CHAPTER 18 - THE GEEK

1305 Words
Angel’s POV  Tinitignan ko lang sila ate na nag aaway, kitang kita ko kay kuya luke na talagang sincere sya sa mga sinasabi nya, sabagay… hindi ko naman talaga masisisi si ate kung bakit sya nag kaganon, siguro nga eh mahal nya talaga si kuya luke. Habang nag aaway sila, pinuntahan ko si evan at pinapanood sya habang natutulog. Nanaginip kasi sya nang hindi maganda kaya siguro hindi sya nakatulog nang maayos kagabi. Biglang napatigil sila kuya nang marinig namin yung kumakalabog sa bakal nang pintuan. Parang ang dami tapos parang binubuksan nila yung pintuan. Kinabahan ako nung narinig ko yun. Possible na zombie yun, kinakabahan ako kasi pag marami sila, wala kaming kawala kasi iisa lang yung entrance at exit. Hindi ko namalayan na nagising pala si evan dahil sa ingay, pinatabi nya agad ako at kinuha nya yung baril.  Yung aso naman namin, galit na galit at parang gusto nang lumapa. Pero parang may mali talaga, kasi parang alam nila kung pano buksan yung pinto nang hindi sinisira. Kaya nung inangat na yung bakal, tinutukan agad namin nang baril at handa nang barilin. “WOAH!!! Wag nyo kong barilin!” sabi nung lalaki “Te-teka… sino ka ba? Bakit ka nandito?” tanong ni evan “Uhm… di-dito ako nakatira eh… eh sino naman kayo?” “uhm… survivors din kami katulad mo.” “Hay… sa wakas!!! May makakasama na din ako papuntang safe zone!!! Ayos!!!” Nagulat ako sa narinig ko.. Safe Zone? Alam nya din yun? Aba… tuwang tuwa sya nang Makita nya kami, tapos niyakap nya ko bigla, ramdam ko yung hiya kasi..—eh……… hiya lang ako… ang gwapo kasi eh… “Ehem….EHEM!” Saka naman nag parinig si evan, aba muka yatang nag seselos tong isa. Hmmmm. After naman ako yakapin nung boy, kinamayan nya si evan at luke. Niyakap naman nya si ate. Hindi naman kaya tume take advantage na to. Pagkatapos nyang gawin yun. Nag pakilala sya samin. “Ako nga pala si kent. Nice to meet you po” kent? Oh gosh… ang cute nya  talaga, mistizo, tapos may dimples pa… Hay! Ano ba naman.. parang lumalabas na malandi ako. Konti lang naman. May baril din sya katulad namin. Kaso nga lang, para syang geek. Nakasalamin, tapos may bag. Pinuntahan agad ni Evan si kent. Tinataas nya yung sleeves ni kent, parang hinahanapan ni evan nang kagat si kent. “Te-teka… ano bang ginagawa mo kuya ?” “Tinitignan ko lang baka kasi may kagat ka nang zombie.. mahirap na” “Wag po kayong mag alala, hindi po ako infected” “ayos… sige.. ako nga pala si evan.. sya si ANGEL!---” Bigla nyang nilakasan yung boses nya nung sinabi nya yung pangalan ko. “—GIRLFRIEND KO! At ayun naman si devone, at ayon ang kuya ko si luke. Nice to meet you kent.” Aba… natatawa ako kay evan! Halatang halata na nag seselos sya. Ang cute nya palang mag selos... para syang bata na inagawan nang laruan. Haba talaga nang hair ko. Pero hindi maalis sa isip ko nang sinabi nya yung SAFE ZONE. Di kaya, alam nya yung papuntang safe zone? **** Evan’s POV Grrrr… badtrip naman to…. Bakit naman nya niyakap si angel? Anong gusto nyang palabasin? Mas gwapo sya kesa sakin? Badtrip talaga… Nakakapag taka naman tong si angel, parang gusto rin! Ay nako! Nasira ang umaga ko! Nagpakilala sya samin at ako naman nagpakilala din, pinakilala ko si angel bilang GIRLFRIEND ko, pati din sila kuya pinakilala ko din. Pero nagulat ako sa sinabi ni kent. “Hay… sa wakas!!! May makakasama na din ako papuntang safe zone!!! Ayos!!!” Alam nya yung safe zone? Sabagay, hindi lang naman kami yung mga survivors na nakaka alam kung ano yung safe zone. Ang problema nga lang eh mukang mahihirapan kami sa sitwasyon ngayon, lalo na’t nabawasan pa kami nang isa. Buti nga lang dumating tong lalaking to eh. Muka nga lang syang lampa. Medyo lang, pero we’ll see naman kapag napasabak na kami sa laban. “Teka lang, kent… a-alam mo kung saan yung safe zone?” tanong ni kuya “Opo….Kaso nga lang po.. hindi ako makapunta dun kasi mag isa lang ako..” Sabi na nga ba eh,… lampa to… tss… hindi nya kayang mag isa. Sabagay… sino naman kasing taong mag isang pupunta sa safe zone. Eh sa sandamukal na zombie na nakakalat sa daan, pwede agad syang mamatay. Siguro nga’t nag hahanap lang to nang makakasama. Parang ako lang nang una.  Takot. Pero natutunan ko na din na lumaban. Teka… ayos… may naiisip ako….yari ka sakin KENT! “Evan.. uy… bat ka natawa?” tanong sakin ni angel  ”ah… wala-wala yun… ” “Teka nga..  eh nasan naman yung pamilya mo? Wala ka bang kasama miski isa?” tanong ko “Wala.. kasi lahat sila namatay na. ako nga lang yung nakaligtas samin eh. Kaya eto.. dito nalang ako nag tatago” “ah,… ganun ba… teka.. anu naman yung laman nang bag mo?” “Ah eto.. laptop.. gumawa ako nang animated na way para makapunta dun sa safe zone, in short.. animated map”  “ah.. ayos ka din pala..” sabi ko  “eh diba alam mo yung safe zone? Eh di alam mo din kung saan yung fly over papunta dun?” tanong ni kuya "Wala na po kuya yung fly over, pinasabog na nang mga military, kasi pati yung fly over, sandamukal na rin nag zombie. Kaya gumawa ako nang map kasi may mga other way pa naman papunta doon, ang masama nga lang eh.. mas malayo pa dito. At ilang lugar pa yung dadaanan simula dito. “ sabi ni kent   Nilabas nya yung laptop nya, tapos pinakita samin yung ginawa nyang map. Tae.. haba pa pala nang lalakbayin namin para makapunta sa safe zone. “Una kailangan muna nating makapunta sa city, at doon palang, mahihirapan na tayo kasi kalat kalat na yung zombie doon, pag nalampasan natin yun, may madadaanan tayong Public market, pagkatapos nun.. Malayo pa ang lalakarin natin hanggang sa makapunta tayo sa Enchanted City. Kailangan nating makapunta doon kasi may nasagap yung radio ko na nag hahanap pa sila nang mga survivors. Marami silang survivors na nandoon, at maayos ang kalagayan nila. Pag katapos nun. Meron tayong makikita doon na underground na daanan.  At doon tayo dadaan, dahil ang labas nun ay safe zone na. At alam nila na may dumadaan don. Pero hindi kaya nang zombie na makapasok doon at tanging tao lang ang kayang makapasok doon sa entrance. Hindi ko alam kung pano, pero sigurado. Pag dating natin doon, malalaman natin kung pano ba.”  "Sigurado ka ba dyan kent? Hindi biro ang pag dadaanan natin.” “Sigurado ako.. kasi may nakadaan na doon at ngayon nandon na sya sa safe zone…”  Parang natahimik bigla si kent, napayuko nalang sya nang sinabi nya yun. Para bang nag hihinayang sya.  “Teka.. sino naman yun?“ tanong ni angel “Bestfriend ko… Naiwan kasi ako dito, at sya umalis, Plano talaga namin yun. Dahil sya lang yung may kakayanan na makapunta don nang mag isa. Napag usapan namin na kapag nakapunta sya sa safe zone, ipapasa nya sakin yung data kung saan sya dumaan. Kaya ko nagawa tong map na to.”  “Teka.. panu mo naman nasabi na sya lang ang may kakayanan na makapunta dun? Bakit? Hindi mo ba kaya?”  "Hindi naman sa hindi ko kaya, may nangyari kasi samin dati. Habang nag hahanap kami nang matataguan, biglang may sumugod sa kanya na zombie, at nakagat sya. Buti nalang meron kaming antivirus, nakita namin yun anti virus sa patay na doctor. Pano namin nalaman na antivirus? Kasi may description na kasama. Buti nga meron eh. Tapos Nung tinurok ko na sa kanya yun, Unti unting gumaling sya, at parang bumibilis yung mag galing nang sugat nya. Pero parang napansin ko lang, after nang ilang araw. Parang may kakaibang lakas na yung bestfriend ko. Kaya nyang tumalon triple nang kaya nang tao, Kaya nyang mapatupi yung bakal sa isang suntok nya lang, hindi pangkaraniwang bakal yun. At parang mas bumilis pa sya, At mabilis nyang maramdaman na may zombie.” Tumingin ako kay angel, at sya din napatingin din sakin. Kung totoo yung sinasabi nito ni kent. Hindi malayong kaya ko din yung mga sinabi nya. At kaya din ni kuya kasi sya nakagat din before at naturukan din sya nang anti- virus. Pero parang may nararamdaman ako ngayon. Hindi maganda.Parang…….. ”AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD