Episode 12

1022 Words
Napagising ang diwa ko ng marinig ko na may umiiyak. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at hindi pamiyar sa akin ang kwartong kinahihigaan ko. Dinako ko ang mga mata ko sa mga taong nandoon. Si mama iyon at si papa. Si mama ang naririnig kong umiiyak. Nilapitan nila ako nang makita nila na gising na ako.  "Baby, are you okay? May masakit ba sa iyo? Tell mama." Halos hindi mapakali si mama. "Nasaan po tayo?" iyon lang ang tanong ko. Dahil ang huli kong natatandaan ay hinahahatid ako ni Bryan pauwi. Pagkatapos non ay wala na akong maalala.  "Nasa hospital tayo. Sumumpong na naman ang sakit mo. Mabuti na lamang ay kasama mo yung kaklaae mo." Marahil ang tinutukoy nila ay si Bryan. Pilit kong inaalala ang mga nangyari non. Hanggang sa natandaan ko nga na sinumpong ako ng sakit ko.  Flashback... Pabyahe na kami dahil ihahatid ako sa bahay ni Bryan. Medyo nilalamig na din kasi ako dahil basa na ang uniporme ko.  "Are you okay?" tanong sa akin ni.Hannah.. Tumango lamang ako. "Uminom ka ba ng gamot kanina? Sa dami ng nangyari ngayon, kailangan mo iyon ngayon." "Wala naman masakit sa iyo?" Ngunit bago pa ako makasagot ay muli na naman sumikip ang dibdib ko. Kung kanina ay natitiis ko pa ngayon ay parang naging triple ang sakit. Halos habulin ko na din ang hininga ko. "Hey, Hannah, what happen?" "Hindi ako makahinga." "Dadalhin na kita sa hospital." Naramdaman ko na binilisan na ni Bryan ang kanyang pagdadrive.  "Malapit na tayo sa hospital kaya---" Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na sinabi niya dahil nawalan na ako ng malay. Katapusan ko na ba? End of flashback... "Nasaan po si Bryan?"  "Yung kaklase mo? Pinauwi ko muna, basa ang uniporme niya. Ganun ka din. Ano ba nangyari?"  Hindi ko pweding sabihin sa kanya ang tungkol sa aming dalawa ni Dice. Baka kasi magalit din sila sa kanya.  "Sorry ma, napagod po ako kanina e. Tapos nabasa din kami sa ulan." "Anak naman, sa susunod mag-ingat ka. Tsaka bakit iba kasama mo, nasaan si Dice?" Kinabahan ako bigla. Alam nila na madalas kong kasama noon si Dice. Pero hindi na ngayon. Hindi ko na din ksi naikukwento sa kanila na hindi na kami nagkakasama dahil si Sarah na gf na niya ang madalas nitong kasama. "May training po siya e. Kaya hindi ko po siya kasama." Nasa ganoong kalagayan kami nang pumasok ang doctor.  "Doc, kumusta anak namin?" si papa ang nagtanong.  "Nakaranas ka ba ng matinding stress, hija? lumala na ang kalagayan mo. Ang masasabi ko lang ay kailangan mo ng maoperahan sa lalong madaling panahon" "Doc, kung maooperahan po ba ang anak ko, gagaling siya." "Madali lang naman iyan misis, basta ang una nating magagawa ay maghanap ng heart donor na match sa kanya. Pero ang nakakalungkot ay wala pang kakayahan ang hospital namin dahil kulang kami sa kagamitan. I suggest na sa ibang bansa niyo siya ipaopera." Yun lang ang sinabi ng doctor at lumabas na ito.  Muli naman akong hinarapan ni Mama.  "Baby, may problema ka ba? Bakit nastress ka?" "Madami lang po ginagawa sa school ma. Pero okay na ako." "No you are not okay. Narinig mo ang sabi ng doctor, need ka ng operahan. At gagawin natin iyon." "Ma, ayoko po." tutol ko sa kanila.  "Magiging okay ka kung iyon ang gagawin mo." Halos maiyak na ako. Bakit kasi may sakit pa ako na ganito. Naiinis ako. Naiinis ako mismo sa sarili ko. Bakit? Dahil ayaw ko maopera. Dahil ang dahilan ko ay si Dice. Ayokong maipera at palitan ang puso ko. Ganun ko siya kamahal. Kahit yata ikamatay ko ang sakit kong ito ay masaya kong tatanggapin basta mamamatay ako na hindi nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Napakakorni ng dahilan ko pero iyon ang totoo. Ganun yata talaga kapag nagmamahal no? Nagiging tanga ka. Ewan ko ba kung anong gagawin ko para matauhan ako. Sobrang hirap ng sitwasyon ko, at halos mamatay na ako, siya pa din ang iniisip ko.  Kinabukasan ay narito si Bryan sa hospital. Ngayon na din kasi ang discharge ko.  "Okay ka na ba, Hannah?" "Ayos na ako no. Maakas na ulit ako." "Ang galing mo din magsinungaling no?" "Ah?" gulat kong sabi sa kanya. "Alam ko na ang kalagayan mo nabanggit na ng mama mo." "Wow. Close na kayo kaagad ni mama ah." "Seryoso ako. Bakit ayaw mo pang maopera?" Natigilan ako. Bakit ba lahat sila gusto akong maopera? Kung mamamatay ako, mamamatay ako. Yun lang iyon.  "Siya ba talaga ang dahilan? Hannah, kung mahal mo talaga si Dice, magpagaling ka tapos agawin mo siya sa Sarah na iyon. Ganun lang iyon. E paano mo siya makukuha kung patay ka na dahil dyan sa kamartiran mo." Parang sampal sa akin ang mga sinabi ni Bryan. Para ngang tabak ang mga salita nyang iyong dahil sobtlrang nasaktan ako. Muli ay umagos na naman ang mga luha ko. Mabuti na lamang ay nasa labas sina mama at papa.  "Ang tanga ko diba?" "Gusto mong marinig ang totoo? Oo tanga ka. Mas uunahin mo pa ba ang iba kaysa sa sarili ko? Sana man lang bago mo mahalin ang iba, mahalin mo muna iyang sarili mo. Tsaka bata pa tayo Hannah. Marami pang mangyayari. Kung hindi si Dice ang para sa iyo, may makikilala ka pa. Wag mong ikulong iyang sarili mo sa pagmamahal na baka hindi din naman kayang suklian ni Dice."  Napayuko lamang ako sa sinabi niya. Nahiya tuloy ako sa kanya. Ganon pala ako.  "I'm sorry, Hannah. Hindi ko intensyon na saktan ang damdamin mo." Heto na siguro ang gumising sa akin. Tama lahat ang sinabi ni Bryan. Lahat iyon katotohanan. Dapat talaga mahalin ko muna ang sarili ko bago ang iba. Kaya nakapagdesisyon na ako. Magpapaopera na ako. Mas maigi na din iyon. Para mapalitan na ang puso kong ito nang maialis ko na ang pagmamahal ko para kay Dice.  "Thank you, Bry, dahil lagi kang nandiyan. Nawala man ang pagkakaibigan naming dalawa ni Dice, ikaw naman ang nandiyan. Wag kang magsorry dahil tama lahat ng sinabi mo. Dahil sa sinabi mo, naliwanagan na ako. Magpapaopera na ako." Tila lumiwanag naman ang mukha ni Bryan.  "Talaga? Iyang ang best desicion na nagawa mo." Ready na ako. At ipinapangako ko sa sarili ko na kasabay ng pag-alis ng puso ko ay ang pag-alis ng pagmamahal ko sa best friend ko. Gusto ko kapag muli kaming nagkaharap. Magiging proud ako at sasabihin na "Kaibigan lang kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD