Angel’s POV
“Tapos Nung tinurok ko na sa kanya yun, Unti unting gumaling sya, at parang bumibilis yung pag galing nang sugat nya. Pero parang napansin ko lang, after nang ilang araw. Parang may kakaibang lakas na yung bestfriend ko. Kaya nyang tumalon triple nang kaya nang tao, Kaya nyang mapatupi yung bakal sa isang suntok nya lang, hindi pangkaraniwang bakal yun. At parang mas bumilis pa sya, At mabilis nyang maramdaman na may zombie.”
Ano? Yung antivirus, may side effect? Panung nangyari yun? Ang pagkakaalam ko lang, ayun yung may kakayanan na pumigil sa virus. Pero imposible yung sinasabi ni kent, ngayon ko lang narinig yun. At tsaka na infect na din si evan..pero nung naturukan ko sya wala naman akong napansin kay evan na kakaiba katulad nang mga sinabi ni kent.
Hindi ko talaga maintindihan yung mga sinasabi nya samin, tsaka si kuya din na infect pero wala naman nangyari sa kanya. Parang hindi ako naniniwala kay kent sa mga sinasabi nya. Pero kung iisipin.. San nya nakuha yung mga information na yun? Hindi naman pedeng mag imbento nalang sya without any reason, tsaka hello... bakit pa sya mag jo joke regarding dun sa nangyari sa kaibigan nya.
Napatingin ako kay evan. Parang hindi maganda yung nararamdaman nya. Pero nagtanong sya kay kent.
“M-mga ilang oras bago nangyari sa bestfriend mo yun? I mean… after sya mainfect.. ilang oras bago mo sya napansing nagbago?” sabi ni evan na parang kakaiba
“Hindi oras.. Araw.. Pero mga dalawang oras rin yun bago gumaling yung sugat nya… dalawa nga ba? Hmmmmm… sa pagkakatanda ko, nakagat sya nang 2 pm, tandang tanda ko yun kasi nakagat sya sa may tapat nang store nang relo. Tapos napansin ko na gumaling na yung sugat nya after nang dalawang oras, mga 4 pm yun. Kasi dun narin kami nagpahinga. Pero temporary lang. Bakit?” tanong ni kent na parang nagtataka
Tinaas ni evan yung pants nya tapos tinignan nya yung sugat nya sa binti, yung natusok nang spikes nang spiker, Nagulat ako kasi wala na yung sugat nya. Nagulat din sya at napatingin sakin. Nang biglang sumigaw si evan.
”AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!” sabay hawak nya sa binti nya at bigla nalang syang natumba.
“A-anong nangyayari kay evan? Bakit sya sumisigaw?” tanong ko kila ate
“T-teka… n-na infect ba si evan? Tapos naturukan nyo nang antivirus?” nagtatakang tanong ni kent.
Tumango nalang ako. At lumuhod kasi inaalalayan ko si evan. Pero may hindi maganda sa nangyayari, sumigaw si evan nang malakas. At hindi magandang gawin na sumigaw, naririnig ko yung mga ungol nang zombie. Naririnig ko na papalapit sila sa store.
“A-ate….” Takot na tawag ko kay ate
“Shhhh… wag kang maingay… tara tulungan natin si evan..”
Sabay tinulungan naming si evan na tumayo pero hindi nya magawa dahil sa sobrang sakit nang binti nya. Bigla namang may pumasok na zombie sa store. Nagulat kami kasi paparating na sila, at kitang kita namin na papunta sila samin.
“Oh my….. ”
ayun nalang ang nasabi ko. Tapos pinaputukan nila Luke yung zombie. Pero Sa sobrang dami, Halos maubos na yung bala namin. Dumadami sila at hindi naming kayang ubusin. Hanggang sa naubusan na nang bala sila ate, pati narin si kent. Wala naring bala yung pistol ni evan.Pati narin yung sakin. Hindi ko ine- expect na dito na pala matatapos ang lahat. Na dito kami mamamatay at magiging isa kami sa kanila. Hindi ko matanggap na hanggang dito nalang kami.
Hindi kaya nang machete, crowbar at axe na maubos silang lahat. Hanggang sa Makita ko nalang sila ate na nag hawak nalang nang kamay at si kent naman takot na takot at nakapikit nalang. Wala naring malay si evan dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nya.
Hinawakan ko nalang yung kamay ni evan. Dahil wala narin akong magagawa. Tinignan ko yung maamo nyang muka. Tapos hinalikan ko sya sa noo nya.Hindi ko napansin na tumulo nalang yung luha ko. Magkahalong takot at saya yung nararamdaman ko. Bakit? Takot ako kasi magiging isa na kami sa kanila, at Masaya naman ako kasi kahit sa huling oras, kasama ko sila. Yung natitirang pamilya ko. Habang nakatingin ako kay evan, napansin ko na parang gumagalaw yung mata nya. Pati narin yung mga daliri nya. Nang bigla nyang minulat yung mata nya na parang nag iba yung kulay, nagkulay pula.
Tsaka unti unting lumaki yung katawan nya. Yung damit na malaki sa kanya nang onti, naging fit na sa kanya. Nagulat nalang ako sa nakita ko at napaatras nalang ako sa kinauupuan ko. Bigla syang bumangon at tumingin sakin. At tumingin din sya sa mga zombie na papunta samin.
Miski ako, natakot kay evan, kasi nakakatakot yung tingin nya. Galit na galit sya at parang makikita mo sa muka nya, handa syang pumatay. Tumayo sya at kinuha yung machete at crowbar.
Si popo, Nagising din sya dahil sa mga ingay na narinig nya. Parang unti unting nagbago yung itsura nya, nagbago yung kulay nang mata nya, tapos bigla syang nag laway, tumalas yung mga pangil nya at tumingin sya kay evan. Sa nakita ko, para silang nag uusap sa isip, pero hindi ako sigurado kung ganon nga yung ginagawa nila.
Lahat kami nagulat kay evan pati narin sa aso nya. Tumakbo si evan papunta sa mga zombie habang hawak hawak nya yung armas, si popo naman, nilapa nya yung mga zombie, sa laki nang asong yun, pag tumayo na kasing laki na nya ung tao. Si evan naman, parang wala lang sa kanya yung mga ginagawa nya, tinataga nya yung mga zombie at tinatanggalan nya nang ulo. Pero may gusto akong ginawa nya, tinusok nya yung tyan nang zombie tapos tinaga nya yung ulo. Napaka brutal nilang mag amo. Habang ginagawa nila evan yun, kami naman nakatulala lang.
Ang bilis ni evan ay triple nang bilis nang normal na tao. Gulat na gulat ako sa nakita nang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na kayang gawin ni evan lahat nang yun. Parang napakadali lang sa kanya yung mga ginagawa nya. Napakarami nang zombie na yun, at imposibleng kaya nang iisang tao lang at isang aso na ubusin yun..
…Pero nagawa nila evan.
Nagawa nilang dalawa na maubos yung zombie.Yung ganong kakitid na space. Hindi ako makapaniwala. Naubos nila yun lahat, na kanina halos walang tigil ang pasok nang zombie sa store. Pero ngayon wala na. Nang maubos nila evan yung mga zombie, nakayuko lang sya at nakatalikod samin. Inaabangan ko na tumingin sya sakin. Pero hindi nya ginawa, nakayuko syang naglakad papunta samin. Si popo naman bumalik kung nasaan sya natutulog kanina at natulog ulit.
“E-evan……” Tawag ko sa kanya
“Bakit…..” Sagot nya nang mahina
“A-ayos ka lang?” Sabi ko
Tumango lang sya, na parang walang nanyari.
“Wala ka nabang itatanong?” tanong nya
“w-wala na…” takot na sabi ko
“Oh sige…. Tulog lang muna ako…”
sabi ni evan, pero bago sya matulog, pumunta sya sa entrance at binaba yung roller, Sinuntok nya yung mga gilid para hindi mabuksan nang kahit anong zombie. At bumalik sya sa pwesto nya kanina at natulog.