Episode 15

1084 Words
Dice' POV Tatlong araw bago ang kasal nina Xander at Gab ay naisipan kong ipasyal ang anak ko sa Mall. Balak ko ding bumili ng mga bago kong damit at pati na ang anak ko. Kasalukuyan kaming nasa depatment store at tumutingin ng gusto kong bilhin. May family dinner din kasi kami bukas ng gabi bago ang kasal nilang dalawa. Naging abala ako sa pagtingin-tingin sa mga damit nang napansin ko na lamang na wala na si Sab sa tabi ko. Bigla akong kinabahan.  "Sab, where are you?"  Naku. Hindi pa naman sanay dito si Sab, dahil halos kakabalik lang namin galing Canada. Nag-ikot-ikot sa malapit pero hindi ko na siya makita. Halos balot na ako ng kaba dahil baka nawawala na siya. Kaya napagdesisyonan ko na hanapin siya sa buong department store. Halos humingi pa ako ng tulong sa mga security guard para lang mahanap ang anak ko.  Ilang minuto din kaming naghanap hanggang sa nakita ko ang dalawang babaeng nakatalikod. Si Sab yung isa dahil kilala ko ang buhok at ang damit na suot niya, hawak siya sa kamay ng isang babae na sa tingin ko ay nasa 20s pa.  "Sab." sigaw ko at sabay silang humarap sa kinaroroonan ko. Naagaw ng atensyon ko ang babaeng iyon. Maganda ito kahit hindi ko gaanong makita ng malinaw ang mukha niya sa malayuan. Umalis siya sa pagkakahawak sa babaeng iyon ang anak ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan ko. Niyakap ko ng mahigpit si Sab. Sobrang natakot talaga ako dahil baka ano ng nangyari sa kanya. Naisip ko nga baka nakidnap na ito dahil na din sa dami ng masasamang tao sa panahon ngayon.  "Okay ka lang ba Sab? Saan ka ba pumunta? Ang akala ko ay nawala ka na." "Sorry po Daddy. May tiningnan lang po ako saglit sa di kalayuan, tapos pagbalik ko po wala na din po kayo. Natakot din po ako ang akala ko po ay iniwan na ninyo ako. Kanina ko pa po kayo hinahanap kasi lang ay hindi ko kayo makita. Mabuti na lamang po at nandiyan yung magandang babae at tinulungan ako para hanapin kayo." Muli kong naalala ang babaeng iyon. Pagtingin ko sa gawi niya ay nakita ko na ito na lumalakad palayo. "Miss." malakas kong sabi para madinig niya ako. Pero hindi siya lumingon. Baka hindi niya ako narinig. Dayang lang. Gusto ko sanang makapagpasalamat sa pagtulong niya sa anak ko, kaya lang umalis na ito kaagad.  "Sinabi ba niya ang pangalan niya?" tanong ko sa anak ko.  "Hindi man po daddy. Pero mabait po siya tapos maganda pa. Nung nakita po niya ako na halos umiiyak na dahil hindi ko po kayo makita, kaagad niya po akong nilapitan at tinanong. Tapos po kaagd niya po akong tinulungan." "Ang bait pala niya. Sana lang ay hindi siya kaagad umalis para naman makapagpasalamat tayo sa kanya." "Oo nga po. Sana po ay makita ko siya ulit." Muli naming itinuloy ang pagbili ng mga damit. Umaasa nga ako na baka bumalik muli dito yung babae para naman makita ko siya at mapasalamatan, kaya lang ay hindi na.  Nang gabi din ay hindi ako mapakali. Ewan ko ba bakit parang nanghihinayang ako na hindi ko nakilala yung babaeng iyon. Kahit ano talaga ang isip ko, pakiramdam ko ay nakita ko na siya. Pero hindi ko lang alam kung saan.  "Bakit ba Dice, wag mong sabihin nagustuhan mo yung babaeng iyon kahit sa malayuan mo lang bakit?" Iyon ang biglang sumagi sa isip ko. No. Hindi pwede. Nangako na ako sa sarili ko na ang pag-ibig na iyan ay isasangtabi ko na. Sa daminng nangyari sa buhay pag-ibig ko, lalong lalo na sa pagitan naming dalawa ni Gab, ewan ko lang kung kakayanin ko pa kung sa susunod ay masasaktan na naman ako.  Ipinangako ko kasi sa sarili ko na hindi na muna ako iibig pang muli. Mas pagtutuunan ko na muna ng pansin ang anak kong si Sab pati na ang trabaho ko sa company ni dad na soon ay pamamahalaan na ng kapatid kong si Xander. I think mas deserve niya iyon kaysa sa akin.  Mahirap magmove on. Pero kinaya ko. Inaamin ko, nung una ay sobrang naging miserable ang buhay ko nung magkahiwalay kaming dalawa ni Gab. Ganun siguro talaga kapag nagmamahal ka, laging kakambal non ang sakit. Kasi hindi naman laging masaya. Nung muli kaming magkita ni Gab ang akala ko ay pwedi na ulit kami, pero sa di inaasahang pangyayari, malalaman ko pa na kapatid ko pala siya. Sa totoo lang, gusto kong matawa dahil bakit ganito ang kapalaran naming dalawa? Pero habang tumatagal ay naiintindihan ko na ang lahat. Na may mga bagay talaga na kahit ipaglaban mo, kung hindi naman para sa iyo ay hindi mo makukuha. Unti-unti ay natanggap ko na kapatid ko si Gab. Mabuti na nga lang at walang nagbago sa pagsasamahan naming dalawa ni Gab. Tinatawag na niya akong kuya Dice. Suportado ko silang dalawa ni Xander sa relasyon nila at sa daratung nilang wedding day.  Habang tumatanda ako ay mas lalo kong narerealize na marami na palang nagbago sa pagkatao ko. Maybe because madami na akong napagdaanan. Naalala ko kasi nung kabataan ako, basta may magandang babae akong nakilala ay kaagad kong nililigawan, at dahil gwapo naman ako ay kaagad ko silang napapasagot. Nung bata ako ay hindi masakit at mahirap para sa akin ang pagiging broken hearted. Ako pa nga ang nakikipagbreak sa mga nakakarelasyon ko at hindi man masakit para sa akin.  Gusto kong ibalik ang mga panahon na iyon na laro-laro ang pag-ibig. Ngayon kasi ako ang nilalaro ng pag-ibig. Dati ay hindi ganun kahirap ang magmahal. Pero ngayon, halos gumuho ang mundo mo kapag nasaktan ka ng taong mahal mo.  Narealize ko din na dapat kong mahalin ko muna ang sarili ko bago ang iba. Kasi kapag ibinigay ko ang lahat lahat ng pagmamahal ko sa isang tao, nakadipende na sa kanya ang buhay ko. Kaya kailangan ko din gamitin ang utak ko bago ang puso.  Habang inaalala ko ang kabataan ko, ay saka sumagi sa isip ko ang isang babae na sobrang close ko non. Sandali siyang nawala sa isip ko pero tandang-tanda ko ang maamo niya mukha. Si Hannah Lasco. Ang bestfriend ko. Naalala ko din yung mga memories namin dati. Bakit ba nawala siya bigla sa isip ko. Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya? Bigla kong naalala yung araw na nagtapat siya sa akin na gusto niya ako. Manhid pa ako ng mga araw na iyon dahil hindi ko man lang naramdaman na may pagtingin na pala siya sa akin. Nasaan na kaya siya? Sana ay magkita kaming ulit na dalawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD