Episode 13

1168 Words
Dice' POV Umuwi ako sa amin na basang-basa kaya naman hindi na ako nagtatako na kinabukasan ay masakit ang katawan ko at nilalagnat. Ilang araw din ako hindi nakakapasok sa school. Bigla kong namiss si Hannah.Dati kasi kapag hindi ako nakakapasok sa school ay dadalawin niya ako lalo na ngayon na may sakit ako. Pero mukhang malabo na puntahan niya ako dito. Malamang ay kasama naman niya si Bryan kaya ok lang kung wala ako. Hindi din dumalaw sa akin si Sarah. Anong klaseng gf siya? Ilang araw akong hindi pumapasok pero hindi man lang niya ako magawang dalawin dito.  Araw ng sabado non at nagkayayaan kaming magpapamilya na pumunta ng Mall at kumain doon, iyon lang din naman kasi ang bonding namin.  "Mauna na po kayo, mom. Punta lang po ako sa comfort room." "Okay, bilisan mo." Dumeretso ako sa comfort room at malayo palang ako doon ay nakita ko ang pamilyar na si Sarah. Alam ko siya iyon kahit nakatalikod ito. Ano ginagawa niya dito? Tapos nasa tapat pa siya ng comfort room na panglalake. Iyon ang namuong tanong sa isip ko. Ni hindi ko man siya dumalaw sa akin taoos makikita ko siya dito sa mall. Hindi ko siya kaagd tinawag pero mabilis akong lapitan siya. To my surprise ay may lalaking lumabas doon sa banyo at kaagad na umakbay sa kanya. Nainis ako bigla. Bakit siya nagpapaakbay sa lalaki?  "Let's go, love." sabi nung lalaki.  Nang mga sandaling iyon ay parang napatda ako. Love? Sila ba ng lalaking iyon at niloloko niya lamang ako. "Sarah." iyon ang sabi ko.  Sabay naman silang lumingon nung tawagin ko siya. Kita sa mukha ni Sarah ang pagkagulat nang makita niya ako.  "Dice? Anong ginagawa mo dito?" nauutal na sabi ni Sarah. "Love, kilala mo siya?" Sabat naman ng lalaki. "Oo, boyfriend niya ako!" sigaw na sabi ko sa lalaki. "Eh ikaw, sino ka? Bakit mo inaakbayan ang girlfriend ko?" "What? Boyfriend niya din ako." "Babe, I will explain." Nagalit din ang kasamang lalaki ni Sarah. Sa sobrang galit niya ay umalis iyo bigla at iniwan si Sarah. Hindi naman siya pinigilan ni Sarah. Bagkus ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Babe, sorry. Wala lang siya. Ikaw ang mahal ko." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.  "So totoo ang sinasabi ni Hannah na may lalaki ka?" Hindi ko mapigilan ang galit ko. Gusto ko nga siyang saktan pero pinigilan ko lang, isa pa hindi ako pumapatol sa babae.  "I'm sorry. Hindi na mauulit." "Alam mo ba dahil sa ginawa mo, nagkasira kami ni Hannah. Ang tanga ko dahil mas pinaniwalaan kita kaysa sa bestfriend ko." "Sorry babe." "Puro sorry ka nalang ba? Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mo ay nagalit sa akin si Hannah? "Hannah, Hannah, Hannah. Puro ka na lang ding Hannah. Akala mo ba hindi ko napapansin na may gusto ka sa babaeng iyan. Aaminin ko, ayoko sa kanya, nagseselos ako kapag kasama mo siya. Ginawa ko iyon para masolo kita. Kung marami na kayong pinagsamahan na dalawa, pwedi din nating gawin iyon. Mas higit pa sa ginagawa niya sa iyo ang gagawin ko." "At sino namang nagsabi sa iyo na mahihigitan mo siya? Hindi ikaw sa Hannah, at kailanman ay hindi mo siya mahihigitan dahil nag-iisa lamang siya. Walang wala ka sa kanya. Kaya umalis ka na baka hindi ako makapagpigil at kung ano pa ang magawa ko sa iyo. Maghiwalay na tayo." "Fine. Magsama kayong dalawa." Halos hindi ko na mapigilan ang maluha. Sobrang tanga ko bakit hindi ako naniwala sa bestfriend ko. Pakiramdam ko ay ang sama-sama ko. Ang dami ko ding sinabing masasama sa kanya dahil sa pagtatanggol sa sinungaling kong ex girlfriend. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat at mabalik kung anong meron sa aming dalawa ni Hannah.  Pinahid ko ang mga luha ko at hinarapan ang mga magulang ko na parang walang nangyari. Nagpaalam ako sa kanila na may pupuntahan ako. Balak kong puntahan sa bahay si Hannah para humingi ng tawad. Sana lang ay patawarin ako ni Hannah sa lahat ng nagawa ko sa kanya.  *** Nasa tapat na ako ng bahay nila, kanina pa ako nagdodoorbell pero mukhang wala namang tao. Hanggang sa may dumaan na isang babae.  "Hijo, wala ng tao diyan. Kahapon pa sila umalis." "Saan po sila pumunta?" tanong ko naman sa babae. "Ang alam ko, sa America ang punta nila. Doon yata ipapagamot yung anak nilang may sakit." "Ho?" halos nagulat ako sa sinabi ng babae. Sakit? Anong sakit? Bakit wala akong alam na maysakit si Hannah. "Ano pong sakit?"  "Yun ang hindi ko alam, hijo." "Okay po salamat." Umalis na ang babae at patuloy pa din ang pag-isip ko kung ano bang sakit ni Hannah? Wala naman siyang naikukwento sa akin. Chaka bakit sa amerika pa? Ganun ba kalala ang sakit niya para doon pa siya magpagamot? Nagtangka na akong umalis nang bigla ay nakita ko si Bryan. Nakatingin lang din ito sa akin. Wala akong balak na kausapin siya dahil baka mapaaway lang ako sa kanya. Hindi ko na siya pinansin pero bigla namn niya akong tinawag. "Dice." Hinarapan ko siya.  "Bakit may kailangan ka ba?" inis kong tanong sa kanya. "Baka ikaw ang may kailangan sa akin." sagot naman niya sa akin "Anong ibig mong sabihin?" "Wala na sa Pilipinas si Hannah. Hindi ka man lang ba curiois kung bakit pumunta siya sa Amerika?" Napaisip ako. So alam niya ang dahilan ng pag-alis ni Hannah.b "Bakit sila pumunta doon?" Napatawa pa iyo bago sumagot. Lalo tuloy akong nainis sa kanya. "Anong nakakatawa?," Tanong ko sa kanya.  "Akala ko ba close na close kayo ni Hannah? Akala ko ba beatfriends kayo? Pero ang dami mo palabg hindi alam tungkol sa kanya. Buti pa pala ako, alam ko lahat." Tuluyan na akong nang-init at bigla ko siyang hinawakan sa kanyang kwelyo.  "Anong hindi ko alam? Magsalita ka." "Bitawan mo ako!" bumuntong hininga naman ako at binitawan ko siya.  "Sabihin mo na." utos ko sa kanya.  "May sakit si Hannah." "Anong sakit? Ganun ba kalala para sa Amerika pa siya magpapagamot?" "Oo, dahil ooperahan siya." Halos nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Opera? Para saan." "Malubha ang kalagayan ni Hannah. Sa sobrang lala, baka ikamatay niya iyon." "Anong sakit niya?" "Congenital Heart Disease. Dinala siya sa Amerika para sa heart transplant niya." "Bakit hindi ko alam iyan?" "Hindi mo alam kasi makasarili ka at sarili mo lang ang iniisip mo. Kung alam mk lang kung gaano naging kiserable ang buhay niya dahil sa iyo. At kasalanan mo kaya siya ooperahan. Nung araw na magtapat siya ng pagmamahal sa iyo, sobrang emosyonal niya. Hinimatay pa nga siya e. Pero alam mo ang nakakatawa? Nung una ayaw niyang magpaopera. Alam mo ba kung bakit?" "Bakit?" "Dahil ayaw niyang ipapalit ang puso niya. Baka daw pag napalitan ang puso niya ay hindi ka na niya mahal, mas gugustuhin niya daw na mamatay na minamahal ka." Hindi ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Bryan. Ganun niya ba talaga ako kagusto?Bakit ba kasi naklpakamanhid ko at hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal niya sa akin. "Kaya ang hiling ko lang ay hayaan mo na si Hannah. Hayaan mo na siyang makapagbagong buhay na wala ka. Hayaan mo siyang maging masaya, pero hindi niya magagawa iyon kung nandyan ka. Kaya kung may malasakit ka sa kaibigan mo, set her free. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD