustong magpagawa ng kanilang dream wedding gown at suit.
"Sige, lalabas na ako." sagot ko naman sa secretarya ko.
Paglabas ko ay kaagad kong nakita ang sinasabi niyang kliyente. At nagulat pa ako dahil nakilala ko ang lalaki. Si Xander iyon, pero ibang babae na ang kasama niya. Naguluhan tuloy ako. Ano ito? Five years ago ay nndito din siya at nagpagawa din wedding gown pero hindi ito ang babaeng bride niya. Pangalawang asawa na ba niya ito?
Ngumiti sa akin si Xander at gumanti din naman ako ng ngiti.
"Hello ate Hannah." sabi niya sa akin.
"Hi." tipid ko lang sabi.
"Magkakilala kayo?" yung babae na ang nagtanong. Sa totoo lang ay ang ganda ng babaeng ito, mas maganda sa nauna niyang dalhin. Naisip ko tuloy na nafall out of love siya sa nauna at nainlove dito sa pangalawa dahil sa taglay nitong ganda.
"Oo, love. Kaibigan siya ni kuya Dice."
"Really? Bakit hindi ka pinapakilala ni kuya Dice." Tanong nung babae.
"Ahhh----
Bago pa ako makasagot ay si Alexander na ang sumagot.
"Hindi pa yata sila nagkikila, right ate?"
Matipid lang ako tumango. Naku naman bakit napasok na naman si Dice sa usapan.
"By the way, is this your future wife?" pag-iiba ko ng istorya.
"Yes ate. My one and only bride." sagot ni Alexander. "I know nagtataka ka, pero hindi natuloy ang kasal namin ni Sandra. Mahabang kwento, saka ko na kukwento kapag nadalaw ka sa bahay." Sabi pa niya.
"Love, siya din kasi ang gumawa sa wedding gown ni Sandra kaso hindi naman naisuot dahil hindi naman kami naikasal."
"Ganun ba? Chaka mukhang magaganda naman po mga gawa niyo kasi tumitingin tingin ako sa mga nakadisplay. Excited na po ako sa gagawin niyong wedding dress sa akin."
"May mga sample designs ako, kung may magustuhan ka, iyon ang gagawin batin. Sa ngayon ay susukatin ko muna kayo."
Halos katatapos ko lamang silang sukatin dalawa. At nakikita ko at nararamdaman ko kung gaano kamahat ni Alexander ang magiging asawa niya. Hindi ko kasi iyon makikita sa unang babaeng kasama niya dito.
"Ang tagal na pala nito no? Five years ago, nung una akong nakapunta dito. Ang akala ko ay wala kana, ate. Pero buti na lamang ay nandito kapa."
"Oo, heto na kasi ang naging business ko simula nung umalis na kami sa Amerika at pinili ng manatili dito sa Pilipinas."
"Hindi pa kayo nagkikita ni kuya?" kuryosidad niyang tanong sa akin.
"Hmmm. Kung may dadalhin siyang future-to-be-wife na magpapagawa din ng wedding dress ay baka magkita na kami, diba?" halos pabiro ko namang sabi.
"Naku, malabo iyan, ate. Wala na yatang amor ang mga babae sa kanya e. Kung guato mong dumalaw sa amin, sigurado magkikita kayo. Chaka sa kasal namin, dapat ay nandoon ka din."
Sa sinabi niya ay napagtanto ko na wala pa palang asawa si Dice. So what? Umaasa ka pa ba, Hannah. Eh mukhang kinalimutan ka na nga niya e. Wag ka ng umasa dahil masasaktan ka lang. Pero naisip ko. Paano kung magkita nga kaming muli? Ano ang gagawin ko? Aasta ba ako na tulad ng dati at iisipin na magkaibigan pa rin kami? Pero tuwing naaalala ko ang mga panahon na napahayag ako sa kanya ng pagmamahal ay parang nahihiya ako. Ewan ko lang kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya.
"Kung hindi ako busy, pupunta ako sa kasal ninyo."
"Hindi. Ke busy ka o hindi. Pupunta ka ate. Aasahan ka namin. Siyempre dapat present ang gumawa sa wedsing dress ng asawa ko, di ba love?"
"Oo nga ate. Chaka kung pwede nga punta ka sa family dinner namin before the wedding. Hindi ka na din iba dahil matagal mo na palang kaibigan ang dalawang magkapatid. Chaka para makita mo na ulit si kuya Dice."
"Oh ayan ate. Ang asawa ko na mismo nag-aya sa iyo. Kaya bawal ka tumanggi."
"Oo na." Yun na lamang ang naisagot ko. Mabait din naman si Gab, ang future wife bi Alexander. Sa sandali kasi na pagsasama namin ay naging komportable na kaagad ako sa kanya. Dami din niya kwento sa akin tungkol sa dalawang magkapatid. Napag-alaman ko din na kapatid din pala niya si Dice. So, pareho niyang half siblings si Alexander at si Gab.
Bukod doon ay may anak na din pala silang dalawa na halos limang taon na. Nagkahiwalay lang daw sila noon sa dami ng problema. Sa kwento ng pag-iibigan nila ay namangha ako. Ang dami din pala nilang pinagdaanan bago nila narating ang kasalan. Ilang taon din pala ang lumipas bago sila tuluyang nagkasama. Nainggit tuloy ako sa love story nila. Sana ay mahanap ko din ang tamang tao para sa akin. Sana mahanap ko din ang taong kukumpleto sa buhay ko.
***
Sa totoo lang ay matagal na sanang nagkrus ang landas naming dalawa ni Dice. Siya kasi ang best man sa kasal ng kapatid niya at nagpasukat siya. Siyempre nagdahilan ako na wala ako nung araw na iyon kaya ang mga kasamaan ko ang kumuha ng sukat nila. Ewan ko ba bakit ko iyon ginagawa, hanggang kailan ko kaya siya kayang iwasan. Hanggang kailan ko maiiwasan ang pagkikita naming dalawa? At maiiwadan ko bang talaga? Ang sagot. Hindi. Dahil two days before the wedding, magkikita na kami. And this is the day. Gusto ko talagang magdahilan kina Alexander na may gagawin ako, kaso ay hindi sila naniwala. Kaya heto ako ngayon, kimakabahan. Hindi ko alam kunh anong gagawin ko sa sandaling magkrus na muli ang buhay naming dalawa.
Pinasundo ako ni Xander sa driver nila. Hindi ko din kasi alam ang bahay nila.
Sa bahay lang nila gaganapin ang dinner. Naiilang talaga ako dahil family dinner ito. And I don't think kung kabilang ba ako sa pamilya nila.
Si Xander ang sumalubong sa akin.
"Hannah. Let's go."
Halos mabigat ang bawat hakbang ko dahil hindi talaga mawala ang kaba ko.
Nakita ko ang dalawang batang babae sa may sala. Yung mas bata sa tingin ko ang anak ni Xander at Gab.
"Daddy, sino po siya?" lumapit sa amin ang anak niya, yung mas bata.
"Kaibigan namin siya ng mommy mo. Siya si tita Hannah mo."
"Hello, ang cute mo naman." sabi ko sa bata. "Anong pangalan mo?"
"Ako po si Alexa Gale."
"Wow. Ang ganda ng pangalan mo. I'm your tita Hannah. Nice to meet you."
"Ikaw--- ikaw po yung sa Mall di po ba?" halos maagaw ang atensyon namin nung lumapit ang isa pang batang babae. It was her. Ang anak ni Dice."
Napangiti lang ako sa kanya.
"You know tita Hannah?" sabat ni Alexa.
"Oo nga, Sab. Kilala mo siya?" tanong din ni Xander.
"Yes po. Nakita ko po siya sa Mall. Gusto ka pong makita ni daddy. Sabi ko na po magkikita tayong muli e."
Nabigla na lamang ako nung bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kusina.
Hindi ko alam pero bigla lang ako napasunod sa kanya.
Nang makarating kami sa kusina ay nakaramdam ako ng hiya dahil nandoon ang mom at dad ni Dice, nandon na din si Gab pati na si Dice.
"Daddy. Nandito na po siya."
Halos silang lahat ay napadako sa kinaroroonan naming dalawa ng anak ni Dice.
"Sino siya, anak?" si Dice ang nagsalita. Halos hindi ko din siya matingnan ng deretso.
"Siya po yung sa Mall. Siya po yung tumulong sa akin."