"Kailan ka ba mag-aasawa, anak, naku wala na sa kalendaryo yang edad mo. Ang tanda na amin ng papa mo, kailan mo kami bibigyan ng apo?"
Halos marindi na ako kay mama dahil paulit-ulit nalang ang tanong niya sa akin kung kailan ako mag-aasawa.
May point naman siya, I'm already 31 years old pero hanggang ngayon ay single pa din ako. Nagkaroon din naman ako ng mga boyfriends dati kaya lang ay hindi naman nagtatagal. Ganun talaga siguro kapag hindi sila ang tinadhana sa iyo.
Flashback...
Sixteen years ago noong nagpaheart transplant ako sa Amerika. It was successful. Nung una ay naninibago pa ang katawan ko dahil sa puso ko pero habang tumatagal ay nagiging okay na ako.
Halos sampung taon din ang inilagi namin sa Amerika. Dun ko na itinuloy ang pag-aaral ko. Mas okay na din nandito ako para makalimot na din ako, lalong-lalo na kay Dice. Ang akala ko sandaling magpalit na ako ng puso ay mawawala na ang pagmamahal ko sa kanya. Pero nagkamali ako dahil nawala man siya sa puso ko, nandito naman siya sa isip ko. Lahat ng memories namin ay nananatili sa akin. Pero lahat ng hirap ay nakayanan ko. Unti-unti ay nawawala na siya sa isip ko. Pero hindi ko masasabi na lubusan ko na siyang nakaklimutan. Ganu. siguro talaga pag first love mo.
Kahit papaano naman ay nakapagfocus ako sa sarili ko. Fashion designer na ako ngayon dito sa Amerika.
"Ma, paano ako mag-aasawa, e boyfriend wala nga ako." sagot ko nalang sa kanya.
"Yun na nga e. Paano ka magkakaboyfriend e ang pihikan mo. Yung mga nireto namin sa iyo ayaw mo naman."
"Ganun naman talaga ma, wala tayong magagawa kung ayaw ko sa kanila. Mas maigi pa na maging matandang dalaga kesa maikasal sa di ko naman gusto."
"Eh si Bryan, ayaw mo ba talaga sa kanya? Alam ko single pa din iyan hanggang ngayon."
Bigla kong naalala si Bry. Sobrang dami na din naming pinagsamahang dalawa. Mas lalo kami naging close. Madalas niya din kasi ako dalawin dito sa Amerika kahit na busy ito sa pagpapatakbo ng kanilang sariling negosyo.
Naalala ko kasi na muli itong magparamdam sa akin na gusto niya ulit akong ligawan.
"Siya pa din ba, Hannah?" Seryosong tanong niya sa akin na halatang hinihintay ang sagot ko.
"Sino?" patay malisya kong tugon.
"Si Dice. May gusto ka pa rin ba sa kanya?"
Tinitigan ko siya ng maigi. Kita ko na seryoso ang kanyang mukha.
"Ano ka ba. Ang tagal na nun, chaka bata pa tayo noon at hindi ko pa alam ang pinaggagawa ko." tawang tugon ko. Ewan ko kung kumbinsido siya sa sinabi ko.
"Kung ganon, maaari ba akong muling manligaw sa iyo?"
Hindi ako makasagot sa tanong niya. Sa totoo lang ay naging espesyal na sa akin si Bry kahit papaano. Ang laki din ksi ng tulong niya sa akin para makabangong muli. Pero ewan ko ba, hanggang kaobigan lang ang turing ko sa kanya. Dahil doon, muli akong nalungkot, ngayon ay naiintindihan ko na si Dice. Ganun pala kapag hanggang kaibigan lang ang turing mo sa isang tao, kahit gaano pa kadami at kaespesyal ang pagsasamahan ninyo, kung pangkaibigan lang siya, kaibigan lang siya.
"Kahit wag mo ng sagutin, Hannah. Basta lagi mo lang tandaan na lagi lang akong nandito para sa iyo."
"Thanks Bry. Sana makilala mo ang babaeng nararapat para sa iyo. At sigurado ako na hindi ako iyon.
Ngiti lang ang naitugon niya sa akin.
***
Limang taon na din kaming muling nanirahan sa Pilipinas. Dito na din kasi ako nagtatrabaho. Naalala ko pa nga nung bago-bago pa lamang ako sa Pilipinas. May nagpagawa sa akin na wedding dress. And to my surprise. It was Alexander, nakababatang kapatid ni Dice. Pakiramdam ko tuloy, lumalapit na muli ako sa buhay ni Dice dahil sa pagkikita naming dalawa ng kapatid niya. Natuwa naman ako dahil natatandaan pa niya ako. Naisip ko nga na baka nag-asawa na din ang kuya niya e. So what? Tsaka hindi din naman nakakapagtaka iyon dahil sa gwapo ni Dice, sigurado ako na maraming nagkakandarapa sa kanya. O baka nga nagkatuluyan pa sila ni Sarah. Ewan.
"Kumusta na ang kuya mo?" Hindi ko mapigilang magtanong. Curious din kasi ako kung ano na ang buhay niya ngayon.
"Ayun, busy sa anak niyang si Sab." sagot niya sa akin.
Inaamin ko, nakaramdam ako ng lungkot sa narinig ko. So may anak na pala siya, edi ibig sabihin may pamilya na siya.
"Pero wala siyang asawa." Dugtong nito.
Sandali ako napatitig sa kanya. Sa sinabi niyang iyon ay para akong muling nabuhayan ng loob. Pero bakit? Hangga ngayon ba ay aasa pa ako sa kanya?
"Ganun ba?" iyon lang ang naisagot ko sa kanya.
"Ikaw ba ate?
"Ang alin?"
"May asawa ka na ba?" halos namula pa ako sa tanong niya.
"Walang magkamali." Tawa kong tanong sa kanya.
"Bakit naman? Ang ganda mo kaya."
Sasagot pa sana ako kaso ay nakita ko ang future wife niya na mukhang naiinis sa akin, kaya gumanti n lamang ako ng ngiti kay Alexander.
Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon. Bigla kasi ay naisip ko nanaman si Dice. Naalala ko ang sinabi ni Alexander kanina na may anak ito. Naisip ko na baka naghiwalay lang sila nung babae at naiwan sa kanyang pangangalaga ang kanilang anak.
"Bakit kaya sila naghiwalay?"
Ewan ko kung bakit curious ako sa nangyari sa kanila nung nanay ng anak niya. Malamang ay magkakabalikan din iyon dahil may anak sila. Muli ay nalungkot ako.
"Ano bang kinalulungkot mo, Hannah?"
Dapat ay hindi ko na siya naiisip dahil wala ng dahilan. Matagal na ang nakalipas na panahon, madami na ding nangyari. Baka nga nakalimutan niya na din ako e. Halos dalawang dekada na kaya ang nakalipas, malamang ay ako na nga lang ang nakakaalala sa mga memories namin noon e. Kaya kailangan ko na talagang magmove on. Wala akong mapapala kung iisipin ko pa siya ngayon.
***
Present days.
Nasa mall ako at naghahanap ng ipangreregalo sa wedding anniversary nina mama at papa. Dumeretso ako ng deparment store. Nag-iikot-ikot pa ako ng bigla kong nakita ang isang batang babae na sa tingin ko ay nasa sampong taong gulang, mukha kasi itong naliligaw.
Nilapitan ko ang babaeng iyon.
"Bata, okay ka lang?"
Halos hindi siya sumagot sa akin at nakatitig lang.
"Nawawala ka ba?"
Tumango lamang ito.
"Kanina po kasama ko lang si Daddy at tumitingin ng damit, kaso po ay may tiningnan lang po ako dun sa malapit, tapos pagbalik ko, wala na po dun sa lugar si Daddy. Kanina pa po ako umiikot, halos hanapin ko na po siya sa buong department store, kaso hindi ko pa din po siya makita. Natatakot na nga po ako e."
"Okay. I will help you. Naalala mo ba kung anong kulay ng damit niya?"
"Opo. Nakapolo po siya na kulay blue."
"Pwedi mo bang idescribe ang mukha ng daddy mo?"
"Matangkad po si Daddy, chaka gwapo."
Halos mamula pa ako sa sinabi niya. Wow ah. Gwapo pala. Hindi naman ako magtataka. E ang ganda ng batang heto e. Mukhang manika.
Hinawakan ko ang kamay ng bata at inikot naming muli ang department store. Hinanap namin siya sa may bandang men's wear dahil base sa sinabi ng bata ay namimili ito ng kanyang damit.
Ilang minuto.sin kaming nagpaikot-ikot sa department store hanggang sa...
"Sab!" baritonong boses ng lalaki.
Lumingon kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses.
"Daddy." sabi ng bata sabay takbo sa kinaroroonan ng lalaki.
Halos manigas ako sa kinatatayuhan ko lalo na nung makita kong sino ang lalaking iyon. Hindi akonpweding mgkamali. Kahit halos dalawang dekada na ang lumipas ay hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon. Dahil never kong makakalimutan ang mukha ng bestfriend ko, ang mukha ng first love ko.
"Dice?"